Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY SA ARALIN PANLIPUNAN V

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:
a. nakikilala ang mga bayaing Pilipino na nagtanggol sa bansang Pilipinas laban sa mga
Espanyol;
b. natutukoy ang pagpapahalaga sa pagtatanggol sa mgaa bayaning Pilipino laban sa
kolnyalismong Espanyol;
c. nakaguguhit ng isang bayaning Pilipino na nagtanggol sa bansang Pilipinas laban sa mga
Espanyol;

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Ang Pagtatanggol sa Bansa Laban sa mga Espanyol
b. Sanggunian: AP5_Q3_SLM2_V2.pdf
c. Kagamitan: laptop, larawan ng Pilipinong Bayani, power point presentation.

III. PAMAMARAAN
GAWWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panumulang Gawain

1. Pagbati
Magandang hapon mga bata!
Kamusta kayo? Magandang hapon din po guro, kami po ay
mabuti.
2. Pagdadasal
Bago ang lahat tayo muna ay
manalangin sa pamamagitan ng short
video clip prayer na aking iplaplay
inyo itong susundan, tayo na’t pumikit Opo ma’am.
at manalangin.

3. Pagtala ng lumiban sa klase


May mga lumiban ba ngayon sa ating
klase? Wala po ma’am.

Ako ay nagagalak dahil lahat kayo ay


nakadalo sa ating klase. Bigyan niyo
ng virtual clap reacts ang inyong mga
sarili mga bata.
B. Balik aral

Mga bata, natatandaan niyo pa ba kung


patungkol saan ang tinalakay natin kahapon?

Magaling!

Patungkol ito saan?


Patungkol ito sa Heograpiyang pisikal ng
Tama! Pilipinas ma’am.

Ano ang Heograpiyang pisikal ng Pilipinas?


Klima, Anyong tubig, at lupa.
Tama!

Ngayon naman ako ay magpapakita ng mga


iba’t ibang larawan ng klima, anyong lupa at
tubig sa Pilipinas at sasabihin niyo sa akin
kung ano ito.

Ma’am Mt. Apo. Anyong lupa

Bulkang Mayon. Anyong lupa


C. Pagganyak
Ngayon naman mga bata tayo ay
magkakaroon ng laro, na kung saan bubuin
niyo ang nawawalang letra upang makabuo Opo ma’am.
ng isang salita na siyang kasagutan.
Maliwanag ba mga bata?

ESPANYOL

E_PAN__L

PAGSULONG

PAG__LON_

PILIPINAS
P___PINA_

LAKANDULA
LAKA_D___

MAGA_ SALA__T

D. Paglalahad
Mga bata ano ang napansin ninyo sa mga
larawan na inyong nakita at salitang binuo?

MAGAT SALAMAT
Tama ang lahat ng inyong mga sinabi ay
konektad sa ating aralin sa hapon na ito mga
bata.

Dahil ngayong hapon ating tatalakayin ay Ma’am ang napansin ko po ay may mga
patungkol sa Ang Pagtatanggol sa Bansa bayani, Espanyol at ang mapa ng bansang
Laban sa mga Espanyol. Pilipinas.

E. Pagtatalakay
Ngayon naman ako ay magpapakita ng isang
larawan sa inyong mga monitor at ilalarawan
niyo ito.

Sa tingin ninyo mga bata? Para saan ang


ginagawa nilang pakikipaglaban?

Para sainyo? Sa anong paraan sila naituring


bilang isang bayani ng bansang Pilipinas?
Nakikipaglaban. May mga armas.
Tama mga bata dahil ang mga susunod na
larawan na inyong makikita ay isa sa mga
bayaning Pilipino na nakipag laban para sa
bansang Pilipinas.

Para sa bansang Pilipinas ma’am.

Dahil binuwis nila ang kanilang buhay para


sa bansang Pilipinas.

Lakandula (1574)
Nagkaroon ng kasunduan sina Lakandula at
Legazpi na hindi
magbabayad ng buwis ang mga angkan niya.
Ngunit nang hindi
tuparin nito ni Guido de Lavesarez,
gobernador heneral na
pumalit kay Legazpi, nag-alsa si Lakandula at
ang kanyang mga
kaanak laban sa pamahalaang kolonyal
noong 1574. Sa huli
ibinalik sa kanila ang kanilang karapatan.

