Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Kwarter –Unang Linggo
Pamahalaan sa Panahon ng mga
Amerikano

0
Division of Surigao del Sur
Barobo II

Araling Panlipunan VI – Ikalawang Kwarter– Unang Linggo

Kasanayang Pagkatuto at Koda

Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinapatupad sa panahon ng mga


Amerikano.

Layunin: Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob ng isang linggo, ikaw
ay inaasahang:

A. Kaalaman Naiisa- isa ang uri ng pamahalaan na ipinapatupad sa panahon ng mga


Amerikano;

B. Kasanayan: 1. Natatalakay ang mga patakaran at uri ng pamahalaang ipinapatupad


sa panahon ng mga Amerikano.
2. Nasasabi ang mga epekto ng mga uri ng pamahalaan at
patakarang ipinapatupad sa panahon ng mga Amerikano sa mga Pilipino.

C. Pandamdamin: Nabibigyang katwiran ang mga patakarang at uri ng pamahalaang


ipinatupad sa panahon ng Amerikano.

Eskidyul Mga Gawain Sanggunian


Unang Tingnan ang
Araw Basahin ang kalakip na Information Sheet sa pahina 4-5 Enclosure 1.
bago sagutan ang mga gawain.

Gawain 1.

Panuto: Gamit ang retrieval chart, isa- isahin ang sistema ng


uri ng pamahalaang ipinapatupad ng mga Amerikano sa
Pilipinas. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Pamahalaang Pamahalaang
Militar Sibil
Tagapamahala
Petsa ng
Pagkatatag
Tungkulin
Paraan ng
Pamamahala
Mga
Pagbabagong
Naganap

Ikalawang Gawain 2.
Araw
Basahin ang kalakip na Information Sheet.

Punan ang grapiko sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong


sagutang papel o kwaderno.

1
Mga Patakaran Kahulugan ng batas

.
Ikatlong Gawain 3. Tingnan ang
Araw Enclosure
Batay sa inyong nabasa sa information sheet. Sagutin
ang mga katanungan.

Panuto: Gumawa ng isang talata na nagsasabi ng mga


epekto ng mga uri ng pamahalaan at patakarang
ipinapatupad sa panahon ng mga Amerikano sa mga Pilipino.

Ika-Apat Pagsusuri sa Sarili sa lahat ng mga aktibidad sa tulong ng


na Araw mga magulang o Learning Facilitator

Ikalimang Gawain 4.
Araw Panuto: Isulat ang iyong pananaw tungkol sa bawat tanong.
Magbigay ng dalawang ebidensiya para sa bawat isa.

1.Makatarungan ba ang mga patakarang Pasipikasyon na


itinatag ng mga Amerikano? Bakit?
______________________________________________
______________________________________________

2. Nakatulong ba talaga ang pamahalaan ng mga Amerikano


sa mga Pilipino?
______________________________________________
______________________________________________

3. Nagdulot ba ng mabuti ang pananakop ng Amerika sa


ating bansa? Sa anong paraan?
______________________________________________
__________________________________________

2
Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1

Pamahalaang Militar Pamahalaang Sibil


Tagapamahala Gobernador Militar Gobernador Sibil
Petsa ng Agosto 14,1898 Hulyo 4, 1901
Pagkatatag
Tungkulin tagapagpaganap tagapagpaganap
tagapagbatas
tagapaghukom
Paraan ng -ipinatupad ang mga patakarang -ipinatupad ag mga patakarang
Pamamahala pasipikasyon. kooptasyon
-pagpataw ng mabigat na kaparusahan -maaaring mamuno ang mga
sa mga Pilipinong Pilipino sa pamahalaan
nagkasalakaparusahan sa mga
Pilipinong nagkasala

Mga -inilipat sa pamahalaang sibil -ang kapangyarihang lehislatibo


Pagbabagong -ang kapangyarihang ehekutibo ay ay saklaw ng tungkulin ng
Naganap inilipat sa gobernador sibil Komisyong Pilipino
-ang hudisyal ay saklaw ng
kapangyarihan ng hukuman

Gawain 2

Mga Patakaran o Batas Kahulugan ng batas


Batas Sedisyon Pagsikil sa pagpapahayag ng mga Pilipino sa lahat
ng larangan
Batas Brigansiya Nagpalaganap ng katawagang bandido
Batas Rekonsentrasyon Inilipat ang mga mamamayan upang hindi sila
makatulong sa mga rebeldeng Pilipino
Batas Ukol sa Watawat Nagbabawal sa paggamit ng mga bandilang Pilipino

Gawain 3
Maaaring iba-iba ang sagot.

