Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

H.O.P.E. CHRISTIAN ACADEMY, INC.

Modyul 1.02
FILIPINO 10

WW Score PT Score
PANGALAN: ___________________________________
SEKSYON: _____________________________________
KAUKULANG PETSA: ___________________________

Alamin (Harapan 1)
Mga Layunin:
 Nakapagbabahagi ng sariling opinyon o pananaw batay sa nabasang akda.
 Nakasusuri ng tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
 Nakagagamit ng angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,
pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas).
 Nakakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng
kahulugang ipinahahayag nito (clining).

Subukin
1. Nasubukan mo na bang magkaroon ng isang problema dahil hindi ka nakapaghanda o nagkaroon ka ng
kakulangan sa paghahanda? Ano ang problema ito? Ibahagi ang karanasan.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ano ang naging epekto ng problemang ito sa buhay mo at anong natutunan mo


mula rito?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Balikan
Ang mga salita sa ibaba ay halos magkakasingkahulugan. Tukuyin sa apat na salita ang may naiibang kahulugan
at bilugan ito.
1. matatag matibay maganda malakas
2. pinakamasaya pinananabikan pinakahihintay pinakaaasam
3. aandap-andap mahinang-mahina aalog-alog kaunti na lang ang ningas
4. tumugon sumagot lumuha nagsabi
5. naantala nainip nahuli natagalan

Tuklasin
Ang Israel ay isang bansa sa Kanlurang Asya na kabilang sa tinatawag na Rehiyon ng
Mediterranean dahil ito ay matatagpuan sa bahaging Timog Silangan ng Dagat
Mediterranean. Ang Israel ay isa sa mga bansa sa Gitnang Silangan na kinikilalang
Holy Land o Banal na Lupain hindi lamang ng mga Kristiyano kundi maging ng mga
Hudyo, Muslim, at mga Baha’i.
Sa maraming lugar ng Israel, partikular sa lungsod ng Herusalem, namuhay at
nangaral si Hesus. Ang marami sa parabulang ginamit Niya sa pangaral ay sa lugar
na ito ang tagpuan. Sa maraming pagkakataon ginamit ni Hesus sa Kanyang mga parabula ang pagpapakasal ng
binata at dalagang Hudyo noong unang siglo upang bigyang-diin ang Kanyang relasyon at pagmamahal sa ating
mananampalataya. Sa parabulang mababasa mo sa araling ito ay maraming tradisyon ng kasalang Hudyo ang
iyong malalaman.

