Professional Documents
Culture Documents
C. Module 2.02
C. Module 2.02
C. Module 2.02
Modyul 2.02
FILIPINO 9
WW Score PT Score
PANGALAN: ___________________________________
SEKSYON: _____________________________________
KAUKULANG PETSA: ___________________________
Alamin (Harapan 1)
Mga Layunin:
Nakapag-aantas ng mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin.
Nakapagpapaliwanag ng mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap.
Nakapagbibigay-puna sa kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan at
nakapagsusulat muli ng wakas sa pagbago ng karakterisasyon ng tauhan.
Subukin at Balikan
A. Bigyang interpretasyon ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong sa ibaba patungkol dito.
Tuklasin at Suriin
Sa araling ito ay matutunghayan na hindi nagkakalayo ang paraan ng pag-aaruga at pagpapalaki sa
mga anak ng mga Koreano at mga Pilipino. Umpisang lakbayin ang lupain ng mapayapang umaga.
ANG MAG-INANG
PALAKANG PUNO
Noong unang panahon, nakatira sa isang bayan sa Korea ang isang
batang palakang puno at ang kanyang ina. Yumao na ang ama ng palaka
kaya silang mag-ina na lamang ang magkasamang namumuhay. Mahal
mahal ng ina ang kanyang anak na palaka at nais niyang mapalaki ito nang
tama. Mapagmahal naman ang anak na palaka subalit may katigasan nga
lang ang ulo kaya't nahihirapan ang inang palaka na pasunurin siya.
Kilalang-kilala na ng kanyang ina ang ugali ng anak. Alam niyang sa bawat
iutos niya sa anak ay kabaliktaran nito ang gagawin. Halimbawa, kapag inutusan niya itong magpunta sa kanluran
sa timog ito pupunta. Kapag pinapapasok niya ay lalabas ito, at kapag pinagsasabihan ay magbibingi-bingihan.
Hindi lingid sa anak na palaka hindi nagugustuhan ng kanyang ina ang ganitong sistema.
Isang araw na mainit ang panahon, hinayaang maglaro ng ina ang kanyang anak. "Anak, mainit ang
panahon maaari kang makipaglaro sa iba pang mga palaka sa batis,"ang wika ng ina. Ngunit katulad ng dati, ang
kabaligtaran ng sinabi ng ina ang kanyang ginawa. Pumunta ang anak na palaka sa bundok at doon naglarong
mag-isa. Nang sumunod na araw nagbilin ang ina sa anak na palaka, "Huwag kang lalayo ngayon, narinig ko sa
usapan sa kanto na may parating na ahas." Ngunit muli, lumabas ang anak na palaka at nagyakag ng mga
kaibigan. "Gusto n'yo bang mamasyal at magsaya? Tayo na at manghuli ng ahas! Ang balita ko ay may parating
na ahas sa ating lugar," ang tila nanghahamon pang sinabi nito.
Nagpatuloy ang ganitong ugali ng anak na palaka. Ito ay labis na nagpapahirap sa kalooban ng ina dahil
alam niyang hindi makabubuti sa kanyang anak ang ganitong ugali. Subalit dahil hindi nakikinig ang kanyang
anak ay wala na siyang magawa kundi malungkot at lumuha na lang nang tahimik dahil sa asal niyang ito. Dahil
sa katandaan at dahil na rin sa hirap ng kaloobang nararanasan niya sa kanyang anak, hindi naglaon ay nagkasakit
ang ina. Sa kanyang pagkakasakit ay umasa ang inang magbabago ang
kanyang anak, subalit nagpatuloy pa rin ito sa masamang ugali na lalong
nagpahirap sa kaawa-awang ina.
Isang araw habang nahihirapang huminga ang ina ay naghabilin
ito sa anak. "Anak, huwag mo sanang putulin ang puno sa harapan ng ating
bahay dahil iyan ang magiging proteksiyon natin." Hindi umimik ang anak,
ngunit kinabukasan nakita ng ina na wala na ang puno sa harapan.
Nagtanong ang ina, "Nasaan ang puno sa ating harapan? Ano ang ginawa
mo sa puno?" Hindi sinagot ng anak ang lumuluhang ina.
