Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Congregational Song #1

May Lupang Sakdal ng Ganda (In the Sweet by and By)


“At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na
magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na..”-
Apocalipsis 21:4

I
May lupang pagkaganda ganda, na handa sa atin ng Ama
At sa daa’y hintay tayo Nya, sa tahana’y ipagsasama
Koro
Panahong masaya kung tayo ay salubungin Nya
Panahong masaya, sa langit tayo’y magkikita
II
Sa baybaying sakdal ng ganda, awit nati’y di magmamaliw
Ang hilahil doo’y wala na, kapayapaa’y sasaatin
Koro
Panahong masaya kung tayo ay salubungin Nya
Panahong masaya, sa langit tayo’y magkikita
III
Sa Amang nasa kalangitan, puri ay ating iaalay
Dahil sa Kanyang pagmamahal, at sa pala Nyang ibinigay
Koro
Panahong masaya kung tayo ay salubungin Nya
Panahong masaya, sa langit tayo’y magkikita

Congregational Song #2
Kahit na Kubo (Mansion Over the Hilltop)
“Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon
upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.”- Juan 14:2

I
Kahit na kubo ang aming tahanan, dito sa lupa’y may kasiyahan
Pagkat sa langit may naghihintay na kaharian ang gintong lantay
Koro
Ako’y may bahay na di masisira, doon sa langit na wlaang hanggan
Wala nang hapis sa laging sariwa sa piling ng Dios na mayaman
II
Kahit sa buhay na ito’y mahirap, ang kaulayaw ay dusa’t saklap
Walang sariling tirahang tiyak, doon sa langit ako’y may lahat
Koro
Ako’y may bahay na di masisira, doon sa langit na wlaang hanggan
Wala nang hapis sa laging sariwa sa piling ng Dios na mayaman
Koro
Ako’y may bahay na di masisira, doon sa langit na wlaang hanggan
Wala nang hapis sa laging sariwa sa piling ng Dios na mayaman

Congregational Song #3
Ang Pangalan Pag Tinawag (When the Roll is Called up Yonder)
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may
pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;” – I Tesalonica 4:16

I
Pag trumpeta ay hinipan at sumapit ang wakas
Tayo’y dadalhin sa dakong marilag
Pag tinawag na ang ngalan ng lahat ng naligtas
Naroon ako at tutugon agad!

Koro
Ang pangalan pag tinawag, ang pangalan pag tinawag,
Ang pangalan pag tinawag, naroon ako at tutugon agad

II
Ang mga nakay Jesus na naunang nangamatay
Bubuhayin ng Panginoong banal;
At kapag nagkatipon na tayo sa kalangitan
Kay saya at di na magkakawalay

Koro
Ang pangalan pag tinawag, ang pangalan pag tinawag,
Ang pangalan pag tinawag, naroon ako at tutugon agad

III
Tayo’y laging maglingkod sa Dios magpahanggang wakas
Ipahayag ang pag-ibig N’yang wagas
Ang ating paglilingkod kapag natapos nang lahat
Gantimpala ay Kanyang igagawad

Koro
Ang pangalan pag tinawag, ang pangalan pag tinawag,
Ang pangalan pag tinawag, naroon ako at tutugon agad

You might also like