Magat Salamat (1587-1588)


Nag-alsang muli si Magat Salamat, anak ni
Lakandula upang
ipaglaban muli ang kalayaan sa mga
Espanyol. Nagtatag siya ng
lihim na samahan at hinikayat niya ang mga
ibat-ibang lider
mula sa iba ibang panig ng Gitnang Luzon,
Cuyo at Borneo.
Ngunit natuklasan ng mga Espanyol ang
lihim nilang samahan
at sila ay dinakip at binitay.

Juan Sumuroy (1649-1650)


Taong 1649 nang ipag-utos ng mga Espanyol
na magpadala ng mga polista na taga-Samar
sa Cavite upang gumawa ng mga barko
ngunit ito ay tinutulan ng mga taga Samar.
Sa pamumuno ni Juan Ponce Sumuroy,
lumaban sila sa mga Espanyol. Sinunog
nila ang mga simbahan at namundok bilang
rebelde. Nagwakas ang pag-aalsa nang
mapatay si Sumuroy ng ilang kasamahan
niyang nagtraydor sa kanilang simulain.

Francisco Maniago (1660-1661)


Pinangunahan ni Francisco Maniago mula
Mexico, Pampanga

ang pag-aalsa sa Lingayen at Pampanga.


Sumiklab ang pag-aalsang ito dahil sa mga
pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga
Pilipino, tulad nang pagpapatupad ng polo y
servicio, bandala at sapilitang paggawa.
Nagkasundo ang grupo ni Maniago at mga
Espanyol.
Pinangakuan sila na tatanggap sila ng
malaking halaga at hinayaan silang gumawa
sa kanilang mga bukid.
Francisco Dagohoy (1744-1821)
Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang
itinuturing napinakamahabang pag-aalsang
isinagawa ng mga hindi Muslim.
Nagsimula ang pag-aalsa ni Dagohoy sa
isang personal na hinanakit laban sa mga
paring tumangging basbasan angbangkay ng
kanyang kapatid na si Sagani na namatay sa
pakikipagduwelo. Lumaban siya sa mga
Espanyol at nahinto lamang ito ng siya ay
tumanda at namatay.

Apolinario dela Cruz (1840-1841)


Tinanggihan ng mga Dominikano si
Apolinario dela Cruz sa pagnanais nitong
maging pari dahil siya ay isang katutubo
oindio. Si Dela Cruz ay kilala sa bansag na
“Hermano Pule” natubong Lucban, Quezon.
Noong 1840, itinatag niya ang“Cofradia de
San Jose,” isang samahang pangkapatiran
na tumanggap ng mga kasaping maralita.
Ang samahang ito ay
hiwalay sa Katolisismo. Nahikayat ang
marami sa kanyang samahan hanggang
hiniling niya na ito’y kilalanin ng simbahan.
Ito ay pinangambahan ng mga Espanyol at
itinuring na kalaban
ng simbahan at ng pamahalaan. Nadakip
siya ng mga Espanyol noong Nobyembre 4,
1841 at hinatulan ng kamatayan sa
pamamagitan ng firing squad sa edad na 27.
Pinagputol-putol ang kanyang katawan at
ibinandera sa publiko upang hindi pamarisan.
F. Paglalahat

Sa tingin niyo mga bata importante na ating


pag aralan ang mga patunkgol sa ating mga
Bayani ng Pilipinas? At bakit?
Para malaman natin at huwag makalimutan
ang kanilang naialay para sa ating bayan.
Bilang isang mamayamanang Pilipino
importante bang maipakita natin ang
pagmamahal natin sa bayan? At bakit? Opo ma’am dahil ito ang bansang kinalakihan
at dapat na ito’y ingatan at mahalin dahil ang
bayaning Pilipino ay nagbuwis ng kanilang
buhay upang matamasa natin ang kalayaan.
Magaling mga bata! Bigyan niyo ng mga
virtual claps ang inyong mga sarili.

Sa tingin ninyo mga bata? Para saan ang


ginagawa nilang pakikipaglaban? Para sa bansang Pilipinas ma’am.

