Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9


TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON

Bilang ng Aytem

(Understanding)
Bilang ng Araw

(Remembering)

(Evaluating)
Pag-Unawa

(Analyzing)
Pag susuri
Paglalapat
Kaalaman

Pagbubuo
Pagtataya

(Creating)
(pplying)
MgaKasanayansaPagkatuto
(MELC)

Nailalapat ang kahulugan ng 2 4 1, 2, 3,


demand sa pang araw- 4,
arawnapamumuhay ng
bawatpamilya 2

Nasusuri ang 2 4 5, 6, 7,
mgasaliknanakakaapektosa demand 8,

7. Natatalakay ng konsepto at 4 9, 10,


(6)
saliknanakakaapektosa demand sa 11, 12
pang araw-arawnapamumuhay
Nailalapat ang kahulugan ng 2 4 13,14.
suplaybataysa pang araw- 15,16,
arawnapamumuhay ng
bawatpamilya
2
Nasusuri ang 4 17,18,
mgasaliknanakaaapektosasuplay 2 19, 20,

8. Natatalakay ng konsepto at 4 21, 22,


saliknanakakaapektosasuplaysa 23, 24,
(6)
pang araw-arawnapamumuhay
Naipapaliwanag ang interaksiyon ng 3 7 25, 26,
demand at suplaysakalagayan ng 27, 28,
presyo at ng pamilihan 29, 30,
31
9. Naipapaliwanag ang kahulugan ng 3 7 32, 33,
pamilihan 34, 35,
36, 37,
(6) 38
10. Nasusuri ang ibat-ibangestraktura 3 6 39, 40,
ng pamilihan 41, 42,
43, 44,
(3)
Napangangatwiranan ang 2 4 45, 46,
kinakailangangpakikialam at 47, 48
regulasyon ng
pamahalaansamgagawaingpangkabu
hayansaibat-ibangistraktura ng
pamilihanupangmatugunan ang
pangangailangan ng
mgamamamayan.
1
11. Napahahalagahan ang 2 49, 50
bahagingginagampanan ng
pamahalaansaregulasyon ng (3)
mgagawaingpankabuhayan
KABUUAN 24 50 0 22 10 14 4 0
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

Panuto: Basahingmabuti ang bawatpangungusap at isulat sa sagutang papel ang titik ng


wastongsagot.
1. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng mikroenomiks ay ang konsepto ng demand
na tumutukoy sa galaw ng konsyumer o mamimili. Paano mo maipapakita ang konsepto ng demand?
A. Nagbigay ng diskwento ang tindera ng sapatos kay Ana upang mabili ang sapatos na gusto nya.
B. Naglagay ng panindang siopao si Mang Robert sa may labasan ng kanilang bahay.
C. Humanap ng tindahan na mabibilhan si Ej na sasapat sa kanyang badyet
D. Namili si Aling nena ng paninda sa palengke para sa kanyang tindahan.

2. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailangan at


kagustuhan ng tao. Paano mo masasabi na nagkakaroon ng interaksiyon ang demand sa presyo sa
loob ng pamilihan?
A. Kapag pumili ang mamimili ng 3 tindahan at ikinumpara ang presyo bago bilhin ang produkto.
B. Kapag ang mamimili ay nagpanic-buying sa panahon na may bagyo
C. Kapag ang mamimili ay nagpapalit ng dolyar sa money changer.
D. Kapag ang mamimili ay nagimpok ng pera sa bangko.

3. Lubos ang naging epekto ng Covid 19 sa ating ekonomiya na nagbunsod sa patuloy na pagtaas ng mga
presyo ng bilihin. Sa iyong palagay, paano magagawan ng paraan na makatulong ang bawat
mamamayan sa gobyerno sa suliraning ito?
A. Labanan ang korapsyon sa gobyerno
B. Maglaan ng pondo ang gobyerno para sa mahihirap
C. Mangibang bansa na lamang upang mas kumita ng malaki
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan at iwasan ang malabis na paggasta

4. Ayon sa batas ng demand, paano mo ipapakita ang tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga
konsyumer?
A. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
B. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
C. Habang tumataas ng presyo, tumataas ag demand ng mg konsyumer.
D. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded ng mga konsyumer.

