Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Mula sa mga militaristikong tugon ng ating estado, patungo sa kawalan ng tiwala ng mga tao sa

ating mga pampulitikang sistema at institusyon, nakikita at naihahalaw natin ang mga ideya ni
Machiavelli sa pulitika. Nakikita rin natin na hindi natin kailangan ng mga pulitikong walang puso
dahil sa tumitinding krisis sa pandemya, ekonomiya, at pulitika sa ating lipunan, dito tayo mas
nangangailangan ng mga lider na busilak ang puso at handang tumindig para sa karapatan ng
masa.

Ang mga ideya ni Machiavelli sa paraan ng pamumuno ay hindi makatao subalit hindi nito
sinisipat ang pangangailangan ng mga tao. Maikokonekta natin ito sa ngayon at ang
militaristikong tugon ni Duterte. Masasabi na para sa mga batayan ni Machiavelli, pasok na
pasok si Duterte sa mga nasabing pamantayan. May talas at walang puso para sa mga tao. Ito
ang lider na hinulma sa galit at poot at kailanman ay hindi makikitaan ng pakialam sa maralita.

Ito rin ang pinagmumulan ng mga militaristikong solusyon sa mga problemang kinahaharap ng
bansa. Kaya naman, kung batayan ng lider ni Machiavelli ang pag-uusapan ay makikita na natin
agad na ito’y hindi kanais-nais. Masasabi rin na may pagka-awtokratiko at patriyarkal ang mga
lider na uuusbong sa kawangis ng lider ni Machiavelli sapagkat sila ang mga karaniwang
matatapang at malalakas sa mata ng lipunan.

Bukod pa rito, ang political amorality na inuhaw sa ethics at kabutihan ang siyang nagiging
dahilan ng mga pulitiko upang abusuhin ang kanilang kapangyarihan at nasasakupan. Ito ang
naglulugmok sa atin sa mas pinatatagal na pandemya sa Pilipinas. Ang political amorality na
sinasabi ni Machiavelli ang dahilan kung bakit hindi nakikitang masama ang pagpatay sa mga
dissenter noong panahon ng Martial Law ni Marcos at ito rin ang pumatay sa mga tao ngayong
may War on Drugs. Ito ang epekto ng mariing paghihiwalay ni Machiavelli sa ethics at sa
pulitika, nawawalan ito ng bait at pagkakaroon ng pakialam sa buhay ng mga sibilyan.

Dagdag pa rito, dahil sumikat at nakilala ang “The end justifies the means” na ideya na sadyang
nagbibigay laya sa mga pulitikong magsinungaling at itago ang kanilang mga kabalastugan,
tuluyan ng nawalan ng tiwala ang mga tao sa mga sistemang pampulitikal kagaya ng ating
batas, constitution, at sa proseso ng pagboto at paghahalal sa mga bagong upo. Makikita na
dahil alam nila na ang pulitika ay pagpili na lamang sa “lesser evil”, nawalan na sila ng gana
makisangkot at mas patuloy na palalimin ang kaalaman sa gantong mga sistemang panlipunan.

Kaya bukod sa political amorality, mas dumami rin ang mga sibilyan na apolitical at apatetikong
mga nasa lipunan dahil nga mas maiging sumunod na lang at huwag magreklamo,
“pare-pareho lang naman kasi sila eh”.

Hindi ako sang-ayon kay Machiavelli, nakikita ko na mas kinakailangan natin ng mga lider na
maayos at handang tanggapin ang hamon ng paninilbihan kasama ang malawak na hanay ng
masa. Kinakailangan nating ibalik sa tamang kamay ang estado upang maibalik ang tiwala ng
tao sa pulitika at sa kanyang mga institusyon.

You might also like