Araling Panlipunan: Unang Markahan - Modyul 4: Implikasyon NG Likas Na Yaman Sa Pamumuhay NG Mga Asyano

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 4:
Implikasyon ng Likas na
Yaman sa Pamumuhay ng
Mga Asyano

AIRs - LM

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
.

Araling Panlipunan 7
Unang Markahan - Modyul 4: Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng Mga
Asyano
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mercy C. Teodoro


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Arthur I. Padilla, Wilma B. Tucay
Language Reviewer: Ana V. Eleccion, Claire P. Pulanco
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Joseph B. Lee

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD EPS in Charge of LRMS
Mario B. Paneda, EdD EPS in Charge of Araling Panlipunan
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 4:
Implikasyon ng Likas na
Yaman sa Pamumuhay ng
Mga Asyano

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
Sapulin

Iba-iba ang mga likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. Ilan dito ay may
maraming mineral habang ang iba naman ay may matabang lupa na angkop sa
pagtatanim. Ang iba ay mayaman sa pagkaing dagat at kagubatan.
Ang ilang mga likas na yaman ay higit na mahalaga kaysa iba. Maaaring ang
isang likas na yaman ay mahalaga sa isang bansa at hindi mahalaga sa iba. Ito ay
naaayon sa pangangailangan ng isang bansa sa isang likas na yaman.

Pamantayang Pangninilaman

Naipamamalas ng mag-aaaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay may malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging


ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang Kabihasnang
Asyano.

Pamantayan sa Pagkatuto

Sa araling ito, inaasahan na matututunan mo ang mga sumusunod na


layunin: AP7HAS-la-1
1. Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang-likas
ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa
larangan ng: (a) agrikultura, (b) ekonomiya, (c) panahanan, at (d) kultura;
2. Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa likas na yaman ng
rehiyon;
3. Nakagagawa ng mga mungkahing solusyon sa paglutas ng mga
suliraning pangkapaligiran;
4. Nakapagsasagawa ng mga programang makatutulong sa pangangalaga
ng kalagayang ekolohikal.
5. Nakapagsasagawa ng preserbasyon ng pinagkukunang yaman at
kapaligiran.

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
Simulan

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang-unang kaalaman, kakayahan at


pang-unawa tungkol sa implikasyon ng likas na yaman ng Asya sa
pamumuhay ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan noon at ngayon sa
larangan ng : Agrikultura, Ekonomiya, Panahanan at Kultura. Tara, samahan
mo ako.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa mga kagubatan, mineral, lupang taniman at katubigan?
A. Likas na Yaman B. Yamang Lupa
C. Yamang Dagat D. Yamang Mineral
2. Anong pananim ang pagkain ng alagang hayop at ginagawa ring alak?
A. Kaoliang B. Mais
C. Oats D. Trigo
3. Ano ang pagkakilala sa naipong mataba at pinong lupa sa lambak at bunganga
ng ilog matapos ang pagbaha?
A. Alluvial Soil B. Oasis
C. Praire D. Savanna
4. Ang mga bansa sa Asya ay nakararanas ng suliraning pangkapaligiran. Ano ang
tawag sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?
A. Deforestation B. Desertification
C. Salinization D. Siltation
5. Anong larangan ang binabanggit sa pagkakaroon ng malawak at matabang
lupain sa Asya?
A. Agrikultura B. Ekonomiya
C. Panahanan D. Pangkalakasan
6. Ano ang pagkakilala sa konsepto ng pagbabago ng klima dulot ng likas na
pagbabago ng mundo dahil sa gawa ng mga tao?
A. Acid Rain B. Climate Change
C. Polusyon D. Red Tide
7. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng pagtaas ng populasyon sa ating
mga likas na yaman?
A. Ang ating likas na yaman ay mauubos.
B. Mapangalagaan ang mga yamang-likas.
C. Madadagdagan ang mga likas na yaman.
D. Aangat ang pamumuhay ng mga tao sa larangan ng ekonomiya.
8. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?
A. Pagkasira ng kagubatan B. Pagkawala ng biodiversity
C. Pag-unlad ng mga industriya D. Pagkakaroon ng mga polusyon

