Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga karanasan ng mga primiparous na ina mula sa
anim na salik. Gaya ng Emosyonal, espirituwal, mental, pinansyal, relasyonal at panlipunan. Ito
ay sumusunod sa isang kuwantitatibong pamamaraan gamit ang iminungkahing palatanungan
kung saan lahat ng tanong sa palatanungan ay masasagot at ginamitan sa pagpili ng
respondente ay ng non-random convenient sampling. Ang bilang ng mga respondente ay
tatlumpo't lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo taong
gulang (12-18) na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos. Basi sa resulta halos lahat ng batang ina
ay tumigil sa kani-kanilang pag- aaral nang malaman nilang sila ay nagdadalang tao . Sa edad
na labing pito hanggang labing walo taong gulang(17-18) at ang may pinaka-kaunting nabuntis
ay nasa edad na 13-16. Ang sa antas naman sa edukasyon na nagtala ng pinakamaraming
nahinto sa kanilang pag-aaral ay noong sila ay nasa highschool, sinundan namn  noong
elementarya sila at ang pinakakaunti na noong nasa kolehiyo na. Ang kadahilanan nito ay
noong nalaman nila na sila ay nagdadalang tao sa kanilang. Ang kabuhuang resulta ng pag-
aaral na ito ay  walanv pagkakaiba sa average na marka para sa anim na mga kadahilanan sa
mga taong nagkaroon ng kanilang unang kapanganakan anumang oras sa nakaraan, huminto
man sila o nagpatuloy sa kanilang pag-aaral. Mayroong pagkakaiba sa average na marka sa
emosyonal at panlipunang mga kadahilanan sa mga taong may asawa o hindi kasal.

Keywords: edukasyon, karanasan, emosyonal, mental, espiritwal, pinansyal, sosyal,


relasyonal, panlipunan, batang ina

You might also like