Para sainyo? Sa anong paraan sila naituring


bilang isang bayani ng bansang Pilipinas? Dahil binuwis nila ang kanilang buhay para
sa bansang Pilipinas.

G. Paglalapat

Mga bata, ako ay may mga katanungan na


kung saan inyo itong sasagutin sa
pamamagitan ng heart react kung ito ay nag
papakita ng tama at mali naman kung wow
react.

1. Ipagtanggol ang bansa kahit sa mga sa


anumang paraang naaayon sa batas.
2. Huwag tularan ang mga unang Pilipinong
nagtanggol sa bansa.
3. Ipagsawalang bahala ang kabayanihang
ginawa ng mga Pilipino na nagtanggol sa
bansa laban sa mga Espanyol.
4. Mahalagang malaman ng mga kabataan
ang mga ginawang kabayanihan ng mga
unang Pilipino na nagtanggol sa bansa
5. Gawing huwaran ang mga unang
Pilipinong nagtanggol sa bansa.

IV. Pagtataya

A. PAGKILALA. Panuto: Isulat ang titik sa iyong sagutang papel kung sino ang tinutukoy sa
bawat pahayag.

A. Gabriela Silang
B. Apolinario dela Cruz
C. Francisco Maniago
D. Francisco Dagohoy
E. Juan Ponce Sumuroy
F. Lakandula

1. Ang namuno sa pinakamahabang rebelyon na ang dahilan ay ang pagtanggi ng isang pari na
basbasan ang bangkay ng kanyang kapatid.
2. Asawa ng isang namatay na pinuno ng rebelyon na nagpatuloy sa pakikipaglaban –
tinagurian siyang “Joan of Arc ng Ilocos.”
3. Itinatag niya ang Cofradia de San Jose nang tanggihan ng simbahan ang pagnanais niyang
maging pari, kilala siya bilang Hermano Pule.
4. Mula Mexico, Pampanga kung saan pinamunuan ang pag-aalsa dahil sa mga pagpapahirap
ng mga Espanyol sa mga Pilipino tulad nang hindi pagbayad sa mga biniling palay mula sa mga
katutubong magsasaka.
5. Nagsimula ang kanyang pag-aalsa nang hindi tuparin ni Gobernador Heneral Lavezares ang
naunang pangako ni Legazpi na hindi siya sisingilin ng tributo at mga kaanak niya.

B. TAMA o MALI. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay
tungkol sa mga kahalagahan ng pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong
Espanyol at MALI kung hindi.
1. Ipagtanggol ang bansa kahit sa mga sa anumang paraang naaayon sa batas.
2. Huwag tularan ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa.
3. Ipagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga Pilipino na nagtanggol sa bansa
laban sa mga Espanyol.
4. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga ginawang kabayanihan ng mga unang
Pilipino na nagtanggol sa bansa
5. Gawing huwaran ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa.

C. Sino sa mga napag-aralan mong Pilipino na nagtanggol sa bansa laban sa Kolonyalismong


Espanyol ang iyong hinangaan. Bakit? Iguhit and napiling bayani at Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
____________________________________________________________________________
___
____________________________________________________________________________
___

V. Takdang Aralin

PAGTAMBALIN. Panuto: Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang LETRA ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Nanguna sa pag-aalsa sa Bohol noong A. polo y servicio 1661
_____ 2. Namuno sa pag-aalsa sa Pampanga B. Diego at Gabriela Silang
_____ 3. Mag-asawang Ilocano na lumaban para tutulan ang pamamalakad C. Francisco
Maniago ng mga Espanyol D. pag-aalsa
_____ 4. Sapilitang paggawa
_____ 5. Isang paraang ginamit ng mga Pilipino
E. Tamblot upang
maipagtanggol ang bansa laban sa mga Espanyol

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Sino-
sino ang mga Pilipinong nagtanggol sa bansa laban sa mga Espanyol?
a. ________________________________________________________________________
b. ________________________________________________________________________
c. ________________________________________________________________________
d. ________________________________________________________________________
e. ________________________________________________________________________
f. ________________________________________________________________________
g. ________________________________________________________________________
h. ________________________________________________________________________
i. _______________________________________________________________________

Prepared by:

Zyra C. Dela Cruz


Bachelor of Elementary Education IV

You might also like