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
9. Alin sa mga sumusunod ang magiging epekto ng Land Conversion sa kabuhayan
ng mga tao?
A. Pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
B. Mapipigilan ang pagdami ng basura.
C. Mawawalan ng tirahan ang mga tao at hayop.
D. Pagdami ng produksyon ng agrikultural na produksiyon.
10. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin upang higit na mapakinabangan
ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?
A. Gagamitin lamang ang mga likas na yaman kung kinakailangan.
B. Hayaan ang mga namumuno sa usapin ukol sa likas na yaman.
C. Gawin ang import at export upang lubos na mapakinabangan ang mga
likas na yaman.
D. Tugunan ang pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng wastong
paggamit ng likas na yaman.
11. Ang pagpapanatili ng balanseng ekolohikal sa mundo ay mahalaga sa mga
naninirahan dito. Paano mo tutugunin ang pagpapanatili ng balanseng
ekolohikal sa ating daigdig?
A. Umiwas sa mga usok ng sasakyan at pabrika.
B. Paghahanap ng trabahong nakatutulong sa kapaligiran.
C. Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa kalagayang
ekolohikal.
D. Manirahan sa mga malalayong lugar lupang makaiwas sa suliraning
pangkapaligiran.
12. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pangangalaga ng ating
kapaligiran?
A. Linisin ang daluyan ng tubig sa mga kanal at estero.
B. Pagsunod sa mga alituntunin at batas ng pamahalaan.
C. Sunugin ang mga kalat na papel, dahon, damo at basura sa paligid.
D. Sumali sa mga programa ng pagtatanim ng mga punong kahoy sa
komunidad.
13. Sa agrikultura nakadepende ang mga pangunahing pangangailangan ng tao
tulad ng bigas at mga pampalasa. Ano ang konklusyon mo ukol sa pahayag?
A. Bagong teknolohiya ang sagot upang mapaunlad ang Agrikultura.
B. Kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang-aabuso ng tao.
C. Ang agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
D. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng
kakulangan sa produksiyon.
14. Ang tao ay biniyayaan ng saganang kapaligiran. Ginagamit at nililinang niya ito
para sa kanyang kapakinabangan ngunit kaakibat nito ay isang pananagutan
na pangalagaan ang likas na yaman. Paano naging magkaugnay ang tao at
ang likas na yaman?
A. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang tugunan ang mga
pangunahing pangangailangan.
B. Ginagamit ng tao ang mga likas na yaman para tugunan ang sariling
pangangailangan.
C. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang mapakinabangan ito.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na yaman upang mabuhay ng masagana.
3
LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
15. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba't ibang suliranin gaya ng
pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-
unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang kabataan ay naanyayahan na
dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa
suliranin. Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa
kapaligiran.
C. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng
anak.
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng
kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa.

Gawain: Yaman Ko, Iingatan Ko!

Panuto: Tukuyin ang mga bagay na nasa larawan kung sa ano ang yamang
kinabibilangan nito. Isulat ang sagot sa patlang.

(Source: Agrikulturaap.blogspot.com) (Source:Agrikulturaap.blogspot.com)

_______________________________________ _______________________________________

(Source:Yamang Mineral.wmv) (Source:Wen.wikipedia.org)


______________________________________ _______________________________________

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
(Source:Yamanglupa.weebly.com) (Source:getloupe.com)

_______________________________________ _______________________________________

Lakbayin

Gawain 1: Basahin at Unawain


Sa bahaging ito ay inaasahan na matututunan mo ang mga uri ng
pamumuhay at gawain ng tao na angkop sa kanyang kapaligiran noon pa
man at magpahanggang ngayon.

IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO

Agrikultura. Ang pagkain ng mga tao sa isang


bansa maging ang mga produktong panluwas nito
ay nagmula sa pagsasaka. Kung malawak at
mataba ang lupain, mas matutugunan nito ang
pangangailangan ng bansa at makapagluluwas
ng mas maraming produkto.
Sa pagpapalaki ng produksiyon, ang ilan
ay gumagamit ng mga makabagong makinarya.
May ilang mga mamamayan na may maliit na
sakahan at nagbubukid para sa pansariling
ikabubuhay lamang. (Source:radyo.inquirer.net)

