Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6

Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
Aralin 4: Epekto ng Pagbubukas ng mga Daungan ng bansa sa Pandaigdigang Kalakalan
Layunin:Natatalakay ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang
kalakalan
Nabibigyang halaga ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan.
Nakabubuo ng slogan tungkol sa epekto ng daungan sa pandaigdigang kalakalan

Paksa/Pagpapahalaga: Pagtalakay sa epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa


pandaigdigang kalakalan
Pagkakapantay- pantay
MgaKagamitan:
larawan, activity card, Powerpoint Presentation,
BagongLakbay ng Lahing Pilipino,
Gabay Pangkurikulum pahina
CG p. 117 AP6PMK-Ib-4

Alamin
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-aral
Ano ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa Asya at Mundo
3. Pagganyak
Nagmahal ka na ba? Sinu-sino ang iyong mga minamahal? Paano mo ito ipinapakita o
ipinadadama? Magbigay ng saloobin na may kinalaman sa pagmamahal.

AngakingMahal Paraan ng pagpapakita ng Pagmamahal Dahilan ng aking Pagmamahal

4. Pagpapakita ng mga larawan ng daungan.

22
Anu-ano ang naging epekto nito sa ekonomiya at pamumuhay ng mga Pilipino.

Mga Gawain
Pangkat 1-Slogan
Gumawa ng slogan tungkol sa epekto ng pagbubukas ng daungan sa ekonomiya
at pamumuhay ng mga Pilipino.
Pangkat 2-Iarte MO
Isadula ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan sa pandaigdigang kalakalan.
Pangkat 3-Pag-usapan Natin
Mabutiba o Hindi mabuti ang naging dulot ng pagbubukas ng daungan sa
pandaigdigang kalakalan
Pangkat 4-Makata Ako
Sa pamamagitan ng isang tula, ipaliwanag ang epekto ng pagbubukas ng mga
daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan.
5. Talakayan
Pag-uulat ng bawat pangkat at pagtatalakayan.
6. Pagtataya
Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan o opinion batay sa paksang tinalakay.
1. Sa pamamagitan ng Suez Canal ay napaikli ang ruta ng paglalakbay sa pagitan ng silangan at
kanluran.
2. Dahil sa pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdigan ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga
Pilipinong maunawaan ang iba’t ibang paniniwala at ideya mula sa Europa
3. Si Carlos Maria Dela Torre ay kinatakutan ng maraming Pilipino dahil sa pagiging malupit nito.
4. Dahil sa pagbubukas ng kalakalan hindi umunlad ang ekonomiya ng bansa
5. Dahil sa pagbubukas ng Suez Canal ang tatlong buwang paglalakbay ay maisasagawa ng limang
buwan.

B. Paunlarin
1. Balitaan
2. Balik-aral sa inyong palagay ano ang mabuting epekto ng pagbubukas ng mga daungan sa bansa
para sa pandaigdigang kalakalan.
3. Pagganyak

