Panukalang Proyekto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pangalan: Romualdo Redentor Sanosa Guro: Bb. Darlene C.

Canoy
Baitang at Seksyon: STEM 12-B Asignatura: Filipino

I. PAMAGAT:

“Panukala para sa tamang pagtapon at paghihiwalay ng mga basura sa


pasukan 2020 ng Ilocos Norte College of Arts and Trades”

II. PROPONENT:

Dan Arvie Balantac                               Angelica Guira

Hans Euriel Factores                             Erica Ramos

Francis Roldan Salivio                          Rodessa Mae Tomas

Jedd Santos                                           (Grade 11-HUMSS Carino)

Aaron Clark Tabieza

 Ken Clyde Valente

KATEGORYA:

Seminar at Patimpalak

III. PETSA:

  Ipapadala ang proposal sa tanggapan ng Punongguro ng Ilocos Norte


College of Arts Trades at kapag ito’y naaprubahan ay magsisimula ang
proposal sa susunod na pasukan sa Hunyo taong 2020.

IV. RASYUNAL

Hindi maayos na paghihiwalay ng mga basura at kawalan minsan ng disiplina


sa mga estudyante ang pinakaproblema ng INCAT. Nananatili itong problema
sapagkat ito’y nagdadala ng sakit dahil pinapamahayan ng mga lamok  ang
mga tambakan na nagiging sanhi ng dengue.
  Nahihirapan din ang mga estudyante na maging aktibo sa klase sapagkat
hindi maaliwalas ang kapaligiran na kanilang nakikita. Bagama’t may mga
basurahan sa paaralan, kakulangan ng disiplina sa mga estudyante ang
minsa’y nagiging suliranin. Hindi nila mapaghiwa-hiwalay ang mga basura sa
tama nitong lalagyan.

              Sa kadahilanang ito, layunin ng project proposal na ito na mabigyang


kaalaman ang mga estudyante ng INCAT sa pamamagitan ng isang seminar
patungkol sa tamang paghihiwalay ng mga basura at pagrecycle sa mga ito.
Dahil dito, mas maiintindihan ng bawat estudyante na kung may sapat silang
kaalaman ay maiiwasan ang mga sakit at magiging kapaki-pakinabang ang
mga kakayahan nila sa pagrerecycle ng mga basura. Maisasagawa ang
project proposal na ito sa oras na ito’y maaprubahan sa Hunyo taong 2020.Sa
oras na maipatupad ang panukalang ito ay mas magiging maaliwalas na ang
kapaligiran ng INCAT at mas magiging responsable na ang mga  estudyante.

Isang pandaigdigang alalahanin ang problema sa basura. Ito ay walang


hangganan maging sa paaralan, kung kayat pagsisikap ay kailangan upang
ang bawat estudyante ay magkaroon ng kamalayan tungkol sa pagkasira ng
kapaligiran dahil sa hindi tamang paglalagay ng basura na naayon sa
lalagyan.     Ito ay isang pangunahing sanhi ng polusyon at pinagmumulan ng
mga karaniwang sakit. Ang isa sa mga magagawa ng mga estudyante ay ang
bawasan at kontrolin ang basura sa pamamagitan ng tamang kamalayan at
pagsasanay. Ang tamang pamamahala ng basura ay isa sa pinakamahalaga
sa paaralan. Kung kayat layunin ng proposal na ito na mamulat ang mga
estudyante sa tamang paghihiwalay ng mga basura at pagpapahalaga sa
kalikasan.

Kinakailangan ng moral na suporta mula sa mga estudyante at mga


empleyado sa Ilocos Norte College of Arts and Trades upang mas madaling
maisakatuparan ang panukalang proyekto tungkol sa wastong pagtapon ng
basura sa loob ng paaralan, Ang pagiging disiplinado sa sarili ang
pangunahing kinakailangang maisapuso ng bawat estudyante at empleyado
upang mas maging epektibo ang panukalang ito. Ang kahalagahan ng
proyektong ito ay hindi lamang masulosyunan ang problema sa basura ngunit
makatutulong din itong mas maging kaayaa-aya at malinis  ang kapaligaran
sa loob ng institusyon upang mas maging komportable ang mga mag-aaral sa
INCAT.

V. DESKRIPSYON

Ang deskripsyon ng proyektong ito ay makabili at maisagawa ang tatlong


basurahan na mayroong label na “nabubulok” “hindi-nabubulok” at
“nareresiklo”. Nang sa gayon ay makatulong sa bawat isa gayundin sa
paaralan.

