Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Bilang isang estudyante ng social work at sa kolehiyo ng gawaing panlipunan at pagpapaunlad

ng pamayanan (CSWCD), alam namin at laging tinuturo sa amin ang kahalagahan ng


sustainable development na hindi sumasbay sa agos ng development aggression na
pinalilipana ng kapitalismo. May bigat at lalim ding pinapaintindi sa amin ang konsepto ng
person-in-environment o ang koneksyon ng tao sa kanyang kapaligiran na makikitang isang
konsepto sa social work at social ecology.

Kaya naman, natuwa ako nang mabasa ang mga ideya ni Bookchin at kung paano niya inatake
ang kawalang kwenta ng mga inepektibong burukrasya at pagiging salot ng mga kapitalista at
kung paano nila pinapatay ang ating kalikasan. Masasabi rin na magandang naikonekta ni
Bookchin ang environmentalism at ecology sa politics dahil kadalasan ay depoliticized ito ng
mga kumpanya.

Sa konteksto natin sa Pilipinas, maraming mga maralitang lungsod sa kanayunan at maraming


mga lupang ninuno ang pinapatay upang pagkuhanan ng mga minerales at enerhiya na
gagamitin at pagkakakitaan ng mga imperyalistang bansa at mayayamang pamilya kagaya ng
mga Ayala at Aboitiz. Ang kanilang mga dahilan ay ito’y pakikinabangan ng mga taga-lungsod
ngunit makikita natin na ang mga resources na nakukuha dito ay napupunta rin sa sariling
interes at ang kapalit ng paglobo ng kanilang mga bangko ay ang pagpatay at pagpapalayas sa
ating mga katutubo sa kanilang mga lupain.

Totoong parasitiko ang kapitalismo at linta ang mga pulitiko’t kapitalistang sumisipsipat
unti-unting pumapatay sa ating mundo. Ibig sabihin, mahalagang bigyang matalas na suri kung
tunay nga bang kailangan natin ng centralized production o inefficient bureacratic measures na
nakapailalim sa sariling interes ng mga mayayaman ngunit kasabay ng pagkukuwestiyon dito ay
ang pagbibigay linaw kung paano masasalo ng alternatibo ang mga isyung iniwan ng neoliberal
na sistema.

Mahalagang sa kapalit na sistema ay makita natin kung gaano kapait ang iniwan nating epekto
sa kalikasan at kung ano ang maabot ng kapasidad kung wala ang mga panlipunang harang na
pumipigil sa kaunlaran.

Ngunit sa kabilang banda, paano tayo mapprotektahan ng anarkiya sa mga tira-tirang isyung
iniwan ng kapitalismo? Kaya siguro ay mas kumbinsido pa rin ako sa sosyalismo bilang
pampulitikal na oryentasyon dahil hinahangad nitong masalo ang kanyang mga nasasakupan
sa problemang dala ng kalikasan. Nandito ang mga institusyong gagabay at huhubog sa ating
mga kakayahan.

Kaya bilang mga mamamayan at estudyante, nakikita dapat natin ang responsibilidad ng
pagsusuri sa lipunan at ito ay babagsak at babagsak pa rin sa kahalagahan ng pag-o-organisa
at paglubog sa danas ng masa. Mahalagang iugnay ang kanilang responsibilidad sa
conservation at pangangalaga ng kapaligiran at iugnay sila sa malawak na hanay ng pakikibaka
laban sa mga hindi sustenableng mga pagkilos ng gobyerno at mga kumpanyang pera ang
iniisip.

You might also like