Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan V


Ikaapat na Markahan
(Day 26)

I. Layunin
a. Nahihinuha ang epekto ng kalakalang Galyon sa pagbubukas ng daungang Maynila
b. Nakagagawa ng collage ng isang bangkang galyon na ginagamit sa kalakalang pandaigdig
c. Napahahalagahan ang Epekto ng kalakalang galyon bilang isang kalakalang pandaigdig

II. A. Paksa: Epekto ng kalakalang Galyon sa Pagbubukas ng Daungang Maynila


B. Sanggunian: Curriculum Guide 5.1.7
Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5, Pahina 96-99
C. Kagamitan: Puzzle, Construction paper

III. A. Activity (Gawain)


Puzzle – Ipabuo ang kalakalang galyon
- Ipaliwanag ang pagkakaintindi sa binuong puzzle

B. Analysis (Pagsusuri)
a. Pagsagot mula sa nabuong puzzle
b. Paghihinuha sa mahahalagang konsepto/kaisipan na napapaloob sa paksang “Ang
Epekto ng Kalakalang Galyon sa Pagbubukas ng Daungan sa Maynila”
c. Pangkatang Pagkatuto(Group Activity)
- Paggawa ng collage ng isang bangkang galyon na ginamit sa pag bubukas ng daungang
Maynila

C. Abstraction (Pagpapahalaga at Paglalahat)


Ang epekto ng kalakalang galyon sa pagbubukas ng daungang Maynila ay …
Ang mga kahalagahan ng kalakalang galyon sa pagbukas ng daungang Maynila ay …

D. Application (Paglalapat)
a. Share your views
Gaano kahalaga ang kalakalang galyon bilang isang kalakalang pandaigdig sa
pamumuhay n gating mga ninuno
b. Think –Pair-Share
Magbigay ng 3 epekto ng kalakalang galyon sa pagbubukas ng daungang
Maynila?

Pamantayan:
1. Ang pangkat na naipahayag ng malinaw 5 puntos
Ang aralin ay makakakuha ng
2. Ang pangkat na malinaw at madaling 3 puntos
maunawaan ang pagsasalita ay
3. At para sa “Audience Impact” ay 2 puntos

10 puntos

IV. Kasunduan
Maghanap ng larawan ng kalakalang galyon.
Isulat ang epekto nito sa pagbubukas ng daungang Maynila.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan V


Ikaapat na Markahan
Day 27

I. Layunin

A. Naiisa-isa ang mga epekto ng kalakalang galyon sa bansa.


B. Nakagagawa ng time line ng mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng kalakalang
galyon.
C. Naisasabuhay ang kahalagahan ng kalakalang galyon sa kasaysayan ng bansa.

II. Paksang Aralin


Paksa: Natatalakay ang kalakalang galyon at ang epekto nito sa bansa.
Sangguniaan: Curriculum Guide 5.1.7
Lakbay sa Lahing Pilipino 5 pp. 125-126
Kagamitan: Metacards, mga larawan,

III. Pamamaraan
A. Gawain (Activity)
a. Jigsaw Puzzle
Mga epekto ng kalakalang Galyon (galyon, nobena, Sta. Cruzan, Negosyate na
nagtitinda, piyer)
b. Time line
Pagsunod- sunurin ang mga larawan ayon sa pangyayaring naganap na epekto ng
kalakalang galyon at sumulat ng isang kwento tungkol dito.
B. Pagsusuri (Analysis)
1. Pagsagot sa mga katanungan mula sa puzzle na binuo.
2. Pagbibigay ng pansin sa mahahalagang konsepto/kaisipan na nakapaloob sa paksa
na naging epekto ng kalakalang galyon sa bansa. (Malayang talakayan)
3. Pagbibigay ng mga karagdagang katanungan.
C. Paghahalaw/Paglalahat(Abstraction)
Ang mga naging epekto ng kalakalang galyon sa bansa ay…
Ang mga naisabuhay ang mahahalagang pangyayari na epekto ng kalakalang galyon sa
bansa sa mga Pilipino ay...
D. Paglalapat (Application)
a. Think-Pair-Share
Magtala ng mga mahahalagang epekto ng kalakalang galyon sa:
1. ekonomiya
2. lipunan(pamumuhay)
E. Pagtatasa (Assessment)
a. Pandulang patatanghal
Ipakita sa klase ang mga iba’t ibang epekto ng kalakalang galyon sa bansa sa
pamamagitan ng:
1. Pantomime (piyesta, nobena, Sta. Cruzan)
2. Dramatization (negosyante/mangangalakal)
3.
Mga Pamantayan 1 2 3 4 5
1. Wasto, angkop ang paksa, at mayaman sa
impormasyon ang dula-dulaan.
2. Mahusay ang pagganap ng mga tauhan sa kanilang
karakter.
3. Malinaw at angkop ang paksa na ipinarating na
mensahe sa mga manonood.
Kabuuang puntos

IV. Kasunduan

Gumawa ng bangkang papel bilang galyon at isulat sa paligid nito ang mga epekto ng
kalakalang galyon
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan V


