AP 7 Q2 Week1 Mod1 MELC01 MariaDomingaEsteban MTP - Jnar

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Araling
Panlipunan 7
Ikalawang Markahan – Modyul 1
(Unang Linggo)
Konsepto ng Kabihasnan at Mga
Katangian Nito

MELC: Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan


at mga katangian nito. (AP7KSAIIb-1.3)

Inihanda ni:

MARIA DOMINGA R. ESTEBAN


Master Teacher I
Bacarra National Comprehensive High School
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Share-A-Re source-Program
IkalawangMarkahan – Modyul 1: : Konsepto ng Kabihasnan at Mga Katangian
Nito
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Dominga R. Esteban
Editor: Maricel T. Pascua
Tagasuri: Noralyn S. Cadiz
Maricel T. Pascua
Tagalapat: John Nestlee A. Ravina
Tagapamahala: Joann A. Corpuz, EdD, CESO VI
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Milagros Sandra G. Malvar
Division Design & Layout Artist: Olivia N. Dalimot
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Divison of Ilocos Norte


Office Address: Brgy 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
(Unang Linggo)
Konsepto ng Kabihasnan at Mga
Katangian Nito
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Layunin nitong tulungan ka sa


iyong pag-aaral. Tinatalakay nito ang tungkol sa Konsepto ng Kabihasnan at mga
Katangian nito. Sa pamamagitan ng modyul na ito ay maaari ninyong gamitin ang
inyong kakayahan at kahusayan sa pang-unawa at pagsagot ng mga pagsasanay
na buong sipag naming inihanda para sa iyo.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na:

• Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.


AP7KSAIIb-1.3

Subukin

Panimulang Gawain: Pagtataya


Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot.
1. Anong panahon ng pag-unlad ng tao kung saan bato ang ginamit upang
makabuo ng mga kagamitan?
A. Paleolithic C. Lower Paleolithic
B. Neolithic D. Middle Paleolithic
2. Anong panahon ng Paleolithic kung saan natutunan ng mga tao ang
mamuhay sa maliliit na pangkat upang magtulungan sa paghahanap ng
pagkain at pangangaso?
A. Lower Paleolithic C. Middle Paleolithic
B. Middle Paleolithic D. Prehistoric
3. Kailan nagsimula ang ebolusyon ng species ng tao?
A. Lower Paleolithic C. Middle Paleolithic
B. Upper Paleolithic D. Prehistoric
4. Ano ang panahon ng transisyon sa pagitan ng panahon ng Neolithic at
simula ng Bronze Age?
A. Copper Age C. Metal Age
B. Bronze Age D. Stone Age
5. Anong panahon nagsimula ang pagmimina, pagpapanday at pagbuo ng mga
kagamitan ng bakal at asero?
A. Stone Age C. Copper Age
B. Bronze Age D. Iron Age
6. Anong panahon nagsimulang bumuo ang mga tao ng lungsod- estado at
nagsimula na rin angpakikipagkalakalan sa pagitan ng mga komunidad
gayon ang paggamit ng primitibong pera?
A. Stone Age C. Copper Age
B. Bronze Age D. Iron Age
7. Anong panahon nagsimula at lumaganap ang agrikultura?
A. Stone Age C. Neolithic Age
B. Paleolithic Age D. Iron Age
8. Ano ang ibig sabihin ng salitang Latin na “civis” na kung saan nahango ang
salitang sibilisasyon?
A. mamamayan C. pag- unlad
B. pag-unlad ng sangkatauhan D. sambayanan
9. Ano ang pinakamahalagang kaganapan sa Paleolithic Age?
A. Nakagawa sila ng mga palamuti ng katawan na gawa sa sungay, buto
at ivory.
B. Unti -unting naganap ang ebolusyon ng mga kasapi ng genus na Homo
upang maging modernong tao.
C. Natutuhan ng mga tao ang pag-alaga ng hayop gaya ng aso, tupa,
kambing, kabayo at cattle.
D. Ang pagkakaroon ng surplus ng pagkain na nagpasimula sa pagsibol
ng mga pamayanan.
10. Ano ang dalawang yugto ng Stone Age?
A. Paleolithic at Neolithic Age C. Lower at Middle Paleolithic
B. Upper at Middle Paleolithic Age D. Copper at Bronze Age
Aralin
Konsepto ng Kabihasnan at
1 Katangian Nito

Kumusta? Ang pag-


aaralan natin ngayon
ay tungkol sa Konsepto
ng Kabihasnan at
Katangian Nito.
Halina`t matuto!

