Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

JUNJE KHARYLLE A.

SEMEON

GRADE12 ST. AGATHA

Isang magandang araw ang sa lahat ng taong naririto sa okasyong ito. Isang
karangalan ang mabigyan ng pagkakataong magsalita sainyong harapan, nawa'y mayroon
kayong mapulot na aral mula sa aking mga salita. Ako po ay si Junje Kharylle A. Semeon, ang
inyong mananalumpati sa araw na ito.

"Tulad ng isang alak, ang pag-ibig ay lalong tumatamis habang ito ay tumatagal." Kayo
ba ay naniniwala sa kasabihang ito? May mga relasyon na umaabot ng 20 taon, ngunit
kalaunan naman ay nagtatapos pa rin. Mayroon namang mga relasyong nagtatagal talaga
hanggang sa kanilang huling hininga. Kaya, totoo ba talaga ang kasabihang ito?

Isipin nating ang wine; sa mas mahabang panahon ng permentasyon nito, mas lalong
sumasarap ang lasa ng inuming ito. Sunod naman, isipin natin ang gatas; sa mas mahabang
panahon ng permentasyon nito, mas umaasim ang lasa—hindi masarap. Pagdating sa
pagmamahal, mayroong katanungan tayong dapat tanungin sa ating mga sarili: Ano ba ang
lasa ng ating relasyon kasama ang isang tao pagdating ng mahabang panahon? Kagaya ba
ng isang wine o ng isang gatas?

Kung kayong dalawa ay nagkakasakitan lamang, iyan ay hindi wine—kung hindi isang
gatas. Kung lumbay at lungkot lamang ang dala ng inyong pagsasama sa pagtagal ng
panahon, iyan ay hindi wine—kung hindi isang gatas. Kung unti-unting nauubos ang iyong
saya sa bawat araw na lumilipas, iyan ay hindi wine—kung hindi isang gatas.

Dito pumapasok ang punto na dapat pumili tayo ng taong totoong minamahal tayo.
Tanggap ang mga imperpekto saiyong pagkatao, yung hindi pinipilit na ikaw ay maging
kumpleto. Kahit pa man ang relasyon natin sa isang tao ay tumagal, kung sila naman ay hindi
tunay na nagmamahal saatin, hindi maganda ang magiging produkto ng pagsasamang iyon.
Hindi tamis, kung hindi asim ang ating malalasahan. At kung ang bunga ng pagsasamang iyon
ay hindi matamis, iisa lamang ang ibig sabihin niyan: ang pag-ibig na iyon ay hindi lubusang
tunay. Totoong pag-ibig lamang ang makakabigay ng matamis na lasa, kagaya ng isang alak
na wine, habang mas tumatagal ang oras o panahon.

Iyon lamang sa ngayon, hiling ko ay sana'y mayroon kayong napulot sainyong munting
mananalumpati. Muli, ako po ay si Junje Kharylle A. Semeon, maraming salamat po.

You might also like