Ikaapat na Markahan
Day 28

I. Layunin
A. Naihahambing ang pagkakaiba ng kalakalang galyon sa kasalukuyang kalakalan
B. Nabibigyang paghanga sa pamamagitan ng pagsasadula ng iba’t ibang pangyayari sa
panahon ng kalakalang galyon
C. Nakakapaghanap ng isang larawan ng pangyayaring naganap noon sa kalakalang galyon.
II. Paksang – Aralin
a. Paksa: Paghahambing ng Kalakalang Galyon sa Kasalukuyang Kalakalan.
b. Sanggunian: Curriculum Guide AP5PKB-IVg-5
Lakbay ng Lahing Pilipino 5, Pahina 124-126
c. Kagamitan: Power Point Presentation, Meta cards

III. Pamamaraan
A. Activity (Gawain)
a. Imaginary History
- Pipili ang guro ng isang kaganapan sa kasaysayan at lilikha ng sariling imaginary
history na kakaiba sa tunay na pangyayari.
- Mag bibigay na mga katanungan ang guro
- Itatala ng mga mag-aaral ang mga kasalungat na pangyayari na kanilang
nakita/nabasa/napanood.

B. Analysis (Pagsusuri)

a. Pagsagot sa mga katanungan mula sa ginawang Gawain


b. Pagbibigay pansin sa mahalagang konsepto/kaisipan na napapaloob sa paksang
“Kalakalang Galyon”
c. Pangkatang Pagkatuto (Group Activity)
- Pagbuo ng salita na may kinalaman sa kalakalang galyon
Bumuo ng pangkat na may limang miyembro
Ang bawat pangkat ay bubuo ng salita mula sa mga letra na makukuha sa
“Brown Envelope”
Halimbawa:
A O N Y L G

Sagot : G A L Y O N

C. Application (Paglalapat)
a. Share your views
-Think-Pair- Share
Magbigay ng 3 positibo at 3 negatibong epekto ng kalakalang galyon

D. Assessment (Pagtataya)
a. Pagsasagawa ng dula-dulaan ng bawat pangkat na patungkol sa kanilang napag-
aralang leksiyon.
PAMANTAYAN Puntos
5 4 3 2 1
Pakikilahok at pakikiisa ng bawat miyembro ng pangkat
Malinaw ang pagbigkas ng mga salita/dayalogo
Nauunawaan ang mensahe na nais iparating ng bawat
pangkat
Natapos ng maayos ang pagtatanghal

IV. Kasunduan
Maghanap ng isang larawan ng pangyayaring naganap noon sa kalakalang galyon at ibigay
ang inyong opinion sa larawan na inyong napili.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan V


Ikaapat na Markahan
Day 29

I. Layunin
a. Naiisa-isa ang mga naunang pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol ng mga Pilipino
b. Nakagagawa ng isang timeline sa mga naunang pag-aalsa laban sa kolonyalismong
Espanyol ng mga Pilipino.
c. Napapahalagahan ang mga sakripisyo ng mga unang Pilipinong nanguna sa pag-aalsa.

II. Paksang – Aralin


A. Paksa: Mga Naunang Pag-aalsa sa Estadong Kolonyal
B. Sanggunian: Curriculum Guide 1.2
Isang Bansa, Isang Lahi Txtbook pp.195-196
C. Kagamitan: crossword puzzle, timeline chart flashcards (fact or bluff)
III. Pamamaraan
A. Activity (Gawain)
a. Laro (Fact or Bluff)
- Ang bawat pangkat ay may dalawang kinatawan na sasagot sa mga katanungang
babanggitin ng guro. Isa-isang babasahin ng guro ang mga datos at itataas ng
bawat kalahok ang kanilang flashcard ng napili nilang sagot
b. Crossword Puzzle
- Ang bawat pangkat ay bibigyan ng crossword puzzle na kanilang sasagutan. Ang
pangkat na unang makatapos ng gawain ay isisigaw ang kanilang group yell.

*Panuto : Lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga taong inilalarawan


ng mga pahayag sa ibaba.

3
1 2

5 4

6 7

8.
Pahalang Pababa

1. Nanguna sa pag-aalsa sa pangasinan 2. Tsinong Piratang lumusob noong 1574


4. nanguna sa pag-aalsa sa Pampanga 3. Pinuno ng pag-aalsa ng mga Waray
6. pinunong muslim ng Maguindanao 5. Nag-alsa sa Ilocos
8. Pinamunuan ang rebelyon sa Bohol 7. Babaylang taga Bicol

B. Analysis (pagsusuri)
a. Pagsagot ng mga katanungan mula sa mga larong Fact or Bluff at crossword puzzle.
b. Pagbibigay pansin sa mahalagang konsepto/kaisipan na napaloob sa paksang “Mga
Naunang Pag-aalsa Laban sa Kolonyalismong Espanyol ng mga Pilipino”. (Malayang
Talakayan)

C. Abstraction (Paghahalaw at Paglalapat)


Ang mga naunang pag-aalsa laban sa mga Kolonyalismong Espanyol ng mga Pilipino ay
ang mga sumusunod………

D. Application (Paglalapat)
Pangkatang Pagkatuto (Group Activity)
- Paggawa ng isang time line tungkol sa mga naunang pag-aalsa laban sa
kolonyalismong Espanyol ng mga Pilipino.