Balikan

Gawain 1: Piliin mo
Panuto: Piliin sa kahon ang sagot na tinutukoy sa bawat bilang.

populasyon life expectancy migrasyon


edukasyon Asya unemployment rate literacy rate
population growth rate etnolingguistiko etnisidad

__________ 1. Inaasahang haba ng buhay ng isang tao


__________ 2. Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar/bansa
__________ 3. Pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan
__________ 4. Isa sa pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng isang tao at
bansa
__________ 5. Ang kontinenteng may pinakamalaking populasyon
__________ 6. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyong walang trabaho o
pinagkikitaan
__________ 7. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong
bumasa at sumulat
___________8. Bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat
taon
__________ 9. Tumutukoy sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa
isang bansa ayon sa kultura, wika, at etnisidad
__________ 10. Kapag kinikilala ng isang grupo ng tao ang mga sarili at
ang isa’t isa bilang kasapi ng isang grupong etnolingguistiko

Tuklasin

Gawain 2: Ang Nakaraan

Panuto: Hanapin ang iba`t ibang panahon sa kasaysayan sa kahon. Pagkatapos ay


isulat ang mga nahanap na salita sa Tsart II.

Tsart I

L A S A P A A A U A M A C A B

O B T B A B N B P B I B O B R

W C O C L C E C P C D C P C O

E D N D E D O D E D D D P D N

R E E E O E L E R E L E E E Z

P F A F L F I F P F E F R F E

A G G G I G T G A G P G A G A

L H E H T H H H L H A H G H G

E I I I H I I I E I L I E I E

O J J J I J C J O J E J J J J

L K K K C K A K L K O K K K K

I L N S A R G C I P L F O V L

T U B N G S E I T X I C R Y T

H G H P E I T R H V T M J W E

I A G A T I O N I N H T B R F

C M N O P Q R S C T I V W X Y

I R O N A G E Z A B C D E F G
Tsart II

Paleolithic Age Neolithic Age

1. 1.
2. 2.
3. 3.

Gawain 3: Pag-isipan Mo!


(photo credit: google. com)
Ayusin sa tamang pagkasunod-sunod ang mga pagbabago sa pamumuhay
ng mga prehistorikong tao. Isulat ang bilang 1 hanggang 6 (1 – 6) sa loob ng kahon.
Suriin

Sa parteng ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaisipan at kaalamang


tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang aralin. Dito tinitiyak na
ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga impormasyong
kinakailangang malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng mahahalagang
ideya sa mga kosepto ng kabihasnan at mga katangian nito.

EBOLUSYONG KULTURAL AT KAHULUGAN NG KABIHASNAN


Ang prehistory ay panahon sa kasaysayan kung saan ay hindi pa
naimbento ang mga pagsusulat. Kabilang sa mga mahahalagang pagbabagong
naganap sa panahong ito ay ang paglinang sa kultura. Ang Kultura ay paraan ng
pamumuhay ng isang pangkat na naipapasa sa bawat henerasyon. Kabilang sa
kultura ang pag-uugali, mga materyal na bagay, ideya, institusyon,tradisyon,wika,
sining,imbensiyon,at mga paniniwala.Nagawa ng taong gamitin ang kapaligiran
upang matugunan ang mga pangangailangan at nagawa nilang ipasa ang kanilang
kaalaman sa susunod na henerasyon.
Sa pag-aaral ng mga arkeologo sa kultura ng sinaunang tao sa panahong
prehistoriko, nagawa nilang matuklasan ang mga kagamitang gawa sa bato.
Kaugnay nito, tinawag nila ang bahagi na ito sa kasaysayan na Stone Age (Panahon
ng Bato). Ang Stone Age ay tumututukoy sa panahon ng pag-unlad ng tao kung
saan bato ang ginamit upang makabuo ng mga kagamitan. Ang Stone Age na
bahagi ng prehistory ay nahahati sa dalawang yugto, ang Paleolithic Age (Old Stone
Age) kung saan ang mga tao ay nangalap ng mga pagkain at nangaso, at ang
Neolithic Age (New Stone Age) kung saan nagsimula at lumaganap ang agrikultura.