Ekonomiya. Marami sa mga bansa sa Asya


ay papaunlad bunsod sa kasaganaan nito sa
likas na yaman. Ang mga ito ay
pinagkukuhanan ng mga materyales na
panustos sa kanilang pagawaan.
Maging ang mauunlad na bansa ay dito
kumukuha ng mga hilaw na materyales kung
kaya’t halos nauubos ang likas na yaman ng
huli at hindi sila nakikinabang nito. (Source:filipino.cri.cn)

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
Sa kabilang banda, likas na yaman din ang kanilang iniluluwas,
kasabay ng paggamit ng mga tradisyonal at makabagong teknolohiya upang
mapataas ang antas ng pambansang kita.

Panahanan. Sa patuloy na pagdami ng tao


ay patuloy din ang pagdami ng
nangangailangan ng ikabubuhay at
pananahanan nito. Ang dami ng populasyon
sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng
likas na yaman nito.
Isang katotohanan na ang populasyon
ay lumalaki ngunit ang lupa ay hindi, kung
kaya’t ang ilan ay nagsasagawa ng land
conversion, na nagdudulot naman ng
pagkasira ng tirahan ng mga hayop.
Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang
baguhin ang kakayahan ng lupa at ng
kanilang kapaligiran.
(Source: filedownload.com)

EPEKTO NG MALAKING POPULASYON SA KALIKASAN

Habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga tao, lalong nagiging mataas
ang pangangailangan para sa likas na yaman. Kinakailangan na ng malaking
lupain na mapagtataniman upang makasapat sa pagtugon sa pangangailangan o
demand para sa pagkain.
Sa patuloy na pagdami ng tao, nangangailangan ng sapat na espasyo upang
gawing tirahan. Ang mga dating mabundok na lugar o mga dating sakahan ay
ginagawang subdibisyon o tirahan, na nagreresulta naman sa unti-unting
pagkawasak ng mga tirahan ng iba't ibang species ng hayop.
Hindi maiwasan na nadaragdagan ang produksiyon ng mga basura dahil sa
pagdami ng mga tao. Ang mga basurang ito, na kapag hindi maayos na
napamahalaan, ay nagbubunsod ng polusyon at kontaminasyon sa hangin, lupa at
tubig.

ASIA’S NATURAL RESOURCES GETTING STRAINED BY DEVELOPMENT

Asia Pacific countries must maintain their natural capital such as forests,
biodiversity, freshwater, and coastal and marine ecosystems to achieve a green
economy, according to a joint report by the Asian Development Bank (ADB) and
Worldwide Fund for Nature (WWF).
The report entitled "Ecological Footprint and Investment in Natural Capital in
Asia and the Pacific" said that the Asia Pacific region is consuming more resources
than its ecosystems can sustain, threatening the future of the region's beleaguered
forests, rivers, and oceans as well as the livelihoods of those who depend on them.
In the past two decades, the report noted that the state of ecosystems in the
region has been declining because of the activities such as conversion of primary
forests to agricultural land or monoculture plantations; extensive coastal
6

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
developments and unsustainable exploitation of marine resources; and conversion of
freshwater ecosystem for agri- cultural use.

The joint ADB-WWF study looks in more detail at the state of ecosystems in
Asia-Pacific and what can be done to sustain them. It focuses on ways of preserving
key large-scale regional ecosystems, including the forests of Borneo, the marine
wealth of the Coral Triangle, the Mekong region's diverse habitats, and the
mountainous Eastern Himala- yas. These areas contain some of the region's most
important natural resources on which millions of people depend for their sustenance
and development.
Nessim Ahmad, ADB director for Environment and Safeguards, said that
major ecosystems such as the Coral Trian- gle and the heart of the Borneo rainforest
are vital to the future of Asia-Pacific. "We need large-scale programmatic efforts
based on regional cooperation and local level action to make sure they are sustained
for future generations," Ahmad added.
Per capita drops Moreover, the report explained that by 2008, the per capita
natural resources in these regional ecosystems had shrunk by about two-thirds
compared to 1970. Despite the rich natural capital in the region, the report noted that
biodiversity is in decline in all types of ecosystems, with the rate of species loss
about twice the global average.
The report used the Living Planet Index—one of the more widely used
indicators for tracking the state of biodiversity around the world—to measure
changes in the health of ecosystems across the Asia-Pacific.
The global index fell by about 30 percent between 1970 and 2008, while the
Indo-Pacific region shows an even greater decline of 64 per- cent in key populations
of species during the same period. Across the region, the gap between the ecological
footprint, or human demand for natural resources, and the environment's ability to
replenish those resources is widening, it added.
The report also said that the challenge for countries of Asia Pacific is to
manage their natural sustainability, so that they maintain ecosystems services such
as food, water, timber, pollination of crops and absorption of human waste products
like carbon dioxide, to attain long-term development.
"We need to create mechanisms that make protecting our resources the right
economic choice for the communities that use and depend on them," said WWF
Director General Jim Leape. Investing in the region's resources pays. It is estimated
that every dollar spent on conservation efforts would yield an economic and social
value of ecosystems worth over $100, it added.
On the other hand, ADB said that it places environmentally sustainable
growth at the core of its work to help reduce poverty in the region. It approved a
record 59 projects supporting environmental sustainability in 2011, which amounted
to about $7 billion in financing.