E. Assessment (Pagtataya)
Isa-isahin ang mga naunang pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol
ng mga Pilipino.
1.
2.
3.
4.
5.

IV. Kasunduan
Magsaliksik ng mga larawan ng mgabayaning nanguna sa mga naunang pag-aalsa at iguhit
ito sa short bond paper.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan V


Ikaapat na Markahan
Day 30

I. Layunin
A. Natutukoy ang mga dahilan ng mga pag-aalsang nagtagumpay laban sa kolonyalismong
Espanyol
B. Naisasadula ang mga dahilan ng mga pag-aalsang nagtagumpay laban sa kolonyalismong
Espanyol
C. Nasasabi ang kahalagahan ng pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino sa mga pag-aalsang
nagtagumpay laban sa kolonyalismong Espanyol

II. Paksang – Aralin


A. Paksa: Mga dahilan ng mga pag-aalsang nagtagumpay laban sa kolonyang Espanyol.
B. Sanggunian: Curriculum Guide 6.1.4
Makabayan, Kasaysayang Pilipino Ph. 108-109
C. Kagamitan: Tsart, cartolina strips

III. Pamamaraan:
A. Activity (Gawain)

Unfinished Story o Reaction Story


Hatiin sa tatlong grupo ang mag-aaral
Gr.1 – magpakita ng 1 pangyayari/ikukuwento ng 1 o 2 ang suliranin
2 – pagkatapos mapakinggan ang kuwento, isasadula ng mag-aaral ang solusyon
3 – magbigay ng reaksyon ang mga mag-aaral

B. Analysis (Pagsusuri)

1. Pagsagot sa mga katanungan mula sa dulang nasaksihan


2. Pagbibigay pansin sa mahalagang konsepto/kaisipan na napapaloob sa paksang
“Ang mga dahilan ng mga pag-aalsang nagtagumpay laban sa kolonyalismong
Espanyol”
3. Pangkalahatang Pagkatuto (Group Activity)
Paggawa ng awit, tula, akrostik, pantomime

C. Abstraction (Paghahalaw at Paglalahat)


Ang mga dahilan ng mga pag-aalsang nagtagumpay laban sa kolonyalismong Espanyol
ay…

D. Application (Paglalapat)
Share your views
Think-Pair-Share
Itanong: Ano ang maaaring mangyari kung sakali?
Naging kapani-paniwala ba ang mga nabagong pangyayari?

E. Assessment (Pagtataya)
A. Pagsasagawa ng dula-dulaan ng bawat pangkat

Pagtataya gamit ang Rubriks


Pamantayan Puntos
1.Naisasagawa ang duladulaan na
kinapalooban ng mga pangyayari base sa
mga dahilan ng mga pag-aalsang naganap
laban sa mga Espanyol. 5 pts.

2. Malinaw ang mga dayalogo/salita sa 3pts.


pagpresenta ng dula-dulaan

3. May mga akmang kagamitan 2pts.

10pts.

IV. Kasunduan:
Maghanap ng mga larawan ng mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Espanyol at idikit sa
kwaderno.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan V


Ikaapat na Markahan
Day 31

I. Layunin
a. Natutukoy ang mga dahilan ng mga pag-aalsang nabigo laban sa kolonyalismong
Espanyol;
b. Naisasadula ang mga dahilan ng mga pag-aalsang nabigo laban sa kolonyalismong
Espanyol;
c. Nasasabi ang hindi magandang dulot ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa mga
pag-aalsang nabigo
Laban sa mga kolonyalismong Espanyol.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga dahilan ng mga pag-aalsang nabigo laban sa kolonyalismong Espanyol
Sanggunian: Kasaysayang Pilipino 5 pp. 54-61
Kagamitan: walis tingting, mga larawan ng mga kawal, kagamitang pandigma, dayorama

III. Pamamaraan
1.Activity (Gawain)
a. Pagpapakita ng kahalagahan ng isang tingting at ang bungkos ng tingting (walis
tingting)
b. Pagbubulaybulay/Bulayin:
“UNITED WE STAND, DIVIDED WE FALL”

2. Analysis(Pagsusuri)
a. Mga tanong:
1. Alin ang mas kapakipakinabang? Ang nag-iisang tingting? O ang bungkos
ng tingting na walis? Bakit?
2. Bakit nasabi nating kapag tayo ay nagkakaisa ay higit tayong
magtatagumpay kaysa tayo ay watak-watak o nag-iisa? (Magkwento)
b. Paglalahad/Pagbasa sa paksang aralin na nakatala sa batayang aklat yunit II.
Panahon ng mga Espanyol

3. Abstraction(Paghahalaw/Paglalahat)
Ang mga pangunahing dahilan ng pagkabigo sa mga pag-aalsa ng mga
naunang Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol ay ang mga
sumusunod:
1. Walang pagkakaisa ang mga Pilipino
2. Ang mga Pilipino ay kulang sa mga makabagong sandata
3. Mahusay sa labanan, pamumuno, pang-aakit o panlilinlang ang mga
Espanyol
4. Nabihag ang mga Pilipino sa mga aral ng Kristiyanismo. Ang kanilang
pagsampalataya sa Kristiyanismo ay naging tanda ng kanilang pagiging
matapat na alagad ng Espanya.

