Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG BUHAY NI RIZAL: Ang Kanyang Pamilya, Kataan at Pag-aaral

Ang pagkabatid ni Rizal sa kalagayang sosyo-ekonomiko ng bansa at mundo nang kapanahunan niya ang
nakaimpluwensya sa kanyang kaisipan at pagpapasya at ito ang naging dahilan kung bakit siya kinilalang
pinakadakilang bayani ng Pilipinas.

Ipinadama ng relihiyon ang kanyang lakas umakit sa lipunan sa panahon ni Rizal. Ang simbahang Katoliko
ay nagging isa sa mga mahalagang kalipunang ipinamana ng Espanya sa Pilipinas. Ang pagiging Kristiyano
ng mga Pilipino at ang malaking bahagi ng relihiyon sa pamumuhay at kultura ng mga ito ay madarama
pa hanggang sa makabagong panahon sa ngayon.

ANG KANYANG MGA MAGULANG

1. Don Francisco Mercado Rizal (Abril 18, 1818)


 Anak nila Juan Mercado at Cirila Alejandra
 Nag-aral sa Dalubhasaan ng San Jose sa Maynila
 Namatay sa Maynila noong Enero 5, 1898
2. Donya Teodora Alonzo y Quintos Realonda (Nobyembre 14, 1827)
 Nakapagtapos siya sa Dalubhasaan ng Santa Rosa
 Mahilig siya sa panitikan, kalakal, at nagtataglay ng mataas na kalinangan (culture)
 Binawian siya ng buhay sa Maynila noong Agosto 16, 1911

ANG MGA KAPATID NI RIZAL

1. Saturnina (1850-1913)
2. Paciano (1851-1930)
3. Narcisa (1852-1939)
4. Olimpia (1852-1939)
5. Lucia (1855-1887)
6. Maria (1859-1945)
7. Jose
8. Concepcion (1862-1865)
9. Josefa (1865-1945)
10. Trinidad (1868-1951)
11. Soledad (1870-1929)
ANG PAGSILANG AT PANGALAN NI RIZAL

Isinilang si Rizal sa matulaing pook ng Calamba, Laguna na matatagpuan sa sangandaan ng mga


lansangan ng Laguna at Batangas. Noong ika-19 ng Hunyo, 1861, araw ng Miyerkules sa pagitang ng ika-
11:00 at 12:00 ng gabi, ilang araw bago sumapit ang kabilugan ng buwan ay isinilang si Rizal. Ang
katulong ay isang hilot na nagngangalang Celedonia.

Bininyagan siya noong ika-22 ng Hunyo, 1861 ni Pari Rifino Colantes, Kura paroko ng Calamba.

Ang pangalang Jose ay ipinangalan sa kanya ng kanyang ina bilang pagbibigay-karangalan kay
San Jose na isinilang noong ika-19 ng Marso. Ang pangalang Protacio ay buhat sa kalendaryo ng mga
pangalang isinilang sa ika-19 ng Hunyo. Ang apelyidong Mercado ay ginamit ng kanyang ninuno na ang
kahulugan ay pamilihan o palengke sapagka’t ang hanapbuhay niya ay pagtitinda.

Ang apelyidong Rizal ay napili ni Don Francisco bilang pagtupad sa utosni Gob. Heneral Narciso
Claveria noong Nobyembre11, 1849 na ang mga Pilipino ay magbago ng apelyido sapagkat marami raw
ang magkakatulad ang apelyido na hindi naman magkakamag-anak at ang hirap sa pagbigkas ng mga
Kastila sa mga apelyido ng mga Pilipino. Sa liham ni Jose Rizal kay Ferdinand Blumentritt, isinulat niya
na ang apelyidong Rizal ay idinagdag ng isang alkalde na kaibigan ng kanilang pamilya. Ang apelyidong
Realonda ay buhat naman sa apelyidong ginagamit ng kanyang ina na kinuha sa ninang ng kanyang ina.

KABATAAN AT PAG-AARAL NI RIZAL

Tatlong taon pa lamang si Jose Rizal ay marunong na siyang magbasa at magsulat. Sa paligid,
pinag-uukulan niya ng pansin ang huni ng mga ibon at mga kuliglig, ang tunog ng lagaslas ng tubig sa
batisan at ang paghalik ng mga alon sa dalampasigan. Binibigyan diin din niya ng kahulugan ang aliw-iw
ng hanging dumarampi sa mga dahoon ng halamanan.

Ang kanyang ina ang naging kanyang unang guro. Isang gabi, nang tinuturuang bumasa si Jose ng
kanyang ina, napansin nito na hindi ito nakikinig at sa halip ay pinapanood niya ang ilang gamugamong
paali-aligid sa ningas ng ilawang langis. Huminto sa pagtuturo si Donya Teodora at minabuti na isalaysay
dito ang isang pabula ukol sa pangangaral ng inang gamugamo sa anak na gamugamo tungkol sa pag-
iingat sa ningas ng ilawang langis...

