Countries

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

 Ang Switzerland ang ika isang daan at siyam napung bansang naging myembro ng

UNITED NATIONS taong 2002. Ang bansang ito ay kilala sa magagandang resorts,
masasarap na tsokolate at keso. Ang bandila ng Switzerland sa modernong panahon
ay kumakatawan sa neutralidad, demokrasya, kapayapaan at higit sa lahat ay ang
paninindigan ng Switzerland bilang isang neutral na bans mula taong 1815. Ang
bansang ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng kontinente ng Europa

 Ang Brazil isa sa founding member ng United Nations. Sila ay naging bahagi ng UN
taong 1947. Ang bansang ito ay kilala sa Amazon river na syang pinakmahabang
ilog sa mundo, Christ the Redeemer na kabilang sa 7 wonders of the world, mga
carnival at soccer. Ang bansang ito ay matatagpuan sa continente ng South America

 Ang India ay naging bahagi ng United Nations taong 1945. Kilala ang bansang ito
bilang pinakamalaking demokrasya sa mundo at may pinakamaraming lengwahe sa
lahat ng bansa. Tanyag din ang Taj Mahal na makikita rin sa bansang ito. Dito
nagmula ang dalawa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig, ang Hinduismo at
Budhismo. Ang India ay matatagpuan sa rehiyon ng Timog Asya.

 Ang Sri Lanka ay naging bahagi ng United Nation taong 1955. Kilala ang bansang ito
sa malawak na kapatagan at kahanga-hangang tuktok ng bundok, plantasyon ng
tsaa at magagandang templo. Ang dating pangalan ng bansang ito ay Ceylon. Ito ay
bansang hugis butil ng palay na matatagpuan sa ibaba ng India.

 Ang Australia ay isa sa founding member ng United Nation, naging bahagi sila ng
UN taong 1945, naging aktibong kalahok sa mga institusyon ng UN sa loob ng 70
taon at kasalukuyang ika-labing dalawang pinakamalaking kontribyutor sa regular na
badyet ng UN. Kilala ang bans ana ito sa Sydney Opera House, maluluwang
rainforest at kangaroos.

 Ang South Africa ay isa sa founding member ng United Nation, naging bahagi sila ng
UN taong 1945. Ang bansang ito ay may tatlong kabisera, labing isang opisyal na
wika, 21 National Parks at sampung UNESCO World Heritage Sites. Ang bansa ay
sikat sa mga nakakamanghang tanawin at pagkakaiba-iba ng mga hayop sa Africa.
Ang South Africa ay matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng kontinente ng Africa.

 Ang Poland ay naging kasapi ng United Nations taong 1945, Ang bansang ito ay
matatagpuan sa gitnang bahagi ng Europa. Ang Poland ay kilala sa pagiging
tahanan ng masasarap na pierogi, pinagmulan ni Pope John Paull II, Isa rin itong
bansang mayaman sa natatanging kasaysayan at nakakamanghang heograpiya,
mula sa bundok ng Tatra hanggang sa dagat ng Baltic Sea. Poland!
 Ang Singapore ay ang ika-isang daan at labing pitong bansang naging kasapi nnng
United Nations. Ang bansang ito ay sikat sa pandaigdigang sentro ng pananalapi,
pagiging kabilag sa mga lugar na may pinakamataong populasyon sa mundo,
pagkakaroon ng world-class na airport na may falls at Botanic Garden na
maituturing na isang World Heritage Site. Singapore!

 Ang Japan ay ang ika-walong pung bansang naging kasapi ng United Nations, tang
1956. Ang bansang ito ay isa sa pinaka-industriyalisadong bansa sa daigdig, at
pinaka makabago ang teknolohiya. Ang bansang ito ay tanyag sa Cherry Blossom o
Sakura, Mount Fuji, Sumo Wrestling at Video Games.

 Ang Norway ay may mahaba at mayamang kasaysayan bilang isa sa mga founding
member ng United NATIONS noong 1945. Ang bansang ito ay tanyag sa kanyang
Aurora Borealis, kilala sa pinakanamumukod tanging destinasyon sa Europa na
nagtatampok ng magagandang tanawin, pambihirang wildlife, mag hindi
makakalimutang paglalakbay sa tren at marami pang iba.

 Ang Saudi Arabia ay sumali sa United Nations bilang isang Charter Member noog
taong 1946. Nilagdaan ng Haring Faisal ang Charter bilang founding member sa
isang sermonya na ginanap sa San Francisco. Ang kaharian ng Saudi ay naging
pangunahing tagapag-ambag ng tulong sap ag-unlad ng UN mula taong 1950’s

Ang Argentina ay isa sa ounding member ng United Nations taong 1945 at mula noon ay gumanap ng
isang aktibong papel sa pagtatanggol at pagtataguyod ng International Peace and Security, Human
Rights at Sustainable Development. Kilala ang Argentina sa hilig nito sa soccer, kultura ng Mate, at
pagmamahal sa Tango. Sa mga nakamamanghang natural na tanawin sa Patagonia hanggang sa makulay
na buhay sa lungsod sa Buenos Aires, nag-aalok ang bansa ng kakaibang karanasan para sa mga
manlalakbay. Ang Argentina ay sikat din sa kalidad ng alak, masasarap na pagkain, at mga landmark na
kilala sa mundo.