4. Application(Paglalapat) Dula-dulaan
1. “May napanood nab a kayong pelikula o palabas na hindi nagtagumpay
dahil sa walang pagkakaisa? Isadula ito.”(dula-dulaan)
a. Alin-aling sandata ang mas higit na mahusay? Kanyon, tabak, baril,
sibat, pana, tirador, armalite. Alin ang gamit ng sandata ng mga
Pilipino? Nanalo ba sila? Sino ang nanalo? Bakit?
b. Anu-ano pangkatangian mayroon ang mga Espanyol na
nakatulong sa pagkagapi ng mga Pilipino?

5. Assessment(Pagtataya)
Punan ang mga patlang ng tamang sagot. Piliin sa kahon.

Baril at kanyon Pagkakaisa pang-aakit sandata Kristiyanismo


1. Ang kakulangan ng __________ ng mga Pilipino ang isang dahilan ng
kabiguan sa pakikidigma laban sa mga Espanyol.
2. Kakulangan din ng mga makabagong ____________ ang isa pang dahilan
upang madaling matalo ang mga Pilipinong kawal sa digmaan.
3. Ang mga Espanyol ay hindi lamang mahusay sa labanan kundi pati sa
pamumuno, _______________ o panlilinlang para masakop ang mga tao.
4. Nabihag ang mga Pilipino sa mga aral ____________. Ang kanilang
pagsampalataya ang nagging tanda ng kanilang pagiging matapat na
alagad ng Espanya.
5. May ________ at __________ ang mga kolonyalismong Espanyol kaya
medaling nalipol ang mga Pilipinong kawal.

IV. Kasunduan
b. Gumuhit o gumupit ng limang kawal ng Espanyol at kawal Pilipino.
c. Iayos ang mga ito sa isang “Dayorama”. (gayahin ang damit, kasuotan at sandata)
Mga kagamitan sa dayorama:
- Isang kahon na mas malaki kaysa sa kahon ng sapatos.
- Kardbord, water color, crayola, lapis, gunting, pandikit,
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan V


Ikaapat na Markahan
DAY 32

I . LAYUNIN

1. Nasasabi ang epekto ng pagkakaisa at pagkawatak-watak ng mga Pilipino sa mga


naunang pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol
2. Nakakagawa ng poster tungkol sa epekto ng pagkakaisa at pagkawatak-watak ng mga
Pilipino sa mga naunang pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol
3. Nasasabi ang kahalagahan ng pagkakaisa
II . PAKSANG – ARALIN

Epekto ng Pag-aalsa Laban sa Kolonyang Espanyol


Sanggunian: Curriculum Guide AP5PKB - IVh – 6
Isang Bansa Isang Lahi 5
Kagamitan: manila paper/cartolina, crayola, lapis

III . Pamamaraan

1. Activity (Gawain)
 Dula
1. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
2. Ang unang pangkat ay magpapakita ng nagkakaisang grupo at ang pangalawang
pangkat ay magpapakita ng nagkakawatak-watak na grupo.

2. Analysis (Pagsusuri)
a. Pagsagot sa mga tanong base sa isinagawang dula-dulaan.
b. Pagbibigay pansin sa mahalagang konsepto/kaisipan na napapaloob ang paksang

EPEKTO NG PAGKAKAISA AT PAGKAWATAK-WATAK NG MGA PILIPINO SA


MGA NAUNANG PAG-AALSA LABAN SA KOLONYALISMONG ESPANYOL.

(Malayang Talakayan)
c. Pangkatang Pagkatuto (Group Activity)
1. Hatiin ang klase sa limang pangkat.
2. Pag-usapan ang epekto nito sa mga Pilipino.
3. Ipakita ang naging epekto nito sa pamamagitan ng paggawa ng poster.

3. Abstraction (Paghahalaw at Paglalahat)

Ang mga epekto ng pagkakaisa at pagkawatak-watak ng mga Pilipino sa mga naunang


pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol ay ang mga sumusunod…

4. Application(Paglalapat)
 Share your views
*Think - Pair – Share
Pag-usapan ang kahalagahan ng pagkakaisa
5. Assesment (Pagtataya)
Itala ang mga epekto ng pagkakaisa at pagkawatak-watak ng mga Pilipino sa mga
naunang pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol.

Epekto ng Pagkakaisa Epekto ng Pagkawatak-watak

IV .Kasunduan

Magsaliksik ng iba pang dahilan ng mga epekto ng pagkakaisa at pagkawatak-


watak ng mga Pilipino sa mga naunang pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


Day 33

I. Layunin
1. Naiisa-isa ang mga paraan ng mga ginawang pag- aalsa ng mga
makabayang Pilipino upang makamit ang mga hinahangad na
kalayaan.
2. Naipaliliwanag ang mga paraan ng mgaginagawang pag-aalsa ng mga
makabayang Pilipino upangmakamitangmgahinahangadnakalayaan.
3. Nakapagbibigay ng reaksyon sa mga paraan ng mgaginawang pag-
aalsa ng mga makabayang Pilipino upang makamit ang mga
hinahangad na kalayaan.