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 1


ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA

Isang malaking kasalan ang inihahanda. Tulad ng nakagawian ng mga Hudyo


sa bayan ng Israel, maringal at malaki and kasalan. Mahaba ang panahon ng
paghahanda. Nagsimula ito sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng
dalagang ikakasal na sinundan ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang
mangingibig.
Sunod na pinag-usapan ang mga detalye ng kasalan, kung saan ito gaganapin,
ano-ano ang mga paghahandang gagawin, at kung magkano ang dote o bigay-kayang
ipagkakaloob sa dalaga. Nang matapos ang kasunduan ay lumayo muna ang binata
upang maihanda ang kanilang magiging tahanan. Halos isang taon ang pagkakalayong itong sumubok din sa
katatagan ng pag-ibig ng binata at dalaga sa isa’t isa.
Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa gabi. Sa wakas, sumapit na ang gabing
pinanabikan ng lahat. Unang nagpunta ang lalaking ikakasal sa tahanan ng kanyang kasintahan upang doon idaos
ang maringal na kasalan.
Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal ay sampung dalagang may dala-dalang ilawan ang itinalagang
maghintay sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ang lima sa mga dalagang ito ay matatalino. Inasahan na nilang
maaaring maantala ang pagdating ng ikakasal kaya't nagdala sila ng sobrang langis para sa ganitong pangyayari.
Ang lima naman ay mga hangal sapagkat nagdala nga sila ng ilawan ay hindi naman sila nagbaon ng karagdagang
langis. Naghintay nang naghintay ang mga dalaga subalit lumalalim na ang gabi’y wala pa ang ikakasal kaya't
sila'y nakatulog sa kahihintay.
Nang maghahatinggabi na ay dumating ang isang tagapagbalita,
"Paparating na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo at maghanda upang
salubungin siya. Masayang nagsigawan ang mga tao. Agad bumangon ang
sampung dalaga at inayos ang kani-kanilang ilawan at humilera sa
magkabilang gilid ng daan upang maging handa sa paparating na ikakasal.
Subalit ang ilawan ng limang dalagang hangal ay aandap-andap na. Dahil sa
matagal na paghihintay ay naubos ang langis sa kanilang ilawan. "Bigyan
naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga
ilawan," ang pakiusap nila sa matatalinong dalaga.
"Pasensiya na. Ang dala naming langis ay sapat lamang sa aming
ilawan. Hindi ito magkakasya sa ating lahat. Mabuti pa'y pumunta muna
kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo," tugon naman ng matatalino.
Kaya't dali-daling lumakad ang limang hangal na dalaga upang bumili ng
langis. Habang bumibili sila ay siya namang pagdating ng lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama
agad niyang pumasok sa kasalan at saka isinara ang pinto. Kaugalian kasi noon na tanging ang mga taong nasa
labas pagdating ng ikakasal ang papapasukin sa piging upang maiwasang makapasok ang mga taong hindi naman
imbitado at hindi kilala ng ikakasal. Nang nasa loob na ang lahat ay humahangos na dumating ang limang hangal
na dalaga.
"Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!" sigaw nila. Hindi na sila pinapasok at sa halip ay
tumugon ang binatang ikakasal na siya rin nilang panginoon nang ganito: "Hindi ko kayo nakikilala." Walang
nagawa ang mga hangal na dalaga kundi buong panlulumong pinagsisihan ang hindi nila paghahanda para sa
pangyayaring ito.
Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa parabulang ito. Kinakailangan nating maghanda at
magbantay, sapagkat hindi natin alam ang araw o ang oras ng Kanyang muling pagparito.

Suriin
Pag-isipan at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino-sino ang mga itinalagang maghintay sa pagdating ng binatang ikakasal?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2. Paano pinaghandaan ng matatalinong dalaga ang kanilang mahalagang tungkulin?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 2


3. Paano nakatulong sa matatalinong dalaga ang ginawa nilang paghahanda? Anong problema naman ang
idinulot ng hindi paghahanda sa limang hangal na dalaga?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
4. Bakit tuluyan nang hindi nakapasok ang mga dalagang hangal? Ano ang itinugon ng kanilang Panginoon sa
pakiusap nilang papasukin sila?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
5. Bakit mahalagang maging laging handa tayo sa mahahalagang pangyayari sa ating buhay?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
6. Paano ba ang tamang paghahanda para sa sinasabing muling pagparito ng ating Panginoon gayong hindi
naman natin alam kung kailan ito mangyayari?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Pagyamanin (Pag-aaral sa Tahanan 1)


Gawain 1
Suriin ang mga bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba. Isulat sa linya kung ang bahaging ito
ay nagsasaad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal. Ipaliwanag kung bakit ito
ang napili mong kasagutan. (Maaring tatlo ang iyong maging kasagutan).
1. Bilang pagpapakita ng paggalang, ang kasalan ng mga sinaunang Hudyo ay nagsisimula
sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal.
________________________________
Paliwanag sa sagot:
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

2. Pagkatapos ng kasunduan ay pansamantalang lumalayo ang binata upang ihanda o buuin ang kanilang
magiging tahanan at upang mapatunayan ang katatagan ng kanilang pag-iibigan sa isa't isa.
________________________________
Paliwanag sa sagot:
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

3. Ang limang matatalinong dalaga ay naging handa kaya't nagdala sila ng sobrang langis para sa mga hindi
inaasahang pagkakataon. ________________________________
Paliwanag sa sagot:
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

4. Ang hindi paghahanda lalo na sa panahon ng mahahalagang pangyayari ay makapagdudulot ng suliranin at


kabiguan. ________________________________
Paliwanag sa sagot:
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

5. Dahil sa kanilang kapabayaan ay hindi na nakapasok pa sa tahanan ng binatang ikakasal ang limang hangal na
dalaga. ________________________________
Paliwanag sa sagot:
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 3


