Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

ANG BAGONG ALPABETONG FILIPINO

ANG ALPABETONG FILIPINO

Bago dumating ang mga mananakop sa Pilipinas ang

mga Filipino ay may sariling wika at panulat. Ang larawan

sa kanan ay unang panulat ng mga Filipino.

BAYBAYIN ang pangalan ng panulat na ito. Ito ay galling

sa salitang baybay na ang ibig sabihin ay ”spell” sa

English o kaya ay ”bokstavera” sa Swedish.

Ayon kay David Direnger , kilalang eksperto sa mga

matatandang panulat, ang BAYBAYIN ay maaaring

nanggaling sa matandang panulat na Kavi ng Java,

Indonesia.

Ang isa pang pangalan ng BAYBAYIN ay ALIBATA. Ang

katawagang ito ay inimbento ni Dean Paul Versoza ng

Pamantasan ng Maynila noong 1914. Ito ay galing sa

ALIF, BA at TA, na unang titik ng dialektong Arabo ng

Maguindanao. Hindi niya ipinaliwanag kung bakit niya

pinili ito.Ito ay walang kaugnayan sa BAYBAYIN.

Ang BAYBAYIN o ALIBATA ay nakasulat sa mga dahon.

Ang panulat na DOCTRINA CRISTIANA ay ang unang aklat na isinulat sa BAYBAYIN o


ALIBATA. Ang aklat na ito ay nasa pagtangkilik ng ”Library of Congress” sa Wahington,
DC.

ANG 20-LETRANG ORIHINAL NA ABAKADA

Aa Bb Kk Dd Ee Gg Hh Ii Ll Mm Nn NG ng Oo Pp Rr Ss Tt Uu Ww Yy
Ito ay ginagamit sa mga karaniwang salitang tinanggap o naasimila na sa
bokabularyong o talasalitaan ng wikang pambansa.

ANG BAGONG ALPABETONG FILIPINO

Ayon sa Konstitusyon ng 1987, tatawaging Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas.


Ang wikang Filipino ay salig sa umiial na mga wikain sa Pilipinas. Isang wikang buhay
ang Filipino

-2-

kaya patuloy na inaasimila sa ating talasalitaan ang mga hiram na salitang naging
bahagi na ng ating wika. Ito ang dahilan kung bakit ang bilang at tawag sa mga titik sa
ating bagong alpabeto ay binago. Ito ay ginawa upang makaagapay tayo sa mabilis na
pag-unlad ng ibang wika sa daigdig. Ang ating bagong alpabetong Filipino ay binubuo
ng dalawampu’t walong (28) titik.

1. Ang abakada ay may dalawampung titik na may pagkakasunud-sunod na gay nito:

A B C D E F G H I J K L M N Ň NG O P Q R S T U V W X Y Z

2. Ang idinagdag na walong titik ( C, F, J, Ň, Q, V, X, Z ) ay ginagamit para sa mga

sumusunod.

a. Pantanging pangalan ng tao, hayop, bagay o lunan.


Hal. Carlos Volter Josefa Llanes Escoda Flores de Mayo

El Niňo Zamboanga Mercedes Benz

Jimenez Luzo Blackie Voyager

b. Mga katutubong salita mula sa mga dialekto ng bansa.


Hal. Hadji (lalaking Muslim na nakapaglakbay na sa Mecca)

Vinta (sasakyang pandagat ng mga Muslim)

masjid (pook-simbahan ng mga Muslim)

cañao (katutubong sayaw ng mga Igorot)

hacienda

villa
jihad

c. Mga salitang banyaga na walang katumbas sa Filipino.


Hal. Canvas pizza pie

jazz jogging

quorum scrabble

fastfood chess

visa village

Xerox sandwich

d. Mga salita at simbolong pang-agham at teknikal

Hal. carbon dioxide facsimile

chlorophyll cassette

calcium Fe (simbolo ng iron)

video H2O (simbolo ng tubig)

3. Maliban sa mga nabanggit na tuntunin, ang walong hiram na titik ay maaaring

tumbasan ng

mga titik sa ating alpabeto gaya ng sumusunod:

-3-

c-k,s cinco-singko, cirko-sirko

f-p fiesta-pista, fecha-petsa

j-dy,h,s janitor-dyanitor, juez-hwes, jabon-sabon

n-ny pañolito-panyolito, señora-senyora

q-k maquina-makina, queso-keso

v-b ventana-bintana, volcan-bulkan

x-ks examen-eksamen, boxing-boksing


z-s zapatos-sapatos, zigzag-sigsag

4. Ang pagbabaybay sa Filipino ay patitik at hindi papantig. Samakatuwid, bawat titik ng

salita, daglat, o simbolo ay bibigkasin nang isa-isa sa paraang pa-Ingles maliban sa

titik na ñ.

Ilang Paliwanag ukol sa Titik Ň (enye)

Sa dahilang ang titik Ň (enye) ay titik mula sa kastila, wala ni isa mang salitang

Tagalog (Filipino) na isinama sa diksyunaryong ito na nagsisimula sa naturang titik.

Gayunpaman, may iilang salitang etniko na natagpuan sa Ň (enye) na ginawang

pinakakinatawan ng naturang titik. Nagsama rin ng ilang salita na nagtataglay ng titik

Ň (enye),bagamat ito ay nasa loob ng salita.

Halimbawa:

Caňao - panseremonyang sayaw ng mga Igorot


Piňa (ananas) - isang uri ng prutas

A B C D E F G H I J
/ey/ /bi/ /si / /di/ /i/ /ef/ /dzi/ /eyts/ /ay/ /dzey/

K L M N Ň NG O P Q
/key/ /el/ /em/ /en/ /enye/ /endzi/ /o/ /pi/ /kyu/

R S T U V W X Y Z
/ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/

5. Sa pag-aayos ng mga salita batay sa bagong alpabetong Filipino, lagging tingnan ang

unang titik. Kung may mga salitang magkakatulad ang unang titik, tingnan ang

ikalawang titik. Kung may mga salitang magkakatulad ang ikalawang titik, tingnan ang

ikatlong titik. Ganito ang gawin sa iba pang mga salitang magkakatulad ang titik sa

ikaapat o ikalima.

You might also like