Output Sa Modyul 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Mary Angel Diana Jamon

Bachelor of Science in Social Work


Block 1-C
Module 4
A. Paggawa ng Reaksyong Papel
ARGUMENTO 2: DAPAT MAY FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO DAHIL ANG IBANG
ASIGNATURA NA NASA JUNIOR AT/O SENIOR HIGH SCHOOL AY MAY KATUMBAS PA RIN
SA KOLEHIYO
Base sa argumentong nilatag malinaw na sadyang tinarget ng CHED ang pagpaslang sa
Filipino at Panitikan. Binabasag at winawasak ng talahanayang ito ang basurang argumento ng
mga taga-CHED, na kaya wala nang Filipino at Panitikan sa kolehiyo at dahil mayroon na nito sa
hayskul. Ayon pa sa kanila dapat ay wala nang GEC sa kolehiyo. Bagay na hindi maaaring gawin
dahil sa likas na kahalagahan at kabuluhan nito sa holistikong paghubog ng mga estudyante.
Sumasang ayon ako sa tinuran ni San Juan na nanganganib na bumaba ang kalidad ng wikang
Pambansa kapag inalis ng asignaturang Filipino sa mas mataas na antas ng edukasyon. Aniya niya
ay bata pa ang wikang Pambansa at hindi pa ganap na nagagamit sa iba’t ibang larangan kaya
naman ay nararapat lamang na pagbutihin at palawakin pa ang pagtuturo nito sa lahat ng antas,
lalo na sa kolehiyo upang maging ganap ang intelektwalisasyon nito. Dapat lamang na may
asignaturang Filipino at nararapat lamang na matutunan ito sapagat ito ang wikang nagbubuklod
sa ating mga Pilipino. Maaaring mawasak ang presensya ng wikang Filipino sa akademya bilang
lehitimong wika ng pananaliksik at intelektuwal. Kaya’t nararapat lang na ipalaganap, itaguyod at
paunlarin ang wikang Filipino hindi lamang wikang Pambansa kundi na rin bilang wikang panturo.
Tungkulin lamang ng kolehiyo na magbigay ng isang pangkalahatang programa sa edukasyon na
magsusulong ng pambansang pagkakakilanlan, kamalayan sa kultura at integridad ng moralidad
na kailangang bigyan pansin at maunawaan ng CHED.

ARGUMENTO 3: ANG FILIPINO AY DISIPLINA, ASIGNATURA, BUKOD NA LARANGAN NG PAG-


AARAL, AT HINDI SIMPLENG WIKANG PANTURO LAMANG
Taliwas sa buladas ng CHED at iba pa nilang kaTanggal Wika, hindi simpleng wikang panturo
lamang ang Filipino. Disiplina, asignatura, bukod na larangan ito ng pag-aaral. Ang pagbura sa
Filipino sa kolehiyo ay pagkalusaw rin ng isang mahalagang disiplina (Sanchez, 2015) na nakaugat
sa sariling karanasan at paraan ng pagpapahayag ng mga mamamayang Pilipino. Ang halaga at
kabuluhan ng Filipino bilang disiplina ay hindi matatawaran sapagkat ito’y daluyan ng
“kasaysayan ng Pilipinas,” salamin ng “identidad ng Filipino,” at “susi ng kaalamang bayan”
(Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad
ng Pilipinas, Diliman, 2014). Ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at
inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino
ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na
makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng
mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig.” Sumasang
ayon ako sa argumentong ito sa kadahilanang mahalaga ang asignaturang Filipino dahil daan ito
upang mas malawak ang ating kaalaman sa pagsusulat at pagbabasa, at upang mas lalo nating
maunawaan ang kulturang pilipino. Nalilinang nito ang wastong gamit ng mga bahagi ng
pananalita sa pamamagitan ng mga gawaing pangkomunikatibo. Ito ang magbubukas ng pinto
mula sa nakaraan at kasalukuyan. Ito ay isang salik na sa kaunlaran ng ating bayan. Sa konklusyon,
ang Filipino ay hindi lamang midyum sa pag aaral ito ay isang pambansang pananagutan na kung
saan ito ay dapat na nililinang, pinagyayabong at pinapahalagahan. Dapat natin itong
pagyamamin at panatilihin sa Kolehiyo.

