F7 Q1 M3 Paghihinuha

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan II
Binalonan

Module sa Filipino 7
Quarter 1

MELC: Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa


akdang napakinggan.

K to 12 BEC CG: F7PN –Ic-d-2

Inihanda ni:

JUNABELLE N. MANAOAT
Teacher I

Tayug National High School


Department of Education
Region 1
Division of Pangasinan II
TAYUG NATIONAL HIGH SCHOOL
Tayug, Pangasinan

Pangalan ng Mag-aaral: _____________________________________ Petsa: ____________


Pangkat: ________________________________ Marka: ___________

MODULE SA FILIPINO 7
Quarter 1

Most Essential Learning Competency:


Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan

I. TUKLASIN MO
Magandang araw! Mahilig ka bang magbasa o kaya naman ay manood ng
pelikula? Naranasan mo na bang unahan ang iyong binabasa o pinapanood kung
ano ang maaaring susunod na mangyayari? Di man natin napapansin, madalas
inuunahan natin ang kuwento sa kung ano ang susunod na mangyayari sa
pamamagitan ng panghihinuha.
Sa modyul na ito ay inaasahang malilinang pa ang iyong kahusayan sa
paghihinuha ng kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang mapapakinggan.
Ngunit bago TAYO magtalakayan ay magkakaroon muna tayo ng maikling
pagtataya upang malaman ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin.
Panuto: Maghinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari. Dugtungan ang mga pangungusap.
1.Ngayong Agosto ay mahigit isandaang libo na ang kaso ng COVID19 sa Pilipinas at
posibleng
___________________________________________________________________________

2. Dapat ay wasto ang paggamit ng face mask dahil maaaring


___________________________________________________________________________

3. Huwag kalilimutang magsuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay dahil puwedeng
___________________________________________________________________________

4. Madami pa ring bata ang pakalat-kalat sa lansangan. Marahil ay


___________________________________________________________________________

5. Nakararamdam siya ng pananakit ng lalamunan at lagnat, baka


___________________________________________________________________________
II. ALAMIN MO

Ang paghihinuha o inferring sa Ingles ay pagbibigay ng sarili mong haka-haka


o kaya’y opinyon patungkol sa isang sitwasyon o pangyayaring naganap. Ito ay
panghuhula rin o pagbuo ng prediksyon sa kung ano ang kalalabasan ng
pangyayari. Ang iyong paghihinuha ay maaaring batay sa iyong paniniwala o sa
kung ano ang pagkakaintindi mo sa iyong nabasa o napakinggan. Kaya naman,
mahalaga na bago ka maghinuha ay maunawaan mo munang maigi ang
sitwasyong nahayag sa nabasa o napakinggan.
Ibinabase ang ating paghihinuha sa mga pahiwatig at implikasyon na iniiwan
ng manunulat sa ating isipan. Hindi tuwirang sinasabi kung ano ba ang
kalalabasan ng ng mga sitwasyon, halimbawa na lamang sa mga kuwentong
nababasa natin. Minsan ay hinahayaan tayong mabitin ng manunulat sa kanyang
akda upang tayo ay maghinuha o makadiskubre sa kung ano ang susunod na
mangyayari. Ngunit upang makapaghinuha ka ay kailangan munang maging
ganap ang iyong pag-unawa sa akda. Paano mo ito gagawin? Kailangan mong
unawain ang bawat mahahalagang detalyeng sinasaad upang sa ganoon ay
magamit mo ito upang makabuo ka ng makabuluhang paghihinuha.
Ang mga sumusunod ay mga salitang ginagamit natin kapagka tayo ay
naghihinuha:

siguro wari posible


puwede maari baka

marahil tila

Gamitin natin ang ilan sa pangungusap:


1. Posibleng maginhawa na ang kaniyang buhay ngayon kung
ipinagpatuloy lamang niya ang kaniyang pag-aaral.
2. Tila uulan mamaya.
3. Marahil ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagiging
positibo sa COVID19 dahil sa katigasan ng ulo ng mga tao.

Ano kaya ang iyong nahihinuhang kalalabasan ng mga sitwasyon sa bawat larawan?
Isulat ang iyong sagot sa mga ulap.
halimbawa:

uulan o kaya
nama’y may
parating na
bagyo
1.

2.

3.

4.
5.

III. GAWIN MO
Mahusay! Naunawaan mo na kung papano maghinuha sa kalalabasan ng mga
pangyayari. Ngayon ay atin nang subukin ang iyong natutunan sa modyul na ito.

ANO ANG KALALABASAN?

A. Panuto: Pakinggan ang maikling kuwentong matatagpuan sa link na ito:


https://youtu.be/LmMrENz_f7M
Pagkatapos ay basahin ang bawat katanungan at pumili ng dalawang letra na
nagsasaad ng iyong hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggang akda.

