Dec 3-Novena-Our Lady of Guadalupe

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

NOVENA SA MAHAL NA BIRHEN NG GUADALUPE SA KANYANG

NALALAPIT NA KAPISTAHAN
Dec 3-11
(Feast-Dec 12)

Sa ngalan ng Ama…

PAGSISISI

Panginoong kong Hesukristo, tunay na Diyos at tunay na tao, aking hari at aking mananakop na
aking sinasampalatayanan at inaasahan, na aking iniibig higit sa lahat ng bagay. Nagpapatirapa
ako sa harap ng iyong maka Diyos na kadakilaan. Ako’y humihingi ng kapatawaran sa lahat ng
aking mga kasalanan at kawalan ng utang na loob na dahil din sa napagkasalanan kita.
Nalalaman ko Panginoon na hindi ako dapat na humarap sa iyo, kaya nga’t lumalapit ako sa Iyo
sa pamamagitan ng pinaka mamamahal mong Ina na pinakikiusapan kong mamagitan at kamtin
para sa akin ang kapatawaran ng aking kasalanan na kinamumuhian ko ng buo kong puso at
nagtitikang matibay na sa iyong biyaya na hindi na muling magkakasala. Siya Nawa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Guadalupe, Patron ng buhay, kaibig-ibig na anak ng Diyos Ama, kalini-
linmisang Ina ng Diyos Anak at kabanal-banalang esposa ng Diyos Espiritu Santo, inihahandog
namin sa Iyo ang nobenang ito bilang parangal sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo ng
Panginoong Diyos, may likha at may-ari ng buhay. Loobnin mong magunita namin sa nobenang
ito ang mga misgteryo ng kaligtasang dulot ng Iyong Anak na si Hesus- ang daan, ang
katotohanan at ang buhay. Itulot mong matilaran naming ang magkasamang pamumuhay ninyo
ni Hesus upang makamit namin ang iyong awa at kalinga sa amin na iyong mga anak, sa
ikararangal ng Diyos at ikabubuti ng aming kaluluwa at katawan. Alang- alang kay Kristong
aming Panginooin. Amen.

UNANG ARAW (Dec 3)

MGA PANALANGIN AT PAGNINILAY SA UNANG ARAW

Ang sinabi ng Mahal na Birhen ng Guadalupe sa pagpapakita kay Juan Diego:

“Minamahal kong anak, ako ang Birheng Maria, Ina ng tunay na Diyos na nagbibigay buhay at
bumubuhay, lumikha ng lahat ng bagay. Panginoon ng langit at lupa, at namamahay sa lahat ng
lugar. Nais kong magkaroon dito ng isang simbahan, kung saan maipapakita ko ang aking awa sa
mga katutubo at sa lahat ng taong humingi ng aking tulong”.

Sinabi mo ito mahal na Ina, punuin mo ang puso ko ng pag-ibig at pasasalamat, kasabay ang
panibagong pananalig at pag-asa, sapagkat ang sinabi mo’y patungkol din sa akin. Kaya’t
lumalapit ako sa iyo, nagtitiwalang tatanggap ng tulong mo, ang grasyang magbibigay sa akin ng
kakayahang mamuhay ng naayon sa aral ng iyong anak na si Hesus, na nais kong mahalin nang
buong puso. Naki bahagi ka sa lahat ng hirap na pinasan ng aking tagapagligtas, kaya’t ako ay
iyo rin, at ikaw ay aking Ina.

Huwag mo akong iwan sa lambak na ito ng kalungkutan; maawa ka. Nagsusumamo ako sa Iyo sa
aking karukhaan at pangangailangan, mahabag ka sa aking pag-aalala at pagkabalisa; tulungan
mo ako at aliwin sa aking paghihirap at kahinaan. Amen.

Magdasal ng apat (4) na Aba Ginoong Maria

IKALAWANG ARAW (Dec 4)

MGA PANALANGIN AT PAGNINILAY SA IKALAWANG ARAW

Ang sinabi ng Mahal na Birhen ng Guadalupe sa ika- apat at huling pagdalaw kay Juan
Diego:

“Huwag kang malungkot nang dahil sa anupaman; at huwag kang matakot sa ano mang
karamdaman, sakuna o sakit. Hindi ba’t narito ako, ang iyong Ina? Hindi ba’t nasa ilalim ka ng
aking kalinga? May kailangan ka pa bang iba?

Mapagmahal na Ina, ibaling mo sa akin ang iyong habag; ganap mo akong sanayin sa iyong pag-
ibig upang matuto akong iwan sa iyong paanan ang lahat ng gulo at pagkabahala, batid na
maalala mong ikaw ay aking Ina at ako ay nasa ilalim ng iyong kalinga at pangangalaga, batid na
makakamtan mo para sa akin ang kaaliwan na kailangang kailangan ko. Amen.