23
Sa araw na ito ay malalaman natin ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng powerpoint presentation.

Ang Pagbubukas ng mga daungan sa bansa para sa pandaigdigang kalakalan


Sa pagitan ng mga taong 1834 at 1873 binuksan ang ilang mga daungan sa Pilipinas para sa
kalakalang pandaigdigan. Higit pa itong naging malawakan nang mabuksan ang Suez Canal noong 1868 kung
saan sa pamamagitan ng pagkakabuo nito ni Ferdinand de Lesseps, isang inhenyerong Pranses, umikli ang
ruta sa pagitan ng silangan at kanluran particular ang Pilipinas sa mga bansa sa Europa. Ang tatlong buwang
paglalakbay ay maaari nang maisagawa sa loob lamang ng isang buwan.
Dahil sa pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig, nagkaroon ng pag-unlad sa
ekonomiya ng bansa. Naging dahilan ito ng pagbilis ng tranportasyon at komunikasyon, pagbuti ng paraan ng
pagsasaka at pagdami ng mga ani at produkto, maging ng mga negosyante at mangangalakal. Bunga nito,
namulat ang mga Pilipino sa kanilang abang kalagayan. Nalaman nilang maaari naman pala silang maging
kapantay ng mga Espanyol na hindi nila kailanman naranasan.
Ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Kanluran at Silangan ay naging daan din
ng pagpasok sa Pilipinas ng iba’tibang paniniwala at ideya mula sa Europa gaya ng kina John Locke, Jean
Jacques Rousseau, Voltaire, Montesquieu, at iba pang pilosopo. Sa pamamagitan ng mga balita mula sa mga
babasahin at maging ng kanilang mga narinig mula sa mga mangangalakal na tumutungo sa bansa tungkol sa
mga kaguluhang nangyayari sa Europa ay nagkaroon ng pagkaunawa ang mga Pilipino tungkol sa kaisipang
mapanghimagsik o rebolusyonaryo. Isa sa nakaantig ng kanilang puso ang islogang ‘Kalayaan,
Pagkakapantay-pantay, Pagkakapatiran’ ng mga Pranses sa nangyaring French Revolution noong 1715-1789
at maging ang tanyag na rebolusyong isinagawa ng mga Amerikano laban sa kolonyalistang Ingles noong
1775-1783.
Dahil din sa paglaganap ng liberalismo, maraming Espanyol na liberal ang tumungo sa
Pilipinas. Isa na rito ang bagong hirang na gobernador na si Carlos Maria Dela Torre na kabilang sa pangkat
ng mga liberal sa Espanya. Ang simula ng panunungkulan ni Gob-Hen. Carlos Maria Dela Torre noong Hunyo
23, 1869 ay nakatulong nang malaki sa pag-unlad ng nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino. Sa kanyang
panunungkulan ay nabigyan ng ilang kalayaan at karapatan ang mga Pilipino. Sa unang pagkakataon ay
nararamdaman nilang sila ay hindi mga alipin kundi mamamayang bahagi ng isang lipunan. Hindi nagtagal
ang panunungkulan ni Dela Torre dahi maraming Espanyol ang kanyang nakaaway bunga ng pagiging mabuti
niya sa mga Pilipino. Gayunman, minahal siya ng mga ito at ang kanyang panunungkulan ay humikayat sa
mga Pilipinong ipagpatuloy ang kanyang nasimulan.

4. Talakayan
1. Sino si Ferdinand de Lesseps at ano ang kanyang naging ambag sa Pilipinas?
2. Paano nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pandaigdigang kalakalan?
3. Ano ang naging epekto ng pagbubukas ng kalakalang pandaigdig sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa?
4. Ipaliwanag ang islogang “Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, Pagkakapatiran “
5. Ano ang ibinunga ng kaisipang liberalism sa Europa sa buhay ng mga Pilipino?

5. Paghahambing at paghahalaw

Paano ito nakaapekto sa mga mamamayang Pilipino noon hanggang sa


kasalukuyan?

24
6. Pagtataya
Sumulat ng journal kung paano nakaapekto ang pag-usbong ng liberal na ideya o malayang
kaisipan sa buhay, kaisipan, at damdamin ng mga Pilipino

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan


pa ng kasanayan
Nilalaman Napakahusay ng Mahusay ang May kahusayan Maligoy ang
pagkabuo ng pagkakabuo sa ang pagkakabuo talata. Nakalilito
talata. Malawak talata. Malinaw at ng talata. Tiyak at hindi tiyak ang
at marami ang tiyak ang ang mga mga
impormasyon at impormasyon at impormasyon at impormasyon.
elaborasyon paliwanag paliwang
Pagtalakay Masusi ang May ilang tiyak na May pagtatang- Hindi natalakay
pagkatalakay ng pagtalakay sa kang talakayin ang ang paksa
mga paksa paksa paksa.
Organisasyon May mahusay na May organisasyon Hindi gaanong Malabo ang
organisasyon at malinawang organisasyon
pokus sa paksa organisasyon kung mayroon
man.
Paglalahad Angkop ang mga Karamihan sa mga Hindi gaanong Hindi gumagamit
salita at salita at angkop ang mga ng tiyak na
pangungusap sa pangungusap ay salita at salitang angkop
paksa at angkop sa paksa pangungusap sa sa mga
mambabasa. at mambabasa paksa at pangungusap,
mambabasa paksa at
mambabasa.