ARGUMENTO 7: BINIGYAN NG DEPED AT CHED NG ESPASYO ANG MGA WIKANG DAYUHAN


SA KURIKULUM, KAYA LALONG DAPAT NA MAY ESPASYO PARA SA WIKANG PAMBANSA

Binuo ng DepEd ang Special Program in Foreign Language (SPFL) alinsunod sa DepEd
Order No. 46, Series of 2012 (“Policy Guidelines on the Implementation of the Special
Curricular Programs at the Secondary Level”). Saklaw ng SPFL sa mga publikong hayskul ang
pagtuturo ng Spanish, Japanese (Nihongo), French, German and Chinese (Mandarin) at
Korean ayon sa isang press release ng Departamento ng Edukasyon na may petsang Pebrero
20, 2017. Batay rito, elective sa kolehiyo ang mga wikang dayuhan gaya ng Chinese, Spanish,
Nippongo, Arab atbp. Kung nabigyan ng espasyo sa kurikulum ang mga wikang dayuhan, ano’t
papaslangin at ayaw bigyan ng espasyo ang sariling wika at panitikan natin?

Karamihan o kung hindi man lahat ay nahihirapan sa wikang Filipino, at kung pano ito
gamitin. Halimbawa, hindi alam ang pagkakaiba ng “ng” at “nang” kaya’t bakit mas bibigyang
pansin ang wikang dayuhan? Bilang isang pilipino, kailangan pa nating pag aralan at palalimin
ang ang ating kaalaman ukol sa ating sariling wika. Malaki ang kontribusyon ng wika sa
pagkatuto ng mga mag-aaral , ito rin ay bahagi ng ating kultura at nagpapatibay ng identidad
bilang Filipino. Bigyan natin ng lubos na pagpapahalaga ang sariling atin, ano pa’t nagdiriwang
tayo ng Buwan ng Wika kung hindi naman natin isinasabuhay ang nakapaloob na mensahe
dito? Nawa’y sa hinaharap ay hindi tayo maging estranghero sa sariling wika natin.

ARGUMENTO 10: MABABA PA RIN ANG AVERAGE SCORE NG MGA ESTUDYANTE SA


FILIPINO SA NATIONAL ACHIEVEMENT TEST (NAT)

Ayon sa resulta ng National Achievement Test/NAT noong School Year 2014-2015, 59.29
ang pambansang mean percentage score (MPS) sa Filipino ng mga estudyante ng Grade 10,
habang 68.90 ang pambansang MPS sa Filipino ng mga estudyante ng Grade 6, sa sitwasyong
100 ang perpektong MPS. Kung walang Filipino sa kolehiyo, maliit ang posibilidad na
makaabot man lamang sa minimum na target na mastery ng mga kasanayang pangwika ang
mga estudyante sa bansa. Maabot man ng mayorya ng estudyante ang target na MPS, marami
at malawak pa rin ang kaalamang maaari nilang matutuhan sa Filipino sa antas tersyarya.
Dapat lamang na hindi tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat batay sa
resulta ng NAT, pinapakitang hindi pa maalam o hindi pa lubos na naiintindihan at
nauunawaan ang Filipino, ibig sabihin lamang hindi pa lubos na kilala ng mga mag aaral na
pilipino ang kanilang Wikang Pambansa. Ayon sa Apat na probisyon sa artikulo XIV ng 1987
Konstitusyon ang tungkol sa wika. Sa Sek. 6 ng nasabing artikulo ay nakasaad na ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod
sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa Sistemang pang-edukasyon. Itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas ang Wikang Filipino
bilang pambansang wika, kaya’t nararapat lamang na pag aralan at pagyabungin. Dapat
lamang na mas pagtuonan ng pansin ang asignaturang Filipino upang mapalawak ang
kaalaman ng bawat mag aaral na pilipino patungkol sa sariling wika at paraan ng pag gamit
nito.