Magdasal ng apat (4) na Aba Ginoong Maria

IKATLONG ARAW (Dec 5)

MGA PANALANGIN AT PAGNINILAY SA IKATLONG ARAW

Nang dalawin mo ang naghihingalong tiyo ni Juan Diego na si Juan Bernardino, at pinagaling
mo ang kanyang karamdaman at sinabi mo sa kanya ang iyong pangalan: ang Kalinis-linisang
Birheng Maria na dumurog sa ahas. Pinuno mo ng galak ang mga katutubo sa Mexico.
Katumbas ito ng mensahe na hindi na nila kailangang mag-alay ng buhay ng tao sa akanilang
mga paganong diyus-diyusan.

“Reyna ng langit, mahabaging Ina, aming buhay, aming aliw at aming pag-asa!

Tulutan mo akong sumabay sa mga awit ng papuri na hanggang ngayo’y iniaakyat ng buong
bansa sa iyong trono, marami sa kanila’y nagmumula sa malalayong lugar upang mag-alay sa iyo
ng mga handog at panalangin.
Idalangin mo kami Mahal na Ina ng Diyos. Pukawin mo ang AHAS NG KASALANAN at
tanggalin ito sa aming buhay, upang kami’y maging karapat-dapat sa mga pangakao ni Kristong
iyong Anak. Amen.

Magdasal ng apat (4) na Aba Ginoong Maria

IKA-APAT NA ARAW (Dec 6)

MGA PANALANGIN AT PAGNINILAY SA IKA-APAT NA ARAW

Nang mamasdan ng mga katutubo ng Mexico ang kahanga-hanga mong laarawan sa kapa ni Juan
Diego, agad nilang nakitang ito’y isang mensahe sa kanila mula sa langit. Ang iyong magarang
tindigan sa anyo ng isang tao ay nagsasaad na naninirahan ka sa mundo noong lumipas na
panahon. Ngunit ang mga rayos ng araw, ang ulap na bumabalot sa iyong katawan, ang mga
bituin sa iyong damit , ang buwan na tinutuntungan mo, ang anghel na nagdadala sa iyo sa
kalawakan…ang lahat ng ito’y nagpapahiwatig na sa langit ka ngayon naninirahan, at natawag
ng pansin ng mga tao sa kawalang kamatayan ng kaluluwa.

O Mahal na Birhen, kung paanong nagturo sa mga katutubo ang larawan mo sa kapa ni Juan
Diego, turuan nawa ako na kalianma’y huwag makalilimot sa kawalang kamatayan ang aking
kaluluwa, na langit ang aking layunin at pamana. Sa gitna ng mga tukso at hirap sa mundong ito,
lagi nawang isipin ko ang tahanang iyon, kung saan namamayani ang kaluwalhatian at walang
hanggang kalagayahan. Amen

Magdasal ng apat (4) na Aba Ginoong Maria

IKA-LIMANG ARAW (Dec 7)

MGA PANALANGIN AT PAGNINILAY SA IKA-LIMANG ARAW

Matapos marinig ng mga katutubo ang iyong mensahe at mabasa ang buod ng iyong larawan,
tinalikuran nila ang kanilang mga diyus-dyusan at niyakap ang aral ng iyong Anak.

Kailan man ay hindi sila nagsawang magpasalamat sa makapangyarihang Diyos na nagsugo sa


iyo upang maging Reyna, Ina at guro nila.

O Birheng Maria, sa pamamagitan ng Misteryo ng Pagkakatawang-tao ng iyong Anak, an


gaming Panginoong Hesukristo, kung paanong nagsimula ang kaligtasan n gaming kaluluwa,
ihingimokami ngliwanag na maunawaan ang laki ng grasyang ibinigay Niya sa amin sa pagiging
kapatid namin at sa pagpapahintulot na ikaw ang iginagalang Niyang Ina ay maging Ina rin
namin. Amen.

Magdasal ng apat (4) na Aba Ginoong Maria


IKA-ANIM NA ARAW (Dec 8)

MGA PANALANGIN AT PAGNINILAY SA IKA-ANIM NA ARAW

Ang naglalagablab na apoy sa altar ng mga diyus-dyusan ay tuluyang napawi matapos


pagmasdan nang matagal ng mga katutubo ng Mexico ang iyong larawan at makita kang
nararamtan ng langit na puno ng mga bituin. Nagsasaad na itong mga bituin ay nilikha ng Diyos
upang maglingkod sa sangkatauhan, kaya’t ang mga ito’y hindi maaaring maging diyos na dapat
sambahin at handugan.