25
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Aralin 2: Pag-usbong ng uring Mestizo
Layunin:
Naipapaliwanag ang ambag ng pag-usbong ng uring mestizo at ang pagpapatibay ng
Dekretong Edukasyon ng 1863.
Napahahalagahan ang katayuan ng tao sa lipunan.
Naipapakita ang pagpapahalaga sa edukasyon.

II. Paksa
Pagpapaliwanag sa ambag ng pagusbong ng uring mestizo at ang pagpapatibay ng Dekretong
Edukasyon

Mga kagamitan
Larawan, activity card, piramide, Powerpoint Presentation
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6 27-37

Gabay Pangkurikulum
CG p117 AP6 PMK-Ib-4

III. A. Alamin
a. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-aral
Paano nakatulong ang pagbubukas ng mga daungan sa Pilipinas sa pag-abot ng
kamalayang nasyonalismo
3. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng mga bayaning Pilipino at larawan ng mga paaralan.

26
4. Mga Gawain
Pangkat 1-Iguhit, Poster Mo!
Iguhit ang naging ambag ng mga panggitnang uri kung paano nakatulong sa
pagsibol ng kamalayang nasyonalismo.
Pangkat 2- Venn Diagram
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng paraan ng pag-aaral noon at
ngayon gamit ang venn diagram.
Pangkat 3- Sumulat ng tula na ipinakikita ang pagpapahalaga sa edukasyon.
Pangkat 4-Magkaroon ng isang debate kung alin ang mas mahalaga ‘edukasyon o
kayamanan’

5. Talakayan
Pag-uulat ng bawat pangkat at pagtatalakayan
6. Pagtataya
Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan o opinyon batay sa paksang
tinalakay.
1. Ang pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga anak ng mga Pilipinong kabilang sa
panggitnang uri ay nakatulong nang malaki sa pagsulong ng nasyonalismo sa bansa.
2. Sa pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863, nagsimulang magkaroon ang mga Pilipino ng
karapatang mag-aral sa mga paaralang Espanyol
3, Ang mga anak ng clase media na nakapag-aral sa ibang bansa ay naimpluwensyahan ng mga
kaisipang kanluranin na naging daan upang limutin nila ang lupang kanilang sinilangan.
4. Ang Rebolusyonaryong Pranses ay nagdulot ng malaking takot sa mga Pilipino kaya’t pinili na
lamang nilang sundin ang mapaniil na pamamahala ng mga Espanyol
5. Magkaiba ang mga paaralan para sa kababaihan at kalakihan noong panahon ng Espanyol.

B. Paunlarin
1. Balitaan
2. Balik-aral
Bakit kaya magkaiba ang paaralan ng kababaihan at kalalakihan noon?

3. Pagganyak
Sa araw na ito ay malalaman natin ang ambag ng pag usbong ng uring mestizo sa
pamamagitan ng Powerpoint Presentation.

27
‘Pagusbong ng Uring Mestizo’

Ang mga tao sa lipunan noong panahon ng mga Espanyol ay nauuri ayon sa kalagayan nila sa
buhay. Kung ilalarawan, ito ay maihahalintulad sa isang piramide kagaya ng iyong makikita sa ibaba.

Sa ginamit na ilustrasyon, makikita na ang pinakamaliit na bahagi na nasa bahaging itaas ay