Gawain 4
Maaaring iba-iba ang sagot.

3
Enclosure 1: Information Sheet

MGA PATAKARANG IPINAPATUPAD SA PANAHON NG MGA


AMERIKANO
A. PATAKARANG PASIPIKASYON (PANUNUPIL)
Ito ay mga patakaran at batas upang masupil ang mga diwang makabayan ng mga
Pilipino. Nagpatupad din ang mga Amerikano ng mga batas na puspusang tumugis at
nagpataw ng mabigat na kaparusahan sa kanila.

1. Batas Sedisyon

Ito ay batas na nagpapataw ng parusang kamatayan o habambuhay na pagkabilanggo sa


mga taong nagpapahayag ng paglaban at pagpuna sa pamahalaan at pangangasiwa ng
mga Amerikano.

2. Batas Brigansiya

Ito ay nagpalaganap ng katawagang Bandido o Ladrones (magnanakaw) sa mga Pilipinong


rebolusyonaryo. Dahil dito, dinakip ang sinumang mapaghinalaang naghangad ng kanilang
sariling pamahalaan. Kabilang sa mga naging biktima ng batas na ito si Macario Sakay, na
nagtatag ng Republika ng Katagalugan sa Timog Luzon.

3. Batas Rekonsentrasyon

Sa batas na ito, binigyang awtoridad ng Gobernador Heneral ng Amerika ang mga


gobernador na ilipat o irekonsentra ang mga residente ng mga bayan at lalawigan.
Pinaniniwalaan na pinamumugaran ng mga rebelde o ladrones (magnanakaw) ang
malaking bayan ng munisipyo.
Ito ang naging mabisang paraan upang dakpin ang mga rebeldeng pinuno at ilayo
sa simpatiya at tulong ng mga mamamayang Pilipino.

4. Batas Ukol sa Watawat

Ito ay nauukol sa pagbabawal ng pagwagayway o paglabas ng lahat ng bandila, banderitas,


sagisag o anumang ginamit ng mga kilusan laban sa pamahalaang Amerikano.

Nagbago ang kaisipan ng mga Amerikano at pinayagang gamitin ng mga Pilipino ang
sariling watawat sa anumang okasyon matapos ang pag-amenda sa batas makalipas ang
labindalawang taon.

4
B. PATAKARANG KOOPTASYON (PILIPINISASYON)
Ito ay naglalayong unti-unting sanayin ang mga Pilipino na maging kawani ng
pamahalaan. Binuo ang patakarang ito upang higit pang mapatatag ang patakarang
pampulitika at pangkabuhayan sa unang dekada ng kanilang pananakop.

1. Reorganisayon ng Pamahalaan

Iniutos ni Pangulong William McKinley ang paglalagay ng mga Pilipinong kawani sa mga
Pamahalaang Munisipal sa pamamagitan ng pagboto. Ang mga Ilustrado ang karaniwang nahalal
sa posisyon ng Pamahalaang Munisipal.

Mga kwalipikasyon ng mga botante :

A. lalaking may edad 20-30 gulang


B. naninirahan ng higit kumulang anim na buwan sa lugar na pagbobotohan
C. nakahawak na ng lokal na posisyon sa bayan
D. may ari-arian na may halagang P500.00
E. nagbabayad ng taonang buwis na P30.00
F. higit sa lahat, nakababasa, nakasusulat at nakapagsasalita ng Ingles Kastila

2. Philippine Organic Act

Nilayon nito ang pagkakaroon ng isang lehislatura na bubuuin ng Mababang Kapulungan at


mataas na Kapulungan. Ang Mababang Kapulungan ay tatawaging Asembliya ng Pilipinas na
inihalal ng mga botanteng Pilipino at tatawaging Komisyon ng Pilipinas ang Mataas na Kapulungan
na may pananagutan sa pagpapasa ng mga batas na may relasyon sa Pilipinong Muslim at
Katutubo.

3. Unang Halalan sa Asembliya

Ang pinakaunang halalan sa Asembliya ay nangyari noong Hulyo 1907. Ito ay pinasiyaanan
noong Oktubre 22,1907 sa Manila Grand Opera House. Nahala si Sergio Osmena Sr. bilang Ispiker
at si Manuel L. Quezon bilang Lider ng Mayorya.