O Birheng Maria, sa pamamagitan ng larawan mong ikinintal ng Diyos sa kapa ni San Diego,
inakay mo ang milyon-milyong pagano tungo sa liwanag ng tunay na relihiyon. Nagmamakaawa
akong ihingi mo ako ng grasya na maunawaan ang mensaheng nilalaman ng iyong larawan.
Silayan mo ako ng iyong liwanag; patnubayan mo at pabanalin ang lahat ng aking ginagawa.
Amen.

Magdasal ng apat (4) na Aba Ginoong Maria

IKA-PITONG ARAW (Dec 9)

MGA PANALANGIN AT PAGNINILAY SA IKA- PITONG ARAW

Ibinalita sa kanila ng mga misyonero ang tungkol sa Tagapgligtas na bumaba mula sa langit
upang tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus. Ibinalita rin sa
kanila na ikaw ang Birheng Ina ng Banal na Biktima, kaugany Niya sa misteryo ng aming
katubusan.

Mapalad at maligaya ang bansang nakakilala sa iyo at sa Diyos.

Mahal na Birhen ng Guiadalupe, aking Reyna at Ina, mahigit nang apat na daang taon ang
lumipas mula nang kausapin mo si Juan Diego; gayun pa man, iilan pa rin sa mga anak mo sa
ibang bansa ang nakakaalm ng mga layunin ng iyong larawan sa latar ng iyong simbahan.
Tulungan mo kaming makita na ang iyong misteryong larawan ay ang paraan upang
mapapaniwala sa Diyos ang lahat tungo sa Pananampalatayang Katolika at Apostolika, ikaw na
kahang-hangang Reyna at Ina ng mga apostoles at misyonero. Amen.

IKA-WALONG ARAW (Dec 10)

MGA PANALANGIN AT PAGNINILAY SA IKA- WALONG ARAW


Ang mga huling salita na narinig ni Juan Diego mula sa iyong mga labi ay ito: “ Ikaw ang
pinatitiwalaan kong embahador, humayo ka.”

Ang banal na larawan sa magaspang na tela ng kapa ni Juan Diego ay hindi kayang ipinta ng
kamay ng tao. Naniwala ang Obispo, at talagang dapat maniwala ang bawat taong tumingin dito,
na ang mensahe ni Juan Diego ay talagang galing sa iyo.

Buong pagpapakumbabang nagsusumamo sa iyo,


Reyna at Ina ko, gawin mo sana akong embehador mo tulad ni Juan Diego upang ikalat ang
doktrinang nilalaman ng iyong larawan sa lahat ng aking mga kaibigan, upang paniwalaan din
nila, maging sila’y sumasampalataya o hindi. Amen.

Magdasal ng apat (4) na Aba Ginoong Maria

IKA-SIYAM NA ARAW (Dec 11)

MGA PANALANGIN AT PAGNINILAY SA IKA- SIYAM NA ARAW

O Birheng Maria, naluluklok sa pinili mong lugar sa gitna ng isang bansang sumasamba sa mga
diyus-dyusan, kung saan pinapangyari mo ang kahanga-hangang pagbabago ng mga tao at
paniniwala sila sa Diyos. Matapos makita ng mga katutubo ng Mexico ang iyong larawan sa
kapa ni San Diego, tinaggal nila sa kanilang templo ang lahat ng diyus-dyusan, nagtayo sila ng
mga simbahan na ang krus sa tuktok ng tore ay kumikislap sa sikat ng araw, at hindi na muling
narinig ang naglalakihang mga batingaw sa di mabilang na pagkakataon ay nagpahayag sa madla
ng pag-aalay ng buhay sa kanilang mga diyus-dyusan.

Kung paanong iniukol ni Juan Diego ang huling labimpitong taon ng kanyang buhay sa
paghahatid ng iyong mensahe sa mga katutubo ng Mexico, pahintulutan mo ako, mapagmahal
kong Ina, na ikalat ang iyong mensahe sa aking mga kababayan. Pasiglahin mo at pagpalain ang
lahat ng mga sumasapi sa Apostolado at Nobena upang payabungin ang relihiyong Katolika sa
kanilang mga kaibigan; ang bandila nila ay ang maganda mong larawan sa kapa ni Juan Diego,
kasama ang krus na simbulo na aming katubusan. Amen

Magdasal ng apat (4) na Aba Ginoong Maria

MGA KAHILINGAN SA MAHAL NA BIRHEN NG GUADALUPE SA LAHAT NG


ARAW

Upang ang kaawa-awang ipinagdadalang-tao sa sinapupunan ay igalang at pahalagahan tulad ng


ginawa ng Birheng Guadalupe sa Nino Hesus na nasa kanyang tiyan. Manalanging tayo sa
Panginoon sa tulong ni Maria.

