Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

SILANO, ROTSEN S.

BEED III
GED 107

GAWAIN 5

Akda sa Panahon ng Himagsikan

Huling Paalam
ni Dr. Jose Rizal
(Salin ng Mi Ultimo Adios ni Gat Andres Bonifacio)

Pinipintuho kong Bayan ay paalam


lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan
kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw.
Masayang sa iyo’y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay akin ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba’y ang buhay na kipkip;
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.
Saanman mautas ay di kailangan,
sipres o laurel, liryo ma’y putungan,
pakikipaghamok at ang bitayan
yaon ay gayundin kung hiling ng Bayan.
Ako’y mamamatay ngayong namamalas
na sa silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakaylangan
na maititina sa iyong liwayway,
dugo ko’y isabog at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.
Ang aking adhika sapol magkaisip
nang kasalukuyang bata pang maliit
ay ang tanghalin ka at minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Natuyo ang luhang sa mata’y nunukal,
taas na ang noo’t walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid mang dungis niyang kahihiyan.
Sa kabuhayan ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka, ang hiyaw ng diwa
paghingang papanaw ngayong bigla-bigla.
Ikaw’y guminhawa laking kagandahang
ako ay malugmok at ika’y matanghal
hininga’y malagot, mabuhay ka lamang,
bangkay ko’y masilong sa ‘yong kalangitan.
Kung sa libingan ko’y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo’y mangyaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.
At sa aking noo nawa’y iparamdam
sa lamig ng lupa ng aking libingan
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
Bayaang ang buwan sa aki’y ititig
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki’y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung saka-sakaling bumabang humantong
sa krus ko’y dumapo kahit isang ibon,
doon ay bayaang humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula’y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit nang buong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sinuman sa katotong giliw
tangisan maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin Bayan yaring pagkahimbing.
Idalanging lahat yaong nangamatay,
nangagtiis hirap na walang kapantay,
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian
Ang mga nabao’t pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa,
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.
At kung sa madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga’t
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain
kaipala’y [dinig] doon ang taginting,
tunog ng gitara’t salteryo’y magsaliw,
ako, Bayan, yao’t kita’y aawitin.
Kung ang libingan ko’y limot na ng lahat
at wala nang kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa’y asarulin at kanyang ikalat.
Ang mga buto ko ay bago matunaw
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latak ay bayaang
siya ang bahalang doo’y makipisan.
Kung magkagayon na’y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagkat himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo’y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dinig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit n’yaring hirap,
Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya’y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako’y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo’y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.
Pagpasalamatan at napahinga rin,
pa’lam estrangerong kasuyo ko’t aliw,
paalam sa inyo mga ginigiliw,
mamatay ay siyang pagkakagupiling.
Tagalog
Isinulat ni Andres Boniacio