Written by: Mayvelin U. Carballo, Manila Times


Published on: June 07, 2012

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
Gawain 2: Suri-Teksto!
Panuto: Matapos mong mabasa ang mayamang impormasyon ay handa mo ng
sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Malaya mong isiwalat ang iyong
saloobin at idea sa iyong sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang suliraning inilahad sa teksto? Sino ang apektado sa nasabing


suliranin?
2. Ano ang posibleng solusyon upang mapigil ang mga suliraning nabanggit?
3. Sa iyong sariling pananaw, ano ang ugnayan ng tao sa kalikasan tungo sa
pag-unlad ng ekonomiya at kabuhayan?
4. Paano mo ilalarawan ang mga likas na yaman na taglay ng Asya?
5. Paano nakatulong ang likas na yaman sa pag-unlad ng pamumuhay sa mga
rehiyon ng Asya?

Galugarin

Ang susunod na gawain ay higit na makatutulong sa pagkamit mo ng


mga kaalaman na higit na lilinang at hahasa sa iyong kakayahang mag-isip.
Handa ka na ba? Magpatuloy na tayo!

Gawain 1: Tukoy-Epekto!
Panuto: Pag-isipan at tukuyin ang mga implikasyon o epekto ng mga sitwasyon sa
iba’t ibang aspeto at sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

ASPETO SITWASYON EPEKTO O IMPLIKASYON


AGRIKULTURA Pagkakalbo ng kagubatan Manganganib ang buhay ng mga tao.
Mawawalan ng tirahan ang mga hayop.
Lala ang climate change
EKONOMIYA Kakulangan ng mga hilaw na
Pagbabawas sa produksyon
materyales at pagtaas sa presyo ng produkto.

Dadami ang basura.


PANAHANAN AT Malaki at patuloy na Magkukulang ang supply ng pagkain.
KULTURA lumalaking populasyon Mauubos ang likas na yaman dahil
dadami ang gagamit or kukunsumo
nito

Gawain 2: Graphic Organizer

Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga suliraning pangkapaligiran at ang


iyong mungkahing solusyon.
8

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
SULIRANING PANGKAPALIGIRAN MUNGKAHING SOLUSYON
Pagkasira ng lupa.

Urbanisasyon

Problema sa basura

Polusyon

Pagkawala ng biodiversity.

Gawain 3: Super Rich Ka!

Panuto: Magbigay ng halimbawa ng mga likas na yaman na matatagpuan sa Asya.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Yamang Gubat ✓


Yamang Tubig ✓


Yamang Lupa ✓


Yamang Mineral ✓


Yamang Tao ✓

Palalimin

Gawain 1: Yaman mo, E-collage Mo!

Panuto: Gumawa ng collage na naglalaman ng mga likas na yaman ng Asya


at ipaliwanag ang kinalaman ng nabuong porma ng collage sa aralin. Maaari
kang gumupit ng mga larawan mula sa lumang magazine o newspaper.
Maaari kang maglagay ng karagdagang bagay upang pagandahin ang iyong
gawa. Ilagay ang collage sa coupon bond. Gawing batayan ang rubric sa
ibaba.