II. PaksangAralin
Paraan Ng Mga GinawangPag-aalsaNg Mga Makabagong Pilipino
Sanggunian: Curriculum Guide 7.1.1, Lahing Dakila pahina 216-223
Kagamitan : Activity Card, marking pen , manila paper

III. Pamamaraan
1. Activity (Gawain)
a. Collaborative Learning
Pangkatin ang mga bata sa apat.Magpalikom ng mgakaalaman .
Pangkat I- Paraang ginawang pag-aalsa nina Lakandula at
Sulayman.
Pangkat II- Paraang ginawang pag- aalsa nina Maniago, Malong at
Almazan.
Pangkat III- Paraanng ginawang pag- aalsa ni Dagohoy
Pangkat IV-Paraang ginawa ni Sumuroy
2. Analysis (Pagsusuri)
Ipaulat ang inihanda ng bawat pangkat.
a. Magbigay ng pamantayan sa pakikinig.
b. Magpatala ng mahalagang bagay tungkol sa inuulat.
c. Malayang Talakayan
 Anu-ano ang mga paraang ginawa ng mga makabayang Pilipino
upang makamit ang hinahangad na kalayaan?

3. Abstraction ( Paghalaw at Paglalahat)


Ang mga paraanng ginawang pag-aalsa ng mga makabayang
Pilipino ay ang mgasumusunod……

4. Application ( Paglalapat)
a. Role Play (Pantomine)
Isabuhay bawat pangkat ang kanilang naging reaksyon sa mga
paraang ginawa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng
kalayaan.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Pagsasabuhay

MgaPamantayan 1 2 3 4 5
1. Angkop ang isinasabuhay
2. Wasto ang ipinakitang impormasyon
3. Maayos at kaaya-aya ang ipinakita

5. Assessment (Pagtataya)
Pag-iisa-isa

Isa-isahin ang mga mga paraan ng mga ginawang pag- aalsa ng mga
makabayang Pilipino upang makamit ang mga hinahangad na
kalayaan.

1.
2.
3.
4.
5.

IV. Kasunduan

Iguhit ang inyong reaksyon sa mga paraang ginawang pag-aalsa ng


makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


Day 34

I.Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga bayaning Pilipino at ang kanilang mga nagawa
tungo sa pagkakamit ng kalayaan.
2. Naiguguhit ang bayaning Pilipino na may malaking nagawa tungo sa
pagkamit ng kalayaan.
3. Napahalagahan ang mga bayaning Pilipino.

II. PaksangAralin:Ang mga Bayaning Pilipino at ang kanilang nagawa tungo


sa pagkamit ng kalayaan
Sanggunian:7.1.4, 7.1.5, 7.1.6
Kagamitan:tsart, larawan
Pagpapahalaga:

Pagpapahalaga sa mga bayaning Pilipino

III. Pamamaraan

1. Activity
Pangkatang Gawain
Pangkatin sa limang pangkat ang mga bata. Bigyan ng sumusunod na
mapaang bawat pangkat na kanilang pag-aaralan at susuriin.
2. Analysis/Pagsusuri
Sinu-sino ang mga bayaning Pilipino? Ano ang kanilang nagawa
tungo sa pagkamit ng kalayaan?

3. Abstraction
Ang mga bayaning Pilipino ay sina...

4. Application
Gumuhit ng bayaning Pilipino na may malaking nagawa tungo sa
pagkamit ng kalayaan.
5. Assessment
Pag-iisa-isa
4. Isa-isahin ang mga bayaning Pilipino na may mga nagawa tungo sa
pagkakamit ng kalayaan.

1.
2.
3.
4.
5.
IV. Kasunduan
Kung ikaw ay may pagkakataong makipagusap sai sa sa mga
bayaning Pilipino ng ating tinutukoy, sino ang pipiliin mong
kausapin? Ano-ano ang mga sasabihin o itatanong mo sa
kanya?
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


Day 35

I. Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari sa pag-usbong ng
mga maagang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino
2. Napahahalagahan ang mga nipinakitang kabayanihan ng mga
makabayang Pilipino.
3. Nakagagawa ng collage tungkol sa mga pangyayari sa pag-usbong
ng mga maagang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino.

II. PaksangAralin:Mahahalagang Pangyayari sa pag-usbong ng mga maagang


pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino.
Sanggunian: Curriculum Guide 7.1.7, 7.1.8, 7.1.9
Kagamitan: tsart, larawan

III. Pamamaraan
1. Activity/Gawain
Pangkatang Gawain
Pangkat 1- Ang Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang
Kalakalan
Pangkat 2- Ang Pagbubukas ng Suez Canal
Pangkat 3- Pagdating ng Kaisipang Liberal
Pangkat 4- Pagpatay sa Tatlong Pari
Pangkat 5- Paglitaw ng mga Ilustrado

2. Analysis/Pagsusuri
Ano-ano ang mga mahahalagangpangyayari sa pag-usbong ng
maagang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino?
3. Abstraction/Paglalahat
Ang mga mahahalagang pangyayari sa pag-uusbong ng mga
pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino ay ang mga sumusunod.
1. Ang Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang
Kalakalan
2. Ang Pagbubukas ng Suez Canal
3. Pagdating ng Kaisipang Liberal
4. Pagpatay sa Tatlong Pari
5. Paglitaw ng mga Ilustrado
4. Application/Paglalapat
Bumuo ng isang event sequence o graphic organizer na ipinakikita
ang mga pangyayari at ginawa ng mga Pilipino na
nakaimpluwensya para mabuo ang diwang makabayan?
Namulat ang
__________

5. Assessment/Pagtataya
Gumawa ng collage tungkolsa mga pangyayari sa pag-usbong ng
mga maagang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino.