ARGUMENTO 13: HINDI PINAUNLAD, HINDI NAPAUNLAD AT HINDI MAPAPAUNLAD NG


PAGSANDIG SA WIKANG DAYUHAN ANG EKONOMYA NG BANSA
Mula 1906 pa pangunahing wika sa edukasyon ng Pilipinas ang English pero hanggang
ngayo’y hindi pa rin nakakaakit ng malaking foreign investment ang bansa, kumpara sa ilang
bansa ng Timog-Silangang Asya at Amerika Latina na hindi naman (masyadong) Inglesero.
Batay sa datos ng World Bank (2017), mula 1990-2016 ay mas malaki ang kabuuang halaga
ng foreign direct investments (FDI) na pumasok sa Thailand, Malaysia, Indonesia, at Vietnam,
kaysa sa kabuuang halaga ng FDI na naakit ng Pilipinas. Ayon sa argumento 13, hindi
pinaunlad, hindi pinauunlad, at hindi mapauunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang
ekonomya ng Pilipinas, kaya walang batayan at maling patakaran ang pagpaslang sa wikang
sarili para lamang mas pagtuunang-pansin ang pag-aaral ng mga wikang dayuhan. Lubos
akong sumasang ayon dito sapagkat hindi wikang dayuhan ang magpapaunlad ng ekonomiya
natin. Nagpapatunay sa datos ng ibang bansa na umunlad ang kanilang ekonomiya kahit di
gaanong kabihasa sa wikang dayuhan. Ang tiyak na makakapag unlad sa ating bayan ay ang
ating sariling wika ito ang magsisilbing sandata natin para sa kaunlaran. Ayon kay Santos,
kaluluwa ng ating pagkatao at isang biyaya na binigyang diin niya na ang mahusay na pag
gamit ng wika ay magdadala sa tao sa rurok ng tagumpay. Kaya’t nararapat na bigyan nating
halaga ang ating sariling wika dahil mas magiging mabilis at maayos na uunlad ang ekonomiya
kung iisa lamang ang wikang ginagamit – wikang nauunawaan ng lahat. Kaya’t mahalaga na
asignaturang Filipino, magsisilbi itong midyum upang malinang ang paggamit ng wikang
Filipino at maitaas ang kakayahan sa pagsasalita nito, magkakaroon ang lahat ng
pagkakaunawaan sa lahat ng gawain dahil iisa lang ang wikang ginagamit, sa paraang ito mas
magiging mabilis at maayos ang pag angat ng ating bansa.
B. Panuto: Punan ng wastong sagot ang sumusunod na patlang.

Pinangungunahan ni (1)David Michael San Juan ang Alyansa ng mga


tagapagtanggol ng wikang Filipino. Iniutos ng (2) CHED na alisin ang Filipino sa Kolehiyo
kung kaya’t naghain ang Tanggol Wika ng Motion for Reconsideration sa Korte Suprema.
Ayon sa Tanggol Wika (3) Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21. Binigyan
ng (4) DepEd at (5) CHED ng espasyo ang wikang dayuhan sa kurikulum kung kaya’t dapat
may espasyo para sa wikang pambansa. Ang halaga at kabuluhan ng Filipino bilang
disiplina ay napakahalaga dahil ito ang daluyan ng (6) kasaysayan ng pilipinas, salamin ng
(7) identidad ng Filipino ay susi sa (8) kaalamang bayan 9. Ang pagpaslang sa wikang
Filipino ay pagbura rin sa pagkatao ng mamamayan 10. Kailangan ang Filipino bilang
akademikong wika para sa pag unawa ng mga aralin at paggawa ng pananaliksik ng mga
estudyante.

C. Ano-ano batas at probisyong pangwika ang nilabag ng CMO no. 20, s. 2013?

Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6


Probisyong pang-edukasyon tungkol sa preserbasyon ng yamang pangkultura ng
bansa na nasa Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, 18
Probisyong pang-edukasyon tungkol sa pagiging bahagi ng mandatoring pag-aaral
ng konstitusyon sa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa Artikulo XIV, Seksyon 3
Probisyong pang-edukasyon na nagbibigay diin sa kahalagahan ng nasyonalismo
sa kurikulum at pagpapaunlad ng bansa, at pagbubuo ng sistemang pang-
edukasyon na nakabatay sa pangangailangan ng mga mamamayan nasa Artikulo
II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3
Probisyong Pampaggawa (labor provisions) na nasa Artikulo 11, seksyon 18; at
Artikulo XIII, Seksyon 3
Probisyon ng “ Commision on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the
Commision on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions,
and for Other Purposes”) o Batas Republika 7104
Probisyon sa “Education Act of 1982” o Batas Pambansa Bilang 232
Probisyon sa Batas Republika 7356 o “ An Act Creating the National Commision for
Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and Arts
and for Other Purposes”.

You might also like