9
LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
Pamantayan sa Paggawa:

20 points –Kung wasto, kaaya-aya, at buo ang gawain


15 points- Kung wasto at buo ang napunan na gawain
10 points –Kung wasto ngunit kalahati lamang ang napunan na gawain
5 points- Kung kalahati ang mali at napunan na gawain
1 point – Kung mali lahat ang gawain

Gawain 2: Repleksiyon Ko!

Panuto: Isulat ang iyong natatanging repleksiyon bilang pagtataya sa iyong buong
pagka-unawa sa aralin.

Ano ang epekto ng likas na yaman ng Asya sa buhay ng mga mamamayan


ng inyong komunidad?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

Sukatin

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Ano ang pagkakilala sa pagbabago ng klima dulot ng likas na pagbabago ng
mundo dahil sa gawa ng mga tao?
A. Acid Rain B. Climate Change
C. Polusyon D. Red Tide
2. Anong larangan ang binabanggit sa pagkakaroon ng malawak at
matabang lupain sa Asya?
A. Agrikultura B. Ekonomiya
C. Panahanan D. Pangkalakasan
3. Anong pananim ang pagkain ng alagang hayop at ginagawa ring alak?
A. Kaoliang B. Mais
C. Oats D. Trigo

10
LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
4. Ano ang tawag sa mga kagubatan, mineral, lupang taniman at
katubigan?
A. Likas na Yaman B. Yamang Lupa
C. Yamang Dagat D. Yamang Mineral
5. Ano ang pagkakilala sa naipong mataba at pinong lupa sa lambak at bunganga
ng ilog matapos ang pagbaha?
A. Alluvial Soil B. Oasis
C. Praire D. Savanna
6. Ang mga bansa sa Asya ay nakararanas ng suliraning pangkapaligiran. Ano ang
tawag sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?
A. Deforestation B. Desertification
C. Salinization D. Siltation
7. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?
A. Pagkasira ng kagubatan B. Pagkawala ng biodiversity
C. Pag-unlad ng mga industriya D. Pagkakaroon ng mga polusyon
8. Alin sa mga sumusunod ang magiging epekto ng Land Conversion sa
kabuhayan ng mga tao?
A. Pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
B. Mapipigilan ang pagdami ng basura.
C. Mawawalan ng tirahan ang mga tao at hayop.
D. Pagdami ng produksyon ng agrikultural na produksiyon
9. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng pagtaas ng populasyon sa ating
mga likas na yaman?
A. Ang ating likas na yaman ay mauubos.
B. Mapangalagaan ang mga yamang likas.
C. Madadagdagan ang mga likas na yaman.
D. Aangat ang pamumuhay ng mga tao sa larangan ng ekonomiya.
10. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin upang higit na
mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng
ating bansa?
A. Gagamitin lamang ang mga likas na yaman kung kinakailangan.
B. Hayaan ang mga namumuno sa usapin ukol sa likas na yaman.
C. Gawin ang import at export upang lubos na mapakinabangan ang mga
likas na yaman.
D. Tugunan ang pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng wastong
paggamit ng likas na yaman.
11. Sa agrikultura nakadepende ang mga pangunahing pangangailangan ng
tao tulad ng bigas at mga pampalasa. Ano ang konklusyon mo ukol sa
pahayag?
A. Bagong teknolohiya ang sagot upang mapaunlad ang Agrikultura
B. Kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang- aabuso ng
tao.
C. Ang agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
D. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng
kakulangan sa produksiyon.

