Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
LUNGSOD NG DAVAO

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5


IKALAWANG KUWARTER
SY 2022-2023

PANGALAN _________________________________ ISKOR ________________


PANGKAT _________________________________ PETSA ________________

Panuto: Piliin at bilugan ang tamang sagot.

1. Tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa


isang mahinang bansa.
a. Kolonyalismo c. Imperyalismo
b. Kristiyanismo d. Fedelismo

2. Ano ang tawag sa naging matagumpay na kolonisasyon sa buong daigdig dahil


sa mga bagong lupain na natuklasan ng mga kanluranin?
a. Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol
b. Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas
c. Panahon ng Pagbabago
d. Wala sa mga nabanggit

3. Alin sa limang barko ang nakabalik sa Spain matapos mabigo ang kanilang
paglalakbay?
a. Victoria c. Santiago
b. Concepcion d. Trinidad

4. Ang ginto, krus at korona ay sinisimbolo ng tatlong pangunahing _____ ng


Espanya sa pagtuklas ng lupain.
a. kapangyarihan c. karangalan
b. kagustuhan d. layunin

5. Alin ang hindi kabilang sa mga pamaraan ng mga Espanyol sa pagsakop ng


ating lupain?
a. Kristiyanisasyon c. reduccion
b. paganismo d. tributo

1
6. Ito ay ang sapilitang pagpapatira sa mga katutubo mula sa kanilang tirahan
patungong
pueblo.
a. Encomienda c. Reduccion
b. Kristiyanisasyon d. Kolonisasyon

7. Alin sa sumusunod ang HINDI gawain ng isang Padre Kura?


a. Nangongolekta ng buwis
b. Namamahala ng pang-lokal na eleksyon
c. Nag -aayos ng mga gawain para sa kawanggawa
d. Nagpapatupad ng mga gawaing pang industriyal

8. Paano ipinahayag ang pag angkin ng Espanya sa lugar ng Pilipinas?


a. Pakikipagsundo sa mga Katutubo.
b. Ang pagpataw ng buwis sa iba’t ibang paraan.
c. Pakikipagkalakan sa mga negosyanteng Pilipino.
d. Pagpapatupad ng isang mapayapang pakikipag-ugnayan.

9. Alin sa sumusunod ang hindi maiuugnay sa paraan ng pagpapasailalim ng mga


Espanyol sa Pilipinas?
a. Ipinatupad ang paniningil ng tributo upang may magamit para sa
pangangailangan ng kolonya.
b. Pinagsama-sama ang kanilang tirahan sa ilalim ng pamamahala ng mga
Espanyol sa Pilipinas
c. Pinangasiwaan ng encomendero ang mga katutubong nagpasakop na sa
Spain.
d. Binigyan ang mga katutubo ng Karapatan sa pagpili ng kanilang Relihiyon.

10. Alin sa mga ordeng misyonero ang unang dumating sa Pilipinas?


a. Agustino b. Dominicano c. Recoletos d. Franciscano

11. Ito ang sumisimbolo sa pagpalaganap ng relihiyong Kristiyanismo.


a. krus b. galyon c. ginto d. espada

12. Sinisimbolo ng kayamanan ang layuning ito ng Spain sa pagtuklas at pagsakop ng


bagong lupain.
a. Makukuha ang likas na yaman
b. Maipalaganap ang Kristiyanismo
c. Makamit ang karangalan ng bansa
d. Mapaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas

13. Ito ay isang sistema kung saan ipinagkatiwala sa mga Conquistador ang isang
teritoryo.
a. bandala b. encomienda c. tribute d. reduccion

2
14. Ano ang tawag sa bayang itinatag ng mga Espanyol batay sa patakarang
Reduccion?
a. bisita b. cedula c. pueblo d. kabisera

15. Sa iyong palagay, bakit naging malaki ang epekto ng patakaran reduccion sa
pamumuhay ng mga katutubo?
a. Ito ang pangunahing layunin para mapadali ang pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo.
b. Ang pagtipon ng mga katutubo sa isang lugar ay mainam na solusyon sa mga
katutubo.
c. Mapalayo sila sa lugar na kinukuhaan nila ng kabuhayan
d. Wala sa nabanggit