ITONG Katagalugan, na pinamamahalaan noong unang panahon ng ating tunay na


mga kababayan, noong hindi pa tumutuntong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay
nabuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapitbayan
at lalung-lalo na ang mga taga-Hapon, sila ay kabilihan at kapalitan ng mga kalakal,
malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kayat dahil dito'y mayaman ang
kaasalan ng lahat. Bata't matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at
sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog.
Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakikipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat
na diumano, tayo'y aakayin sa lalong kagalingan, at lalong imumulat ang ating kaisipan,
ang nasabing nagsipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa
paghibo.Gayon man, sila'y ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga Tagalog na
sinasaksihan at pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang
panunumpa na kukumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao'y
inihalo't ininom nilang kapwa , tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na hindi
magtataksil sa pinagkayarian. Ito'y siyang tinatawag na Sandugo (1) ng Haring Sikatuna
at ni Legaspi na pinakakinatawan ng hari sa Espanya.(2)
Buhat nang ito'y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong dantaong mahigit na ang
lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan; ating pinagtatamasa at
binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan. Ginugugol natin ang
yaman, dugo at sampu ng buhay sa pagtatanggol sa kanila; kinakahamok natin sampu
ng tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila ay pasakop, at gayon din
naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at mga Olandes na nagbalak na umagaw sa
kanila nitong Katagalugan.
Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang
kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang
kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating paggugugol? Wala kundi pawang
kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala. At ang mga pagtupad sa kanilang
ipinangakong tayo ay lalong gigisingin sakagalingan? Bagkus tayo'y binulag, inihawa
tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating
Bayan. Iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng
kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan.
At kung tayo'y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan
ay ang tayo'y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal na mga anak, asawa at
matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay
itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng malahayop
na kabangisan.
Ngayon, wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan. Ngayon, lagi
nang ginagambala ang atingkatahimikan ng umaalingawngaw na daing at
pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, balo't mga magulang
ng mga kababayang ipinanganyaya (3) ng mga manlulupig na Kastila.
Ngayon, tayo'y malulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak,
sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan, na ang bawat patak ay katulad
ng isang kumukulong tingga na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong
nagdaramdam. Ngayon, lalo't lalo tayong nabibilibiran ng tanikalang nakalalait sa bawat
lalaking may iniingatang kapurihan.
Ano ang nararapat nating gawin?
Ang araw ng katwiran na sumisikat sa Silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga
matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya'y
tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga kukong nag-akma ng
kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal.
Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo't lalong kahirapan,
lalo't lalong kataksilan, lalo't lalong kaalipustaan, at lalo't lalong kaalipinan.
Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa
ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari.
Itinuturo ng katwiran na tayo'y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating
kabuhayan.
Itinuturo ng katwiran na tayo'y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo'y
magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan.
Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri,
may hiya at pagdadamayan.
Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral
na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na
ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagmulan ng kanilang mga kahirapan.
Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay tumutuntong tayo at
nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa atin ay inuumang ng mga kaaway.
Kaya, O mga kababayan! Ating idilat ang nabulag na kaisipan, at kusang igugol sa
kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa
minimithing kaginhawahan ng bayang tinubuan.
Talumpati
ni Gat Andres Bonifacio sa Gabi ng Pagkakatatag ng KKK ng mga Anak ng Bayan

Nabalitaan agad ni Andrés Bonifacio ang pagdakíp cay Rizal. Hindî panglulumó ang
pumasoc sa loob niya sa cahambalhambal na nangyari; cung dî sa bugsô ng ̃ matindíng
hápis sa pagyurak sa capurihán at catuwíran ng̃ inapíng capatíd, ay sumibol sa
canyang pusò ang maalab na hang̃ad na ihayin ang buhay sa pagwawacsì ng̃
capangyarihan ng̃ Españang gumawa ng̃ gayong calaitlait na calupitan sa mg̃a
mapagtiís na anác ng̃ Filipinas. Pagcabalità niyá ng̃ pagdakíp cay Rizal; pagcatapos ng̃
sandalíng pag-iisip ísip, ng̃ araw ding iyon, icapito ng̃ Julio ng̃ 1892, ay canyang
inanyayahan sa pagpupulong na lihim si na guinoong Deodato Arellano, Briccio Pantás,
Teodoro Plata, Valentin Díaz, Ladislaw Diwà at José Dizon. Hindî naluatan at dumaló
ang mg̃a guinoong ito, na pinagsabihan ni Andrés Bonifacio ganitó ó cawang ̃is nitong
pananalità:

Mg̃a Capatid:"
"Tayo'y di mg̃a pantás, caya hindî mariring̃al na talumpatî at dî maririkit na sulat ang
ating idaraos; sa gawâ natin daanin: ang catubusa'y hindî nacucuha sa salita ó sa sulat;
kinácamtan sa pagsasabog ng̃ dugô."
"Talastas na ninyo ang calupitáng guinawâ sa ating capatid na si Dr. Rizal, iya'y
maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo macaliligtas sa caalipnan
cung dî daraanin sa pakikibaca."
"¡Sucat na ang pagpapacababà! ¡Sucat na na ang pang̃ang̃atuwiran! ¡Nang̃atuwiran si
Rizal ay hinuli pagcatapos na mapag-usig ang mg̃a magulang, capatid, kinamag-
anacan at cacampí!"
"¡Sucat na! Papagsalitain natin naman ang sandata! ¿Na tayo'y pag-uusiguin,
mabibilango, ipatatapon, papatayin? Hindî dapat nating ipanglumó ang lahat ng ̃ ito,
mabuti pa ng̃a ang tayo'y mamatay cay sa manatili sa pagcabusabos."
"At ng̃ maganap natin ang dakilang cadahilanan ng̃ pagpupulong nating ito'y ating
maitayô ang isáng malacás, matibay at macapangyarihang catipunan ng ̃ mg̃a anác ng̃
Bayan."
"¡Mabuhay ang Filipinas!!!"
Sumang-ayong waláng alinlang̃an ang mg̃a capulong, at ng̃ gabí ring yaong ica 7 ng̃
Julio ng̃ 1892 ay nátatag ang Kataastaasan Kagalang galang Katipunan ng ̃ mg̃a Anac
Bayan.
Dinaíg ng̃ pananampalasan ni Despujol ang lahát ng̃ mg̃a sinulat ni Rizal, Marcelo H.
del Pilar, Mariano Ponce at iba pang macabayang filipino; salamat sa
pananampalasang iya'y napucaw ang púsô mg̃a Anac-Bayang pagwaray-warayin ang
capangyarihang umaalipin.
At sa cagalinggaling̃an ang palacad ng̃ asal ng̃ nang̃apapanig sa Katipunan: "Gumawâ
ng̃ gumawâ ng̃ waláng imíc", cabaligtarán ng̃ maraming capisanang. "Salitâ ng̃ salità'y
walà ginagawâ." Hindî nagluat at libolibong filipino ang umanib sa Katipunang iyon.

IMPRESYON SA AKDA:
Ang tulang ito na isininulat ni Dr.Jose Rizal ay hindi lamang noong gabi bago siya
bitayin ay hindi lamang upang mamaalam sa kanyang mga naiwang mahal sa buhay,
ito ay pamamaalam sa kanyang mga mga kababayan at sa mismong Inang Bayan.Ang
tula ito ay may nais iparating na mensahe hinggil sa pagbubuwis ng buhay para
sabayang Pilipinas. Nais ni Dr.Jose Rizal iparating na ang mamamatay para sa bayan
ay may dulotna kaginhawaan, para sa mga henerasyong magmamana nito, nais niyang
maging aral ito sa atin upang mamulat at huwag matakot manindigan at magbuwis ng
buhay para sa Bayan. Para kay Dr.Jose Rizal, ang mamatay para sa bayan ay isang
malaking karangalan at isa sa pinakamagiting na paraan ng pagpapakita ng
pagmamahal sa Inang Bayan, hindi dapat ito pinagsisihan sa halipay maging hamon at
inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino na mahalin at paglingkuran ang bayanng walang
pag-aalinlangan.“Ikaw’y guminhawa laking kagandahang Ako’y malugmok at ikaw ay
matanghal,Hininga’y malagot, mabuhay ka lamangBangkay ko’y maisilong sa iyong
kalangitan”Ang mga linyang ito ay lubos na nagmarka sa aking isipan. Ang
magsakripisyo ng buhay para sa tunay na kaginhawaan at kalayaan ay bayan ay isang
malaking pagpapasya ng pagpapatunay na ang iyong landasin ay hindi makasariling
interes kundi para sa inaaping nakararami. Buhay at kamatayan ang katumbas ng
pagpukaw at pagmumulat sa isang bayang nakagapos sa kamay ng mga dayuhan at
kasapakat nito, ngunit mas pinili pa rin ni Dr.Jose Rizal ang landas ng kamatayan
sapagkat alam niyang kung mamamatay man siya, siya ay namatay ng may kabuluhan
pagkat ito ay para sa bayan, mamatay siya sa lupang sinilangan ng may karangalan at
may naiwang aral ng nasyunalismo at pagiging makabayan, namatay man siyang hindi
pa nakakamit ang adhikaing lumaya sa pang-aapi ng mga kolonyalista ay alam niyang
may magpapatuloy nito. Namahinga ang katawang lupa ni Dr.Jose Rizal ngunit hindi
ang adhikain ng pagiging makabayan at hangaring lumaya. Ang mamatay ay
pamamahinga ngunit hindi ibig sabihin nito ay pagtigil. Ang huling paalam ni Dr.Jose
Rizal ay pamamaalam at pahamon sa Inang Bayan at sa Sambayanang Pilipino, ito ay
pamamaalam ng isang propagandista at simula rin naman ng diwang makabayan ng
mga makakabasa.

