Child Criminality

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Naalala 

niyo pa ba ng mga kasabihan noon na “Ang kabataan ay pagasa ng
bayan”? Marahil sa panahon ngayon, kinalimutan na iyan ng mga tao. Mainit na
pinatatalunan sa kongreso ang pag amyenda ng ating batas tungkol sa mga batang
kriminal. Sa totoo lang maraming kabataan ang nagiging sangkot sa krimen dahil sa
mahinang batas ukol dito.

Dahil menor-de-edad, hindi basta maposasan ang mga ito ng mga awtoridad
para ikulong at pagbayarin ng danyos. Halos araw-araw na may iniuulat ang media na
mga menor-de-edad o mas bata sa 18 anyos na sangkot sa krimen. Marami sa mga ito
ang nagiging tulak o runner ng droga o adik. Marami rin ang sangkot sa pagnanakaw
gaya ng holdap, isnatsing, akyat-bahay, agaw-cellphone at iba pa. Meron ding mga
motornapper, bukas-kotse at iba pa. Mayroon ding nangre-rape at pumapatay. At
meron ding mga sangkot sa mga cyber crime, kasama na ng cyber libel.

Ang mga kabataang nasa lansangan ang kadalasang nadadawit sa


mga ganitong sitwasyon. Mga batang lansangan na natuturuan ng mabuhay sa dilim at
kumapit sa patalim. Nalululong sa masamang bisyo upang punan ang kumakalam na
tiyan. Nais kong maibalik ang dating lakas ng mga kabataan. Nais kong maibalik ang
dating mga kabataang nagbabago ng lipunan sa magandang paraan.

You might also like