16. Alin sa mga patakarang pang- ekonomiya ang sapilitang pagbili ng pamahalaan
ng ani ng mga magsasaka?
a. Sapilitang Paggawa
b. Sistemang Bandala
c. Kalakalang Galyon
d. Pagbubuwis

17. Ano ang layuning ng sistemang bandala?


a. Sapilitang pagbebenta ng mga orodukto sa pamahalaan
b. Ayaw ipagbili ang mga produkto sa pamahalaan
c. Ipinamimigay ang mga produkto sa pamahalaan
d. Itinago ang mga produkto sa pamahalaan

18. Anong pamahalaan ang itininatag sa panahon ng pananakop?


a. Pamahalaang Lokal
b. Pamahalaang Sentral
c. Pamahalaang Federal
d. Pamahalaang Demokrasya

19. Bilang isang batang mag -aaral, gusto mo bang sakupin tayo ng mga dayuhan?
Bakit?
a. Opo, upang makarating ako sa kanilang lugar.
b. Opo, para magkaroon ako ng maraming kaibigan.
c. Hindi, dahil ayaw ko ng mga dayuhang kaibigan.
d. Hindi, dahil gusto kong maging malaya ang ating bansa.

3
20. Maliban sa Kristiyanismo, ginamit din ng mga Espanyol ang espada upang
mapasailalim sa kanilang kapangyarihan ang mga katutubo. Ano ang ibig sabihin
ng pahayag?
a. Ang mga Espanyol ay nag sama ng mga misyonero sa kanilang ekspedisyon
sa Pilipinas.
b. Marahas na paraan ang ginamit ng mga Espanyol upang pamunuan ang mga
katutubong Pilipino.
c. Itinuro ng mga Espanyol ang paggamit ng espada bilang isang uri ng
pampalakasan.
d. Paggawa ng espada ang pangunahing hanapbuhay ng mga Espanyol sa
Pilipinas.

21. Sa palagay mo, makatarungan ba ang pananakop ng mga Espanyol sa mga


katutubong Pilipino?
a. Hindi, dahil pinilit silang ipasunod ang mga kagustuhan ng mga dayuhan.
b. Oo, dahil nagustuhan nila ang mga ipinagawa sa kanila.
c. Walang kapangyarihang magreklamo ang mga katutubo.
d. Wala sa nabanggit.

22. Bilang katutubo noong panahon ng pananakop, tatanggapin mo ba ang alok ng


mga Espanyol na maging bahagi ng kanilang pamayanan?
a. Oo, dahil makapangyarihan ang kanilang bansa.
b. Oo, kahit may pag-aalinlangan at sapilitan lamang.
c. Hindi, dahil iyon ang utos at tugon ng aking mga magulang.
d. Hindi, dahil mawawalan ako ng karapatan bilang isang Pilipino.

23. Paano pinalaganap ng mga Espanyol ang relihiyong Kristiyanismo sa Pilipinas?


a. Nakipagsabwatan ang mga pari sa mga katutubo.
b. Kinalaban ang mga katutubo upang sumunod sa utos ng mga pari.
c. Ipinabilanggo ng mga misyonero ang ayaw sumunod sa kanilang utos.
d. Tinuruan sila ng mga aral ng Katolisismo at bininyagan para maging Kristiyano.

24. Sa iyong palagay, bakit hinati ang kapuluan ng ating bansa ng mga diyoses o
diocese?
a. Para mahirapan ang mga pari sa pagmimisyon
b. Mapadali at mabilis ang pagpapatupad ng pagmimisyon.
c. Upang magkaroon ng pokus pagmimisyon ang mga misyonero.
d. Matugunan ng mga parai ang mga pangangailangang panrelihiyon

4
25. Ano ang hindi mabuting epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino noong
panahon ng pananakop?
a. Ang Laws of the Indies ay nagbigay proteksyon sa mga polista.
b. Maraming kalsada at tulay ang naipagawa dahil sa polo y servicio
c. Pinagdadala ang mga Polista ng materyales sa paggawa ng kalsada.
d. Nahiwalay ang mga polista sa kanilang pamilya dahil sa paggawa sa malayong
lugar.