Noong unang panahon na hindi pa dumating ang mga kastila ay masasagana at


maginhawa pa ang buhay ng mga Pilipino. May magagandang asal, matanda man o
bata, may respeto sa bawat isa at may sapat na kaalaman o marunong nang bumasa’t
sumulat ng wikang tagalog. Ngunit noong dumating ang mga kastila na dumulog at
nakipagkaibigan at nakipaghikayat sa pamamagitan ng kanilang mga magagandang
salita para ma-inganyo at para makuha ang loob ng mga Pilipino. Nangakong bigyan ng
sapat na kaalaman upang mas lalong malinang ang kagalingan at mamulat ang
kaisipan ng bawat Pilipino. Sa pagdating ng panahon na nagkaisa ang mga Kastila at
mga Pilipino ay gumawa sila ng isang kasunduan sa pamamagitan ng pagkuha ng
kaunting dugo sa bawat isa at hinalo bilang tanda ng pakikipagkaibigan at katapatan na
di magtataksil sa pinagkasunduan, na ginawa ni haring Sikatuna at Legaspi na haring
Espanya. Sa loob ng 333 taong napakikipagsunduan ay saglit natamasa ang
kaginhawaan at kasaganaan kahit maranasan man ang kahirapan. May mga Pilipino
mang sumanib sa mga kastila, ay mayroon pa ring mga Pilipino na ayaw sumapi sa
mga kastila sa pamamagitan ng pakikipaghimagsikan. Sa mga ginawa nating hirap at
pagod ay wala pa rin tayong nakamtang kalayaan at walang mga pangakong natupad
kahit ni isa kundi pawing mga kasinungalingan at pagtataksil ng mga kastila. Tulad ng
pangakong na mas lalo tayong paunlarin ngunit tayo’y binulag at inilayo sa
magagandang asal na natutunan natin noong hindi pa sila dumating. Nang sa
panahong tayo’y humingi ng tulong at kaunting pansin, ang ginagawa nila ay itapon
tayo sa malayo at ilayo sa mga mahal natin sa buhay. Ang mga gusto nating gawin o
kailangan ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at walang awang
pinaparusahan. Yaong walang maituturing na katahimikan sa ating bayan dahil sa mga
hinagpis ng mga magulang na nawalan ng mga anak dahil sa pagtatanggol sa bayan,
sa pang-aabuso, pagmamaltrato at higit sa lahat pang-alipin ng mga kastila sa mga
Pilipino. Dumating ang panahon na namulat ang isipan ng mga Pilipino sa katotohanan.
Una, huwag ipaubaya an gating kinabukasan sa mga taong nangangakong
kaginhawaan na kahit kailan ay hindi mangyayari. Pangalawa, dapat magtiwala tayo sa
ating mga kakayanan, talento at magsikap ng mabuti para sa ikabubuhay, huwag
tayong umasa sa iba. Pangatlo, dapat tayong magkaisa para labanan ang masasamang
naghahari sa ating bayan. Dapat nating ipakita sa kanila na may puso din tayo na
nasasaktan, nakakaramdam ng hiya, hinagpis at higit sa lahat takot, kaya ngayon ang
tamang panahon na gamitin ang mga magagandang asal upang mapukaw ang mga
maling paniniwala. Panahon na para mabatid o malaman ng mga Pilipino kung ano ang
sanhi o dahilan ng kanilang paghihirap na dinanas sa kamay ng mga kaaway. Kaya
mga kababayan kung Pilipino dapat na magising sa katotohanan at kusang loob na
ipagtanggol ang kalayaan ng ating mahal na tinubuang bayan.

