EsP 10 1st

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

Isulat ang
sagot sa malaking titik.

1. Ito ang dahilan ng pagiging malikhain, maunawain, at mapanagutan ng tao sa mga tao, bagay, at
sa lahat ng umiiral sa kaniyang paligid.
A. Umiiral na nagmamahal
B. May kamalayan sa sarili
C. May pananagutan sa bawat umiiral
D. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
2. Sino sa mga sumusunod na personalidad ang nagpakita ng malalim na pagmamahal at pagkalinga
sa mga mahihirap at mga maysakit?
A. Mother Teresa C. Cris Valdez
B. Joey Velasco D. Roger Salvador
3. Siya ay may misyon na imulat sa mga tao ang kanilang kapabayaan at pagkukulang sa kanilang
kapwang naghihirap sa pamamagitan ng kaniyang mga pinta.
A. Santa Teresa C. Cris Valdez
B. Joey Velasco D. Roger Salvador
4. Ano ang dapat gawin sa mga katangian ng pagpapakatao upang matupad ng tao ang kaniyang
misyon at makamit niya ang kanyang kaganapan?
A. Ibahagi C. Isabuhay
B. Isapuso D. Panatilihin
5. Paano ipinakita ni Roger Salvador ang kamalayan sa sarili?
A. Umani siya ng maraming pagkilala at parangal.
B. Sinaka niya ang lupaing minana sa mga magulang.
C. Naitaas niya ang antas ng kanyang kabuhayan at ng kapwa magsasaka.
D. Nagsaliksik at kumunsulta siya sa mga teknikong pang-agrikultura dahil sa kakulangan niya ng
kaalaman sa pagsasaka.
6. Ang mga sumusunod ay mga hakbang na makakatulong sa pagpapaunlad ng mga katangian ng
pagpapakatao maliban sa isa.
A. Pagkilala sa halaga ng bawat nilikha ng Diyos
B. Pagsisikap na tumugon sa tawag ng sitwasyon
C. Paglalaan ng oras sa pagninilay/pagsusuri ng sarili
D. Pagsisikap na makuha ang lahat ng naisin at gustuhin
7. Ito ay proseso ng pagbuo ng pagkasino upang maabot ang personalidad.
A. Pagpapakatao C. Paghubog ng persona
B. Pananampalataya D. Pagpapasiyang moral
8. Hindi alam ni Melnie kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo. Anong katangian ng
pagpapakatao ang dapat niyang linangin?
A. Umiiral na nagmamahal C. Kamalayan sa sarili
B. Halaga ng minamahal D. Kakayahang mag-abstraksiyon
9. Bata pa lamang si Roy ay nakikitaan na ng galing sa pagkanta. Bukod pa dito, mahilig din siyang
gumiling giling sa harap ng salamin at umarte. Ang mga katangiang ito ni Roy ay nagpapahayag ng
katangian ng tao bilang ano?
A. Persona C. Perpekto
B. Indibidwal D. Personalidad
10. Ang tao ay nilikhang hindi pa tapos. Paano mabubuo ng tao ang kaniyang pagkasino?
A. Pagkuha ng inspirasyon sa mga kilalang tao
B. Pagpapaubaya sa Diyos sa kung ano ang gusto Niya
C. Pagsasabuhay ng katotohanan at paggawa ng kabutihan sa kapwa
D. Pagbabahagi ng mga problema sa iba upang mabigyan ito ng solusyon
11. Kakabit ng _____________ay kakayahan ng taong tumugon sa obhektibong tawag ng
pangangailangan ng sitwasyon.
A. Kabaitan C. Kamalayan
B. Pagmamahal D. Pananagutan

You might also like