Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PIYESA SA MADULANG SABAYANG PAGBIGKAS

Isang Dipang Langit


Ni: Amado V. Hernandez

Ako’y ipiniit ng linsil na puno sanlibong aninong iniluwa ng dilim.


hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko, Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
damdami’y supil na’t mithiin ay supil. sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
Ikinulong ako sa kutang malupit: kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; sa bitayang moog, may naghihingalo.
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay. At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
Sa munting dungawan, tanging abot-malas sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ay sandipang langit na puno ng luha, ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara. Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, piita’y bahagi ng pakikilamas,
sa pintong may susi’t walang makalapit; mapiit ay tanda ng di pagsuko.
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang tao’t Bathala ay di natutulog
Ang maghapo’y tila isang tanikala at di habang araw ang api ay api,
na kala-kaladkad ng paang madugo tanang paniniil ay may pagtutuos,
ang buong magdamag ay kulambong luksa habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, sa sandipang langit na wala nang luha,
kawil ng kadena ang kumakalanding; sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
sa maputlang araw saglit ibibilad, layang sasalubong ako sa paglaya!

You might also like