binubuo ng ilang espanyol na kinabibilangan ng mga gobernador, prayle at mga kawani sa pamahalaan. Ang
pangkat na ito ay binubuo ng mga peninsulares o mga espanyol na ipinanganak sa Espanya at insulares o
mga espanyol na ipinanganak sa Pilipinas. Ang nasa gitnang bahagi naman ay ang kakaunting bilang ng mga
Pilipinong binubuo ng mga kapitan at ng kanilang mga kamag-anak, ng mga Pilipinong may katungkulan sa
pamahalaan at ng mga may-ari ng lupa at mestizong espanyol o mga naging anak ng mga espanyol sa mga
katutubo. Ayon sa dalubhasang historyadorna si teodoro Agoncillo, may dalawang uri ng babaeng pilipinang
nakitungo sa mga espanyol- una ay ang mayayamang pilipinang siyang hanap ng mahihirap na espanyol sa
bansa at ikalawa ay ang mga alilang may itsura na pinagsasamantalahan ng mga among espanyol. At ang
pinakailalim ng piramide ay binubuo ng mga karaniwang Pilipino na siyang may pinakamalaking bahagdan sa
lahat at maiituring na mahihirap at hindi nakapag-aral. Noong mga taong 1880, nagkaroon ng pagbabago sa
uri ng mga taong kabilang sa ikalawang uri o gitnang bahagi ng piramide. Ang mga nakapag-aral sa kolehiyo
at unibersidad at mga mangangalakal ay napapabilang na rin sa grupong ito na tinatawag na mga ilustrado.
Ang mga anak sa Espanya at iba pang bansa sa Europa. Sila ang mga pilipinong nagkaroon ng magandang
katayuan sa lipunan at nagsimulang humiling ng pagbabago. Di nagtagal ang mga nakapag-aral ay bumuo
naman ng pangkat ng intelligentsia. Dahil sa natamong kaalaman at katarugan ay lalong lumawak at lumaki
ang kanilang pang-unawa sa kahulugan ng kalayaang dapat ipaglaban. Kabilang sa mga pilipinong nakapag-
aral sa ibang bansa sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo Del Pilar, Mariano Ponce, Antonio
Luna, Felix Hidalgo at marami pang iba.

PAGPAPATIBAY NG DEKRETONG EDUKASYON NG 1863

Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863, ang mga Pilipino ay


nagsimulang magkaroon ng karapatang makapag-aral sa mga paaralang Espanyol. Ang batas na ito ay
tungkol sa pagbubukas ng mga paaralang pampubliko para sa kalalakihan at iba pang paaralang pampubliko
para sa kababaihan. Magkaiba pa rin ang paaralan ng kalalakihan at kababaihan. Walang paaralang
magkasama ang lalaki at babae sa panahon ng mga Espanyol. Ang pamahalaan ang namumuno rito at ito ay

