Professional Documents
Culture Documents
Week 2 - 3rd Quarter Las
Week 2 - 3rd Quarter Las
Week 2 - 3rd Quarter Las
PANGALAN: ___________________________BAITANG
Crissyl G. Bernadit AT PANGKAT: _______________
7-ALCALA
MELC 1: Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa ng mga ito. EsP7PB-IIIc-10.1
MELC 2: Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga ni Max
Scheler. EsP7PB-IIIc-10.2
LAYUNIN:
Natutukoy ang iba’t ibang antas ngpagpapahalaga at ang mga halimbawa ng mga ito.
Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga ni Max Scheler.
KONSEPTO:
Bago lubos na maunawaan ang hirarkiya ng pagpapahalaga, kailangan munang maunawaan kung ano ang mga
pamantayan sa pagpapasya sa antas nito. Sumulat si Max Scheler ng Limang Katangian ng Mataas na
Pagpapahalaga (mula sa tesis ni Tong-Keun Min na “A Study on the Hierarchy of Values”):
1. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito kailanman mababago ng
panahon (timelessness or ability to endure).
2. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung sa kabila ng pagpasalin-salin nito sa
napakaraming henerasyon, napananatili ang kalidad nito (indivisibility).
3. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga
pagpapahalaga (ability to create).
4. May likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga at ang lalim ng kasiyahang
nadarama sa pagkamit nito (depth of satisfaction).
5. Ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito nakabatay sa organismong nakararamdam nito
(organism feeling).
2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values). Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting
kalagayan ng buhay (well-being). Halimbawa, mahalaga sa tao ang makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito
ang makapagpapabuti sa kaniyang pakiramdam. Ang kumain ng masustansiyang pagkain upang matiyak na siya ay
malusog at hindi magkakasakit. Ang lahat ng nabanggit ay mga bagay na pinahahalagahan ng tao upang masiguro
niya ang kanyang kaayusan at mabuting kalagayan.
3. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values). Maituturing na mas mataas ang pagpapahalaga nito kaysa
sa dalawang unang nabanggit. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan
hindi ng sarili kundi ng mas nakararami. May tatlong uri ang pagpapahalagang ito ayon sa aklat na ‘Problems of a
Sociology of Knowledge’ na isinulat ni Max Scheler:
a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values)
b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)
c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of full cognition of truth)
4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values). Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga.
Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kanyang kaganapan upang maging handa
sa pagharap sa Diyos. Ang pagkilos tungo sa kabanalan ay siyang katuparan ng kaganapan hindi lamang ng
materyal na kalikasan ng tao kundi maging ng kanyang ispiritwal na kalikasan.
PANUTO: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong antas ng pagpapahalaga ang ipinahihiwatig
nito. Piliin ang pinakawastong sagot sa loob ng kahon. Isulat sa mga patlang bago ang bilang.
Halimbawa:
Timeliness 1. Mas binigyan nang pansin ni Ramil ang pag-aaral kaysa sa sumama sa kanyang mga
barkada para gumala. Para sa kanya, mahalaga ang makukuha niyang kaalaman sa pag-
aaral dahil magagamit niya ito sa paghahanap ng trabaho sa kasalukuyan.
Timeliness
________________1. Pinili ni Mark na bumili ng ‘ticket’ para sa darating na ‘concert’ ng ‘BTS’ kaysa sa ipambili
ito ng kanyang paboritong ‘mango milk tea.’ Para sa kanya, isang beses lang sa isang taon
kung
magdaos sila ng kanilang ‘concert’ sa Pilipinas kumpara sa ‘mango milk tea’ na pwede
niyang
bilhin kahit anumang oras.
Organism Feeling
________________2. Tinanggap ni Nikki ang ‘scholarship’ na makapag-aral sa ‘Harvard University.’ Oportunidad
din niya ito para mas tumaas pa ang kanyang kaalaman sa gusto niyang kurso. Para sa kanya,
ang pagpapahalaga sa karunungan ay hindi nababawasan kahit pa mahati o maipamahagi ito
sa napakaraming tao.
Depth of Satisfaction
________________3. Si Marjorie ay nagtatrabaho bilang ‘OFW’ sa Germany. Tinitiis niya ang lungkot,
pangungulila, at labis na pagod upang kumita ng maraming salapi nang sa gayon ay
mapagtapos niya sa pag-aaral ang kanyang mga anak. Para sa kanya, mas mataas na
pagpapahalaga ang mapagtapos ang kanyang mga anak sa pag-aaral kaysa sa kanyang
pagsasakripisyo at pagod.
Organism Feeling
________________4. Si Simon ay miyembro ng “Youth Organization’ sa kanilang lugar. Mas malalim ang
nakukuha niyang kasiyahan sa pagsali sa isang ‘prayer meeting’ kaysa sa paglalaro
ng basketbol.