Pamantayansapaggawa 3 2 1

1. Napanatilikongmalinis at
maayosangakinglugarnapinagawaan
2. Nakabuoako ng collage
nanaaangkopsamgapangyayarisapag-usbong ng
mgamaagangpagaalsa ng mgamakabayang Pilipino.
3 Nakaramdamako ng pagmamalaki at
kasiyahanhabangginagawakoito.
4.Nakagamitako ng tamangkulayupangmagingkaakit-
akitangakinglikhangsining
5. Nakataposakonang tama saoras.

Legend:
3-pinakamahusay
2-mahusay
1-nangangailangan ng pagsasanay

IV. Kasunduan
Magsaliksik ng mga epekto ng maagang pag-aalsa
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


Day 36
I.Layunin
` 1.Natatalakay ang epekto ng maagang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino
2.Naipapakita sa pamamagitan ng pagsasadula ang mga naging
epekto ng maagang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino
3.Napahahalagahan ang maagang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino

II.Paksang-Aralin:
Epekto ng Maagang Pag-aalsa ng mga Makabayang Pilipino
Sanggunian:Curriculum Guide 7.1,Lahing Dakila pp.254-260
Kagamitan:Power Point, Metacard, Activity Cards

III.Pamamaraan
A.Activity(Gawain)
Pangkatang Gawain
Bawat pangkat ay bubuuin ang nasa ibabang graphic organizer

Epekto ng maagang pag-aalsa ng


Maagang Pag-aalsa mga Makabayang Pilipino
___________________________

___________________________
___________________________
B.Analysis(Pagsusuri)
Anu-ano ang mga epekto ng maagang pag-aalsa ng mga makabayang
Pilipino?

C.Abstraction(Paghahalaw at Paglalahat)
Ang epekto ng maagang pag-aalsa ng makabayang Pilipino ay ang
mga....................

D.Application(Paglalapat)
1.Pandulang Pagtatanghal(Pangkatan Gawain)

a. Sumulat ng iskrip tungkol sa epekto ng maagang pag-aalsa ng makabayang


Pilipino at isadula ito.Gawing gabay sa pagmamarka ng gawain ng mag-aaral
ang sumusunod na rubric.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Dula-dulaan


Mga Pamantayan 1 2 3 4 5
1.Angkop ang isinadula sa tema
ng gawain
2.Wasto ang ipinakikitang
impormasyon sa dula
3.Maayos at makapukaw-pansin
ang pagsasadula.

Kabuuang Puntos

b.Paano ninyo pahahalagahan ang maagang pag-aalsa ng mga makabayang


Pilipino?

E.Assessment(Pagtataya)
Pag-iisa-isa
Ibigay ang mga epekto ng maagang pag-aalsa ng makabayang Pilipino.
1.
2.
3.
4.
5.

IV.Kasunduan
Gumawa ng isang tula tungkol sa pagiging makabayang Pilipino.

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


Day 37

I. Layunin:

 Natatalakay ang kahalagahan ng sakripisyo ng ating mga ninuno para


makamit ang kalayaan.
 Nabibigay ang katuturan/halagaa ng sakripisyo ng ating mga sakripisyo ng
ating mga ninuno upang makamit ang kalayaan.
 Naipapakita sa pamamagitan ng isang dula-dulaan ang ginawang sakripisyo
ng mga Pilipino para makamitang kalayaan.

II. PaksangAralin:
Sakripisyo ng ating mga ninuno para makamit ang kalayaan
C.G. 7.1.13, 7.1.14, 7.1.15
Kagamitan: mga larawan

III. Pamamaraan:
1. Activity (Gawain)
Magsasagawa ng Gallery Walk ang mga bata.
(Nakapaloob sa gallery walk ang mahahalagang impormasyon/datos tungkol
sa mga sakripisyo ng ating mga ninuno upang makamit ang kalayaan.)

2. Analysis (Pagsusuri)
a. Pagsusuri ng mgalarawan ng mga ninuno na nagpapakita ng sakripisyo
upang makamit ang kalayaan

b. MalayangTalakayan

3. Abstraction (Paghahalaw at Paglalahat)


Angkahalagahannaginawangsakripisyo n gating mganinuno para
makamitangkalayaan ay angmgasumusunod:

* Pagbubuwis ng kanilang buhay para sa bayan

* Isinakripisyo nila ang kanilang kabuhayan at kaligtasan ng pamilya

4. Application (Paglalapat)
Bilang batang Pilipino sa kasalukuyang panahon, papaano mo
maipapakita ang pagpapahalaga ng pagsasakripisyo sa bayan upang
makamit ang kalayaan?