1-2. Ano kaya ang kalalabasan kung naibalik kay Aling Sitas ang kaniyang pitaka?
a. Patatawarin niya ang humablot sa kaniyang pitaka at hahayaan na lamang na ang
engkantada ang magturo ng leksyon sa kaniya.
b. Ipagsasawalang bahala na lamang niya ang mga nakita niyang masasamang
pangyayari sa bayan ng Kalsona.
c. Hindi na siya dudulog sa engkantada ukol sa mga tao at sa kanilang maling
pamumuhay sa bayan ng Kalsona.
d. Idudulog pa rin niya sa engkantada ang maling pamumuhay ng mga tao sa bayan ng
Kalsona upang sila’y magbagong-buhay.
3-4. Ano kaya ang manyayari sa bayan ng Kalsona sakaling hindi pa din natuto ang mga tao
sa kanilang leksyon?
a. magiging mapayapa ang bayan ng Kalsona
b. aalisin na ng engkantada si Koromaw sa bayan ng Kalsona sapagkat hindi rin naman
nito mapagbabago ang mga ito.
c. mananatili si Koromaw at lalong titindi ang hirap at gutom sa bayan ng Kalsona
hanggat hindi sila nagbabagong buhay.
d. madaragdagan ang salot sa bayan ng Kalsona hanggang sa matuto sila sa kanilang
leksyon.

5-6. Ano ang maaaring mangyari kung pagkalipas ng ilang araw ay magsibalik ang mga tao
sa kanilang masasamang gawain?
a. maaaring bumalik si Koromaw o kaya naman ay may darating pang mas matitinding
pagsubok sa bayan ng Kalsona hanggat hindi sila natututo.
b. hahayaan na lamang sila ng Engkantada na gumawa ng masama.
c. along magagalit ang engkantada at patuloy silang parurusahan.
d. makahahanap ng paraan ang mga taoupang kalabanin si Koromaw.

7-8. Ano ang mangyayari sakaling malaman ng mga tao na pakana ng isang engkantada na
likhain si Koromaw upang sila ay turuan ng leskyon?
a. sisisihin nila ang engkantada sa pagpapahirap sa kanila.
b. magpapasalamat sila sa engkantada sapagkat binigyan sila ng leksyon na nagpabago
sa kanilang buhay at nagturo sa kanila na magbalik-loob sa Diyos.
c. huhuliin nila si Koromaw at tuturuan din ng leksyon.
d. hindi na nila uulitin ang paggawa nila ng masama upang hindi sila maparusahang
muli.
B. Panuto:Tukuyin at lagyan ng tsek (/)ang lahat ng mahahalagang kaisipang taglay ng
binasa.Ekis (X) naman ang ilagay sa hindi.

ng magdadala sa atin sa hindi magandang


kinabukasan.
THOUGHT CLOUD!
A. Panuto: Ano-ano ang posibleng mangyari sakaling hindi natuloy ang
pagbubukas ng klase ngayong taon? Isulat ang iyong hinuha sa thought cloud.
Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng posibilidad. (baka, puwede, siguro,
maaari, marahil, possible)

Pamantayan sa pagsagot:
Nakasusulat ng walong hinuha sa thought cloud. . . . . . . . . . . . . 2 puntos
Ang mga sagot ay tumutugon sa katanungan. . . . . . . . . . . . . . . . 3 puntos
Nakagagamit ng mga salitang nagsasaad ng posibilidad. . . . . . . 3 puntos
Kabuuan: 8 puntos
PROBLEMA DULOT NG PANDEMYA, ATING LUTASIN!

A. Panuto: Ang mga sumusunod na larawan ay nagpapakita ng iba’t-ibang


problemang nangyayari sa bansa sa gitna ng community quarantine. Sa kolum A
ay maglista ng mga paraang nalalaman upang malutas ang mga problemang ito at
sa kolum B naman ay isulat ang maaaring kalabasan sakaling mapatupad ang
mga paraang iyong naisip. Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng
posibilidad.

1. Kolum A Kolum B

2. Kolum A Kolum B

Kolum A Kolum B
3.
AYUDA
Panuto: Maghinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari. Dugtungan ang mga pangungusap,
gumamit ng mga salitang ginagamit sa paghihinuha.
1.Kapag naaprubahan na ang bakuna kontra COVID19
___________________________________________________________________________
2. Hindi pa papayagan ang face to face na klase dahil
___________________________________________________________________________
3. Marami pa ring kawatan ang nananamantala sa gitna ng quarantine
___________________________________________________________________________
4. Marami paring matitigas ang ulo at hindi sumusunod sa IATF na
___________________________________________________________________________
5. Kung susundin lang natin ang payo ng mga eksperto
___________________________________________________________________________
Susing Sagot

A.
1-2. a & d
3-4. c & d
5-6. a & c
7-8. b & d
B.
1. /
2. /
3. /
4. /

THOUGHT CLOUD
Pamantayan sa pagsagot:
Nakasusulat ng walong hinuha sa thought cloud. . . . . . . . . . . . . 2 puntos
Ang mga sagot ay tumutugon sa katanungan. . . . . . . . . . . . . . . . 3 puntos
Nakagagamit ng mga salitang nagsasaad ng posibilidad. . . . . . . 3 puntos
Kabuuan: 8 puntos

Mga Sanggunian:

 Department of Education, 2016 K to 12 Filipino 2016 Curriculum Guide


 https://youtu.be/LmMrENz_f7M Ang Halimaw na si Corona ni SunGrey Day

Inihanda ni:

JUNABELLE N. MANAOAT
Guro sa Filipino 7

You might also like