Ang pangatlong akda na naisulat sa panahon ng himagsikan na pinamagatang


“talumpati” na isinulat ni Andes Bonifacio ay patungkol sa naging damdamin ni
Bonifacio noong araw na nalaman niya na dinakip si Jose Rizal ng mga mananakop.
Damang-dama ko ang hinagpis ni Bonifacio dahil tila sobra na ang kalupitan ng mga ito.
Kaya naman ay nagpatawag siya ng pagpupulong ng sa gayon ay matapos na ang
kalupitan at pagmamalabis ng mga dayuhang ito.
Akda sa Panahon ng Amerikano

FLORANTE AT LAURA (Francisco Baltazar)

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa


may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay
makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng
masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay
nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na
kalagayan ng bayan niyang mahal.
Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang
Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang
leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang
dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante
hanggang sa muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng
kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang
kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-
aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang
kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro
sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang
paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng
sinisinta niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro,
pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng
mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas
si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban
sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa.
Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni
Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong
Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay
Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang
kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap.
Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si
Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa
may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo,
pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang
madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at
pagdadala sa gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan
ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa
Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at
pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

ANG LUMANG SIMBAHAN


Ni: Florentino T. Collantes
I.
Sa isang maliit at ulilang bayan
Pinagtampuhan na ng kaligayahan
Ay may isang munti at lumang simbahang
Balot na ng lumot ng kapanahunan;
Sa gawing kaliwa, may lupang tiwangwang
Ginubat ng damo't makahiyang-parang,
Sa dami ng kurus doong nagbabantay
Makikilala mong yaon ay libingan.
II.
Sa gawing silangan ng simbahang luma
May isang simboryong hagdanan ma'y wala,
Dito ibinitin yata ng tadhana
Ang isang malaki't basag na kampana;
Ito raw'y nabasag anang matatanda
Noong panahon pa ng mga Kastila,
Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma
Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa.
III.
Sa lumang simbaha't sa kampanang basag
Ay may natatagong matandang alamat,
May isang matanda akong nakausap
Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat;
Ang Lumang Simbaha'y nilimot ng lahat,
Pinagkatakutan, kay daming nasindak
Umano,kung gabi ay may namamalas,
Na isang matandang doo'y naglalakad.
IV.
Ang suot ay puti may apoy sa bibig,
Sa buong magdamag ay di matahimik,
Ngunit ang hiwagang di sukat malirip,
Kung bakit sa gabi lamang na mamasid
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik
Ang matandang ito’y hindi raw masilip,
Ngunit pagdilim na't ang gabi'y masungit
Ano't ang simbahan ay lumalangitngit?
V.
Magmula na noo'y pinagkatakutan,
Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan;
Saka ang isa psng baya'y gumimbal,
Ang kampanang basag na bahaw na bahaw
Kung ano't tumunog sa madaling araw,
At ang tinutugtog agunyas ng patay;
Saka nang dumating ang kinabukasan
May puntod ng libing sa harap ng altar.
VI.
Lumaki ang ahas sa mga balita'y
Lalong di pinasok ang Simbahang Luma,
Kung kaya ang hindi mkurong hiwaga'y
Nagkasalin-salin sa maraming dila,
Hanggang may nagsabing sa gabing payapa
May mgs hinaing doon nagmumula
Tagpoy ng maysakit na napalubha.
Himutok ng isang pananaw sa lupa.
VII.
Ngunit isang gabi ay may nagmatapang
Nag-isang pumasok sa lumang Simbahan;
Datapwa't hindi pa siya nagtatagal

Karimot ng takbong nagbalik sa bahay,


Saka namalitang nagkakandahingal:
"Ako po'y mayroong multong natagpuan,
Ang suot ay puti at nakabalabal,
Gayong binaril ko'y ano't di tinablan."
VIII.
Lalo nang nag-ugat sa bayan ang lagim;
Ang Lumang Simbaha'y ayaw nang pasukin;
Taong naglalakad sa gabing madilim.
Ni ayaw sumagi, ni ayaw tumingin.
Pati nang naroong sakdal gandang Birhen,
Wala ni sinumang pusong manalangin;
Kaya't sa simbaha'y wala nang pumansin
Tulad ng ulila't tiwangwang na libing.
IX.
Ngunit isang gabing kadilima'y sakdal,
Ang simbahang Luma'y ano't nagkailaw
May isang binata't isang paraluman
Na nangakalunod sa harap ng altar.
Ang dalawang ito ay magkasintahang
Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal,
Kaya't ang dalawa'y dito nagtipanang
Sa harap ng Birhen ay magpatiwakal.
X.
Ang ama raw nitong magandang dalaga
Kung sa kayamana'y walang pangalawa.
Ang binata nama'y isang magsasaka,
Mahirap, kung kaya aayaw ng ama.
Ngunit sa babaing tapat ang pagsinta
Ang yaman sa mundo ay walang halaga,
Kaya't nagkasundong magpatiwakal na

Sa langit pakasal, doon na magsama.


