Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Nagbabadyang tumaas ang singil sa kuryente sa paparating na November

bill, sabi ngayong Martes ng Manila Electric Company (Meralco).

"Posibleng pataas pero hindi masyado ang adjustment na pataas. Na-


mitigate ang impact sa spot market pero 'yong fuel cost na mataas pa rin at
mahina peso will be the main determinants," sabi ni Meralco Spokesperson
Joe Zaldarriaga.

Gayunman, dapat ding paghandaan ng mga konsumer ang dagdag-singil sa


mga susunod na taon dahil naging pinal na ang desisyon ng Korte Suprema
kaugnay sa mas mataas na generation charge noon pang 2013.

Nasa lagpas P3 kada kilowatt hour ang estimated na dagdag-singil noong


panahong iyon dahil sabay-sabay pumalya ang maraming planta sa
maintenance shutdown ng Malampaya facility.

Dahil dito, sumirit ang presyo ng kuryente sa spot market pero hindi
naipasa noon sa mga konsumer dahil ipinatigil ng korte.

Tiniyak naman ng Meralco na hindi ura-uradang ipatutupad ang dagdag-


singil.
"Definitely hindi 'yan mare-reflect ngayong buwan kasi any adjustment in
our rates has to be approved by the regulator," ani Zaldarriaga.

"Kaya eventually magkakaroon ng guidance sa amin ang regulator kung


paano ito i-implement," dagdag niya.

Kinumpirma ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may mga hakbang


para mabawasan ang dagok sa mga konsumer.

"Even Meralco is saying they will propose that it be staggered and we will
be very much open to that staggered mode of collection if collection is
needed," ani ERC Chairperson Monalisa Dimalanta.

Samantala, pinagmumulta ng ERC ang National Grid Corporation of the


Philippines (NGCP) ng higit P5 milyon dahil sa kabiguang mangontrata ng
reserbang kuryente.

Nagbanta rin ang ERC na puwedeng makansela ang permit ng NGCP pati na
ang prangkisa ng kompanya kung patuloy na lalabag sa patakaran ng
gobyerno.

Wala pang inilalabas na pahayag ang NGCP kaugnay sa isyu.

You might also like