Pagtataya 1
Maghinuha kung ano-ano ang mga karaniwang hindi napaghahandaan ng isang
kabataang tulad mo sa ating kasalukuyang panahon, ang maaring ibunga ng
mga ito, at ang mga dapat gawin para maiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Mga Bagay na Karaniwang Hindi


Napaghahandaan Mga Maaaring Ibunga Nito

Ang mga dapat gawin para maiwasan ang ganitong mga pangyayari ay…

Gawain 2
Klino - tindi o antas ng kahulugang ipinahahayag
Pagkiklino
- pagsasaayos ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan ng ipinahahayag
Ang mga salita sa pagkliklino ay halos magkakasingkahulugan, magkakaiba lamang ang tindi o
antas ng mga ito. Ilan sa mga salitang ito lalong lalo na ang una at pangalawang salita ay pamilyar at
nagagamit din. Nadaragdagan lang ito ng isa o higit pang salita na mas malalim o hindi pamilyar.

Halimbawa: kahangalan, kabaliwan, kalokohan = kalokohan, kabaliwan, kahangalan


naluha, nanangis, nalungkot = nalungkot, naluha, nanangis
umalma, nagreklamo, naghimutok = nagreklamo, umalma, naghimutok

Pagtataya 2
Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan mula sa pinakamababaw hanggang sa pinakamalalim
ang kahulugan.
1. hagulgol, hikbi, iyak ________________________________________________________
2. inis, tampo, galit ________________________________________________________
3. tawa, ngiti, halakhak ________________________________________________________
4. galit, muhi, poot, ngitngit ________________________________________________________
5. kinupkop, inalagaan, kinalinga ________________________________________________________
6. hapis, lungkot, pighati, lumbay ________________________________________________________
7. wawasakin, tutuklapin, sisirain ________________________________________________________
8. napadpad, napunta, napadaan ________________________________________________________

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 4


9. maganda, marikit, nakabibighani________________________________________________________
10. makipot, makitid, maliit ________________________________________________________

Pagyamanin (Harapan 2)
Gawain 3
Pang-ugnay
Ang pang-ugnay ay mga salitang tawag sa mga salitang nagpapakita ng
relasyon ng dalawang salita, parirala at sugnay. Nagagamit din ang pang-
ugnay sa pagsisirnula, pagpapadaloy ng pangyayari, hanggang sa pagwawakas ng pagsasalaysay

Mga Uri ng Pang-ugnay:


1. Pangatnig - mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay, o payak na
pangungusap. Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang iba't ibang halimbawa ng pangatnig.

at kung bagaman sakali


kapag habang samakatwid subalit
kaya ngunit sa madaling salita datapwat
kundi o upang samantala
bagkus pagkat pati ni
bago palibhasa dahil sa sapagkat
anupa sanhi maliban nang

Hal: Maraming taong ang namatay sanhi ng CoVid-19.


Pinayagan na ng pamahalaan ang paglabas ng nakararami maliban sa mga bata at matatanda.
Nasunog ang bahay sanhi ng kapabayaan.

2. Pang-ukol - kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap. Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng rnga kataga, salita, o pariralang
ginagamit bilang pang-ukol.

alinsunod sa/alinsunod kay laban sa/laban kay


ayon sa/ayon kay para sa/para kay
hinggil sa/hinggil kay tungkol sa/tungkol kay
kay/kina ukol sa/ukol kay

Hal: Alinsunod sa patakarang naibigay, ipinagbabawal lumabas ang mga bata at matatanda.
Ang regalong nabili ay para kay Celia.
Ang balita ay tungkol sa pandemyang nagmula sa bansang China.

3. Pang-angkop - ito ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at sa salitang tinuturingan.

a. Pang-angkop na na – ginagamit o idinudugtong kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig


maliban sa n.
Hal. mapagmahal na tao maliit na bato mabangis na hayop
matigas na kahoy mainit na kape makapal na libro

b. Pang-angkop na –ng – ito ay ginagamit o idinudugtong kapag ang unang salita ay nagtatapos sa
patinig.
Hal. huwarang mamamayan batong maliit sirang bahay
matang malinaw kapeng maiinit librong makapal
c. Pang-angkop na -g – ito ay ginagamit o idinudugtong kapag ang unang salita ay nagtatapos sa n.