26. Sa palagay mo, makatarungan ba ang pagpapahirap ng pamahalaang Espanyol


sa mga polista?
a. Hindi, dahil pinilit silang pagtatrabahuin na walang sahod
b. Oo, dahil nasisiyahan sila sa kanilang mga ginagawa
c. Walang magawa ang mga polista
d. Wala sa nabanggit

27. Ano ang nagpapatunay na ang Sistema ng pagbubuwis noong panahong kolonyal
ay patuloy pa ring ipinatutupad sa kasalukuyan?
a. Walang paniningil ng tribute sa kasalukuyan.
b. Reales ang gamit na pananalapi ng mga Pilipino ngayon.
c. Mayroon pa ring cedula personal ang mga Pilipino ngayon
d. Paghihinalaan kang tulisan kung wala kang maipakita na cedula

28. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang naging patakarang pang-ekonomiya noong


panahon ng Espanyol?
a. Hindi po, dahil lalong naghirap ang pamumuhay ng mga katutubong Pilipino sa
kamay ng mga Espanyol.
b. Opo, dahil lahat ng mga katutubong Pilipino ay namuhay ng matiwasay.
c. Opo, dahil pantay pantay ang trato ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
d. Wala sa nabanggit.

29. Alin sa sumusunod ang nangyari sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino


noong nagpatupad ng mga patakaran ang mga Espanyol?
a. Naging mahirap ang pamumuhay ng mga Pilipino.
b. Walang nagbago sa pamumuhay ng mga Pilipino.
c. Umunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino.
d. Gumaan ang pamumuhay ng mga Pilipino.

30. Sa iyong palagay, bakit nanatiling matatag ang mga Pilipino sa kabila ng
pagpapasakit ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop?
a. Dahil sa determinasyon at pagkakaisa
b. Dahil sa pagiging mabuting tao
c. Matatakutin ang mga Pilipino.
d. mahilig magdasal.

5
Araling Panlipunan 5
Summative Test Second Quarter
Susi sa Pagwawasto

1. A 16. B
2. B 17. B
3. A 18. B
4. D 19. D
5. B 20. B
6. C 21. A
7. D 22. B
8. B 23. C
9. D 24. B
10. A 25. D
11. A 26. A
12. A 27. C
13. B 28. A
14. C 29. A
15. C 30. A

6
Table of Specification for Quarter 2
ARALING PANLIPUNAN 5
S.Y. 2022-2023

Total

Understanding
Remembering
No. of days

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Learning
Competencies

Naipapaliwanag
ang mga dahilan
1,2,3 4 19, 20 21 7
ng
kolonyalismong
Espanyol

Nasusuri ang
mga paraan ng
5,6 7,8,9, 22 23 7
pagsasailalim ng
katutubong
populasyon sa
kapangyarihan ng
Espanya
a. Pwersang
militar/divid
e and rule

Nasusuri ang
mga paraan ng
10,11 12 24,25 26 6
pagsasailalim ng
katutubong
populasyon sa
kapangyarihan ng
Espanya
b.)Kristiyanisasyo
n

Nasusuri ang
epekto ng mga
13,14 15 3
patakarang
kolonyal na

7
ipinatupad ng .
Espanya sa
bansa
A. Patakarang
pang- ekonomiya
Halimbawa:
Pagbubuwis,
Sistemang
Bandala,

Nasusuri ang 16 17 27 28 4
epekto ng mga
patakarang
kolonyal na
ipinatupad ng
Espanya sa
bansa
A. Patakarang
Pang-ekonomiya
(Kalakalang
Galyon at
Monopolyo sa
tabako)

Nasusuri ang
epekto ng mga
18 29 2
patakarang
kolonyal na
ipinatupad ng
Espanya sa
bansa
A. Patakarang-
pang-ekonomiya
(Royal Company,
Sapilitang
Paggawa, at iba
pa)

8
Nasusuri ang
epekto ng mga
30
patakarang
kolonyal na
ipinatupad ng
Espanya sa
bansa
B. Patakarang-
pampolitika
(Pamahalaang
Kolonyal)

Total 11 7 5 4 1 2 30
items

You might also like