4. Pagbili ng mga Lupain ng mga Prayle

Binili ng mga Amerikano ang naglalakihang lupain na pag-aari ng mga prayleng Kastila. Ang
mga nabiling lupain ay naipagbili sa mga Pilipinong kasama sa bukid ngunit mas malaking bahagi ang
naipagbili sa mga maykaya at dati ng may maraming lupa. Kasama rin sa kasunduan na unti-unting
mapalitan ng mga Pilipino ang mga Kastilang pari sa praylokasya.

5. Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon

Sa Patakarang Kooptasyon, kaagad na itinatag ng mga Amerikano ang sistema ng edukasyon


noong nasiguro na nila na nasakop na ang bansang Pilipinas. Pinalawak ng mga Amerikano ang
libreng edukasyon at paggamit ng Wikang Ingles bilang midyum sa pakikipagtalakayan.

5
Enclosure 2: Information Sheet

MGA URI NG PAMAHALAANG IPINAPATUPAD SA PANAHON


NG MGA AMERIKANO

1. Pamahalaang Militar

Nang bumagsak ang Maynila sa kamay ng mga Amerikano noong ika- 13 ng Agosto
1898, agad na ipinag-utos ni Pangulong William McKinley ang pagtatag ng isang
pamahalaang militar sa Pilipinas. Itinalaga bilang kauna-unahang gobernador-militar si
Heneral Wesley Merritt, komanderng hukbong Amerikano. Bilang gobernador-militarsiya ang
kinatawan ng pangulo ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ito ay may kapangyarihang
tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagapaghukom.
Layunin ng pamahalaang military na matamo ang kapayapaan, katahimikan, at
kaayusan sa Pilipinas. Hangad din nitong maisaayos at maihanda ang bansa sa pagtatatag
ng pamahalaang sibil na pamumunuan ng mga mamamayan.
Bukod sa paglalatag ng mga kailangan sa pagtatatag ng pamahalaan sibil, narito ang
iba pang nagawa ng pamahalaag military sa bansa:
a. Pagtatatag ng pamahalaang local sa mga payapa at tahimik na lugar sa Pilipinas;
b. Pagdaraos ng unang halalan sa Baliuag, Bulacan noong Mayo 1, 1899;
c. Pagtatag ng mga hukuman at ng Korte Suprema at paghirang kay Cayetano L.
Arellano bilang unang punong mahistratdo noong 1901;
d. Pagpapakilala ng sistema ng pampublikong edukasyon; at
e. Pagtuturo sa mga Pilipino ng wikang Ingles ng mga sundalong Amerikano.

2. Pamahalaang Sibil
Noong Marso 1901, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Spooner
Amendment na nagtatag ng pamahalaang sibil sa Pilipinas. Ito ay susog ni Senador John
Spooner sa Army Appropriation Act of 19901. Ang Spooner Amendments ang nagbigay ng
kapangyarihan sa mga taong itatalaga ng pangulo ng Amerika na pamahalaan ang Pilipinas
ayon sa prinsipyo ng demokrasya. Ito ay pamahalaang pinamumunuan ng sibilyan, na
tinatawag na gobernador sibil at binigyang kapangyarihang tagapagpaganap.
Layunin ng pamahalaang sibil na itaas ang demokratikong pamumuno kung saan
ang kapangyarihan ay hawak ng mga mamamayan. Nakasaad din sa batas na ang sangay
ng militar ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng sibilyan at ang tungkulin ng mga sundalo ay
proteksyonan ang mga karapatan ng mga mamamayan.
Si William Howard Taft ang nahirang na kauna-unahang gobernador-sibil. Binuo ni
McKinley ang Komisyon ng Pilipinas na may tanging kapangyarihang tagapagbatas.

6
Isa sa mga pinakamahalagang batas na ipinatupad ng Amerika sa Pilipinas ay ang
Philippine Organic Act o Cooper Act, kilala rin sa tawag na Phillipine Bill of 1902 na isinulat
ni Henry Cooper. Ang batas na ito ay naglalaman ng mahahalagang probisyon, kabilang ang
pagpapalakas sa karapatang sibil at karapatang pantao ng mga Pilipino at ang pagkakaloob
sa kanila ng pagkakataong maging mambabatas.

References

Grade 6 Textbook - Kamalayang Panlipunan: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa


(Abiva Publishing)

Prepared by:

Joylane J. Bolasa – Teacher II/Dinuyan ES

You might also like