Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL

QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9

ARALIN 2:
PABULA
Targeted Most Essential Learning Competencies (MELCS)
 Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan
 Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos.
 Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin
 Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito
 Nagagamit ang iba’ ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin
Lesson Objectives
 Natatalakay at nasusuri ang nilalaman ang buod ng isang akda (Ang Puting Tigre)
 Naiaantas ang mga saita sa pamamagitan ng tindi ng kahulugan nito
 Nakabubuo ng sariling pagbubuod ng kuwento sa pamamagitan ng pagbabago sa karakter ng isang tauhan.
 Natutukoy ang mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin.

Aralin 2.1 Ang Puting Tigre

SUBUKIN (INITIAL TASK) Sagutin ang gawain sa sagutang papel.


Maglahad ng kaalaman tungkol sa mga hinihinging pahayag.

 Magbigay ng tatlong bagay na pumapasok sa isip mo kapag narinig ang bansang Korea.
 Magbigay ng dalawang bagay o lugar na nais mong makita sa bansang Korea.
 Magbigay ng isang tanong tungkol sa bansang Korea na nais mong hanapan ng sagot.

TALAKAYAN (DISCUSSION)
Alam Mo Ba?

Ang bansang Korea ay isa sa mga bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Ito ay dating tinatawag na Choson na
ang ibig sabihin ay “Lupain ng Mapayapang Umaga.” Sa kasalukuyan ay nahahati sa dalawa ang Korea, ang Hilagang Korea
at Timog Korea kung saan magkaibang ideolohiya at Sistema g pamahalaan ang naghahari sa dalawang bansa. Gayunpaman,
masasabing ang kanilang kultura at paniniwala ay hindi nagkakalayo. Ang mga bansang ito ay kapwa nagpapahalaga sa
pamilya kung saan ang kapakanan ng bawat kasapi ng mag-anak ang pinakamahalag higit sa ano pa mang mga bagay.

Sa mga sinaunang panitikan ng bansang Korea, hindi karaniwang makikita ang mga diwa, prinsesa, prinsipe, mga
witch, o mahika. Kadalasan , makikita rito ang mga hayop, lalo na ang tigre.

Sa pabulang iyong babasahin, ginamit ang karakter ng isang malakas at mabangis na tigre na siyang pambansang
hayop sa Timog Korea.

Ang Puting Tigre

Sa malayong lugar sa kabundukan ng Kumgang sa Korea may naninirahang mag-ina doon, siya ay naulila na sa
ama sapagkat ang kanyang ama ay hindi na bumalik sa kanilang tahanan mula ng ito umalis upang mangaso at hanapin
ang puting tigre upang ito ay paslangin.

Ang Tigre  ay naninirahan sa kabundukan ng Kumgang, ito ay malaki at mabagsik. Ang tigre ay mayroong
kasamang uwak na siyang nagtuturo dito ng mga bibiktimahin nito. Ang Tigre at ang uwak ay bumababa sa kabundukan.
Wala itong pinipiling bibiktimahin mapa hayop man o tao.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 1
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
Ang batang naulila ay lumaking may malaking galit sa tigre kung kaya ipinangako nito na kanyang papatyin ang
tigre upang ipaghiganti ang kanyang ama. Kung kaya ng ang batang lalaki ay tumuntong ng edad na labinlima. Ito ay
nagpaalam sa ina na kanyang papatayin ang puting tigre sa kabundukan. Pinayuhan nito ang anak na mag-isip muna.
Nangako ang lalaki sa ina na kaya niyang hanapin ang puting tigre. Pumayag ang ina sa isang kondisyon. Kailangan niya
magawa ang mga kakayahan ng kanya ama upang siya ay payagan nito. Nabigo ang anak sa unang pagsubok na
pinagawa ng kanyang ina. Kung kaya ang kanyang plano ay naudlot at kanyang ipinagpaliban. Kinakailangan niyang
magsanay. Sa loob ng tatlong taon ang lalaki ay nagsanay. Nang matapos ang kanyang pagsasanay ipinakita niya ito sa
kanyang ina, nagulat ang ina nakayanan niya itong gawin kung kaya sinabi uli nito ang isa pang kakayanan ng ama nito.
Sinubukan muli ng lalaki ang kakayanang ito ng kanyang ama ngunit siya ay nabigo kung kaya siya ay muling nagsanay ng
tatlong taon upang magawa ito. Sa kanyang pagbabalik sa ina, ipinakita niya ang kanyang kakayahan. Lingid sa kanyang
kaaalaman ang mga pinagawa sa kanya ng kanyang ina hindi naging kakayahan ng kanyang ama. Ginawa lang nito iyon
upang ang kanyang isipan ay mabago ngunit dahil sa kanyang pagpupursige ang mga kaalamang ito ay kanyang nakamit.
Walang nagawa ang kanyang ina kundi pumayag sa nais niya. Pumunta siya sa kabundukan.