5. Ang pagtaas ng demand tuwing may sale sa mga mall ay may ibayong pagbabago sa galaw ng demand
at presyo sa pamilihan. Anong kaisipan ang nagpapaliwanag sa salik ng pagbabagong ito ng demand
sa pamilihan?
A. Pagtaas ng kita ng isang tao C. Panlasa ng mga mamimili
B. Presyo ng kaugnay na produkto D. Pagdami ng produkto
6. Dahil sa inaaasahang kalamidad tulad ng bagyo ay marami sa mga tao ang naghahanda kaagad ng
mga pagkain at iba pang pangangailangan. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang inaasahang
mangyayari ng bawat mamimili sa panahon ng kalamidad bakit kinakailangang maghanda?
A. Inaasahan na dadagsa ang mga mamimili sa pamilihan kaya magaling na ang bumili kaagad.
B. Inaasahan ng mga mamimili na masisira ang mga pangunahing daan patungo sa pamilihan.
C. Inaaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng mga bilihin.
D. Inaasahang magkakaubusan ng mga bilihin sa pamilihan.

7. Naging patok kay Lea ang pagbili sa mga online shops dahil makikita dito ang mga samut-saring mga
produktong pampaganda na paborito niyang gamitin. Ano ang naging batayan ni Lea upang
tangkilikin ang mga beauty products online?
A. magaganda at marami pa ang variety ng beauty products online.
B. malaki ang kinikita sa online business.
C. madali ang pagbili online
D. mas mura sa online selling.
8. Ang presyo ng magkaugnay na produkto ay isang salik na nakakaapekto sa demand. Bakit maaring
bumaba ang demand sa tinapay kapag tumaas ang presyo ng harina?
A. Dahil ang harina ang nagpapasarap sa pandesal.
B. Dahil ang harina at asukal ay magkatunggaling produkto.
C. Dahil ang harina ang siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.
D. Dahil limitado ang produksiyon ng tinapay kapag mataas ang presyo ng harina.

9. Ang price elastic demand ay may coefficient na mahigit sa isa. Ibig sabihin, mas malaki ang bahagdan
ng pagtugon ng quantity demanded kaysa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Ano ang ipinahihiwatig
nito?
I. Halos walang malapit na substitute sa isang produkto
II. Maaring marami ang substitute sa isang produkto
III. Ang produkto ay pangunahing pangangailangan.
IV. ang mga produkto ay hindi pinaglalaanan ng malaki sa badyet sapagkat hindi naman ito
masyadong kailangan.

A. I at II B. I at III C. II at IV D. II at III

10. Si Julio ay nakagawian ng bumili ng hamburger tuwing recess. Nang minsang tumaas ng tatlong piso
ang paborito niyang burger ay hindi na muna siya bumili at sa halip ay naghanap siya ng ibang
mabibili sa canteen. Ano ang ipinahihiwatig nito sa konsepto ng demand?
A. Ang quantity demanded sa hamburger ay hindi elastiko sapagkat si Julio ay tumugon ng malaki
sa pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa hamburger.
B. Ang quantity demanded sa hamburger ay elastiko sapagkat si Julio ay tumugon ng malaki sa
pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa hamburger.
C. Ang quantity demanded sa hamburger ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na quantity
demanded sa hamburger ay kasing dami ng quantity demanded sa pamalit na merienda ni
Julio.
D. Ang quantity demanded sa hamburger ay ganap na hindi-elastiko dahil hindi makakatagal si
Julio na hindi kumain ng hamburger sa loob ng isang lingo.

Talahanayan 1.1.
Panuto: Tunghayan ang talahanayan para sa katanungan 11-12.