PALEOLITHIC AGE (2.5 milyon BCE hanggang 8000 BCE)


Ang terminong Paleolithic ay hango sa wikang Greek na palaios na
ngangahulungang “luma” at lithos na ngangahulugang “bato”. Nagsimula ang
Paleolithic Age o Old Stone Age nang matutunan ng prehistorikong tao ng paggamit
ng mga primitibong kagamitang bato. Ito ang pinakaunang yugto ng pag-unlad sa
pamumuhay ng tao at pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng tao na hinati sa
tatlopang bahagi: Lower Paleolithic, Middle Paleolithic, at Upper Paleolithic.
Lower Paleolithic- Sumibol sa yugtong ito ang iba’t ibang species ng Homo
kung saan ay mayroong pagbabago sa laki ng utak at pangangatawan. Dito
nagsimula ang ebolusyon ng unang species ng tao, ang Homo habilis at nagwakas
sa ebolusyon ng Homo Sapiens na may malaking pagkakatulad sa kasalukuyang
tao ngayon.
Middle Paleolithic – Natutuhan ng mga tao na mamuhay sa maliliit na
pangkat upang magtulungan sa paghahanap ng pagkain at pangangaso. Naging
mas maunlad ang paggawa ng mga kagamitang bato. Nakagawa ang mga
prehistorikong tao ng mga matutulis na bato gaya ng talim at sibat. Nakatulong
ang mga bagong kagamitan upang makakuha ng karagdagang pagkain.
Upper Paleolithic – Sa panahong ito ay laganap na ang pangangaso na
magkasama at malawakang pangingisda. Ang mga prehistorikong tao ay pagala-
gala at pansamantalang nanatili sa isang lugar batay sa supply ng pagkain.
Gumawa rin ng pansamantalang mga pansamantalang tirahan na tinawag na pit
houses. Natutunan nila ang paggamit ng mga salita sa pakikipagtalastasan, at
pagkakaroon ng mga ritwal. Nakagawa rin sila ng mga ambag sa larangan ng
sining gaya ng mga sandata at kagamitan na may dekorasyon, mga pigurin at
ipinintang larawan sa loob ng kuweba. Nakagawa rin sila ng palamuti ng katawan
na gawa sa sungay, buto at ivory.

NEOLITHIC AGE (8000BCE hanggang 3000BCE)


Ang Neolithic Age ay tinawag din na Agricultural Revolution na tinatayang
unang sumibol sa Asya. Natutuhan ang pag-aalaga ng hayop gaya ng aso, tupa,
kambing, kabayo, cattle baboy at iba pa. Ang surplus na ani ay ginamit sa
pakikipagkalakan na sa simula ay anyong barter. Ang mga magsasaka ay
permanenteng nanirahan sa isang lokasyon at nakagawa sila ng mga bagong
kasangkapan at kagamitan. Nakagawa rin sila ng mga bagong uri ng tahanan na
gawa sa bato, kahoy o ladrilyo.
Nagkaroon ng iba pang mga mahahalagang pagbabago gaya ng dibisyon at
espesyalisasyon sa paggawa, pagsibol ng mga lipi ng artisans o mga
manggagawang may espesyalisasyon, pagkakaroon ng mga pribadong ari-arian, at
pagkakaroon ng mga political at panlipunang institusyon. Samakatuwid, ang
pamumuhay na nalinang ng mga prehistorikong tao sa Neolithic Age ay mahalaga
sa pagsisimula ng urbanisasyon, pagsibol ng mga lungsod at siblisasyon.