28
para sa lahat uri ng tao maging Espanyol man o Pilipino, mayaman man o mahirap. Sa ilalim din ng kautusang
ito ay nagkaroon ng paaralang normal na nagsasanay sa mga lalaking nais na maging guro. Ang kurso ay
tinatapos sa loob ng tatlong taon. Ang mga nagtapos na guro rito ang hinihirang na maging guro sa mga
paaralang-bayan. Noong una ay hindi sakop ang mga babae sa kautasang ito ngunit noong 1892 ay
nagpalabas ng isa pang dekretong nagsasaad ng pagkakatatag ng paaralang normal para sa mga babae na
pinamahalaan naman ng mga madre ng Assumption.
Mapapansing ang mga paaralan ng mga lalaki at babae noon ay magkahiwalay. Hanggang
ngayon ay may mga paaralan pa ring eksklusibo para sa mga lalaki at babae lamang. Wala ring karapatang
makapag-aral ang mga babae sa unibersidad noon. Subalit ngayon ay maaari nang mag-aral ang mga babae
rito. May mga paaralan ding itinatag ang mga Espanyol na para sa lalaki lamang noon ngunit sa kasalukuyan
ay tumatanggap na rin ng mga mag-aaral na babae gaya ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Ang edukasyong ipinakilala ng mga Espanyol ay nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng
mga Pilipino. Ito ang nagbukas ng isipan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng edukasyon sa kaunlaran at
tagumpay sa buhay ng tao. Naging higit na masigasig ang mga Pilipinong tumuklas ng karunungan at
magpakadalubhasa sa iba’t ibang larangan. Maraming mga natatanging Pilipino ang nakilala dahil sa
kahusayan sa pag-aaral kahit na hinahadlangan pa ito ng mga Espanyol. Halimbawa nito sina Dr. Jose Rizal,
Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar at iba pa.
Nakatulong din ang edukasyon sa pagbubukas ng mata ng mga Pilipino upang magising ang
diwang nasyonalismo. Lumawak ang kanilang kaisipan at pananaw di lamang para sa sariling buhay kundi
maging sa bayan. Higit na tumaas ang antas ng edukasyon ng mga Pilipino. Ang mga katuruan ng simbahang
Ktoliko gaya ng kagandahang asal, pagsisimba at pananampalataya sa Diyos ay higit na katanggap-tanggap
sa buhay ng mga Pilipino.
Nagkaroon din ng hindi magandang epekto ang edukasyon kolonyal sa buhay ng mga Pilipino
dahil natanim sa kanilang isipang higit na maganda ang kulturang sariling kultura. Naging mababa ang
pagtingin ng marami sa sariling kultura. Pinilit nilang pag-aralan ang wikang Espanyol at mamuhay na parang
mga Espanyol at ikinahiya ang pagka-Pilipino. Ang damdaming ito ay lumikha ng takot, hiya at mababang
pagtingin sa sarili lalo na sa mga pangkaraniwang Pilipino.
Pagtalakay
1. Ano-ano ang uri ng tao sa lipunan sa Pilipinas noong ito ay nasa ilalim ng
pamamahala ng mga Espanyol?
2. Sinu-sino ang mga kabilang sa grupo ng panggitnang uri? Paano nakatulong ang
pangkat na ito sa pagsibol ng kamalayang nasyonalismo?
3. Ano-ano ang mga bagay na itinuturo sa mga paaralan noon? Saiyong palagay sapat
ba ang edukasyon noon?
4. Paano nakatulong ang pagpapatibay ng Dekreto ng Edukasyon ng 1863 sa
pagsulong ng damdaming nasyonalismo sa bansa?

PAGLILIPAT /PAGSASABUHAY
1. Balitaan
2. Balik-aral
Pagbalik-aralan ang naging epekto ng pagbubukas ng mga daungan, pag-usbong ng
panggitnang uri at Dekretong Edukasyon.
3. Ano ang maaring mangyari sa ating bansa pagdating ng 21 st Century na lahat ay produkto
ng K-12.

29
A. Suriing mabuti ang tanong sa bawat bilang hinggil sa konteksto ng pag-usbong ng liberal na ideya ng
kamalayang nasyonalismo. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Paano nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pagkagising ng damdaming makabansa ng


mga Pilipino?
a. Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipinosa mga Amerikano upang kalabanin ang
mga Espanyol
b. Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang mga kaisipang liberal sa bansa
c. Nagkaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas upang matulungan mapalayo ang
mga mananakop sa bansa
2. Alin ang naging pangunahing bunga ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Kanluran at
Silangan sa mga Pilipino?
a. pumasok sa Pilipinas ang iba’t ibang paniniwala at ideya mula sa Europa
b. nakilala ang Pilipinas sa pagiging isang maunlad na bansa
c. Naging malawak ang impluwensya ng Pilipinas sa buong mundo pagdating sa larangan ng
kalakalan.
3. Paano nakatulong ang adhikain ng Rebolusyong Pranses sa mga Pilipino?
a. Nagbigay ito ng mga ideya sa mga Pilipinong maaaring magkaroon ng pagkakapantay-
pantay, kalayaan at pagkakapatiran sa loob ng bansa.
b. Naging abala sa pagtulong ang mga Espanyol sa Pransya kaya’t bahagyang nakaligtaan
ang Pilipinas.
c. Nahingan nila ng tulong ang mga Pranses sa pakikipaglaban sa mga Espanyol
4. Bakit maraming Espanyol ang nagalit kay Carlos Maria de la Torre nang siya ay manungkulan bilang
gobernador-heneral ng bansa?
a. dahil sa pagbibigay niya ng ilang pribilehiyo at magandang turing sa mga Pilipino bilang
bahagi ng lipunan
b. dahil sa pagbibigay niya ng mataas na posisyon sa mga Pilipino sa pamahalaan
c. dahil sa pagpapatapon niya sa mga Espanyol pabalik sa Espanya
5. Alin ang hindi kabilang sa ilalim ng Dekretong Edukasyon ng 1863?
a. pag-aaral ng mga babae sa unibersidad
b. pagbubukas ng mga paaralang normal
c. pagbubukas ng mga paaralang pampubliko
6. Bakit hinahadlangan ng mga Espanyol na maging mahusay o dalubhasa ang mga Pilipino?
a. dahil ayaw nilang lumawak at mabuksan ang kaisipan ng mga Pilipino
b. dahil likas na mahusay ang tingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino
c. dahil walang pambayad sa paaralan ang mga Pilipino
7. Ano ang negatibong epekto ng edukasyong kolonyal sa buhay ng mga Pilipino?
a. bumaba ang tingin ng mga Pilipino sa sariling kultura
b. lalong walang natutuhan ang mga Pilipino
c. naging tama dang mga Pilipino
8. Alin ang hindi kabilang sa panggitnang uri ng tao lipunan noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol?
a. kapitan at ang kanilang mga kamag-anak
b. mga ilustrado at mestizong Espanyol
c. peninsulares at insulares

