AP2 Q2 MO4 Paghahambing NG Katangian NG Sariling Komunidad Sa Iba Pang Komunidad v2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

2

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Paghahambing ng Katangian
ng Sariling Komunidad sa Iba
pang Komunidad

CO_Q2_AP2_ Module 4
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Paghahambing ng Katangian ng Sariling Komunidad
sa Iba pang Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hersa F. Huet

Editor: Lamberto F. Gamurot

Tagasuri: Bobby P. Caoagdan, Allan T. Manalo

Tagaguhit: Diane V. Facun, Anibay F. Santos

Tagalapat: Anibay F. Santos, Nimfa D. Cabilangan

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas

Nestor P. Nuesca, Angelica M. Burayag, Paulino D. De Pano,

Bobby P. Caoagdan, Helen R. Bose

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________

Department of Education – Region III

Office Address: Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of


San Fernando, (P)
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

2
2

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Paghahambing ng Katangian
ng Sariling Komunidad sa Iba
pang Komunidad

3
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa


Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat


ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad


sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang


makapaghahambing ng katangian ng sariling
komunidad sa iba pang komunidad.

1
CO_Q2_AP 2_Module 4
Subukin

Panuto: Isulat ang tsek sa iyong sagutang papel kung


ang pangungusap ay tama at ekis naman kung hindi.

1. Iisa ang katangian ng mga komunidad.

2. Nakikilala ang bawat komunidad ayon sa


mga hanapbuhay na matatagpuan dito.

3. Magkakatulad ang mga kaugalian at


pagdiriwang sa bawat komunidad.

4. May mga komunidad na kilala dahil sa mga


natatangi nitong pagkain at produkto.

5. May katangian ang isang komunidad na


maaaring katulad ng ibang komunidad.

2 CO_Q2_AP 2_Module 4
Aralin Paghahambing ng Katangian ng
Sariling Komunidad sa Iba pang
1 Komunidad

Bawat komunidad ay may natatanging katangian


na maaaring ipagkaiba sa ibang komunidad.
Gayunpaman, may mga katangian din ito na maaaring
katulad ng ibang komunidad.

Balikan

Panuto:Isulat sa sagutang papel kung ang mga


sumusunod ay bantayog o istraktura.

1. monumento

2. simbahan

3. paaralan

4. dambana

5. tulay

3 CO_Q2_AP 2_Module 4
May mga bantayog at istraktura na may kaugnayan
sa kasaysayan ng komunidad. Ang mga sagisag na ito ay
maari ring ihambing sa iba pang komunidad.

Mga Tala para sa Guro

Maihahambing ang isang komunidad sa iba


pang komunidad sa mga produkto, pagkain,
pagdiriwang at tradisyon ng mga ito.

4 CO_Q2_AP 2_Module 4
Tuklasin

Ano-ano ang
mga katangian ng May
iyong komunidad? pagkakatulad ba
Paano mo ang iyong
maihahambing ang komunidad sa
mga katangiang ito iba? Mayroon din
sa iba pang bang pagkakaiba
komunidad? ang mga ito?

5 CO_Q2_AP 2_Module 4
Basahin ang kuwento sa ibaba na maghahambing sa
mga produkto ng bawat lalawigan sa Gitnang Luzon.

Produkto sa Gitnang Luzon ni Anibay F. Santos

Nalibot mo na ba ang mga lalawigan sa Gitnang


Luzon? Mga ipinagmamalaking produkto ba nila ay iyo
nang natikman?
Halika’t simulan ito sa Bulacan, chicharon dito ay
katakamtakam. Matatamis na mga mangga sa
Zambales ay matatagpuan. Masarap na tocino naman
ay sa Pampanga matitikman. Sa Nueva Ecija sa bigas ay
sagana sila. Matamis na asukal sa Asucarera de Tarlac
ang pagawaan. Kilala din ang Aurora sa paggawa ng
masasarap nilang suman. Hindi naman pahuhuli sa lahat
ng mga iyan ang masarap na tinapa ng Bataan.
Kaya pitong lalawigan sa Gitnang Luzon ay tunay na
kahanga-hanga sa mga pagkain nilang katakamtakam.

6 CO_Q2_AP 2_Module 4
Suriin

May mga pagkakaiba o pagkakatulad ang mga


komunidad. Nakaaapekto ang likas na yaman, panahon,
at lokasyon ng isang komunidad sa uri ng hanapbuhay
na mayroon ito.
Halimbawa ay ang pangingisda

mga komunidad na
sagana sa anyong tubig
ay karaniwang pangingisda
ang hanapbuhay at kung
sagana naman sa mga
anyong lupa ay pagsasaka
at pag-aalaga ng hayop
ang hanapbuhay.
Pagmimina at pangangaso
pagsasaka
naman ang hanapbuhay ng
pangangaso
mga nakatira sa
kabundukan.

May mga natatanging


kasanayan naman ang mga
Pag-lililok
tao sa pagbuo ng mga
produkto at kabuhayan na
kakaiba sa ibang komunidad.
Halimbawa nito, ang
Paete, Laguna na kilala sa
industriya ng paglililok o pag-
uukit.