11

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
12. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pangangalaga ng ating
kapaligiran?
A. Linisin ang daluyan ng tubig sa mga kanal at estero.
B. Pagsunod sa mga alituntunin at batas ng pamahalaan.
C. Sunugin ang mga kalat na papel, dahon, damo at basura sa paligid.
D. Sumali sa mga programa ng pagtatanim ng mga punong kahoy sa
komunidad.
13. Ang pagpapanatili ng balanseng ekolohikal sa mundo ay mahalaga sa mga
naninirahan dito. Paano mo tutugunin ang pagpapanatili ng balanseng
ekolohikal sa ating daigdig?
A. Umiwas sa mga usok ng sasakyan at pabrika.
B. Paghahanap ng trabahong nakatutulong sa kapaligiran.
C. Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa kalagayang
ekolohikal.
D. Manirahan sa mga malalayong lugar lupang makaiwas sa suliraning
pangkapaligiran.
14. Ang tao ay biniyayaan ng saganang kapaligiran. Ginagamit at nililinang niya ito
para sa kanyang kapakinabangan. Ngunit kaakibat nito ay isang
pananagutan na pangalagaan ang likas na yaman. Paano naging magkaugnay
ang tao at ang likas na yaman?
A. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang tugunan ang mga
pangunahing pangangailangan.
B. Ginagamit ng tao ang mga likas na yaman para tugunan ang sariling
pangangailangan.
C. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang mapakinabangan ito.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na yaman upang mabuhay ng masagana.
15. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba't ibang suliranin gaya ng
pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-
unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang kabataan ay naanyayahan na
dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa
suliranin. Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa
kapaligiran.
C. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng
anak.
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng
kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa

Napakahusay mo! Ako’y lubos na natutuwa sa ipinamalas


mong husay. Tapos kana sa modyul na ito.

12

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
13
Gawain. Yaman Ko, Iingatan
Ko!
Gawain 2: Suri-Teksto! 1. Yamang Tubig
Gawain 1: Tukoy-Epekto! 2. Yamang Lupa
Gawain 2: Graphic Organizer 3. Yamang Mineral
Gawain 3: Super Rich Ka! 4. Yamang Gubat
Maaaring magkakaiba ang sagot. 5. Yamang Lupa
6. Yamang Tao
Panghuling Pagtataya Panimulang Pagtataya
1. B 1. A
2. A 2. A
3. A 3. A
4. A 4. A
5. A 5. B
6. A 6. D
7. C 7. C
8. C 8. C
9. D 10. D
10. D 11. C
11. C 12. D
12. D 13. C
13. C 14. A
14. A 15. D
15. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat

Mateo, Grace Estela C. et. al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan p.36-54.


Blando, Rosemarie C. et. al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul ng
Mag-aaral), ph. 36-45.

B. Iba pang Sanggunian


Yamangmineral.wmv-YouTube youtube.com
https://tnt.abante.com.ph/pangingisda-ng-pinoy-sa-scarborough-shoal-out-of
goodwill-spox/

https://news.abs-cbn.com/business/09/03/19/subsidiya-di-pautang-ang-
kailangan-ng-mga-magsasaka
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki
%2FNatural_resource&psig=AOvVaw10sCJUrCzGrJ8AZm0SeGkW&ust=162840732
8825000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwipgKyUsJ7yAhUIxosBHU54DtYQr
4kDegUIARDJAQ
https://yamanglupa.weebly.com/uploads/3/7/3/9/37397947/9662042_orig.jpg
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fwww.getloupe.com%2Fv%
2Fg5ob7ox0&psig=AOvVaw0k1obO5HcmBrcBIA5jj0UH&ust=1628407780494000&
source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwiP1NvrsZ7yAhVC4pQKHZgmDj0Qr4kDegUIA
RDeAQ
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fradyo.inquirer.net%2F28
4782%2Fpagpapalakas-sa-sektor-ng-agrikultura-kailangan-para-sa-food-security-
at-maiwasan-na-ang-pagtaas-ng-presyo-ng-
pagkain&psig=AOvVaw0wRF4UZ368sd3wkXF2jWJX&ust=1628493697473000&so
urce=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjj9I_08aDyAhUGfZQKHaG7CEoQr4kDegQIAR
B5
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Ffilipino.cri.cn%2F301%2F
2020%2F08%2F26%2F102s168839.htm&psig=AOvVaw0hDUPTh6jm1I0LVnvzZhC
8&ust=1628494226728000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwiTib_w86DyAh
UPBJQKHZQ6CYsQr4kDegUIARCHAQ
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2F1filedownload.com%2Fw
p-content%2Fuploads%2F2019%2F12%2FArpan-Lm-G5Q3-
.pdf&psig=AOvVaw26PlzY_-
BtprLQTdmYmaXC&ust=1628494660793000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUK
Ewi2pry_9aDyAhX-xIsBHao2DFQQr4kDegQIARA4

14

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module4

You might also like