30
9. Paano nakatulong ang paglitaw ng panggitnang uri sa pagsibol ng kamalayang nasyonalismo ng mga
Pilipino?
a. ang mga anak ng mga kabilang sa panggitnang uri o clase media ay nakapag-aral sa ibang
bansa at nagkaroon ng pagkatataong matutuhan ang mga liberal na kaisipan
b. ang mga mestizong Espanyol ay naging makapangyarihan sa bansa na naging dahilan
upang maiahon sa kahirapan ang mga katutubo
c. yumaman ang mga kabilang sa panggitnang uri na naging dahilan upang mapasailalim sa
kanilang kapangyarihan ang mga Espanyol
10. Alin sa mga ito ang hindi bunga o epekto ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga Pilipino sa tulong ng
Dekretong Edukasyon 1863?
a. naging sunud-sunuran ang mga Pilipinong nakapag-aral sa mga Espanyol
b. lumawak ang kaisipan at pananaw ng mga Pilipino di lamang para sa sariling buhay kundi
maging bayan
c. higit na tumaas ang antas ng pagbasa, pagbilang at pagsulat ng mga Pilipino

B. Suriin ang mga pahayag. Isulat sa linya ang A kung ang nakatalang pahayag ay tumutukoy sa epekto ng
pagbubukas ng mga daungan ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, B kung ito ay epekto ng pag-usbong
ng uring mestizo, at C kung ito ay epekto ng pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863.
1. Ang mga anak ng mga kabilang sac lase media ay nakapag-aral sa ibang bansa.
2. Nagkaroon ng mga paaralang bokasyonal na nagturo ng tamang paraan ng pagtatanim,
pagkakarpintero at pagpipinta para sa mga lalaki at pananahi at pagbuburda para sa mga babae.
3. Nabuksan ang kaisipan ng mga Pilipino hinggil sa kahalagahan ng edukasyon sa kaunlaran
at tagumpay sa buhay ng tao.
4. Naging higit na masigasig ang mga Pilipino sa pagtuklas ng karunungan at
magpakadalubhasa sa iba’t ibang larangan.
5. Ang tatlong buwang paglalakbay sa pagitan ng kanluran at silangan ay maaari ng isagawa
sa loob lamang ng isang buwan.
6. Bumilis ang transportasyon at komunikasyon, at bumuti ang paraan ng pagsasaka at
pangangalakal sa bansa.
7. Nakapasok sa Pilipinas ang mga ideya nina John Locke, Jacques Rosseau, Voltaire,
Montesquieu at iba pang pilosopo.
8. Binigyan ng ilang kalayaan at karapatan ang mga Pilipino sa panahon ng pamamahala ni
Carlos Maria de la Torre
9. Nakapag-aral sa ibang bansa sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo Del Pilar
at iba pa.
10. Nagkaroon ng karapatang mag-aral sa mga paaralang Espanyol ang mga Pilipino.

31

You might also like