Ang South Korea ay naging kasapi ng United Nations taong 1951. Mula noong ika-21 siglo, ang South
Korea ay kilala sa pandaigdigang maimpluwensyang kultura ng pop, partikular sa musika (K-pop), mga
drama sa TV (K-dramas) at sinehan, isang phenomenon na tinutukoy bilang Korean wave. Ang South
Korea ay kilala sa kanilang moderno at tradisyunal na pamamaraan ng panggagamot. Ang South Korea
ay sikat sa pagiging lupain ng kimchi, K-pop, K-dramas, tech giant Samsung, automotive manufacturer
Hyundai, soju, Korean fried chicken, Korean barbecue, ang 12-step na skincare routine, at siyempre,
Gangnam Style.
Ang Greece ay isa sa mga bansang founding members ng UN taong 1945. Ang Greece ay sikat sa mga
sinaunang pilosopo nito, tulad ng Plato, Pythagoras, Socrates, at Aristotle, kung ilan. Ito ay kilala bilang
ang lugar ng kapanganakan ng demokrasya sa Kanluran; sila ang nag-imbento ng Olympic Games at
theater. Ang mga sinaunang Griyego ay nag-imbento ng mga monumental na templo na may mga
haliging Griyego. Ang Greece ay kilala bilang duyan ng Kabihasnan ng Kanluran at ang lugar ng
kapanganakan ng demokrasya, teatro, Olympic Games, at marami pang iba.

Bilang isang founding member ng United Nations (UN), ang Canada (1945) ay nakatuon sa patnubay na
ibinigay sa UN Charter upang mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad, bumuo ng
mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng mga bansa. Ang Canada ay isang mayamang bansa dahil
mayroon itong malakas at sari-sari na ekonomiya. Ang malaking bahagi ng ekonomiya nito ay
nakasalalay sa pagmimina ng mga likas na yaman, tulad ng ginto, sink, tanso, at nikel, na malawakang
ginagamit sa buong mundo. Ang Canada ay isa ring malaking manlalaro sa negosyo ng langis kasama ang
maraming malalaking kumpanya ng langis.

Ang Pilipinas ay ang tinaguriang Perlas ng Silanganan, naging bahagi ang Pilipinas ng United Nations
taong 1945. ang Pilipinas ay kabilang sa 51 orihinal na Member States, at isa lamang sa apat na bansa sa
Asya, na lumagda sa UN Charter. Ang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng saganang magagandang
dalampasigan at masasarap na prutas. Ang koleksyon ng mga isla ay matatagpuan sa Timog-silangang
Asya at ipinangalan kay Haring Philip II ng Espanya.

Ang China ay isa sa mga miyembro ng charter ng United Nations at isa sa limang permanenteng
miyembro ng Security Council nito. Isa sa mga matagumpay na Kaalyado ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang Republika ng Tsina (ROC) ay sumali sa UN sa pagtatatag nito noong 1945. Ang China ay
sikat na bansa dahil dito matatagpuan ang The Great Wall of China. ...

The Forbidden City & the Imperial Palace, Beijing. ...

The Terracotta Army, Xi'an. ...

The Summer Palace, Beijing. ...

Cruising the Li River, Guilin. ...

Ito ang pinaka-maraming populasyon na bansa sa mundo, na may kaakit-akit at mapang-akit na mga
mamamayan. Isa rin ito sa mga nangungunang pwersang pampulitika at kultura na tumulong sa
paghubog ng ating mundo

Ang Spain ay sumali sa UN noong taong 1955 at naging hindi permanenteng miyembro ng Security
Council sa limang pagkakataon. Kilala ang Spain sa pagkain nito, musika at sayaw ng Flamenco, siesta,
bullfight, kabayo, sining at panitikan, arkitektura, pamana ng Moorish, mga isla nito, mga beach sa
Mediterranean, mga alak, prutas at gulay, at football (soccer). Ang Spain ay posibleng ang tanging bansa
sa Europe na ipinagmamalaki at pinangangalagaan ang mga architectural relic nito bilang pamana ng
bansa nito. Ang mga bayan ng Espanya ay kilala sa pagiging perpekto para sa romantikong turismo, kung
kaya't sila ay binibisita sa buong taon ng mga turista mula sa lahat ng dako.

Ang United States of America o Estados Unidos ay isa sa mga founding members ng United Nations
taong 1945. Kilala sa kasaysayan nito, industriya ng pelikula, industriya ng musika at dose-dosenang
natatangi at makasaysayang monumento nito, ang Estados Unidos ay isa sa pinakamalaking
kapangyarihang pangkultura, pampulitika at pang-ekonomiya sa mundo. Ang bansang ito ay kinikilala
bilang pinakamakapangyarihang bansa sa Mundo sa larangan ng sandatahang lakas at militarismo.

You might also like