Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MARSO 24, 2021

ARALIN SA IKA-DALAWAMPU’T ISANG LINGGO:


ANG KASAYSAYAN NG APRIKA AT MGA URI NG
MAIKLING KUWENTO
Tayo ay naglakbay sa isang malayong lugar at ipinakilala ang angking
kasaysayan, ang bansang Aprika. May malawak na lupain at may malaking
populasyon ng mga Aprikano at Aprikana. Umaabot sa mahigit 1000 na wika mula
sa kanilang mga ninuno. Naniniwalang nagsimula sa Aprika ang mga unang
makabagong tao o Homo Sapiens at dito rin nagsimula ang kalakalan sa pagitan ng
mga Indian, Arabe at Aprikano. Sakop ng pagsasaka, pangangaso, pangingisda at
pangangalap ng pagkain ang kinikilalang buhay, natuto rin silang mag-alaga ng
hayop kaya nagkaroon ng lipunang pastoral. Ang bawat lungsod may sari-sariling
pinuno at batas, malaya silang mamuhay at sumamba sa anumang relihiyong nais.
Maikiling kwento, ito ay ginawa sa paraang masining upang manatili sa isip
at damdamin ng mambabasa. Nagpapatungkol sa buhay ng tauhan o lugar na
pinangyarihan. Kinikilalang “Ama ng Maikiling Kwento ng Ingles” si Edgar Allan
Poe, isang Amerikanong manunulat ng maikling kwento at mga tula. “Ama ng
Makabagong Maikling Kwentong Tagalog” naman kinilala si Deogracias Rosario,
naging tanyag rin siya bilang mangangatha, mamamahayag at isang makata ng
mga kilalang akda.
Mga uri ng maikling kwento:
1. Katutubong Kulay
- Maaring isang partikular na pook o tauhan na inilalarawan ang kanilang
pamumuhay, gawi, kaugalian at paniniwala.
2. Kapaligiran
- Nakatuon sa kapaligiran ang akda, maaring lugar na may taglay na
kasiyahan, kalungkutan, pangamba o pagkapoot.
3. Tauhan
- Binibigyang-pansin ang tauhang nagsipagganap
4. Banghay o kuwentong magkabanghay
- Sentro ng kwento ang pagkakabuo ng balangkas ng mga pangyayari at may
maayos na pagkakasunod-sunod.
5. Talino
- May suliraning kalagayan na hindi pangkaraniwan at ito ay umaakit sa mga
mambabasa dahil sa magandang pagkakabuo ng balangkas
6. Katatawanan
- Ang tanging layunin lamang ay magpasaya o magbigay-aliw
7. Kababalaghan
- Mga kuwentong kataka-taka o di kapani-paniwala na salungat sa wastong
kaisipan
8. Katatakutan
- Damdaming nakakatakot at nakakasindak ang diin sa akda
9. Sikolohiko
- Inilalarawana ng isipan ng mambabasa pati na rin ang suliraning inihaharap
10.Salaysay
- Walang katiyakang uri ng pagsasalaysay, ito lamang ay malaya
11.Apologo o Pagkikipagsapalaran
- Nagkabatay lamang sa buhay, pangyayari o paglalakbay ng pangunahing
tauhan sa kuwento
12.Madulang Pangyayari
- Isang mahalaga, madula at pambihirang pangyayari na nakapagpabago sa
kilos at isip ng tauhan, maaring suliraning hindi nalutas
Isang magandang pelikula o kuwentong may aral ang aming pinanood at binasa.
Nagpapatungkol ito sa kagandahang loob at pagmamahal ng isang tao sa hayop.
Kami ay binigyan ng takdang aralin upang maikompara ang panonood ng trailer at
pagbabasa, kung ano ang pinagkaiba at pagkakatulad ng dalawa.

Narito ang aking mga kasagutan:

You might also like