Nagpatuloy sa paglubha ang karamdaman ng ina, subalit hindi pa rin natitinag ang anak sa pagsuway sa
kanyang magulang. Nang makahanap ng tiyempo ay kinausap ng ina ang kanyang anak, "Anak, sandali na lamang
ang itatagal ng buhay ko, ang nais ko sana kapag ako ay pumanaw na ay ilibing mo ang aking labi sa gilid ng
batis. Huwag mo akong ililibing sa burol." Inay, huwag po kayong magsalita ng ganyan, gagaling po kayo," ang
sagot ng anak na palaka habang nangingilid ang luha. Ang totoo ay nais ng inang ilibing siya sa burol ngunit dahil
alam niya ang ugali ng anak na sinusuway ang kanyang bawat utos at ginagawa ang kabaliktaran nito, naisip
niyang ang kabaligtaran ng kanyang hiling ang ihabilin. Dumating nga ang araw na
kinatatakutan. Bago malagot ang kanyang huling hininga ay inulit ng ina ang
kanyang hiling, "Sa gilid ng batis mo ako ilibing anak.”
Gawain 1
Sagutin ang sunmusunod na mga tanong.
Pagtataya 2
Bigyang hinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong nagmula sa akda.
1. "Anak, sandali na lamang ang itatagal ng buhay ko, ang nais ko sana kapag ako ay pumanaw na ay ilibing mo
ang aking labi sa gilid ng batis. Huwag mo akong ililibing sa burol.”
Ano ang ang nadarama ng ina sa mga oras na iyon?
________________________________________________________________________________________
Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang sasabihin mo sa inang palaka upang maibsan ang kanyang
narararndaman?
_________________________________________________________________________________________
2. Dahil sa sama ng loob niya sa akin ay nagkasakit si Inay at tuluyan nang namatay. Hu-hu-hu. Kahit kailan ay
hindi ako nakinig sa mga utos niya."
Ano ang nadarama ng anak na palaka nang panahong iyon?
_________________________________________________________________________________________
Ano sa tingin mo ang binabalak niya matapos ilibing ang inang palaka? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________________
Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang sasabihin mo sa anak na palaka?
_________________________________________________________________________________________
Pagyamanin (Harapan 2)
Pagtataya 3
Iantas ang mga salitang nakasulat nang madiin batay sa tindi ng emosyong ipinahahayag ng bawat isa. Lagyan ng
bilang 1 para sa pinakamababaw na damdamin hanggang bilang 3 para sa pinakamasidhing emosyon.
Pagtataya 3
Punan ang bawat kahon sa pagpapakita ng mga transpormasyong nangyari sa tauhan.
Pagbabago ng inang
palaka
Pinagdaanan ng anak na
palaka
Pagbabago ng anak na
palaka
Isaisip(Pag-aaral sa Tahanan 2)
Efeso 6:1-3
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon,
sapagkat ito ang nararapat. 2 "Igalang mo ang iyong ama at ina." Ito ang
unang utos na may kalakip na pangakong 3 "Ikaw ay giginhawa at hahaba
ang iyong buhay sa lupa."
Nasasaad sa Bibliya na tungkulin nating mga anak na sundin ang
ating magulang at ito ang isang kautusang may kalakip na pangakong
giginhawa at hahaba ang buhav natin sa lupa, ngunit nakalulungkot na
kung minsan ay may mga pagkakataong sinusuway natin ang kanilang
utos at kinalilimutan ang kanilang mga bilin. Hindi pa huli ang lahat,
maaari tayong humingi ng tawad sa mga pagsuway at pagwawalang-bahala sa kanilang bilin at piliing maging
masunurin.
Isagawa
Ngayon ay pagkakataon mo nang ipahayag ang iyong pagiging masunuring anak sa pamamagitan ng pagsulat ng
liham sa iyong magulang. Isulat ang mga nais mong sabihin sa kanila at mangakong sisikapin mong sundin ang
bawat utos at bilin nila. Isulat ang iyong liham sa scroll na nasa ibaba.
Bawat pangyayari sa buhay ay maaring makapagpabago ng kaisipan, pag-uugali, at responde ng isang tao. Hindi
natin alam kung ano ang mga maari pang mangyari sa hinaharap na nagdudulot ng kaba at takot. Kaya habang
maayos ang lahat at kapiling natin ang ating pamilya lalo na sa panahong nararanasan natin ngayon, atin silang
bigyan ng pagmamahal lalo na ang pagsunod at pagbibigay ng positibong tugon sa mga bilin ng ating mga
magulang.
Balikan muli ang pabulang nagmula sa Korea. Pagkatapos ay bigyan ng bagong wakas ang kuwento na
nagpapakita ng transpormasyong naganap sa mga tauhan. Ang susulating wakas ay hindi bababa sa labinlimang
pangungusap.
Sanggunian
Baisa- Julian, A., Del Rosario, M. G. G., & Dayag, A. M. (2020). Ikalawang Edisyon Pinagyamang
Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan Aklat 1. Phoenix Publishing House.