Bonifacio 158

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ngayon ay ating ipinagdiriwang ang ika-158 kaarawan ni Andres Bonifacio, Marahil kilala natin sya bilang

ama ng himagsikan o ang supremo , Ngunit sino nga ba ang supremo? Si Gat Andrés Bonifacio ay ipinanganak
noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina  Santiago
Bonifacio at Catalina de Castro. Sa murang edad 14 pumanaw ang kanyang mga magulang siya natuto na magbanat
ng buto at bagaman napahinto sa pormal na pag-aaral hindi ito naging hadlang para sa kanyang pagkatuto
nagsumikap siyang magbasa at sumulat ng wikang kastila at tagalog.

Kalaunan Si Andres Bonifacio ay naging tanyag sa kanyang katapangan na ipaglaban ang himagsikan sa
panahon ng mga kastila. Ilan sa kanyang mga nagawa ay ang pakikilahok sa La Liga Pilipina na nag lalayong pag
kaisahin ang mga Pilipino sa pagsulong ng reporma sa bansa. Kinilala din ang Supremo sa kanyang mga naging
ambag sa katiounan o ang Kataastaasang Kagalangalang Katipunan ng mga anak ng bayan (KKK). Sino ba ang
makakalimot sa makasaysayang pagpunit ng cedulla sa Balintawak bilang tanda ng pagsuway sa mga kastila
tinawag ito bilang sigaw sa pugad lawin. Ang supremo ay namuno sa ilan sa mga armadong pakikibaka laban sa nga
kastila.

Tunay nga na si Andres Bonifacio ay isang larawan ng kagitingan at katapangan ng isang bayaning Pilipino
nararapat lang na bigyan natin ng halaga ang kanyang malaking ambag hidi lamang sa kasaysayan kundi maging sa
ating bansa.

You might also like