7 CO_Q2_AP 2_Module 4
Paglalara ng banig
Sa bayan naman ng Basey
sa Samar, kilala ang mga
mamamayan sa paglalara o
paghahabi ng banig.
Naaayon rin ang mga
ginagawa nilang produkto o
pagkain sa mga bagay na
makikita sa kani-kanilang
komunidad.
Karamihan sa mga pagdiriwang sa komunidad ay
inaayon sa kanilang kultura, tradisyon at paniniwala. May
mga pagdiriwang na panrelihiyon na isinasagawa ng
maraming komunidad sa magkakapareho o tiyak na
araw at panahon.
Halimbawa nito ay ang
Ramadan, Pasko, Mahal na
araw at Pista ng Patron. Marami
rin sa mga komunidad ay
nagsasagawa ng mga
pagdiriwang para maipagmalaki
ang kanilang produkto. Isa ang Banig Festival
Durian Festival sa Lungsod ng
Tagum sa Davao del Norte,
Banig Festival sa Badian, Cebu,
ang Tsinelas Festival Lungsod
ng Gapan, Nueva Ecija at ang
Bawang Festival ng Sinait, Ilocos
Sur at iba pa. Tsinelas Festival

8 CO_Q2_AP 2_Module 4
Pagyamanin

Panuto: Punan ang tsart ng mga produkto ayon sa


kuwento tungkol sa “Produkto sa Gitnang Luzon”. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Produkto ng Bawat Komunidad sa


Gitnang Luzon

Aurora

Bataan

Bulacan

Nueva Ecija

Pampanga

Tarlac

Zambales

9 CO_Q2_AP 2_Module 4
Isaisip

Panuto: Punan ang bawat patlang. Piliin ang tamang


sagot sa kahon.

nagkakaiba tradisyon nagkakatulad


kultura paniniwala

(1)Nagkaka_ula_ at (2) nagkaka_


at b_

ang bawat komunidad sa kanilang (3) k_lt_r_ ,

(4)t_adis_on at (5) _anini_a_a

Gayunpaman, ang mga natatanging katangian

ng mga ito ang tumatatak sa kanilang

pagkakakilanlan.

10 CO_Q2_AP 2_Module 4
Isagawa

Panuto: Ihambing ang anyong tubig o anyong lupa na


matatagpuan sa inyong komunidad sa mga karatig
komunidad. Magtala ng pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pagkakatulad Anyong Tubig Pagkakaiba


o Anyong Lupa

11 CO_Q2_AP 2_Module 4
Tayahin

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng impormasyon


tungkol sa iyong komunidad. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Katangian ng Katangian ng Karatig
Sariling Komunidad Komunidad

(Pangalan ng Komunidad) (Pangalan ng Karatig na Komunidad)

Produkto/ Hanapbuhay Kaugalian/ Produkto/ Hanapbuhay Kaugalian/

Pagkain Pagdiriwang Pagkain Pagdiriwang

12 CO_Q2_AP 2_Module 4
Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga kaugalian/


pagdiriwang sa inyong komunidad. Maaring magtanong
sa matandang miyembro ng pamilya o ng komunidad.
Ihambing ito sa mga kaugalian/pagdiriwang ng dalawa
o tatlong karatig na komunidad. Siguraduhin na hindi
mauulit ang impormasyon na itinala sa Tayahin. Isulat
ang nakalap na impormasyon sa sagutang papel.

13 CO_Q2_AP 2_Module 4
CO_Q2_AP 2_Module 4 14
Subukin Balikan Pagyamin Isaisip
Aurora
1. bantayog
-Suman 1.nagkakatulad
1. X 2. istraktura
3. istraktura 2.nagkakaiba
2. / Bataan
4. bantayog 3.kultura
3. X -tinapa
5. istraktura 4.tradisyon
4. / Bulacan 5.paniniwala
5. / -Chicharon
Pampanga
-tosino
Nueva Ecija
-bigas
Tarlac
-asukal
Zambales
-Mangga
Isagawa Tayahin Karagdagang
Gawain
Ang sagot ay batay sa Ang sagot ay
anyong tubig/anyone batay sa Ang sagot ay batay
lupa sa komunidad at katangian ng sa kaugalian/
karatig na komunidad komunidad at pagdiriwang sa
karatig na komunidad at
komunidad karatig na
komunidad
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Admin, Guro. "Most Essential Learning Competencies (Melcs)-
Complete
Files Guro Ako". Guro Ako,
2020.http://guroako.com/2020/06/02/most
essential-learning competencies-melcs-completefiles/.

Gloria Cruz. Charity Capunitan, Emelita Dela Rosa,


and Leo Arrobang. "K TO 12 GRADE 2
LEARNING MATERIAL IN ARALING
PANLIPUNAN". Slideshare.Net, 2013.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-2-
learning
material-in-araling-panlipunan.

Christopher Madrigal. Pagsulong At Pagbabago, Komunidad 2


(Edisyong K-12). Reprint, Makati City,Philippines: Diwa
Learning System Inc., 2014.

Randy Policarpio. "Kasaysayan-Ng-Tarlac.Docx -


Kasaysayan
Ng Tarlac Ang Lungsod Ng Tarlac Ay Ang Kabisera
Ng Lalawigan Ng Tarlac Matatagpuan Ang
Lalawigan Gitnang | Course Hero".

Coursehero.Com.https://www.coursehero.com/file/25445515/Kas
aysayan -ng-Tarlacdocx/.

Edna Severo. Araling Panlipunan 2 Kagamitan Ng Mag-


Aaral Sa Kapampangan. 1st ed. Reprint, Pasig City,
Philippines: Department of Education- Bureau of
Elementary Education, 2013.

15 CO_Q2_AP 2_MODULE 4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like