Demand Presyo Suplay


2 90 25
4 80 20
6 70 15
8 60 10
10 50 5

11. Batay sa talahanayan, Ano ang angkop na kaisipan tungkol sa galaw ng demand at suplay?
A. Mas mababa ang demand kapag ang produkto ay may mataas na suplay.
B. Nagbabago ang galaw ng demand kapag tumataas ang suplay
C. May malaking epekto ang presyo sa pagbabago ng galaw ng demand
D. Mas mataas ang suplay kapag mababa ang presyo

12. Ayon sa talahanayan, sa bawat Php50 na presyo ng produkto ay mayroong 5 produkto na handang
ipagbili samanatalang sa pagtaas ng presyo sa Php 60 ay mayroon namang 10 produkto na handing
ipagbili. Ano naman ang mahihinuha mo sa galaw ng demand at presyo?
A. Sa pagbaba ng presyo sa pamilihan, ay tumataas ang demand sa produkto
B. Sa pagtaas ng presyo ay pagbaba ng galaw ng kurba ng suplay
C. Ang suplay ay may direktang epekto sa pagbabago ng demand
D. Sa pagbaba ng demand ay nananatiling walang galaw ang kurba ng suplay

13. Ang pagtaas ng presyo ng karne sa palengke ay nagudyok kay Nelia na lalo pang paramihin ang
produksiyon ng baboy sa pamilihan. Kung ikaw si Nelia, paano ka mas magkakaroon ng pagkakataon
na kumita?
A. Kapag panahon ng may okasyon at malaki ang demand ng karne sa pamilihan
B. Kapag mababa ang presyo ng karne at kulang ang suplay sa pamilihan
C. Kapag may kalamidad at nasalanta ang mga alagang hayop
D. Kapag may price freeze ang gobyerno sa tuwing may kakulangan sa suplay ng karne

14. Ang isang prodyuser ay lumilikha ng mga produkto at nagkakaloob ng serbisyo upang kumita.
Karaniwan din na kapag tumataas ang presyo ay mas lalong dumarami ang produkto na handang
ipagbili sa pamilihan. Paano mo maiuugnay ang konsepto ng suplay sa pahayag na ito?
A. Kapag mataas ang presyo ng sibuyas at kakaunti ang nagtitinda nito
B. Kapag malaki ang demand ng hamon at spaghetti sa panahon ng kapaskuhan
C. Kapag kulang ang suplay ng bigas dahil sa kalamidad, tataas ang presyo nito sa pamilihan
D. Kapag madaming sale na damit at sapatos sa mga mall

15. Sa nakaraang bagyong Jolina, isa sa mga nasalantang lugar sa Pilipinas ay ang CAR region, kung
saan dito matatagpuan ang lalawigan ng Baguio at Benguet na siyang pangunahing tagapagsuplay ng
sariwang gulay at strawberries sa bansa. Sa iyong palagay, paano makakaapekto ang suplay ng gulay
at strawberries sa pamilihan dahil sa kalamidad?
A. Ang suplay ng gulay at strawberries ay dadami matapos ang kalamidad
B. Ang suplay ng gulay at strawberries ay bababa matapos ang kalamidad
C. Ang presyo ng gulay at strawberries ay magmumura
D. Ang presyo ng gulay at strawberries ay hindi magbabago

16. Inaasahaang tataas ang demandng bibili ng bulaklak para sa pagdiriwang ng araw ng mga puso. Ano
sa tingin mo ang mangyayari sa suplay ng bulaklak pagsapit ng buwan ng Pebrero?
A. Bababa ang suplay dahil inaasahan lamang at hindi tiyak na bibili ang tao.
B. Tataas ang suplay sa buwan ng Pebrero dahil sa inaasahang pagdami ng bibili nito.
C. Mananatili ang dami ng suplay dahil pansamantala lamang ang pagtaas ng kita ng mga tao.
D. Walang pagbabago sa suplay dahil karaniwan lang naman na tumataas ang kita ng mga tao.

