Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Niña Paula M.

Bermejo 12 - Genesis (A)

"Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan"


na likha ni Pat Villafuerte.

Ang tulang ito ay isinulat ni G. Pat V. Villafuerte na naglalaman ng kanyang pananaw sa


papel na ginagampanan ng kultura bilang isang pamana na kailanma'y hindi mawawala sa buhay
ng isang tao. Ipaliwanag niya na sa ating bawat paghakbang, mayroon tayong patutunguhan o
mararating. Lahat ng bagay na ating tinatahak, dala-dala natin ang kulturang atin. Anumang
proseso o propesyon ang gagawin, patuloy na mamumukadkad ang mayamang kulturang
ipinamana. Marami mang digmaan, pagod at pawis ang napagdaanan, patuloy na
mamamayagpag sa ating puso't diwa ang kahalagahan at kagandang taglay nito. Ang kulturang
ipinamana ng nakaraan ay siyang bunga ng ating paghakbang.

Sa ikalawang saknong, ito ay naglalaman ng kahalagahan ng kultura bilang biyaya sa


kasalukuyan. Tayo ay sinubok ng panahon, maraming panibagong lahi at pagkakakilanlan ang
umusbong subalit ang kultura ay patuloy na nagtutulay tungo sa ating pagkakaisa. Ipinaliwanag
niya na anumang hamon na ating haharapin sa buhay ay hindi kailanman mabubura sa ating
puso't isipan ang kagandahan ng kulturang ipinamana. Sa simpleng pagsamba't prusisyon, ito ay
kulturang sumasalamin sa pasko't pistang bayan na patuloy nating sinusunod at
isinasakatuparan. Mananataling gabay ang kultura sa ating pagkakaisa at patuloy na uunlad at
uusbong ang kulturang pamana sa kasalukuyan.

Ang huling saknong ay naglalarawan sa kultura bilang buhay ng kinabukasan. Inihabilin ng


may akda na ang kulturang mana ng nakaraan at regalo ng kasalukuyan ay karapat-dapat na
buhayin ng kinabukasan na syang mananatiling repleksyon ng kabutihan at kagandahang taglay
ng kultura. Patuloy na ipamalas ang pagiging magalang sa bata't matanda, babae't may
kapansanan at ipagpatuloy ang nasimulang ugali ng pagbabayanihan at pagtutulungan. Paunlarin
ang kulturang nasimulan upang makilala ang ating lahi sa pagiging magiting, kapuri-puri at
marangal.

You might also like