Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

7
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
Donsol Klaster

FILIPINO
Kwarter 1- Bilang 2

Pangalan: _______________________________________________
Baitang at Seksyon: _______________________________________Petsa:
_______________________

Paksa: Pahayag sa pagbibigay ng mga patunay


Batayang Aklat: Panitikang Rehiyonal

I- PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay. F7WG-la-b-1
II- PANIMULANG KONSEPTO
Ang ikalawang kasanayan na ating pag-uusapan ay malimit na ginagamit sa pakikipagtalastasan
at malaki ang maitutulong upang mailabas ang iyong paninindigan at katwiran. Sa gawaing ito,
magagamit mo ng may kawastuhan ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay.
Ang talagang, sadyang, totoong, tunay nga, at iba pang kauri nito ay mga pahayag/salitang
nagbibigay ng patunay. Karaniwang ang mga ito ay sinasamahan ng ebidensiya o batayan.

III- MGA GAWAIN


A. PAGSANAYAN MO
Basahin mo
Si Inang sa Kaniyang Dapithapon
Isinulat ni Ernesto U. Natividad Jr.

“Hello..Hello…” wika ng nasa kabilang linya. Ang nasa kabilang linya ay si Mariel.
Pamangkin ko, anak ng aming panganay. “Kumusta si Lola mo?” ang tanong ko. “Tito,
nahihilo si Lola” ang sabi ni Mariel. “Bakit?” ang tanong ko. “Mataas ang BP (blood
pressure)” ang sagot niya. “Umabot kanina ng 140” dugtong pa niya. “Pinainomn’yo na
ba ng gamot?”, pahabol kong tanong. “Hindi pa po, wala na kasi siyang gamot”, wika

1
ni Mariel. “Dadalhin namin siya sa ospital”, ang sabi niya. “Panginoon”,ang pabulong

kong panalangin, “tulungan mo sana si Inang.” Tunay ngang kakabahan ang sinuman sa
ganitong pagkakataon. Kinabukasan, tinawagan ko si Mariel sapagkat siya ang
naiwang nagbabantay sa ospital, kasama si Jean, ang asawa niya. “Anong lagay ng Lola
mo”, ang tanong ko. “Pangatlong stroke na raw, at baka di raw mawala ang pagkahilo”
malungkot na sagot niya. Naaalala ko pa noong tinawagan niya ako nitong nakaraan.
Ang sabi niya, “kamusta na kayo”, hindi ba kayo uuwi?”, tanong niya. Ang sagot ko’y
hindi pa kami makauuwi dahil maraming dapat tapusin sa trabaho. “Di ako
napagkakatulog,” ang sabi niya. Ang tinig niya ay hindi na gaanong marinig. Mahina na
siya. Halos sampung taon na kasi siyang may sakit. Na-stroke siya noong 2005.
Talagang halos nakahiga na lang sa kama. Kailangang alalayan kapag uupo sa wheel
chair, kapag maliligo at magbabanyo. Ang kapatid kong sumunod sa akin at ang
aming bunso ang kasama niya sa bahay sa probinsiya. “Kailan kayo darating?” ang
tanong ni Inang. “Kapag di ko na kayo marinig? Kung di ko na kayo makikilala?” ang
sabi pa niya. “Tinitiis ko lang ang lungkot kapag naaalala ko kayo. Lumuluha na lang
ako dahil wala naman akong magawa, di na ako makalakad nang mag-isa,” ang
malungkot at humihikbing pahayag ni Inang. Bigla siyang nagpaalam, “Sige at aalis
na ako,” wika niya.” Inang, Inang!”,pahabol kong sigaw. Bigla akong nagising.
Panaginip lang pala. Pero naluha ako.Biglang nalungkot. Bakit nga ba hindi man lang
namin siya nadadalaw nang madalas?Paano na nga namin siya makakausap ngayon
kung halos di na niya kami marinig? Ano pang saysay ng aming pagpunta kung di
na niya kami makikilala? “Diyos namahabagin, bigyan Mo pa ako ng pagkakataong
makausap ang aking ina”. Totoong malulungkot ka nang lubos kapag mangyayari ang
sitwasyong napanaginipan.
Nasa ospital pa rin si Inang. Sadyang nakapanlulumo kapag may sakit ang iyong ina.
Ang panalangin ko sa Maykapal, sana ay bigyan pa siya ng lakas, makapiling pa namin,
maging tanglaw ng aming pamilya kahit siya ay nasa bandang dapithapon na ng
kaniyang buhay.

PAGSASANAY I

2
I- Panuto: Piliin sa pangungusap ang ginamit na pahayag/ salita na nagbibigay
patunay. Isulat sa sagutang papel.
1. Tunay ngang nakababahala ang naganap na pagsabog sa isang
kilalang mall ng bansa.
2. Talagang ang laki ng pagbabago ng kapaligiran sa pagpapalit ng
pinuno ng pamahalaan.
3. Sadyang nakatutuwa ang mga gawaing inihanda ng mag- aaral kahapon.
4. Totoong dapat na ipagmalaki ang kabayanihang ipinakikita ng bawat OFW.
5. Karapat-dapat na paghandaan ang bawat araw na
lumilipassapagkat hindi na ito maibabalik muli.