17. Alin sa mga sumusunod na salik sa suplay ang nagbubunsod sa mga magtitinda na magtago ng
produkto upang itaas ang presyo nito sa hinaharap?
A. Ekspektasyon sa presyo
B. Pagbabago ng teknolohiya
C. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
D. Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksiyon

18. Dahil sa mataas ang demand ng malunggay pandesal sa pamilihan, nahikayat sa Victor Magtanggol
na gumawa ng maraming suplay ngtinapay. Sa nabanggit na sitwasyon, ano ang posibleng maging
galaw ng kurba ng suplay?
A. Pakanan B. Pakaliwa C. walang pagbabago D. Wala sa nabanggit

19. Si Mang Angelo ay may puhunang limang libong piso para sa paggawa ng puto. Dahil sa pagtaas ng
mga presyo ng mga sangkap sa paggawa nito, mula sa puhunang tatlong piso bawat isang puto ay
itinaas niya ito sa 4 piso bawat isa. Ano ang mahihinuha mo sa mangyayari sa suplay ng puto ni Mang
Angelo?
A. Walang pagbabago sa suplay ng puto na maaring ibenta ni Mang Teodoro.
B. Bababa ang suplay ng puto na maaring ibenta ni Mang Teodoro.
C. Tataas ang suplay ng puto na maaring ibenta ni Mang Teodoro.
D. Hindi na magtitinda ng puto si Mang Teodoro.

20. Ang pagbabago sa salik ng suplay ay may epekto sa kahihinatnan ng isang negosyo. Alin sa mga
sumusunod na sitwasyon ang dapat maging tugon ng isang prodyuser kung sakaling may mga sakuna
o kalamidad na naranasan sa isang pamayanan?
A. Iwasan ang pagsasamantala sa panahon ng kagipitan upang maiwasan ang paglala ng
sitwasyon
B. Humingi ng payo sa mga eksperto upang maging matatag ang negosyo.
C. Maging efficient sa paggamit ng mga salik ng produksiyon.
D. Maging handa sa anumang balakid sa negosyo.

21. Ang pagbabago sa salik ng supply ay may epekto sa kahihinatnan ng negosyo. Ano ang posibleng
magiging tugon ng isang prodyuser kung sakaling may mga sakuna o kalamidad na naranasan sa
isang pamayanan?
A. Iwasan ang pagsasamantala sa panahon ng kagipitan upang maiwasan ang paglala ng
sitwasyon
B. Humingi ng payo sa mga eksperto upang maging matatag ang negosyo.
C. Maging efficient sa paggamit ng mga salik ng produksiyon.
D. Maging handa sa anumang balakid sa negosyo.

22. Malaki ang epekto ng pagbabagosapresyo ng mga produkto sa dami ng naisusuplay ng prodyuser.
Kaugnay nito, mahalaga na ang bawat negosyante ay may tamang hakbang sa pagtugon sa nagiging
pagbabago ng presyo upang makamit ang ninanais nakita. Ano ang mahihinuha mula sa pahayag?
A. nagpapakita ng elastic na suplay C. naglalarawan ukol sa batas ng Suplay
B. tumutugon sa price elasticity ng suplay D. halimbawa ng inelastic na suplay

23. Sa bawat isang bahagdan ng pagtaas ng presyo, may mga sitwasyon na mas malaki sa isangbahagdan
ng quantity demanded. Paano ito nakaaapekto sa isang prodyuser?
A. Hindi gaanong nakatutugon ang mga prodyuser sa pagbabago sapamilihan ng produktong
kanilang ibenebenta.
B. Mas madaling nakatutugon ang mga prodyuser na magbago ang quantity supplied sa maikling
panahon.
C. Mangangailangan ng matagal na panahon ang isang prodyuser bago makatugon sa pagbabago
ng presyo.
D. Sa pagbabago ng presyo, madaling nakatutugon ang mga prodyuser.

24. Kapag mataas ang presyo ng isang paninda, mabilis na nakagagawa ng produkto ang mga prodyuser o
negosyante. Ibig sabihin,mabilis din silang nakatutugon na mabago ang dami ng suplay sa
pamilihan.Ano ang mahihinuha sa ganitong sitwasyon?
A. Kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa bahagdan ng
pagbabago ng presyo.
B. Kapag parehas ang bahagdan pagbabago ng presyo sabahagdan ng pagbabago ng quantity
supply.
C. Kapag mas malaki ang nagiging bahagdan ng pagbabagong quantity supplied kaysa bahagdan
ng pagbabago ng presyo.
D. Kapag hindi tumugon ang prodyuser sa pagbabago ng presyo.

25. Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na zero, ibig sabihin walang nagaganap na
pagtugon ang quantity demanded kahit pa tumaas ang presyo, ano ang ipinahihiwatig nito?

A. May mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito
makabibili pa rin tayo ng alternatibo para ditto.
B. Kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan
maari ipagpaliban muna ang pagbili nito.
C. May mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong
pamalit.
D. May mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin.

26. Ang pagbabago sa galaw ng demand at suplay ng produkto ay may direktang epekto sa pagbabago ng
presyo sa pamilihan. Ano ang konklusyong mabubuo mula rito?
A. Kapag tumaas ang presyo, nananatili ang dami ng supply ng produkto at serbisyo.
B. Kapag tumaas ang presyo, kakaunti ang supply ng produkto o serbisyong handa at kayang
ibenta.
C. Kapag tumaas ang presyo, dadami rin ang supply ng produkto o serbisyong handa at kayang
ipagbili.
D. Ang pagtaas ng presyo ay walang epekto sa dami ng supply ng produkto at serbisyo.

27. Maraming negosyante ng mga processed foods ang nabahala sa balita ukol sa Foot &Mouth Disease
(FMD)sa mga alagang baboy? Paano ito makakaapekto sa produksyon ng pinoprosesong pagkain tulad
ng ham, tocino at longganisa?
A. Dadami ang suplay ng mga nabanggit na pinoprosesong pagkain.
B. Bababa ang suplay ng mganasabing processed foods.
C. Walangpagbabagosadami ng suplay.
D. Hindi maglalabas ogagawa ng produkto ang mganegosyante.

28. Ano sa mga salik ang naglalarawan sa paglaganap ng paggamit ng makabagong teknolohiya na
napakahalaga upang mapabilis o mapadali ang paggawa at pagproseso ng mga produkto at serbisyo?
A. Pagbabagosahalaga ng salik ng produksyon
B. Pagbabagosateknolohiya
C. Pagbabagosadami ng nagtitinda
D. Pagkakaroon ng kalamidad

Talahanayan 1.2
Panuto: Tunghayan ang talahanayan para sakatanungan29-32.
Dami ng Demand at Supply ng Facemask
PUNTO PRESYO DEMAND SUPLAY
A 10 500 100
B 20 400 200
C 30 300 300
D 40 200 400
E 50 100 500

29. Batay sa talahanayan, paano tumutugon ang Punto C sadami ng demand at supply?
A. Sa presyong Php 30 o punto C ang Qd at Qs ay pantay lamang
B. Sa punto C, mababa ang Qd kaysa Qs
C. Sa puntongito, lugi ang mganegosyante
D. Sa punto C walangproduktongmabibili

30. Ano ang ipinahihiwatignapagbabagosaugnayan ng Qd at Qs sapresyong Php 50?


A. Mataas ang quantity demanded sa quantity supplied
B. Pantay lamang ang Quantity demanded sa quantity supplied
C. Mas mababa ang quantity demanded kaysa quantity supplied
D. Mas tataas pa ang quantity supplied kaysa quantity demanded

31. Batay sa talahanayan sa itaas, ano ang pagkakaiba ng suplay at demand ayon sa dami ng facemask at
presyo nito.
A. Pagtaas ng presyo ng facemask, pagtaas ng demand samantalang pagbaba ng presyo ay
pagtaas ng suplay.
B. Pagbaba ng presyo ng facemask, pagbaba ng demand samantalang pagtaas ng presyo ay
pagbaba din ng suplay.
C. Pagbaba ng presyo ng facemask, pagtaas ng demand samantalang pagbaba ng suplay.
D. Pagbaba ng presyo ng facemask, pagtaas ng suplay at demand.

32. Batay sa talahanayan, paano naging magkaugnay ang Punto C ayon sa bilang ng demand at suplay?
A. Ang Punto C ay may 500 na dami ng demand at suplay.
B. Ang Punto C ay may 300 na dami ng demand at suplay
C. Ang Punto C ay may presyong Php 20
D. Ang Punto C ay may presyong Php 30

33. Ang pamilihan ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Alin sa sumusunod
ang nagpapaliwanag ng katangian ng pamilihan?
A. Ang pamilihan ay isang lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami
niyang pangangailanagan at kagustuhan sa pamamagitan gn mga produkto at serbisyo na nais
ikonsumo.
B. Ang pamilihan ang nagtatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at gaano ito
karami.
C. Ang pamilihan ang nagsasaayos ng ugnayan ng konsyumer at prodyuser.
D. Lahat ng nabanggit.