XI.
Sa harap ng birhen ang magkasing-liyag
Ay nagsidaling luha'y nalalaglag;
Matapos ang dasal, dalawa'y nagkayakap
Sa pagmamahala'y parang pahimakas.
Dalawang sandatang kapwa kumikislap
Ang sa dibdib nila'y kapwa itatarak;
Yayamang sa lupa'y api ang mahirap.
Sa langit na sila magiisang palad.
XII.
Ngunit ang binata ay may naisipan
Bago nagkasundong dibdib ay tarakan,
Ay humukay muna sa harap ng altar,
Saka sa gagawing malalim na hukay
Ay doon na sila magsamang mamatay;
Kung mamatay silang wala sa libingan
Baka kung ibaon ay magkahiwalay.
XIII.
Humanap ng palang panghukay sa lupa
Itong sawing-palad na aping binata;
Habang humuhukay ang kaawa-awa
Sa habag sa sinta'y nanatak ang luha.
Ngunit ano ito? Kaylaking hiwaga!
Ang nadukal-dukal mga gusing luma,
Saka nang iahon, oh! Laking himala
Puno sa salapi at gintong Kastila!
XIV.
Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan
At nalimot tuloy ang magpatiwakal;
Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang.

Oh, daming salapi! laking kayamanan,


Libo’t laksa-laksa itong natagpuan,
Kaya’t sa malaki nilang kagalakan
Lumuhod sa Birhen at nagsipagdasal.
XV.
At sila’y umuwi pasan ng binata,
Nagkakayang-uuyad sa malaking tuwa …
Ang Lumang Simabahan ay ipinagawa,
At ipinabuo ang kampanang sira;
At saka nagdaos ng pistang dakila,
Tugtog ng musiko’y sampung araw yata
Inalis ang takot sa puso ng madla
Ang inihalili’y saying di-kawasa.
XVI.
Sa ginawang bago na Lumang Simabahan
Ang magkasing ito ang unang nakasal;
Nang sila’y lumuho sa harap ng altar
Ang lahat ng tao’y nagsipagdiwang;
Dito na nabatid ng takot na bayan
Ang simbahan pala ay pinagtaguan
Ng isang matandang puno ng Tulisan
XVII.
Na may ibinaon doong kayamanan.
Ngayo’y din a takot kundi saya’t tuwa
Ang madudulang mo sa Simabahang luma,
At sa Birhen doong kay-amo ng mukha, Oh!
Kayrami ngayong nagmamakaawa.
Ito’y katunayan: Anu ano mang gawa,
Dapat isangguni muna kay Bathala,
Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.

Kung Mamili ang Dalaga


by Julian Cruz Balmaceda

Nang may labinlimang Disyembre pa lamang


ang dalagang aking naging kaibiga'y
ganito ang laging kanyang bulay-bulay
"Pagka't ang ganda ko'y di pangkaraniwan
ay pipili ako ng isang liligaw na
bata, makisig, mabait, mayaman."

Nang dumalawampung taon ang dalaga


at ang pinipili'y di pa rin makita'y
ganito ang kanyang nagunita tila:
"Hindi kailangan kundi man pustura
o kaya ay hindi sagana sa k'walta
kung bata't mabait ay maaari na."

Nang magdalawampu't lima at hindi rin


yata sumisigid ang isda sa pai'y
ganito ang kanyang parating dasalin:
"Ang gulang? Hindi ko aalumanahin,
may kabaitan lang na maituturing
kahit matanda na'y puede na sa akin."

