Professional Documents
Culture Documents
Lupit NG Kalikasan
Lupit NG Kalikasan
Lupit NG Kalikasan
Ni sa panaginip, Ni sa pangarap
Hindi sumagi sa aming isipan na mararating namin
Ang paraisong kinandili ng likas na yaman
Mala – krystal na dagat
Mala – nyebeng daloy ng tubig – talon
Mala – higanteng mga puno
Matarik ng burol, at abot langit na bundok
Naglalaparang mga bato’t yungib
Sa paligid, isinasayaw ng masuyong hangin
Ang mga nakakahalinang mga bulaklak at halaman
Habang masiglang humuhuni ng awit-paglaya ang mga ibon
Habang malayang naglilisawan ang mga galang hayop
Habang masayang sumasayaw ang mga isda’t lamang dagat
Dahil dito,
Tugon ng isang panalangin, ang aming narating
Tugon ng isang pangarap, ang aming nalakbay
Tugon ng isang panaginip, ang aming nakamit
Isang mala – paraisong panalangin
Isang mala – paraisong pangarap
Isang mala – paraisong panaginip
ISANG PARAISO.
Magkakahawak – kamay,
Sunod – sunuran kami sa utos ng umaalimpuyong hangin
Mapa – kaliwa, mapa – kanan, mapa – timog, mapa – silangan
“Ito na kaya ang wakas ng hiram naming buhay”?
Kahit malayo, nababanaagan ko ang lugar na aking sinilangan
Ngunit . . .
Wala na ang patung – patong na bubungang – lata
Wala na ang pira – pirasong kartong dingding
Na yumayakap sa tinawag naming tahanan
Wala na rin kaya ang mga buhay na kaluluwang iniwan ko kanina?