34. Ang pamilihang may ganap na kumpetisyon ay kinikilala bilang modelo o ideal. Ano–ano ang
katangian ng pamilihang ito sang-ayon kina Paul Krugman at Robin Wells?
A. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser. C. Magkakatulad ang produkto.
B. Malaya ng impormasyon ukol sa pamilihan D. Lahat ng nabanggit.

35. Ang kompetisyon sa pamilihan ay nahahati sa dalawang estruktura- ang pamilihang may ganap at
pamilihang may di-ganap. Bakit nagkakaroon ng kompetisyon sa isang pamilihan?
A. Upang pataasin ang presyo.
B. Upang makilala ang produkto.
C. Upang pagbutihin ang kalidad ng produkto.
D. Upang maglaban ang mga negosyante sa presyo.

36. Bakit kailangang sukatin ang pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo sa pamilihan?
A. Upang malaman ang tutubuin ng negosyante.
B. Upang malaman kung de-kalidad ang produkto.
C. Upang malaman kung ilan ang mababawas sa gagawing produkto.
D. Upang malaman kung anong produkto ang hindi kailangan.

37. Paano mo masasabing may krisis sa suplay ng bigas sa pamilihan?


A. Dahil sa pagtaas ng presyo. C. Dahil sa kakulangan ng pondo sa agrikultura.
B. Dahil sa sunod-sunod na kalamidad. D. Dahil sa hoarding ng bigas sa mga kartel.

38. Ang tindera at prodyuser sa pamilihan ay nagnanais na magtamo ng tubo kaya ang presyo ng
produkto ay tumataas. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng gawaing ito?
A. Mataas na gastos sa produksiyon.
B. Kakulangan ng supply ng produkto.
C. Kagustuhan ng tindera at prodyuser na lumaki ang kita.
D. Paghingi ng dagdag na sahod ng mga manggagawa.

39. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng pamilihang may hindi ganap na kompetisyon?
A. Ito ay may malayang pagpasok at paglabas sa industriya.
B. Ito ay may malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon.
C. Ang mga prodyuser ay may kapangyarihang impluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
D. Hindi kontrolado ng mga prodyuser ang mga magtitinda ng magkakaparehas na produkto.

40. Kung iyong susuriin ang dalawang dayagram ng estruktura ng pamilihan sa ibaba, alin sa dalawang
ito ang may kakayahan na itakda ang presyo?

MONOPSONYO
MONOPOLYO

Kailangan ng Iisa ang


Iisa ang Kayang
produkto at mamimili
prodyuser hadlangan
serbisyo
ang kalaban

Walang ibang maaring


Walang pamalit na bumili ng produkto at
produkto at serbisyo
A. Monopolyo, sapagkat walang pamalit na mga produkto
serbisyo
B. Monopsonyo, sapagkat iisa lamang ang konsyumer
C. Pareho lamang sapagkat ang mga katangian ng dalawang estrukturang ito ay kabilang sa hindi
ganap na kompetisyon
D. Wala ni isa man sa dalawang anyo ng pamilihan at serbisyo sapagkat ang pabili naman ng
produkto at serbisyo ay nasa desisyon pa rin konsyumer.

41. Ang monopolistikong kompetisyon ay nabibilang sa pamilhang may ganap na kompetisyon. Alin sa
mga sumusunod ang katangian nito?
I. Ang mga produktong ipinagbibili ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong magkakahawig.
II. Maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng produkto, subalit marami rin ang konsyumer.
III. May sabwatan ang mga negosyante.
IV. Magkakatulad ang produkto.

