Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANITIKAN HINGGIL SA MGA ISYUNG PANGKASARIAN

Isa sa mga naging mainit na isyu sa lipunang Pilipino ang tungkol sa mga usaping pang-
kasarian lalo‘t higit ay ang pagkakapantay-pantay ng mga tao ayon sa kanilang kasarian.

Mga Inaasahan:

1.Mabigyang-linaw ang ilang mga konsepto na nagdudulot ng kalituhandahil sa


pagkakaugnay-ugnay ng mga ito;
2.Matukoy ang mga papel na ginagampanan ng iba‘t-ibang kasarian;
3.Matalakay nang may talas ng pag-iisip ang mga isyu katulad ng LGBT, SOGIE, atbp.;
4.Malinang ang iba‘t-ibang pananaw ng mga tao at lipunan ukol sa pag-usbong at ng iba‘t-ibang
kasarian;
5.Maisulong ang pantay-pantay na karapatan sa seksuwalidad at matalakay ang mga
epekto sa dignidad ng mga isyu.

PAGTALAKAY:

Madalas mapagpalit ang pakahulugan sa ilang mga terminolohiya, kaya marapat lamang na ito
ay gawan ng paglilinaw. Narito ang ilan sa mga konsepto at kanilang kahulugan:

GENDER O KASARIAN
 tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa seksuwalidad. Ang mga
ideya natin tungkol sa kasarian ay ating natututuhan mula sa lipunang ating
kinabibilangan at ginagalawan. Ang seksuwalidad ang tukuyin pinapangkat ang mga tao
bilang “babae” at “lalaki”. Kung kasarian ang ginagamit na termino ay “pambabae” o
“panlalaki”.

ORYENTASYONG SEKSUWAL (SEXUAL ORIENTATION)


 tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal
para sa isa pang indibidwal.

PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY)


 kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa kasarian niya nang siya‘y
ipanganak. Kabilang dito ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan at iba
pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.

HETEROSEKSUWAL (HETEROSEXUAL)
 tumutukoy sa mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang
kasarian; mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman
ay lalaki.
HOMOSEKSUWAL (HOMOSEXUAL)
 tumutukoy sa mga taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong
nabibilang sa katulad na kasarian; mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik
at mga babaeng mas gusto ang babae bilang seksuwal na kapareha.

LESBIAN (TOMBOY)
 tumutukoy sa mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae

GAY (BAKLA)
 tumutukoy sa mga lalaking nakakaramdam ng atraksiyon sa kanilang kapwa lalaki;
may ilan na nagdadamit at kumikilos na parang babae.

BISEXUAL (BISEKSUWAL)
 tumutukoy sa mga taong nakakaramdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian.

ASEXUAL (ASEKSUWAL)
 tumutukoy sa mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang
kasarian

TRANSGENDER (TRANSGENDER)
 tumutukoy sa isang tao na nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan; ang kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma.

You might also like