Sa kabundukan nakilala niya ang isang matandang babae na nagpapatuloy ng mga mangangaso sa kanyang
tahanan. Siya ay tinanong nito kung ano ang kanyang pakay dooon at kanya sinabi ang pakay. Binalaan siya ng
matandang babae. Sinabi ng matanda na natatandaan nito ang kanyang ama at muli narinig niya sa matanda ang mga
kakayahan ng kanyang ama. Kung kaya ang binata ay nagsanay muli at bumalik sa matandang babae ngunit sinabi uli ng
matanda ang isa pang kakayahan ng kanyang ama. Kung kaya ang binata ay nagsanay muli at bumalik sa matandang
babae. Napagtagumpayan niyang magawa ang pagsubok na iyon. Kung kaya ang binata ay hindi na napigilan ng
matandang babae.

Matiyagang hinanap ng binata ang puting tigre. Isang araw habang siya ay kumakain mayroong isang pulubi ang
lumapit sa kanya upang humingi ng makakain at ito ay kanyang binigyan. Tinanong siya nito kung ano ang kanyang
pakay. Sinabi niya dito ang kanyang pakay. Sinabi ng pulubi na kayang kaya siyang paslangin ng tigre.

Ngunit desidido ang binata sa kanyang pakay , sinabi niya dito na kailangan niyang gawin iyon para sa kanyang
ama. Kung kaya sa huli pinayuhan siya ng matanda na maging maliksi at mapangmasid. Sinabi nito kapag nakakita siya ng
maliit na puting tuldok kinakailangan na barilin niya ito na walang mintis kung hindi masasayang lamang ang lahat ng
kanyang pinaghandaan.

Nagpatuloy ang binata sa paghahanap. Naramdaman ng Tigre na mayroon siyang kalaban.

Isang araw habang nag aabang ang tigre ng bibiktimahin. Nakita ng binata ang puting tuldok agad niyang binaril
ito. Pinuntahan niya ang kanyang binaril nakita ng binata ang nakahandusay na tigre. Agad niya itong pinatay. Doon
nakita din ng binata ang isang dalaga na walang malay. Dagli niya itong pinainom ng tubig. Nagulat ang dalaga at agad na
nagpasalamat sa kanya at ikinuwento kung paano siya napunta doon. Sa kanilang pagkwekwentuhan nakarinig siya ng
anas ng isang tao. Kanila itong pinuntahan. Nakita nila doon ang isang matandang lalaki sa isang sulok. Nalaman ng
binata na iyon pala ang kanyang ama. Puno ng galak ang binata at kanyang pinasalamatan ang panginoon. Kanyang
nasabi na kung iyong ninanais ka at pagsisikapan mo itong makamtan ay higit pa sa iyong inaaasahan.

Nagdiwang ang mga hayop sa kabundukan. Nagagalak sila sa nagawa ng binata. Hindi naglaon napa-ibig sa isat-
isa ang binata at ang dalaga. Sila ay ikinasal. Ang kanilang mga magulang ay naging saksi dito. Itinuro nila sa kanilang mga
anak ang naging karanasan nila sa Puting Tigre.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Sagutin ang gawain sa sagutang papel. (Ang Puting
Tigre)
1. Ilahad ang katangian ng binata sa Kuwentong binasa.
2. Saan niya nais magpunta nang magpaalam siya sa kanyang ina? Ano ang kanyang pakay?