At nang tumatlumpu't ni sinoman wari'y


wala nang mabuyong sa kanya'y gumiri
tahas na sinabing wa(ang pagkabali:
"Ngayon kahit sino'y walang tangi-tangi
huwag lang di mayrong sa aki'y bumati."

IMPRESYON SA AKDA:

Sa Katapusan ng kwetong Florante at Laura ang natutunan ko ay ang Pag-Ibig ay hindi


namamatay. Gaano pa man tayo nagpapakahirap, ang pag-ibig natin kahit kanino man
ay hindi nawawala. Nakikita ito sa buong kwento sa pagmamahal ni Flerida, na tatakas
siya at magpapakasal para lamang ang tunay niyang mahal ay hindi mapahamak, Si
Laura na tipong mamatay na lang at ayaw magpakasal sa taong hindi niya tunay na
mahal, ang dalawang magkakaibang religiyon na gerero, mamahalin ang kanilang
kasintahan hangga’t mamatay at mabuhay muli sila. Maraming mga itinuturo ang
kwentong Florante at Laura sa akin, at ang mahalaga ang pag-ibig, kagaya ng “Batas
ng Langit” na ipinakita ng balagtas sa dalawang magkakaiba na religiyon, kaya pa
naman natin ipagmahal ang ating kapwa dahil sila ang tumutulong rin sa atin habang
buhay, at may mga iba diyan na tunay na kaibigan ay magpapasaksak para lang
mabuhay ka, tulad ng mahalagang kaibigan ni Florante na si Menandro. Sa buhay ko
ngayon masasabi ko na bata pa ako, marami pa akong oras na ipagbuti ang mga
pagkakamali ko dati at ang mga karanasan na masama na gawin mabuti. Paunti-unti
tayong sinisira ng ating mga kahinaan sa buhay at may mga masasamang tao alam ano
ito, huwag natin isuko ang ating sarili sa kalagayan na ito, ako ipagpapatunay ko sa
sarili ko na ipaglalaban ko ang mga desisyon ko sa buhay at ang mga sumisira sa akin,
kapag ako ay nabigo kailangan ko tumayo at lumaban pa muli. Lumaki tayo lahat sa
ating mga magulang at kailangan natin ipasalamat sa kanila ang trato na binigay nila na
bilang magulang, nagpakahirap sila para lang tayo ay magkaroon ng mapayapa na
buhay at hindi tayo naghihirap ngayon. Binigy tayo ng tamang supporta, edukasyon at
tamang paglalaki. Ang gusto ko lang ay ipag-aral tayo na huwag tayo parating umasa
sa kanila, kailangan natin matututo ang pagdedesisyon sa buhay, kung tama, mas
mabuti pero kung mali dapat natin matututo dito at bumawi sa pag-gagawa ng mabuti.
Ipaglaban rin natin ang ating paniniwala sa buhay, tulad ng ating relihiyon.

Ang akdang “Ang Lumang Simbahan” ay sinulat sa anyong tulang pasalaysay ito ay
nag lalaman ng bakas ng kolonyalismo sa ating bansa mababasa rin nating sa akda
ang impluwensyang naiwan ng mga banyaga na kalaunan ay naging parte nan g
pamumuhay ng mga Pilipino. Layunin ng akdang ito ang ipahayag sa bawat Pilipino na
tayo ay wagas kung mag mahal at likas na mapag dasal. Mababasa rin natin sa akdang
ito ang mga ang mga palatandaan ng mga imlpuwensyang ating nakuha sa mga
dayuhang mananakop.
Ang akdang pinamagatang “Kung Mamili ang Dalaga” ni Julian Cru Balmaceda ay
patungkol sa kung paano mamili ang isang dalaga ng lalaking kanyang iibigin at kung
gaano kaingat pumili ang isang dalaga na mayroon siyang pamantayan ng katangian ng
isang lalaki dapat ito ay bata, makisig, mabait at mayaman dahil ang kanyang ganda’y
hindi pangkaraniwan. Ngunit tila sa tayog ng pamantayan ng dalaga sa pipiliing
manliligaw ay walang makaabot nito at nang nagtagal ay tila bumaba ang pamantayan
ng dalaga at kung mabait at matanda’y pwede na.

You might also like