Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natatalakay ang kahulugan ng Balita


b. Natutukoy ang layunin, sangkap at katangian ng isang Balita
c. Napapahalagahan ang gamit ng balita sa pang araw-araw na pamumuhay.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Balita
b. Sanggunian:
c. Kagamitan: PowerPoint presentation, papel, ballpen

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng Liban
B. Pagbabalik-aral
C. Paglalahad
1. Pagganyak
- Bidyo presentasyon (naglalaman ng mga balita)
2. Pagbasa ng Layunin
3. Pagtatalakay
- Kahulugan ng Balita
- Layunin ng Balita
- Sangkap ng Balita
- Katangian ng Balita
4. Paglalapat
Pangkatang Gawain
- Sa unang pangkat magtala ng mga napapanahong issue at
gawing balita at e presenta sa harapan.
- Sa pangalawang pangkat gumawa kayo ng awitin na ang
tema ay nagpapahalaga sa balita, at awitin ito ng sabay
sabay.
- Ang ikatlong pangkat ay magsasadula ng isang Live
Report,
D. Paglalahat/Pagpapahalaga
- Ang balita ay mahalaga parin para sa lahat ng tao. Alam
dapat natin na ang impormasyon ang isa sa pinaka
mahalagang bagay na maaari nating makuha.
IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay anumang mahalagang impormasyon na nasasalig sa napapanahong pangyayari
o di-karaniwang nagaganap at may kahulugan sa mga mambabasa.
a. Balita b. sangkap c.saklaw
2. Mas interesado ang mga mambabasa sa mga pangyayaring kagaganap lamang ngayon
o kahapon kaysa noong nakaraanng buwan.
a. Kahalagahan b. napapanahon c.pagbabago
3. Ang mga ordinaryong pangyayari ay nagiging balita kung ito ay nagaganap sa mga
kilala at sikat na tao.
a. Tunggalian b. katanyagan c. drama
4. Isang balita ay nagtataglay ng ganitong katangian kung naglalaman ito ng mahalagang
detalye hinggil sa tunay na pangyayari.
a. Kaiklian b.ganap na kawastuhan c. timbang
5. Upang matamo ito, dapat makipanayam ang reporter, magtanong upang makakuha ng
impormasyon at kumpirmahin muli bago ilathala upang mas ang katumpakan ng mga
detalye.
a. ganap na kawastuhan b. walang kinikilinganckaiklian at kalinawan

b. Takdang Aralin
- Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa mga napapanahong
isyu.

Inihanda ni: April Rose S. Quibuyen BSED-FIL III

Iniwasto ni: G. Renther Jay G. Cadivin

You might also like