PANAHON NG METAL
Copper Age (Panahon ng Tanso) – Ito ay panahong transisyunal sa pagitan
ng panahong Neolithic at simula ng Bronze Age. Ang unang metal na ginamit ng
tao ay ang copper (tanso). Nang lumaon ay natuklasang pagsamahin ang copper
(tanso) at tin (lata) upang mabuo ang mas matigas na uri ng metal, ang bronze.
Bronze Age (Panahon ng Bronze) – Ang Bronze Age ay tumutukoy sa
panahon na nasimulan ang paggamit ng bronze para sa praktikal na kagamitan.
Nakagawa ang mga tao nang higit na mas epektibong paraan sa pagsasaka at pag-
aalaga ng mga hayop. Nabuo ang mga lungsod -estado at nagsimula rin ang
kalakalan sa pagitan ng mga kominidad gayundin ang paggamit ng primitibong
pera.
Iron Age (Panahon ng Bakal) – Nagsimula ang pagmimina, pagpapanday at
pagbuo ng mga kagamitang bakal at asero. Naghatid ito ng rebolusyon sa larangan
ng agrikultura at pakikidigma.

SIMULA NG SIBILISASYON
Sa pagwawakas ng Neolithic Age umusbong ang mga sibilisasyon. Nagsimula
ang sibilisasyon dahil sa magandang heograpikal na lokasyon, surplus na pagkain,
pagtaas ng populasyon at kultural na salik gaya ng pagkakaroon ng kaalaman na
matugunan ang mga hamon ng kapaligiran. Nagmula ang salitang sibilisasyon sa
salitang Latin na “civis” na nangangahulugang “mamamayan”. Minsan ang
katagang sibilisasyon ay payak na tumutukoy sa “paninirahan sa mga lungsod.” Sa
kasalukuyan ang salitang sibilisasyon ay tumutukoy sa kabuuang pag-unlad ng
sangkatauhan. Ang sibilisasyon ay mayroong naitayong panahanan na tinitirhan
ng maraming tao na nahahati sa iba’t ibang antas. Nahahati ang populasyon sa
pook rural at urban. Ang mga tao ay mayroong iba’t ibang gawain o hanapbuhay sa
larangan ng agrikultura, pagmimina, at kalakalan.

Pagyamanin

Gawain 4: Kailan Ba?

Isulat ang P A kung ang pagbabago ay naganap sa panahon ng Paleolithic


Age at isulat ang N A kung ito ay naganap sa panahon ng Neolithic Age.

MGA PAGBABAGO PANAHON (PA/NA)


1.Nadiskubre ang apoy
2.Labis na pagkain
3.Pagbuo ng mga maliliit na pangkat
4.Paggawa ng mga kagamitang bato
5.Paninirahan ng mga tao sa iisang lugar
6. Pag-aalaga ng kabayo, tupa, at aso
7.Pagluluto ng pagkain
8. Pagtatamin ng trigo, palay, at barley
9.Umasa ang mga tao ng pagkain sa kapaligiran
10. Pagpapanday
Isaisip

Gawain 5: Cloze Procedure

Punan ang mga patlang ng wastong salita mula sa kahon upang mabuo ang
pangungusap.

Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang.

Neolithic Age Artifacts primitibong pera pagsulat


Pakikipagkalakalan Paleolithic Age unang metal bakal
Panahon ng Metal lungsod estado

Ang Prehistory ay panahon sa kasaysayan kung saan ay hindi pa naiimbento


ang (1) ___________. Ang ating kaalaman sa panahon ay batay lamang sa mga
nakalap ng mga Arkeologo na (2) ________________ na nagbigay sa atin ng ideya ng
paraan ng pamumuhay ng mga prehistorikong tao.

Ang Stone Age ay nahati sa dalawang panahon, ito ay ang (3) ______________
kung saan ang mga tao ay palipat-lipat sa paghahanap ng pagkain at ang

(4) _________________ kung saan natutunan ng mga tao ang pag-aalaga ng hayop at
pagtatanim. Nagkaroon ng transisyon nang magsimula ang (5)
__________________kung saan natutunan na ng tao ang pagpapanday.

