isaayos ang kilos ng sanlibutan. Sa kabilang dako, isang masiyahin at mapagwalang- bahalang diwata si Alunsina.
Isang araw nagpaalam si Tungkung Langit
upang magsiyasat sa napansin niyang pagbabago sa daloy ng panahon. Matagal siyang nawala kaya naghinala si Alunsina. Nabatid ito ni Tungkung Langit at ipinagdamdam. Pagbalik sa tahanan, hinarap niya at pinangaralan si Alunsina. Tumaas ang tinig ni Tungkung Langit at sumama ang loob ni Alunsina. Walang- kibong lumayas ang diwata.
Naglakbay sa malayo si Tungkung Langit,
at wala pa rin si Alunsina pagbalik niya sa tahanan. Nagsimulang mangulila ang bathala sa diwata. Isang araw, naisipan ni Tungkung Langit na lumikha ng isang malaking pinggan ng tubig, na naging karagatan, upang salaminin ang kalangitan at baka lumitaw doon ang imahen ng asawa, ngunit hindi nya kailanman nasalamin si Alunsina.
Bunga ng matinding pighati, ay nilikha niya
ang kalupaan, tinamnan ng damo, nilikha ang samot-saring hayop. Isinabog ni Tungkung Langit ang mga hiyas ni Alunsina sa pag-asang makikita ito ng asawa. Ang korona ni Alunsina ang naging araw, ang suklay ang naging buwan, at ang mga butil ng kuwintas ang mga bituin, ngunit nabigo pa rin si Tungkung Langit.