Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang positivism ni Durkheim ay nag-iwan ng marka sa kung paano inaaral ang disiplina.

Sa
social work, mahalaga ang scientific na paraan ng pag-aaral dahil kailangang naka-angkla sa
scientific explanations ang helping process at pagbuo ng intervention plans. Ang naging
kritisismo lang sa positivist approach ay mahirap i-summarize ang human context at kultura sa
simpleng pagtatala lamang ng mga datos at observations. Dito pumapasok ang tunggaliang
subjective at objective. Para sa akin, mahalagang balansihin ang paggamit sa dalawa bilang
mahirap gawing robotic o purely numbers lamang ang mga karanasan ng mga tao sa lipunan at
mahirap din namang iasa sa sariling lente at interpretasyon ang mga karanasan.

Kaya rin siguro maraming hindi naniniwala sa iba’t ibang teorya na mayroon sa social science
dahil kahit accurate ito para sa nakararami, marami pa ring instances na hindi ito ang totoo para
sa iba. Ito ang dibisyon ng natural at social science. Kaya kung titignan, mahalaga man ang
pagsusulong ng data-driven approach ni Durkheim dahil nagkakaroon ng legimitization ng
disiplina (marami kasing nagsasabi na pseudo-science ito), mahalagang iugnay pa rin natin ito
sa humanities at sa sining. Ang sobra sobrang data-driven na disiplina ay nagiging robotic at
nagiging devoid sa human interaction at emotion.

Sa social work, sinusulong ang kahalagahan ng paglubog sa lente ng inyong clients at ng mga
komunidad na pinagsisilbihan. Mas may pagka-interpretative kasi ang suri bilang kasama sila
sa pag-identify ng kanilang mga problemang kinakaharap at kasama sila sa pagbuo ng
intervention models na magreresolve sa mga isyung ito.

Kaya kung empirical ang gusto ni Durkheim, pupuwede ito dahil mas madali nitong masasalo
ang kolektibong pananaw dahil kokolektahin mo lang ang kanilang mga datos sa paraang
quantitative pero sa ganitong paraan ay mas madaling hindi makita ang kaso at isyung
kinahaharap ng minority. Madaling makabuo ng common theme pero hindi saklaw ang
individuality ng kanilang mga problema at hinaing.

Sa porma ng objective truth oriented na lipunan ay nakikita kong mas mahirap itong banggain.
Dahil sinabi na ang objective truth ay ang katotohanan at nilalayo nito ang usaping pwedeng
tunggaliin ang mga struktura ng lipunan. Ibig sabihin, mas tatanggapin na lang ng mga tao ang
social fact. Kung ang social fact ay kahirapan at kagutuman, mas mahihirapan itong waksiin ng
mga mamamayang apektado nito. At kung titignan, ito ang gustong ipasak sa ating isipan ng
mga hegemonic forces na nakaupo sa tore. Gusto nilang maniwala tayo na ito ang katotohanan
ng lipunan at wala tayong magagawa kundi sumunod sa kumpas ng abuso.

Pero kung mas maniniwala tayo na truth is relative, mas mapapadali ang pagkalaban sa
ganitong mga sistema dahil inuugnay natin ito sa pagiging unchallenged versions of truth kung
saan sila mas nakikinabang, mas nakikita natin ang katotohanan na kahit ang mga bagay na
objective daw ay subject pa rin sa changes o improvements.

Sa panghuli, nakakaakit mang isalalay ang lahat sa empirical data at sa positivist approach ay
mahalaga pa ring balansihin natin ang mga perspektibo dahil may mga boses at pananaw na
natatapakan ng nakararami.

You might also like