5. Assessment (Pagtataya)
Pangteatrong Dulaan
Panuto: Bumuo ng limang pangkat .Isadula at ng ating mga ninuno
upang makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng pantomime,
skit,tula,rap at awit.

Rubrics:

MgaPamantayan MgaPuntos

1 2 3 4 5
1. Angkop ang isinadula sa tema
ng gawain.

2.Wasto ang ipinakitang


inpormasyon sa dula
3. Maayos at makapukaw-pansin
ang pagsasadula

IV. Kasunduan:
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa pagsasakripisyo sa bayan ng
mga bagong bayani tulad ng mga sundalo, pulis, OFW’s at guro.
Isulat sa papel.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


Day 38

I. Layunin:

 Nakakasulat ng isang liham na nagpapahayag ng pagmamalakit sa mga


bayaning Pilipino
 Nagpapahalaga sa mgaginawang pagpupunyagi ng mga bayaning Pilipino
upang makamit ang kalayaan
 Naibabahagi sa klase ang ginawang liham tungkol sa pagpupunyagi ng mga
bayani

II. PaksangAralin:
Sakripisyo ng ating mga ninuno para makamit ang kalayaan
C.G. 8.1.1, 8.1.2, 8.1.3
Kagamitan: tsart, larawan
Kagamitan: mga larawan

III. Pamamaraan:
1. Pagbuo ng Puzzle

Crossword Puzzle (Paghanap ng mga pangalan ng mga bayaning Pilipino)

2. Analysis (Pagsusuri)
Gumawa ng isang liham ang bawat mag-aaral na nagpapahayag ng
pagmamalaki sa mga bayaning Pilipino.

3. Abstraction (Paghahalaw at Paglalahat)


Ibahagi sa klase ang ginawang liham tungkol sa pagpupunyagi ng mga
bayani

4. Application (Paglalapat)
Uumpisahan Ko,Itutuloy Mo
1. Ang aking napiling bayani ay si __________dahil
__________________________.
2. Hinahangaan ko ang sakripisyo ng ating mga OFW
dahil______________________.

5. Assessment (Pagtataya)
Pangkatang Pagtataya
1. Pumili ng isang bayaning Pilipino
2. Sumulat ng liham nagpapahayag ng pagmamalakit sa mga bayaning
Pilipino

Rubrics:

MgaPamantayan MgaPuntos

1 2 3 4 5
1. Naisulatba ng tama ang liham.

2.Naglalaman ba ng pasasalamat ang


liham na ginawa.
3. Maayos at makapukaw-pansin ba
liham para sabayani.

IV. Kasunduan:

Gumawa ng liham para sa taong sa palagay mo ay bayaning


maituturing.

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


Day 39

I. Layunin:

 Naipapahayag ang kanilang saloobin sa kakayahan ng bawat isa sa pagganap


sa sariling tungkulin sa pamamagitan ng essay.
 Nalilinang ang kahalagahan ng pagpapahayag ng malayang saloobin
 Naipapakita sa iba’t-ibang pamamaraan kung paano pahalagahan ang
tungkulin pagsulong ng kamalayang pambansa tungosa pagkabuo ng
Pilipinas bilang sa isang nasyon.

II. Paksang Aralin:


A. Paksa
Ang Kahalagahanng Pagganap ng sariling tungkulin sa pagbuo ng
Nasyon
B. Sanggunian: K to12 Araling PanlipunanCurriculum Guide
C. Kagamitan: bola/kahon, activity card

III. Pamamaraan:
1. Laro ( Pass the box)
Sa hudyat ng awit ay ipapasa ng mga mag-aaralang kahon na
may lamang tanong na inihanda ng guro. Ang batang may hawak ng
kahon sa pagtigil ng awit ang siyang bubunot at magdudugtong ng
salita upang mabuo ang pangungusap.
Hal. Mahalaga ako sa aking bansa dahil _____________________?

2. Activity ( Gawain)

Pangkatang Gawain

Hatiin sa limang pangkat ang mga bata. Ang mga pangkat ay


magpapakita sa iba’t-ibang pamamaraan ng kanilang paraan ng
pagpapahalaga mga tungkulin ang pagsulong ng kamalayang pambansa
tungosa pagkabuo ng Pilipinas bilang sa isang nasyon.

3. Analysis (Pagsusuri)
Anu-ano ang mga tungkulin natin upang magpatuloy sa pag-unlad ng
ating bansa?

3. Abstraction (Paghahalaw at Paglalahat)


Ang bawat isa sa atin ay mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na
ginagampanan upang magpatuloy sa pag-unlad ang ating bansa. Kung
ang lahat ng Pilipino ay gagawin ang kani- kaniyang mga tungkulin
bilang isang mamamayan ng Pilipinas, sigurado ang kaunlaran ng
ating bansa at siguradong magkakaroon ng kapayapaan. Dahilan ang
maliit na gawa, kapag pinagsama- sama ay tiyak na magbubunga ng
isang malaking pagbabago sa ating bansa.

4. Application(Paglalapat)

Ipakita sa malikhaing paraan kung papaano mo mapapahalagahan ang


iyong tungkulin sa pagbuong Nasyon.