Maisasagawa ang proyektong ito sa taong 2020 sa susunod na pasukan


sapagkat hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating paaralan ay dumadaan
sa prosesong kailangan ng sapat at wastong malinis na kapaligiran. Bilang
tulong sa ganitong problema ng ating paaralan, ang mga basurahan sa bawat
sulok ng campus ay madadagdagan, maging ang mga classroom upang
maiwasan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.

Magkakaroon din ng seminar patungkol sa tamang pagtatapon at


paghihiwalay ng mga basura. Sa pamamagitan ng seminar na ito maikikintal
sa isipan ng mga estudyante ang kahalagahan ng tamang pagsasaayos ng
mga basura. Magaganap ito sa susunod na pasukan (Hunyo 15, 2020) sa
quadrangle ng INCAT.

VI. LAYUNIN:

Hangad ng panukalang ito na mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang


kapaligiran sa Ilocos Norte College of Arts and Trades. Paghihiwa-hiwalayin
ang mga basura sa bawat sulok ng paaralan upang maisaayos ang
kasalukuyang sistema sa pagtatapon ng basura at mapigilan ang polusyon sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kagamitan sa pagbabasura
(pagkakaron nang hindi bababa sa tatlong basurahan sa bawat silid-paaralan
na may kalakip na tatak ng pagkakakilanlan sa kung saan nararapat ang
isang basura).

              Ninanais din ng panukalang ito na maituro sa bawat estudyante ang


kahalagahan ng pagre-recycle ng mga basura. Sa patimpalak na gagawin ay
mas magiging kooperatibo ang mga magkaklase sa isang classroom upang
madagdagan ang pondo nila. Matututunan din ng bawat estudyante ang
pagsisikap, pagsisikap upang maparami ang basura na kanilang makokolekta
at dahil dito ay mas magiging malinis na ang kapaligiran ng INCAT.

VII. TALA NG GAWAIN

 Dagdag basura sa bawat classroom.

-Pagpasa, pag-aapruba, at paglabas ng badyet (7 araw)

– Pagbili ng mga naturang basura na kakailanganin para sa pagdaragdag ng


basurahan sa bawat silid-aralan

– Pagpapagawa ng mga “label” sa mga basurahan. (nabubulok, di-nabubulok,


papel, at plastic bottles).

-Pamamahagi ng  apat na basurahan sa bawat silid. 

 Paggawa ng poster na nanghihikayat para magbasura nang tama at


wasto.
– Pagpasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (5 araw).

– Pagbili ng mga materyales na gagamitin sa paggawa ng poster.

– Paggawa ng mga poster

– Pagsabit ng mga ginawang poster sa mga mahahalagang parte ng


paaralan.

 Pagsagawa ng seminar sa mga mag-aaral

– Pagpasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw).

– Pagtakda kung saan at kailan gaganapin ang seminar.

– Paghanap ng mga speakers na may kinalaman sa naturang panukala.

– Paghahanda sa lugar kung saan idadaos ang seminar sa pamamagitan ng


pagsasaayos ng mga upuan, sound system at iba pang mga kakailangan sa
seminar.

 Timpalak para sa cleanest at greenest rooms 

– Pagpasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)

– pagbibigay-alam sa lahat ng mga kasapi sa paaralan ang gaganaping


patimpalak na may kinalaman sa panukala.

– Paghahanda ng bawat kasapi sa pagpapanatiling maayos at malinis ang


bawat pasilidad, at wasto ang paggamit ng mga naipamigay na basurahan na
sinusunod ang proper waste disposal.

– Pagsuri at pag-ebalweyt sa mga silid-aralan na pinagbabasehan ang mga


criteria sa pagpili ng mga mananalo sa patimpalak.

– Pagdesisyon at pagproklama sa mga nanalo at pag bibigay gantimpala sa


kanila na gagamitin sa pagpapanatiling maayos at malinis parin ang kanilang
silid aralan.

VIII. Badyet
Mga Gastusin Halaga
Mga halaga sa pagpapagawa ng 16 rooms x 8 building x
basurahan (plastic na drum) sa bawat 125/basurahan =Php. 16,000.00
classroom. Kasama na rito ang lahat
ng materyales sa paggawa.
Gastusin para sa pagpapagawa ng 80 pesos/tarpaulin x 20 pcs. =Php.
tarpaulin na nagsasaad na dapat 1,600.00
itapon ang mga basura sa tamang
basurahan katulad ng tammang
basurahan para sa mga plastic,
papel, atbp.
Ang halaga ng pagkain na
3 na representative sa bawat seksyon
ipapameryenda sa seminar na mapa-junior high at senior high
magaganap. school x 73 sections x 20 pesos
sandwich, 10 pesos na tubig) =Php.
4,380.00
Halaga ng pondo na ibibigay sa Php. 1,000.00 na manggaggaling sa
mananalong seksyon sa patimpalak. malilikom na halaga mula sa mga
basurang nakolekta na siyang
maibebenta.