Ability to Create
________________5. Si Roselle Ambubuyog ang kauna-unahang bulag na mag-aaral ng ‘Ateneo
University’ na nakakuha ng pinakamataas na karangalan bilang ‘Summa Cum
Laude’ sa kursong ‘BS Mathematics.’ Hindi naging hadlang ang kanyang
Negroschronicle.net
2
kapansanan upang siya ay makapagtapos ng pag-aaral. Ang kanyang pagnanais
na magtagumpay sa kanyang larangan ay higit na mataas kaysa sa kanyang pisikal
na kapansanan.
Negroschronicle.net
PANUTO: Gumawa ng sarili mong hagdan ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng pagpapahalaga ni Max Scheler.
Isulat ang iyong mga pagpapahalaga sa loob ng mga hagdan gamit ang pormat sa ibaba.
Banal
Hal.: dasal
Ispiritwal
1.
Pambuhay Hal.: katotohanan 2.
Pandamdam 1.
Hal.: alahas Hal.: kaibigan
2.
1. 1.
2. 2.
Negroschronicle.net
MELC 3: Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay gabay sa
makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao. EsP7PB-IIIc-10.3
MELC 4: Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas ng kanyang mga
pagpapahalaga. EsP7PB-IIIc-10.4
LAYUNIN:
Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay gabay sa
makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao.
Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas ng kanyang mga pagpapahalaga.
KONSEPTO:
Ang pagpapahalaga ay tumutukoy sa pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng
saysay. Sa Sikolohiya, ang pagpapahalaga ay tumutukoy sa anumang bagay na kaakit - akit, kaibig - ibig, kahanga -
hanga, kapaki - pakinabang, kapuri - puri, kasiya - siya sa pakiramdam, magaan, at
nagbibigay inspirasyon.
Mga Uri ng Pagpapahalaga
1. Ang ganap na pagpapahalagang moral (absolute moral values). Ito ay tumutukoy sa
pangkalahatang moral ng mga tao sa buong mundo. Ito rin ay ang pangkalahatang
3
katotohanan na tinatanggap sa labas ng isang tao bilang mabuti at mahalaga. Mga halimbawa nito ay pag – ibig,
paggalang sa dignidad ng tao, at pagmamahal sa katotohanan.
2. Ang pagpapahalagang kultural na panggawi (cultural behavioral values). Ito ay
tumutukoy sa pagpapahalagang nagmula sa loob ng isang tao. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o
kolektibong paniniwala ng isang pangkat-kultural. Mga halimbawa nito ay pagdiriwang ng pista, pagmamano sa
mga nakatatanda, at pagsasabi ng ‘Po at Opo.’
Bagama’t magkakaiba ang antas ng pagpapahalaga ng tao, mahalagang hamon sa atin lalo na sa iyo ang
pagsasabuhay ng mas mataas na antas ng pagpapahalaga sa isang sitwasyon. Magagawa mo ito sa pamamagitan
ng pagpili na gawin ang mas mataas na antas ng pagpapahalaga kaysa sa mababang antas. Kapag nagawa mo
ito masisiguro mong ginagawa mo ang tama at pinipili mong gawin ang mabuti.
Panuto: Suriin kung ito ay ‘ABSOLUTE MORAL VALUE’ o ‘CULTURAL BEHAVIORAL VALUE.’ Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.
CULTURAL BEHAVIORAL VALUE
_________________ 1. Pagsasabi ng ‘Po at Opo’ sa mga nakakatanda
ABSOLUTE MORAL VALUE
_________________ 2. Pag-ibig sa kapwa
CULTURAL BEHAVIORAL VALUE
_________________ 3. Paghahanda ng maraming pagkain tuwing kaarawan
Panuto: Gabayan mo ang iyong sarili sa pagpili ng mas mataas na antas ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng
pagtatala ng pagpili mo sa dalawang pagpapahalaga. Gawin mo ito sa loob ng isang linggo. Layon nitong sanayin
ka na maging mapagbantay sa pagpili ng mas mataas na pagpapahalaga gamit ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
4
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Linggo
Pamantayan Puntos
Buo ang kaisipan 15
Kaayusan at kalinisan ng 5
pagkakasulat
Kabuuang Puntos 20
REPLEKSYON
Kumpletuhin ang pahayag.
5
Talaan ng Pagwawasto (Rubrik) para sa Pagsagot ng Repleksiyon
Maliwanag at kumpleto ang pagbuod Maliwanag subalit may kulang sa Hindi gaanong maliwanag at
ng araling tinalakay. detalye sa paksa. kulang sa detalye.
Gawain 4
Susi sa Pagwawasto
Maaaring magkaiba ang
kanilang kasagutan.
Prepared by:
Checked by:
6
PSDS Designate-Oquendo 2 PSDS-Calbayog 5 EPS Designate