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 2
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
3. Naging madali ba ang kanyang pag-alis patungo sa kabundukan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

GAWAIN 1 (Learning Activity) Mula sa Aralin 2.1


Iantas ang mga salita sa pamamagitan ng clining batay sa tindi ng emosyon o damdamin. Lagyan ng bilang 1 para sa
pinakamababaw na damdamin hanggang bilang 3 para sa pinakamasidhing damdamin. Sagutin ang gawain sa sagutang papel.

1. pananalasa pag-atake paghasik ng lagim


2. kapansin-pansin kamangha-mangha kahanga-hanga
3. paghahangad pag-aasam pagnanais
4. naagbabanta nagpapaalala nagbabadya
5. kinitil pinatay tinapos

GAWAIN 2 (Learning Activity) Mula sa Aralin 2.1


Maaaring napakasimple ng pabulang ito pero katulad ng ibang pabula naghahatid ito sa atin ng ang mga aral na
natin sa pang-araw-araw na buhay. Pagkakataon mo nang palalimin ang pabulang ito sa pamamagitan ng
pagbabago sa mga katangian ng tauhan at iba pang mahalagang bahagi ng pabula.

Isulat ang tauhang napili mong baguhin ang mga katangian at ipaliwanag kung bakit ganoon ang gusto mong
mangyari. Ilahad din ang pangyayaring nais mong baguhin at sabihin din kung bakit ganoon ang gusto mong mangyari. Sagutin ang
gawain sa sagutang papel.

Tauhan:
Katangian ng Tauhang Nais mong Baguhin:
Paliwanag:

Pangyayaring Nais Kong Baguhin:


Ang Nais kong Mangyari:
Paliwanag:

Aralin 2.2 Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula


TALAKAYAN (DISCUSSION)
Ang pabula na nagmula sa salitang Griyego muzos na nag ibig sabihin ay myth o mito ay nagsimula sa tradisyong
pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay binigyan ng ilang pagbabago
ng mga tagapagkuwento nang naayaon sa kultura o kapaligirang kanilang ginagalawan.

Si Aesop na isang Griyego at namuhay noong panahong 620 hanggang 560 BC ay itinuturing na ama ng sinaunang pabula
(ancient fables). Dito lumabas at nakilala ang kanyang taglay na talino galing sa pasulat at pagkukuwento. Tinatayang siya ay nakalikha
ng mahigit 200 pabula sa kanyang buong buhay. Marami pang ibang manunulat ang sumunod na sumulat ng pabula at nakilala rin dahil
sa kanilang mga likha. Kanilang sa mga ito sina Barius, isang manunulat ng koleksiyon ng mga pabulang nasusulat sa wikang Griyego;
Phaedrus na kinikilalang kauna- unahang nagsalin sa Latin ng mga pabulang hango sa mga pabula ni Aesop; gayundin sina Romulus,
Socrates, Phalacrus, at Planudes.

Ang mga pabula ay lumaganap na rin sa iba’t ibang bansa kabilang an gating bansa. Nagging laganp ito maging nang bago pa
dumating ang mga manankop. Sa mga tauhang hayop ng mga pabula masasalamin ang mga kayangiang taglay ng mga tao tulad ng
pagiging malupit, makasarili, mayabang , tuso, madaya, at iba pa. Itinuturo rin ng mga pabula ang tama, mabuti, makatarungan , at
makataong pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.

Aralin 2.3 Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

TALAKAYAN (DISCUSSION)

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 3
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
Maraming emosyon o damdamin tayong naramdaman habang binabasa ang pabula. Maaaring hindi pare-pareho sapagkat iba-
iba naman ang papanaw ng bawata tao. Mayroon ding iba’t ibang paraan ng pagpapahyag ng emosyon upang epektibo nating
maiparating an gating nararamdaman. Ang sumusunod ay ang iba’t ibang paraan ng pagpapahyag ng damdamin at emosyon:

1. Mga Pangungusap na padamdam - ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon.
Ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam (!).
Halimbawa: Ay nandyan na ang mabangis na tigre!
2. Maikling Sambitla – ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Yehey! Naku! Huwag! Lagot!
3. Mga pangungusap na Ngasasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao – kadalasan, ito’y mga
pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t manininuhang hindi gaanong matindi ang damdaming ipinahahayag subalit
maaari rin itong maging pangungusap na padamdam na nagsasaad naman ng matinding damdamin.
Halimbawa:
a. Kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng binatang sumalba sa aking buhay.
b. Pagtataka: Bakit hindi siya nagsasawang tumulong sa iba?
c. Pagkalungkot: Ikinalulungkot ko ang gnawa ng mabangis na tigre.
d. Pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng tao sa mahihina.
e. Pagsang-ayon: Tunay ngang nakabubuti ang pagsasama-sama.
f. Pagpapasalamat: Salamt sa iyong pagdating.
4. Mga Pangunusap na Pagpapahiwatig ng Dmdamin sa Hindi Tuwirang Paraan.
Halimbawa: Nakalulungkot isiping ang tauhan ay sumakabilang buhay na.
Kahukugan: pumanaw

GAWAIN 1 (Learning Activity) Mula sa Aralin 2.3


Piliin/ Suriin ang maikling sambitla sa bawat pangungusap at pagkatapos suriin kung anong emosyon o damdamin ang
pinalulutang sa pahayag.

1. Grabe! Nahilo ako sa dami ng taong dumating upang panoorin ang pagtatanghal. Sana hindi na lang ako nagpunta.
2. Aray, natapakan ang paa ko! May sugat ma naman ako.
3. Awwwwwww! Napakaganda ng kanyang ginawa.
4. Yehey! Ikaw ang nanalo
5. Ngek! Hndi iyan ang ibinabili ko.

GAWAIN 2 (Learning Activity) Mula sa Aralin 2.3


Gamitin ang nakatalang mga emosyon o damdamin sa pagsulat ng mga pangungusap tungkol sa
sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang gawain sa sagutang papel.

1. Damdamin: galit
2. Damdamin : lungkot’
3. Damdamin: pagkadismaya.
4. Damdamin: pagod sa sunod-sunod na balita sa pagtatalumpati.
5. Damdamin: tuwa dahil sa pagkakaroon ng itigl nan g pag-aabuso sa hayop.

REPLEKSYON: Sagutin ito sa sagutang papel.

1.Bakit kinagigiliwang basahin ang pabula hindi lang ng mga bata kundi maging ng mga nakatatanda?
2.Mula sa kuwentong binasa, bakit hindi dapat sumuko sa isang mabuting hangarin kahit maraming humahadlang dito?
Bilang isang mahusay na mag-aaral, paano mo maipakikita ang determinasyon mo sa buhay sa araling ito? Iugnay ito sa
mission at vision
Property of Northeastern ng paaralan.
Integrated School of San Agustin, Inc.
For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 4
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9

SAGUTANG PAPEL PARA SA ARALIN 2


PANGALAN:_______________________________________
ISKOR:____________BAITANG:_____________

SUBUKIN (INITIAL TASK) Magbigay ng kaisipan o ideyang may kaugnayan sa salitang wika

Mga gabay na tanong

Mga gabay na tanong

1.

2.

3.

GAWAIN 1 (Learning Activity) Mula sa Aralin 2.1Iantas ang mga salita sa pamamagitan ng clining batay sa tindi ng emosyon o
damdamin. Lagyan ng bilang 1 para sa pinakamababaw na damdamin hanggang bilang 3 para sa pinakamasidhing damdamin.

1. 2. 3. 4. 5.
GAWAIN 2 (Learning Activity) Mula sa Aralin 2.1Isulat ang tauhang napili mong baguhin ang mga katangian at ipaliwanag kung
bakit ganoon ang gusto mong mangyari. Ilahad din ang pangyayaring nais mong baguhin at sabihin din kung bakit ganoon ang gusto
mong mangyari.
Tauhan:

Katangian ng Tauhang Nais mong Baguhin:

Paliwanag:

Pangyayaring Nais Kong Baguhin:

Ang Nais kong Mangyari:

Paliwanag:

GAWAIN 1 (Learning Activity) Mula sa Aralin 2.3 Pilin ang maikling sambitla sa bawat pangungusap at pagkatapos suriin kung
anong emosyon o damdamin ang pinalulutang sa pahayag.

1.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 5
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
2.
3.
4.
5.

GAWAIN 2 (Learning Activity) Mula sa Aralin 2.3


Gamitin ang nakatalang mga emosyon o damdamin sa pagsulat ng mga pangungusap tungkol sa sumusunod na sitwasyon.
1. ______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

REPLEKSYON
1. ______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 6

You might also like