Ang (6) ____________ na ginamit ay ang copper o tanso. Nang nagtagal,


natuklasan ng mga tao na pagsamahin ang metal na ito sa (7) _____________ at
nakagawa sila ng Bronze

Ang mga tao ay nagsimula ng bumuo ng mga (8) ___________at nagsimula rin
ang (9) ___________________sa mga komunidad gayon din ang paggamit ng (10)
_________________.
Isagawa

Gawain 6: Event Chart

Ayusin ang mga pangyayari sa tamang pagkasunod-sunod. Isulat sa


kahon ang tamang salita o mga salita.

pagtatanim at pag-aalaga ng hayop natuklasan ang gamit ng apoy

surplus o labis na pagkain paggawa ng palakol na bato

nasimulan ang paggamit ng bronze nagsimula ang pagmimina

pakikipagkalakalan at gumamit ng primitibong pera

Tayahin

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang
mga sagot.

1. Ano ang unang metal na ginamit ng tao?


A. Bronze C. Copper
B. Tin D. Bakal
2. Kailan natutuhan ang paggamit ng mga salita sa pakikipagtalastasan, at
pagkakaroon ng mga ritwal?
A. Lower Paleolithic C. Middle Paleolithic
B. Upper Paleolithic D. Paleolithic
3. Kailan sumibol ang iba’t ibang species ng Homo kung saan ay may
pagbabago sa laki ng utak at pangangatawan?
A. Lower Paleolithic C. Middle Paleolithic
B. Upper Paleolithic D. Paleolithic
4. Ano ang kahulugan ng wikang Greek na “palaios”?
A. bago C. luma
B. pang karaniwan D. nabago
5. Ano ang dalawang yugto ng Stone Age?
A. Paleolithic at Neolithic Age C. Lower at Middle Paleolithic
B. Upper at Middle Paleolithic Age D. Copper at Bronze Age
6. Ano ang pinakamahalagang kaganapan sa Paleolithic Age?
A. Nakagawa sila ng mga palamuti ng katawan na gawa sa sungay, buto at
ivory.
B. Unti -unting naganap ang ebolusyon ng ng mga kasapi ng genus na Homo
upang maging modernong tao.
C. Natutuhan ng mga tao ang pag-alaga ng hayop gaya ng aso, tupa,
kambing, kabayo at cattle.
D. Ang pagkakaroon ng surplus ng pagkain na nagpasimula sa pagsibol ng
mga pamayanan.
7. Anong panahon nagsimulang bumuo ang mga tao ng lungsod- estado at
nagsimula na rin ang pakikipagkalakalan sa pagitan ng mga komunidad gayon
din ang paggamit ng primitibong pera?
A. Stone Age C. Copper Age
B. Bronze Age D. Iron Age
8. Anong panahon nagsimula at lumaganap ang agrikultura?
A. Stone Age C. Neolithic Age
B. Paleolithic Age D. Iron Age
9. Ano ang panahon ng transisyon sa pagitan ng panahon ng Neolithic at simula
ng Bronze Age?
A. Copper Age C. Metal Age
B. Bronze Age D. Stone Age
10. Anong panahon ng Paleolithic kung saan natutunan ng mga tao ang
mamuhay sa maliliit na pangkat upang magtulungan sa paghahanap ng
pagkain at pangangaso?
A. Lower Paleolithic C. Upper Paleolithic
B. Middle Paleolithic D. Prehistoric
Karagdagang Gawain

Gawain 7: Pagguhit

Pumili ng tig-isang mahalagang pagbabago ayon sa iyong sariling pananaw


sa bawat yugto at iguhit ito. Magbigay din ng maikling pagpapaliwanag sa pinili.

1. Paleolithic Age Paliwanag


Napiling mahalagang pagbabago:

2. Neolithic Age Paliwanag


Napiling mahalagang pagbabago:
Subukin Tayahin
1. A 1. C
2. B 2. B
3. A 3. A
4. A 4. C
5. D 5. A
6. B 6. B
7. C 7. B
8. A 8. C
9. B 9. A
10.A 10.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
URL: google .com
Libro: SULYAP SA KASAYSAYAN NG ASYA; Eliza D. Bustamante at Fredie V.
Avendano, ASYA; PAGKAKAISA SA GITNA NG PAGKAKAIBA

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like