IX. PAKINABANG

              Ang pagsasaayos at paghihiwalay ng mga basura sa paaralan ng


INCAT ay magiging kapakipakinabang sa lahat ng estudyante, maging ng
mga guro at bisita. Dahil sa hindi maayos na paghihiwalay ng mga basura,
ito’y nagiging sanhi ng dengue.

Kaya naman kapag nabigyan ng tamang seminar ang bawat estudyante ay


mamumulat sila sa katotohanan na dapat ay marunong magtapon ng basura
sa naayon na paglayan nito. Magiging maaliwalas ang kapaligiran sa oras na
maipatupad ang proposal. Magkakaroon din ng patimpalak sa bawat
classroom na kung sino ang may pinakamaraming nakolektang basura ay
siyang madadagdagan ang pondo.

Hindi lamang ang kooperasyon at disiplina ng mga estudyante ang nahahasa


kundi ang pagiging matiyaga rin. Mababawasan din ang mga trabaho ng mga
janitor at mas matututo ang mga estudyante na  mag-organisa na maaaring
ilapat sa tunay na buhay.

Kung kaya’t nararapat lang na maaprobahan na ang proyektong ito upang sa


susunod na pasukan  ay nakahanda na ang mga silid-aralan kasama ang
mga basura na maihahatid sa bawat classroom.
I. Pamagat: PANUKALANG PROYEKTO SA PAGKAKAROON NG BAGONG
LIBRARY PARA SA STEM SA SAN PEDRO HIGH SCHOOL.

II. Proponent ng Proyekto: Peter Dimasalanta

III. Kategorya: Ang proyektong pagbuo ng bagong library para sa STEM sa


San Pedro High School (SPHS) ay isasagawa sa pamamagitan ng pagkuha
ng mga libro para sa STEM at pagbuo ng plano upang mahikayat ang mga
mag-aaral na kumuha ng kursong ito.

Petsa Mga Gawain Lugar


Enero Pagpupulong ng student council at faculty kasama San Pedro
19, 2019 ang mga site engineers High
School
Conference
Room
Enero Pagtalaga ng magiging punong abala sa San Pedro
25, 2019 paghihikayat sa mga estudyante na kumuha ng High
kursong STEM at Pagsagawa ng kampanya para School
mahikayat ang mga board member na magpatayo ng
bagong library para sa STEM
Enero Paglulunsad ng trial run sa bagong library sa San Pedro
28, 2019 paaralan High
School
Library

V. Rasyonal: Ang kahalagahan ng proyektong ito ay para maipakita ang


paguunlad ng paaralan sa larangan ng STEM at para makagawa ng bagong
pasilidad para sa bagong kaalaman ng mga kabataan.

VI. Deskripsyon ng Proyekto: Ang proyektong ito ay aabutin ng anim na


buwan para maisakatuparan o matapos. Maliban sa pagbuo ng library,
gagawa rin ang mga miyembro ng komite ng paraan para hikayatin ang mga
estudyante na kumuha ng STEM.

VII. Badyet: Kahati sa badyet ng paaralan ay mangagaling sa ating sponsors


na dating mga estudyante ng SPHS. Magbibigay din ang ciudad ng pondo
para sa paggawa ng mismong library.
Unang panukalang proyekto Pangalawang panukalang
 Ang mga nalikom na basura ay proyekto
ibebenta at idadagdag sa  Mangagaling sa sponsors ng
badyet. SPHS ang kalahati ng
badyet.
 Pagpagawa ng mga
basurahan(plastic na drum).  Paggawa ng bagong library
Kasama na ang mga para sa STEM students ng
materyales. San Pedro Highschool.
Pagpagawa din ng mga
tarpaulin na nagsasaad na
ilagay ang basura sa tamang  Nagkaroon ng pagpupulong
lagayan. kasama ang student council
 Nagpaseminar para sa at faculty pati narin ang site
estudyante engineers.
 Maayos ang pagpagawa ng
bagong library para sa STEM
 Matagumpay ang ginawang students.
proyekto para sa tamang
pagtapon nito.

Paano ito nagkatulad?

 Nabigyan parehas ng mga Impormasyon dahil sa pagpupulong at


seminaryo.

 Sakto lang ang mga badyet na itinala ng dalawang proyekto.

 Sa paaralan lamang ginawa ang mga proyektong ito

 Parehong matagumpay at naisagawa ng maayos ang mga


proyekto

You might also like