5. Assessment (Pagtataya)
Sumulat ng isang essay kung papaano mo mapahahalagahan ang
iyong sariling tungkulin sa pagsulong at pagbuo ng Pilipinas bilang
nasyon. Gamitin ang rubrics sa pagbibigay ng puntos.

IV. Kasunduan:
Gumawa ng collage tungkol sa tungkulin mo pagbuo ng nasyon.

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


Day 40
I.Layunin

1.Nakapaglalahad ng isang dula tungkol sa pagpapakita ng pagmamahal sa bansa

2.Nakapagbibigay ng saloobin tungkol sa pananakop na ginawa ng mga Espanyol

3.Naipakikita ang damdaming nasyonalismo sa gitna ng pananakop.

II.Paksang-Aralin:

Pagpapakita ng Pagmamahal sa Bansa


Sanggunian:Curriculum Guide 8.1.7,Lahing Dakila

Kagamitan:activity card

III.Pamamaraan

A. Activity(Gawain)

Role Playing

*Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa limang pangkat.

*Bawat pangkat ay magtatangahal ng isang dula-dulaan tungkol sa pagpapakita ng


pagmamahal sa bayan

B.Analysis(Pagsusuri)

1.Pagsagot sa mga tanong tungkol sa pagmamahal sa bansa.

2.Pagbibigay ng pansin sa mahalagang konsepto/kaisipan na nakapaloob sa


paksang “Pagpapakita ng Pagmamahal sa Bansa ‘.

3.Pagbibigay ng mga saloobin tungkol sa pananakop na ginagawa ng mga Espanyol sa


pamamagitan ng malayang talakayan.

C.Abstraction(Paghahalaw)

Maipapakita ang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng .............

D.Application(Paglalapat)

1.Share your views

-Think-Pair-Share

* Magbigay mga saloobin tungkol sa pananakop na ginawa ng mga Espanyol

E.Assessment(Pagtataya)

Pangkatang Pagtataya
Isadula: Bilang isang mag-aaral/bata paano mo maipapakita ang

Pagmamahal sa bansa.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Dula-dulaan

Mga Pamantayan 1 2 3 4 5
1.Angkop ang isinadula sa tema
2.Wasto ang ipinakikitang impormasyon sa
dula
3.Maayos at makapukaw-pansin ang
pagsasadula
Kabuuang Puntos

IV.Kasunduan

Gumawa ng poster na nagpapakita ng damdaming nasyonalismo.

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan V

Ikaapat na Markahan
DAY 42

I. LAYUNIN
 Naiisa-isa ang mahahalagang tungkulin ng isang makabayang Pilipino.
 Napapangatwiranan ang kahalagahan ng kamalayang pambansa tungo sa
pambansang pagkakaisa.
 Nakagagawa ng isang slogan gamit ang kritikal at maimahinasyong pag-
iisip.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Mahalagang Tungkulin ng Isang Makabayang Pilipino
Sanggunian: Kayamanan 5 ; Antonio, Eleonor D. et, al
Curriculum Guide sa Araling Panlipunan V 8.1.13-8.1.15
Kagamitan: metacards, cartolina, coloring materials, mga larawan

III. PAMAMARAAN

1. ACTIVITY (Gawain)
- Pageant: Mr. and Ms. Makabayang Pilipino
Katanungan sa Question and Answer Portion:
Anu-ano ang mahahalagang tungkulin ng isang makabayang Pilipino?
- Pangkatang Gawain
Pangkat I- Tungkulin ng Makabayang Pilipino (Pantomina)
Pangkat II- Kahalagahan ng Kamalayang Pambansa (Panel Discussion)
Pangkat III- Kahalagahan ng Kamalayang Pambansa (Imaginary History)

2. ANALYSIS (PAGSUSURI)
a. PatnubayangTalakayan batau sa mga katanungang ilalahad ng guro at mga
mag-aaral.
b. Pagbibigay-pansin sa mga mahahalagang kaisipan
c. Pagdaragdag ng mga impormasyon at katanungan.

3. ABSTRACTION (Paghahalaw at Paglalahat)


Dugtungan Tayo
a. Ang mga mahahalagang tungkulin ng isang makabayang Pilipino ay …
b. Mahalaga ang kamalayang pambansa tungo sa pambansang pagkakaisa dahil…

4. APPLICATION (Paglalapat)
Paggawa ng Slogan
 Gumawa ng isang slogan gamit ang kritikal at maimahinasyong pag-iisio
tungkol sa pagiging Makabayang Pilipino kaya’y kahalagahan ng
Pambansang Pagkakaisa.

5. ASSESSMENT (Pagtatasa)
A. Isa-isahin ang mahahalagang tungkulin ng isang makabayang Pilipino
1.
_________________________________________________________
________
2.
_________________________________________________________
________
3.
_________________________________________________________
________

B. bakit mahalaga ang kamalayang pambansa tungo sa pambansang pagkakaisa?


4.
_________________________________________________________
________
5.
_________________________________________________________
________

IV. KASUNDUAN
Sa isang short coupon bond, gumuhit ng isang larawa na nagpapakita ng
tungkulin ng makabayang Pilipino at pambansang pagkakaisa. Sulatan din ito ng
2-3 pangungusap na paglalarawan o paliwanag.

You might also like