Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mission

The Western Mindanao State University, set in a culturally diverse environment, shall pursue a vibrant
socio-economic agenda that include:

• A relevant instruction paradigm in the education and training of competent and responsive human
resource for societal and industry needs;

• A home for intellectual formation that generates knowledge for people empowerment, social
transformation and sustainable development; and,

• A hub where science, technology and innovation flourish, enriched by the wisdom of the Arts and
Letters, and Philosophy.

Vision

The University of Choice for higher learning with strong research orientation that produces professionals
who are socially responsive to and responsible for human development; ecological sustainability; and,
peace and security within and beyond the region

Talambuhay

Ako si Honey Jane Nazareno ipinanganak noong December 4, 2000 sa Labrador Buug Zamboanga
Sibugay. Ang aking ama ay si Jolito at ang aking ina ay si Nita Enriquez mayroon akong dapat na kapatid
sina Maristel, Jeziel Mae,Jayson at Princess Mar. Ako ay natapos ng elementarya sa Balian Elementary
School at ng Sekondarya sa Kawayan Alicia National High School at ngayon, kasalukluyan ay sa Western
Mindanao State University sa kursong BS Filipino

Ang aking hilig ay magbasa ng aklat . Ang aking paboritong pagkain ay sinigang na luto ng aking ina. Ang
paborito kong Singer ay si Darren Espanto. Ang paborito kong kulay ay puti at ang paborito kong
“subject” ay Filipino.

Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama, at tulong-tulong ngunit hindi
maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kaylangan lamang ay
pagmamahal, pagtutulongan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang lahat ng iyon.

WMSU Hymn
Western Mindanao State University

Beautiful emblem of the southern seas

Meant to mold the youth for human dignity

The pillar of peace and unity

Firm she stands and stalwart she looks

With its crimson and white in

the silv’ry light

As she glides to guide the beaming faces upright

She whispers the tune of the Old Normal School

Hail Oh, Alma Mater dear

The beacon light of a million fold

Praise be to them that nurtured thee

Who fought and died let there laurels be

Shout aloud in triumph we

For God has granted His decree

Born the State University

Long envisioned for eternity

Tula

Sa Paglubog ng Araw

Tula ni Jose M. Villena

Nagbabagang bolang ginto’y gumugulong sa kanluran,

Dahan-dahan kung ibuyog sa maulap na hantungan;

Ang katalik na maghapon ay aayaw na paiwan,

Nakabuntot sa pag-isod mula roon sa silangan.


Kadilimang naghuhunab sa mababang panginori’y

Pasalunong sumusunson sa luhaang takipsilim;

Ang daluyong ay pataghoy kung humalik sa pampangin,

Habang doon sa tumana’y dumadalit yaong hangin.

Ang akasya sa libingan ay nagtuping mga dahon

At ang hayop na nagligaw sa pastula’y nagsiyaon;

Alaala’y tiklop-tuhod sa bisitang nasa nayon,

Samantalang ang dupikal sa simboryo’y lumulungoy.

O kaylungkot na tanawing iginuhit ng tadhana…

O kaygandang panimdiming napupuntos ng hiwaga;

Sa masining na damdami’y likhang-guro ni Bathala…

Talinhaga’t salamisim sa daigdig ng Makata!

Awiting Bayan

ALAALA KITA SA PAGTULOG

Akala mo yata kita’y nililimot

Alaala kita sa gabing pagtulog

Ang inuunan ko luhang umaagos

Ang binabanig ko ay sama ng loob.

Di ka na nahabag, di ka na naawa.

Lusak na ang lupa sa patak ng luha.

Buksan mo na neneng ang munting bintana

At ako’y dungawin nagmambintana


Limang Bugtong

1. Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.

Sagot: Paniki

2. Tiniris mo na inaamuyan pa.

Sagot: Surot

3. Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.

Sagot: Bibe

4. Anong hayop ang dalawa ang buntot?

Sagot: Elepante

5. Ang ulo ay kabayo, ang leeg ay pare, ang katawan ay uod, ang paa ay lagare.

Sagot: Tipaklong

5 Idyoma

taingang kawali – nagbibingi-bingihan

ilaw ng tahanan – ina, nanay

haligi ng tahanan – ama, tatay

buwayang lubog – taksil, traydor

bukas ang palad – matulungin

5 Salawikain

1.Ang matapat na kaibigan,

Tunay na maaasahan.

2.Ang tao kapag mayaman,

Marami ang kaibigan.

3.Ang tunay na anyaya,


Sinasamahan ng hila.

4.Ang tunay na kaibigan,

Karamay kailan man.

5.Ang tunay na kaibigan,

Nakikilala sa kagipitan.

Eulogy

Sa araw na ito, ay ang huling araw kung saan andito kapa sa mundong may marami ka pang ala-alang
naiwan.Huling araw kung saan bangkay mo na lamang ang andito. Huling araw sa mundong masaya
kung saan kasama mo ang iyong mahal sa buhay.

Kami ng iyong mama at mga kapatid ay andito lamang sa tabi mo kahit na lumisan kana sa mundong
ito. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal ka namin.Gusto ko lang malaman ng mga taong
dumalo dito kung gaano kita ka mahal. Pagpasensyahan mo na kung ganito akong klaseng ama at
klaseng asawa sa iyong ina. Pagpasensyahan mo na kung naiisip mo na di kita mahal at di kita
pinapahalagahan. Wag ka sanang mag-isip ng kung ano-anu dahil MAHAL KITA, MAHAL NA MAHAL KA
NAMIN.Pasensya

na kung di kita pinapayagan na pumunta sa mga kaibigan mo.nang isipin na wala akong tiwala sayo,
dahil ang totoo, pinapahalagahan ka lang namin ng mama mo, at pinoprotektahan sa mga bagay o sa
mga pangyayari na di maganda at di natin alam na mangyayari sa ating buhay. Wag mo sanang isipin
na mas mahal ko yung mga kapatid kaysa sayo, dahil sa totoo lang pantay-pantay ko kayong mahal,
walang nasa ibaba o sa itaas dahil anak ko kayo, kaya mahal ko kayong lahat. MAHAL NA
MAHAL.Mamimiss kita anak, mag-ingat ka sana sa iyong byahe patungong langit, wag kang mag-
alaladi na ako iinom pa ng alak, di na ako magpapalasing pa, pagpasensyahan mo na kung ngayon ko
lang narealize na magbago na wala ka na sa tabi namin.Wala ka na sa piling namin. Di na ako
magpapabigat pa sa iyong ina at mga kapatid. Alam kong nandito ka pa sa tabi namin nakikinig at
umiiyak dahil narinig mo ang mga bagay na di ko man nasabi sayo kailanman,sa buong buhay mo.
Alam kong marami kang pangarap, gusto mong maka-ahon tayo sa kahirapan. Pasensya na kung
ngayon ko lang nasabi sa iyo ito, na wala ka na sa tabi naming lahat. Anak, lage mong tatandaan na
lage kang nasa-isip at puso namin. MAHAL NA MAHAL KITA ANAK. We will miss you. Mamimiss namin
yung ngiti mo, yung mga biro mo, yung pagsayaw mo, yung kasama ka namin, kaya mag-ingat ka lage.

MAHAL NA MAHAL KA NAMIN. Paalam.

You might also like