Hal. pagkaing masarap ibong makulay buwang maliwanag


unang malambot kaning lamig librong makapal

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 5


Pagtataya 3
Punan ng tamang pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin ang sagot mula sa
kahon.
at kaya maliban subalit kapag
dahil sa laban sa para sa upang ngunit

Ang Pilipinas ay natanghal sa Israel (1)_________________ isang Pinay caregiver na may natatanging
talento sa pag-awit. Siya ay Si Rose "Osang" Fostanes, ang nagwagi sa "X Factor Israel" noong Enero, 2014.
Halos dalawampung taon na siyang nagtatrabaho sa Israel (2)______________ ngayon lang nagkaroon ng
napakalaking pagbabago sa kanyang buhay. Hindi naging hadlang ang kalagayan at edad niya
(3)_________________ ipakita ang taglay niyang talento. Sa una'y kabado siya, (4)______________ sumubok
pa rin siyang mag-audition. Nakatutuwang isiping lumutang ang talento niya (5)____________________ mga
mas batang kalahok. Hindi siya sumuko (6) ______________ sa huli ay nakamit niya ang tagumpay. Hinangaan
sa buong mundo ang kanyang talento (7) _________ determinasyon. (8) ____________ nakausap ko si Osang ay
ipararating ko sa kanya ang aking paghanga. Napatunayan niyang (9) _______________ sa pagiging mabuting
caregiver ay may talentong puwedeng ipagmalaki ang mga Pilipinong tulad niya. (10) ______________ lahat ng
Pilipino ang tagumpay na ito ni Osang!

Isagawa (Pag-aaral sa Tahanan 2)

A. Punan ng tamang pangatnig upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw ______________ maiwasang masira ang mga ngipin.
2. ______________ hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa ______________ hatinggabi ka na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” ______________ itinataas ang watawat ng Pilipinas.
5. Magdasal muna tayo ______________ tayo kumain ng hapunan.

B. Bumuo ng parirala mula sa dalawang salitang ibinigay sa pamamagitan ng paggamit ng pang-angkop.


Isulat ang sagot sa patlang at gamitin ito sa pangungusap.
1. bilog + buwan = _________________________________________________________________
2. buwanan + pagsusulit = ___________________________________________________________
3. plastik + bote = _________________________________________________________________
4. hangin + amihan = _______________________________________________________________
5. baha + kalsada = ________________________________________________________________

C. Bilugan ang titik ng sagot na may pang-ukol o mga pang-ukol na bubuo sa pangungusap.

1. _______________ pangulo, agad na ipapatupad ang bagong batas.


a. Para kina b. Hinggil kay c. Ayon sa

2. _______________ kasunduan ng pamahalaan at mga rebelde, sisimulan na ang ceasefire.


a. Ukol sa b. Para sa c. Alinsunod sa

3. Ang mga tuntunin ng paaralan ay _______________ kabutihan ______________ mag-aaral.


a. tungkol sa, ng b. para sa, ng mga c. ayon sa

4. _______________ batas ang pagtapon ng basura ilog.


a. Labag sa mga b. Alinsunod sa sa c. Hinggil sa

5. Ang pagsusulit ay _______________ mga impluwensiya Kastila sa ating kultura.


a. laban sa mga b. tungkol sa c. ukol sa

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 6


Pagtataya (Harapan 3)

Bigyan ng diwa ang larawan sa ibaba. Gumamit ng mga pang-ugnay na bubuo sa bawat pangungusap na isusulat
mo. Buuin ang diwa sa labinlimang (15) pangungusap.

Sanggunian

Baisa- Julian, A., Del Rosario, M. G. G., & Dayag, A. M. (2020). Ikalawang Edisyon Pinagyamang
Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan Aklat 1. Phoenix Publishing House.Inc.

Pag-isipan
Minsan tayo ay napapaisip at natatanong sa sariling “Bakit kaya nangungusap at
nagtuturo ang Panginoon sa pamamagitan ng Parabula?” Isa sa mga dahilan ay ang
pagtupad sa propesiya (Mat 13:34-35); na paglalahad at paglalarawan ng
katotohanan sa mga nainiwala sa Kanya at paghimok na lalo pang tuklasin at
palalimin ang kaalaman sa Kanyang katuruan at katauhan.

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 7

You might also like