Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Posisyong Papel Hinggil sa Pagpapatupad ng K-12 Program

Pagtibayin at panatilihin ang K-12 program para sa handa at magandang kinabukasan ng mga
kabataan.
Ang K-12 program ay ang pagdagdag ng 2 taon sa basic kurikulum sa Pilipinas dahil ayon sa
DepEd, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad pa ng sampung taong
basic education. Ang K-12 program ay nahahati sa kindergarten, primary education, junior high
school at senior high school.
Ito ay sumasakop sa labing dalawang taong pag-aaral na isinabatas ng Republic Act No.
10533, na kilala sa titulong "Enhanced Basic Education Act of 2013".
Bilang mga Senior High School na mag-aaral, aming pinapanindigan ang pagsang-ayon sa
pagpapatupad ng K-12 program.
Ang karagdagang dalawang taon na pag-aaral sa high school ay nangangahulugang dalawang
taong ding karagdagan sa gastos ng magulang, mas magiging mahaba ang sakripisyo at oras
ng mga mag-aaral ang kanilang kailangang gugugulin s pag-aaral.
Ang pagdagdag ng K-12 sa kasalukuyang panahon ay maituturing na malaking tulong sa
karamihan lalo na sa mga mag-aaral. Layunin nitong mabigyan ng sapat na pag-aaral ang mga
Pilipino na gaya sa ibang bansa, kung saan may matibay na kompetensiya, kakayahan at
kaalaman sa trabaho na pinanghahawakan. Bilang mga Senior High School na mag-aaral, sang
ayon kami sa pagiimplementa ng "Enhanced Basic Education Act of 2013" o K-12 kurikulum. Sa
paiimplementa nito, mas magiging handa ang mga mag-aaral sa pasabak sa trabaho at
pagharap sa reyalidad ng buhay. Sinasabing isa sa mga kabutihang maidudulot nito ay ang
pagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na mahasa sa iba't ibang larangan ng
espesiyalisasyon. May layon din ito na makapagbigay ng sapat na panahon para
mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga konsepto at skills na kinakailangan
para sa kolehiyo at unibersidad pati narin sa pagtatrabaho. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang
isang mag-aaral ng Senior High School ay maraming gawain hindi lamang sa pang intelektwal
pati na rin sa emosyonal at kakayahang hinuhubog ng departamento ng edukasyon. Isa na dito
ang "immersion" na isa sa mga pangangailangan para makapagtapos. Dagdag sa kagandahan
ng programang ito ay ang pagkakaroon ng trabaho pagkatapos ng Senior High School dahil
isinasaad ng DepEd na ang kurikulum na ito ay isang mataas na prebilehiyo ng edukasyon.
Maaari na ring ituring na may mataas na pinag-aralan ang sinumang nagtapos ng K-12 kahit pa
sa ibayong dagat. Ayon nga sa blogspot.com maaari nang kumuha ng Certificate of
Competency Level 1 kung na kompleto mo na requirement ng TESDA kahit na Junior High ka
pa lang at kapag nagpatuloy sa Senior High ay may mas magandang opportunidad na
makukuha ng trabaho lalo na sa mga kapos sa panustos sa kolehiyo.
Sa kabuuan malaki ang maituturing ng pagpapaimplementa ng "Enhanced Basic Education Act
of 2013" o K-12 kurikulum. Dapat itong pagtibayin at panatilihin ng gobyerno at maglaan ng
pondo para sa libreng pag-aaral ng K-12 nang sa gayon ang mga magulang at mga mag-aaral
hindi na tumutol ay magprotesta hinggil dito. Ngunit gaano pa man kaganda ang ibinibigay na
benepisyo ng kurikulum na ito sa buhay ng estudyante, kung hindi naman sasamahan ng tiyaga
at pagsusumikap ay wala ring mangyayari.

You might also like