Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANGAN ( Summary)

Lesson 1
Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng
pagsulat at komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat
panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga dayagram. Ang
teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya dahil dito ay
nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng
mga produkto at paglilingkod sa bawat industriya. Malaki rin ang
naitutulong sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa
kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mas mabilis,
episyente, at produktibo.Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat
ay ang introdaksyon ng mag-aaral sa ibat’t-ibang uri ng pagsulat na
kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon. Anumang uri
ng propesyonal sa gawain ang ginagawa mo, maaaring ito ay
nangangailangan ng mga gawaing pagsulat at marami rito ay likas na
teknikal. Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan
sa teknikal na pagsulat , mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo.
Lesson 3
ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran
tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin
o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa
mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang
layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa
kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o
oraganisasyon ,magiging malinaw para sa lahat na hindi na kailangan
ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing
desisyon o proyekto.
Lesson 4
Ang katitikan ng pulong ay isa sa mga bahaging isinasagawa ng kalihim
sa mga pangyayaringnagaganap sa isang pulong.Ibinabatay ang katitikan
sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon.Matapos mapag-
usapan ang adyenda, maaaring magpasok ng iba pang bagay na
matatalakaysa susunod na pagpupulong. Ang katitikan ng pulong ay
kailangang magtaglay ng paksa, petsa, oras, at pook napagdarausan ng
pulong. Kailangan ding itala ang mga taong dumalo at di–dumalo sa
pulong.Isusunod ang oras ng pagsisimula nito at ang mga bagay na
tinalakay sa pulong. Sa hulingbahagi, itinatala ang oras ng pagtatapos o
pagsasara ng pulong.
Lesson 5
DESKRIPSYON NG PRODUKTO-Ay isang maikling sulatin
naginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo.-Mahalaga ito upang mabigyang impormasyon ang mamimili
tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo, presyo ng isang
produkto o serbisyo.

You might also like