Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

“Ang kalagayan ng mental na kapasidad ng mga tao sa bansa”

Ang “mental illness” ay isa sa mga malaking problema na kinakaharap ng mga tao ating mundo,
at dahil sa limitasyon ng pagkakaroon ng paraan upang tulungan ang mga taong dumadanas nito
dahil sa kanilang takot lumapit sa mga tao, lumalala ito at lalong nalaki ang parte ng populasyon
na nagkakaroon nito. Dito sa Pilipinas base sa DOH noong disyembre 22, 2021 umaabot sa 3.6
million na Filipino ang dumaranas ng sakit sa pag-iisip sa panahon ng pandemic.

Ano nga ba ang “Mental illness” at pano nito naapektuhan ang mga tao, at ang pagiging
produktibo ng ating bansa? Ang mental illness ay mga sakit sa utak na nakaka-apekto sa mood,
pag-iisip ng maayos, at pag uugali ng taong nagkakaroon nito. At dahil dito ang ating mga
mamayanan ay nagkakaroon ng problema upang gumawa ng trabaho, mag-aral, at makilahok sa
mga bagay na nakakatulong para ibigay ang mga kinakailangan ng populasyon sa ating bansa, at
nagiging dagdag nalang sila sa mga taong walang naidudulot para sa ating bansa.
Ano nga ba ang pwede nating gawin upang matulungan ang mga taong dumaraan sa mga
problemang ito? Dahil nga takot sila sa ibang mga tao ang dapat natin gawin ay ipahayag ang
ating pag-aalala. Mag-alok ng iyong suporta at ikonekta sila para makatulong lalo na kung sa
tingin mo ay kinakailangan nila ito. Ang pinaka mahalaga ay kapag may kilala kang
kasalukayang dumadaan sa mga problemang ito hindi ka dapat bigla biglang nag sasalita,
nagtatanong, at lagi kang naroroon nakikinig, at pisikal na sumusuporta sa kanilang mga gustong
sabihin sa iyo. Minsan ang therapy din ay hindi solusyon kaya ang pagiging present sa mga
taong dumaraan dito ay isang malaking hakbang upang mapaliit ito.

Para tapusin ang sanaysay na ito, dapat kong sabihin na saatin magsisimula ang pagbabago, dahil
ang mga taong dumaranas nito ay di kayang gawin ito ng kusa, kung saan ito’y nagdudulot sa
mga parte ng populasyon na walang nagagawa at nagpapababa din ng output galing ating bansa.
Ang mental illness ay masasabi nating di maalis na problema ngunit ito’y ma-reremedyohan sa
pamamagitan ng pag unawa at pagtanggap ng mga tao sa ating bansa.

You might also like