A. I at III B. II at III C. I at II D. III, IV

42. Ang monopolyo ay isang uri ng pamilihan na iisa lamang prodyuser ang gumagawa ng produkto o
nagbibigay serbisyo. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng monopsonyo?
A. Ito ay may kakayahang hadlangan ang mga kalaban sa pamilihan.
B. Ito ay mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo.
C. Ito ay may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakaugnay na produkto
D. Ito ay maraming kalahok na prodyuser na nagbebeta ng produkto sa pamilihan at maraming konsyumer .

43. Alin sa mga sumusunod na produkto ang nabibilang sa pamilihang oligopolyo?


A. semento, bakal, ginto, petrolyo C. toothpaste, pabango, fabric conditioner
B. tubig, tren at kompanya ng kuryente D. serbisyo mula sa munisipyo at lalawigan

44. Kung ang toothpaste at sabon ay nabibilang sa mga produkto sa ilalim ng monopolistikong
kompetisyon, alin naman ang kabilang sa monopsonyo?
A. bakal B. ginto C. petrolyo D. Serbisyo ng pamahalaan

45. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng pagkontrol sa presyo ng mga bilihin sa merkado o pamilihang
bayan?
A. Dahil sa biglaang pagtaas ng mga sangkap sa ginagawang produkto.
B. Dahil sa pagbabago ng mga salik produksyon.
C. Dahil sa iba’t ibang kalamidad.
D. Lahat ng nabanggit

46. Ano ang pinakamahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa pamilihan?


A. Magkontrol ng presyo ng mga produkto
B. Magtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin
C. Magpataw ng buwis sa lahat ng produktong petrolyo
D. Subaybayan ang mga negosyante nang-aabuso sa mga konsyumer at pangalagaan ang
karapatan ng mga mamimili.

47. Bakit dapat mangialam ang pamahalaan sa pagbibigay ng Suggested Retail Price (SRP) sa pamilihan?
A. para maiiwasan ang pang-aabuso sa tao.
B. Para may pagkakataong hindi nasusunod ang SRP.
C. Para magiging mataas ang presyo ng mga produkto.
D. Para hindi matulungan ang mahihirap na mamamayan.

48. Ang pagpapatupad ng price control ay isa mga tungkuling ginagawa ng pamahalan sa iba’t ibang
pamilihan. Ano ang maaaring magiging bunga ng pagpapairal ng price control ng pamahalaan?
A. magkukulang ang produkto. C. magpa-panic buying ang mga tao
B. magsasara ang mga negosyo. D. magkakaroon ng espekulasyon ang tao.

49. Kung ikaw ang Pangulo ng bansang Pilipinas, papayagan mo bang mag-angkat ng mga produktong
agrikultural tulad ng bigas at sibuyas ang mga negosyanteng Pilipino?
A. Opo, dahil sa kakulangan at kakapusan ng mga nasabing produkto.
B. Hindi po, dahil sapat naman ang suplay ng bigas at sibuyas.
C. Opo, dahil mas mura ang importasyon ng bigas at sibuyas.
D. Hindi po, dahil hindi ito ang sagot upang matugunan ang pangangailangan sa bigas at
sibuyas.

50. Alinsunod sa itinatadhana ng Artikulo II Seksiyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, pangunahing


tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Bakit kinakailangan ang
pakikialam o panghihimasok ng pamahalaan sa takbo ng pamilihan?
A. Dahil sa pagkakaroon ng monopolyo na nagdudulot ng pagkawala ng kumpetisyon
B. Dahil ang pamilihan ay nakakaranas ng pagkabigo o market failure.
C. Dahil sa paglaganap ng externalitiestulad ng polusyon
D. Lahat ng nabanggit

SUSI SA PAGWAWASTO
G9 IKALAWANG MARKAHAN
1. D
2. C
3. C
4. C
5. A
6. D
7. A
8. C
9. C
10. B
11. A
12. C
13. A
14. B
15. B
16. B
17. B
18. A
19. C
20. A
21. A
22. B
23. A
24. C
25. A
26. C
27. B
28. B
29. A
30. C
31. C
32. B
33. D
34. D
35. D
36. C
37. D
38. B
39. C
40. C
41. C
42. A
43. A
44. A
45. D
46. D
47. A
48. A
49. D
50. D

You might also like