TUGON: Birhen ng Guadalupe, Ina ng Buhay, ipanalangin mo kami.


Sa mga maysakit at may iba’t ibang kahinaang pisikal, moral at spiritwal, ay mag-ukol tayo ng
kahilingan upang matamo nila ang kagalingan at lakas. Manalanging tayo sa Panginoon sa tulong
ni Maria.

TUGON: Birhen ng Guadalupe, Ina ng Buhay, ipanalangin mo kami.

Ating itaas sa Panginoon ang mga nalulungkot, nababahala, at nanghihina ang loob at isip dahil
sa hindi maisawang problema katulad ng pagtanda, upang sila ay manatiling masaya, mapayapa
at malakas ang loob at isip na patuloy na magpuri at maglingkod sa Diyos at kapwa. Manalangin
tayo sa Panginoon sa tulong ni Maria.

TUGON: Birhen ng Guadalupe, Ina ng Buhay, ipanalangin mo kami.

Dahil sa kapansanan, marami sa ating mga kapatid ang maaaring panghinawaan ng sigla at pag-
asa, makita nawa nila at matupad ang kanilang potensyal na maglingkod sa pamamagitan ng
pagdarasal, pagpapayo at sakripisyo ng pagbibigay ng halimbawa ng pananampalataya, pag-asa
at pag-ibig. Manalangin tayo sa Panginoon sa tulong ni Maria.

TUGON: Birhen ng Guadalupe, Ina ng Buhay, ipanalangin mo kami.

O kay dami pang nangangailangan ng tulong ng Diyos lalo na ang mga kabataan.
Manalangin tayo sa Panginoon sa tulong ni Maria.

TUGON: Birhen ng Guadalupe, Ina ng Buhay, ipanalangin mo kami.

Idulog natin sa ating Ina, ang Mahal na Birhen ng Guadalupe ang tanging mga kahilingan, mga
pangangnilangan, takot, agam-agam at mga suliranin. (Banggitin ang mga sariling kahilingan at
mga pangangailangan). Manalangin tayo sa Panginoon sa tulong ni Maria.

TUGON: Birhen ng Guadalupe, Ina ng Buhay, ipanalangin mo kami.

PANALANGIN SA BIRHEN NG GUADALUPE, INA NG BUHAY (NI PAPA JUAN


PABLO II)

O Maria, maningning na bukang liwayway ng bagong mundo, Ina ng mga nabubuhay, sa iyo
namin ipinagkakatiwala ang aming mga pagkilos alang-alang sa buhay. Tunghayan mo, O aming
Ina ang napakaraming mga sanggol na isilang pa lamang, ang mga dukha na ang pamumuhay ay
labis na nahihirpan, amg mga kalalakihan at kababaihan na biktima ng mga kakila-kilabot na
karahasan, ang mga matatanda at may sakit na papanaw dahil sa kawalan ng pagmamalasakit ng
iba, o ng maling pananaw sa pagkalinga at taliwas na pag-unawa sa habag at awa.

Ipagkaloob po ninyo na ang lahat ng nanampalataya sa iyong Anak ay makapagpahayag ng


mabuting balita ng buhay nang may katapatan at pagmamahal sa kapwa-tao sa aming panahaon.
Amang makapangyarihan, kaming gumugunita sa Mahal na Birhen ng Guadalupe ay humihiling
na Iyong pagbigyan, pakundangan sa kanyang pagdalangin, upang kami’y pagindapating
tumnaggap mula sa abut-abot na kaloob Mo sa pamamagitan ni Hesukristong kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Kabanal-banalang Birheng Maria, Ina ng totoong Diyos, kami’y nabubuhay para sa iyo. Yamang
para sa amin, ikaw ay inang mahabagin. Ikaw ang hinahanap namin at tinatawagan. Maawa ka at
iyong bigyang pansin ang aming mga pagluha at kalungkutan. Pagalingin mo ang mga
nalulumbay, ang mga nagdadalamhati, at mga may sakit. Inang maamo at maibigin, kandungin
mo kami sa iyong bisig. Huwag mong ipahintulot na mabagabag o mabalisa ang aming puso.
Ipakita mo sa amin ang minanahal mong anak na si Hesus, upang aming matagpuan sa kanya at
kasama niya ang aming kaligtasan at ng sanlibutan. Amen.

You might also like