Natapos ang kwento at si Jose na inaantok na ay dinala ng kanyang ina sa higaan. Muli siyang
pinagbilinan bago umalis ang kanyang ina. “Huwag kang tutulad sa batang gamugamo na sumuway sa
pangaral ng inang gamugamo.” Sa kabila ng pangaral na ito ay hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang
kagandahan ng liwanag at hindi dapat katakutan at panghinayangang pamuhunan ng buhay upang ito’y
makamtan. Ang mga aral na katulad nito ang siyang humubog sa kanyang kaugalian.

Ikinuha siya ng isang yaya na may malaking pagmamahal sa kanya. Ito ang nagpakilala sa kanya
ng mga maligno sa pamamagitan ng pagkukuwento at pananakot.
Natutuhan niya ang abakada sa tulong ng kanyang kapatid na si Saturnina. Sa gulang na
dalawang taon ay nabasa niya ang banal na kasulatan sa kanilang tahanan.

Tinuruan siya ng tatlong kapatid na lalaki ng kanyang ina ayon sa hilig ng bawat isa. Tinuruan
siya ng kasipagan, pagtitiwala sa sarili sa halip na umasa sa iba, ng liksi sa mga gawain at ng pagmamasid
at paglalarawan sa kapaligiran ng kanyang Tiyo Gregorio. Sinanay naman siya sa pagpagguhit at pag-ukit
ng kanyang Tiyo Jose. Hinikayat naman siya ng kanyang Tiyo Manuel na mag-aral ng iba’t-ibang larong
pampalakas ng katawan upang siya’y lumakas at lumusog.

Nang siya ay pitong taon, sumulat siya ng isang dula para sa pista ng bayan.

Sa gulang na walong taon ay nakasulat siya ng tula sa Tagalog. Ito ay tungkol sa pag-ibig sa wika.

Sa Aking Mga Kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang Kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alinmang likha noong Kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa

Na tulad sa inang tunay na nagpala.


Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila at salitang angel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba


Na may alfabeto at may sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Taong 1869 – Rizal

Tinuruan ng Latin si Jose Rizal ni Leon Monroy na dating kamag-aral ni Don Francisco.
Binabayaran ang pagtuturo ng guro at siya ay pinatira rin sa bahay ng mga Rizal. Makalipas ang limang
buwan, ang nasabing guro ay nagkasakit at namatay.
Noong Hunyo 1870, sa gulang na siyam na taon, ay pinag-aral si Jose ng kanyang ama sa
Binyang. Naging guro niya dito si Justiniano Aquino Cruz na may lubos na kabatiran sa mga asignaturang
kanyang itinuturo at sanay na sanay sa Latin at Kastila. Sa unang araw niya sa klase, napagtawan siya ng
mga kaklase nang sabihin niya bilang sagot sa guro na kaunti pa lamang ang nalalaman niya sa Latin at
Kastila. Ito ay pinasimulan ni Pedro, ang anak ng guro na higit na mas malaki kaysa kanya at pinakapilyo
sa klase. Habang natutulog nang tanghali ang guro ay hinamon niya si Pedro. Tinanggap ni Pedro ang
hamonpagka’t maliit sa kanya si Jose. Nagbuno sila at natalo si Pedro na napahiya sa mga kaklase kaya’t
hinamon siyang muli nito. Tinanggihan ni Jose ang hamon sapagkat maaaring magising na ang guro at
siya ay maparusahan. Isang kaklase naman ang naghamon sa kanya ng bunong braso. Lumaban siya at
nang matalo siya, tinanggap niya ng maluwag sa loob ang kanyang pagkatalo.
Nag-aral din si Jose ng pagguhit ng larawan sa biyenan ni Maesto Cruz na si Juancho.
Mapamaraan, matiyaga at masipag si Jose sa kanyang pag-aaral.
Makalipas ang mahigit na isang taon ay pinayuhan siya ng kanyang guro na umuwi na sapagkat
natutuhan na niya ang lahat ng mga dapat ituro sa kanya.
Nilisan ni Jose ang Binyang noong Disyembre 17, 1871. Ito ang unang pagkakataong nakasakay
siya sa tunay na bapor. Sakay ng baporna Talim, kasama niya si Arturo Campos, isang Pranses na
tumingin sa kanya sa paglalakbay.
Tuwang-tuwa si Jose nang makapiling na muli ang mga magulang at mga kapatid. Napatunayan
ni Don Francisco mula na rin sa guro ni Jose na naituro na niya ang lahat kay Jose.
Pinag-aral rin si Jose ng kanyang ama sa Calamba sa ilalim ng gurong si Lucas Padua upang
matuto ng Aritmetika bilang paghahanda sa pagsusulit niya sa Maynila.

You might also like