PAGSASANAY II
Panuto: Isaayos ang mga titik upang makabuo ng angkop na salitang bubuo sa diwa
ng bawat pangungusap.
1. altngaga
Kahit sa panahon ng kahirapan _______________ hindi bibitaw sa pananalig sa Diyos ang
pusong may pananampalataya.
2. dgaaysn
___________ nakakabilib ang pagtulong ng bawat Pinoy sa panahon ng krisis at pandemya na
dinaranas ng bansa.

3. unaty ggnan
___________ ng makapangyarihan ang pag-ibig dahil ito ang nagpapawi ng anumang galit sa
puso.
4. aakratpa dtapa
Laging pinakikinggan ng matuwid na pinuno ang opinyon ng kasamahan dahil __________
lamang na respetuhin nito ang paniniwala ng bawat isa.
5. ipnnatyuana
Tumaas ang paniniwala ng ibang tao sa pangulo dahil ____________ nito ang malasakit sa
mahihirap sa panahon ng pandemya.
PAGSASANAY III
Bumuo ng isang talatang may limang pangungusap na nagpapahayag ng patunay tungkol sa
paniniwala at pag-uugali na nasasalamin mula sa akdang “ Si Inang sa Kanyang Dapithapon”.
Maaaring pumili ng alinman sa paksang naibigay sa ibaba.

3
a. Pagbibigay ng sapat na panahon sa magulang habang malakas at walang karamdaman.
b. Pag-aalaga sa magulang sa kanilang pagtanda.
c. Ang kahalagahan ng tao ay madalas na nakikita kapag ito ay nawala.

B. PAGTATAYA
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan. Sumulat ng dalawa hanggang tatlong
pangungusap na maglalarawan sa mga ito. Gumamit ng mga salita o pahayag na nagbibigay ng
patunay.

4
IV- RUBRIK SA PAGPUPUNTOS
Mga Napakahusay 5 Mahusay 3 Magsanay pa 1 Puntos
Pamantayan

Wastong gamit Nakabuo ng isang Gumamit ng Hindi ginamitan ng


ng mga salitang makabuluhang mga salitang salitang nagbibigay
nagbibigay pangungusap na nagbibigay ng patunay ang
patunay akma sa larawan at patunay subalit isinulat na
wasto ang hindi ito akma sa pangungusap
pagkakagamit ng pangungusap at
mga salitang sa larawan
nagbibigay
patunay
Wastong baybay Nakabuo ng isang May isang salita May dalawa
ng salitang makabuluhang sa pangungusap hanggang apat na
ginamit sa pangungusap na na mali ang salita sa pangungusap
pangungusap akma sa larawan at baybay na mali ang baybay
wasto ang baybay
ng mga salitang
ginamit

Tamang Nakabuo ng isang May isa o Hindi gumamit ng


paggamit ng makabuluhang dalawang bantas bantas sa pagbuo ng
mga bantas pangungusap na na ginamit sa pangungusap
akma sa larawan at pangungusap
wasto ang ngunit mali at di
paggamit ng mga akma sa
bantas pinaglagyan

5
V- SUSI SA PAGWAWASTO

PAGSASANAY
I-
1. Tunay nga
2. Talagang
3. Sadyang
4. Totoong
5. Karapat-dapat
II-
1. Talagang
2. Sadyang
3. Tunay nga
4. Karapat-dapat
5. Pinatunayan
III-
Anumang kasagutan ay maaaring tanggapin ng guro.

PAGTATAYA
Ang mga pangungusap ay tatanggapin at mamarkahan ayon sa naibigay na panuntunan.

VI- SANGGUNIAN
Mula sa Internet
https://www.google.com/amp/s/newsinfo.inquirer.net/12764/doh-208-new-covid-19-
case s-total-ph-cases-now-at-12513/amp

Mula sa Modyul

6
Astillero, Amaliza P. etal., 2020, Modyul sa Filipino 7, Kwarter 1- Modyul 2,
Pahayag na Nagbibigay Patunay, Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Inihanda ni:

MELODY G. TRIÑANES
T-III
Donsol National Comprehensive High School

Tiniyak ang kalidad nina:

MIKIY A. GABARDA
MT-II
Donsol National Comprehensive High School
Donsol East 1

MARLA A. ATAIZA
Head Teacher III
Donsol National Comprehensive High School
Donsol East 1

JOSEPHINE C. EBUENGA, Ed.D.


Principal II
Donsol National Comprehensive High School
Donsol East 1

ARNOLD M. PERALTA, Ed.D.


PSDS
Donsol East 1

7
8

You might also like