Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Tomas Oppus
Tinago Elementary School
S.Y.2020-2021
First Quarter Lesson in Araling-Panlipunan 6

Name:____________________________________ Teacher: Vimael F. Sala Score:____


MELC 3:Nasusuri ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa Panahaon ng Himagsikang Pilipino
 Sigaw sa Pugad-Lawin
 Tejeros Convention
 Kasunduan sa Biak-na -Bato
Aralin 3: Mga dahilan at pangyayaring naganap sa Siagw ng Pugad-Lawin,Tejeros Convention at
Kasunduan sa Biak-na- Bato
Code :
Duration: Week 3-Day 1-5

Unang Sigaw sa Pugadlawin

Ang Unang Sigaw sa Pugad Lawin ay isang natatatanging pangyayari sa kasaysayan ng


Pilipinas na binubuo ng mahigit limandaang Katipunero na sabay-sabay na pinunit ang kani-
kanilang sedula bilang pagpapatunay ng kanilang tuluyang pagtiwalag sa pamumuno ng mga
Espanyol sa Pilipinas. Ito ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio,
ang Supremo ng Katipunan.
Noong Hulyo 5, 1896 nang matuklasan ng pamahalaang Espanya ang samahang
Katipunan. Isang liham ang ipinadala ni Tenyente Manuel Sityar, isang opisyal ng Pasig, sa
Gobernador Sibil ng Maynila upang ipaabot ang kaniyang kaalaman sa samahang kubling
binubuo sa kabisera. Ayon sa kaniyang balita, ang samahan ay buong-tapang na nagsisiwalat ng
mga kamalian ng pamahalaan at ang puwersa nito ay umabot na maging sa kalapit na sakop ng
Maynila gaya ng Mandaluyong at San Juan. Ayon rin kay Sityar, may nalikom na laang-salapi ang
samahan na sapat upang matustusan ang mga kasapi ng mga armas na kanilang gagamitin sa
napipintong pag-aaklas nila.
Dahil sa pagkatuklas ng Katipunan, pinasabihan ni Andres Bonifacio ang iba't iba pang
pinuno ng samahan na isang pagtitipon ang kanilang pasisinayaan sa Balintawak at dito ay pag-
uusapan kung ano ang pinakamainam na hakbangin na kanilang gagawin. Noong Agosto 19,
kasama ang kapatid na si Procopio, at ilang kasapi gaya nina Emilio Jacinto, Teodoro Plata at
Aguedo del Rosario, ay tumulak si Andres Bonifacio sa Balintawak at sinapit ito dakong
madaling-araw. Nang sumunod na araw naman ay natunton ito ng grupo ni Pio Valenzuela.
Kinabukasan muli ay binago ni Bonifacio ang kodigo ng Katipunan matapos mapag-alamang
nababatid na ito ng mga Espanyol. Matapos magtipon ang may limandaang Katipunero, ay
binagtas nila ang Kangkong, Kalookan at dito ay pinaunlakan silang patuluyin at pakainin ni
Apolonio Samson. Hapon ng Agosto 22 ay tinungo naman nila ang Pugadlawin.
Agosto 23, 1896 nang marating nila ang tahanan ni Juan A. Ramos, anak ng kinikilalang
“I
na ng Katipunan” na si Melchora Aquino. Sa kabila ng pilit pagtanggi ng kaniyang bayaw na si
Teodoro Plata ay sumang-ayon naman ang lahat na simulan na ang pakikipaglaban. Sa utos ni
Bonifacio, sabay-sabay inilabas ng mga Katipunero ang kanilang sedula at pinunit ito ng buong
pagmamalaki at katapangan. Dito napagkasunduan na ang unang yugto ng himagsikan ay
gaganapin sa Agosto 29, kabibilangan ng lahat ng kasapi ng Katipunan.
Gawain 1: “Pagpapaliwanag”

Direksyon: Ibigay ang paliwanag sa sumusunod na tanong.

Bakit nagkaroon ng Sigaw sa Pugadlawin?


Rubrics para sa Pagmamarka
Puntos Antas ng Pagkakagawa
5 Nakagawa ng pagpapaliwanag, may maayos na paksa at malinis ang
pagkakasulat
4 Nakagawa ng pagpapaliwanag, may kailangang ayusin sa
pagkakasulat ng paksa at malinis ang gawa.
3 Nakasulat ng pagpapaliwanag ngunit kailangang ayusin ang paksa at
linisin ang pagkakasulat
2-1 Nakasulat ng pagpapaliwanag ngunit kailangan ang ibayong pag-
aayos.

Sagot: __________________________________________________

_______________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________.
Gawain 2: Pagpipili
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Kailan nangyari ang Sigaw sa Pugad Lawin?


A. Agosto 19, 1896
B. Agosto 22, 1896
C. Agosto 23, 1896
D. Agosto 29, 1896

2. Ano ang sabay-sabay na isinigaw ng mga Katipunero pagkatapos nilang punitin ang
kanilang sedula?
A. Mabuhay ang Pilipinas!
B. Mabuhay Tayong Lahat!
C. Para sa Pagbabago!
D. Para sa Kalayaan!

3. Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang


Cavite, Laguna, Maynila, Bulakan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at:
A.Romblon
B.Quezon
C. Batangas
D. Mindoro Oriental

4 . Hiningan ni Andres Bonifacio ng payo kung dapat ituloy ang himagsikan:


A. Jose Rizal
B. Emilio Aguinaldo
C. Pio Valenzuela
D. Emilio Jacinto

5.Nagdesisyon ang mga katipunero na ituloy ang himagsikan sa kabila


ng maraming kakulangan nila nang __________________>
A. mabulgar ang samahang ito
B. matantong wala silang magagawa
C. matuklasang mananalo sila sa laban
D. magbigay ng suporta ang ibang lalawigan
Pangwakas na Pagsubok
Batay sa mga impormasyong tinalakay natin sa araling ito, ano ba ang
kahalagahan ng mga pangyayari sa Sigaw sa Pugad Lawin para sa ating mga Pilipino sa
kasalukuyang panahon?

__________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Rubrics para sa Pagmamarka


Puntos Antas ng Pagkakagawa
5 Nakagawa ng pagpapaliwanag, may maayos na talata at malinis ang
pagkakasulat
4 Nakagawa ng pagpapaliwanag, may kailangang ayusin sa
pagkakasulat ng talataat malinis ang gawa.
3 Nakasulat ng pagpapaliwanag ngunit kailangang ayusin ang talata at
linisin ang pagkakasulat
2-1 Nakasulat ng pagpapaliwanag ngunit kailangan ang ibayong pag-
aayos.
Susi ng Pagkatuto
Tejeros Convention
Ang Pagkalansag ng Katipunan Nagkaroon ng dalawang pangkat ang Katipunan
sa Cavite – ang Konseho Magdalo na nasa pamumuno ni Baldomero Aguinaldo,
pinsan ni Emilio Aguinaldo; at ang Konseho Magdiwang, sa ilalim ng pamumuno ni
Mariano Alvarez na tiyo ni Andres Bonifacio. Nagkaroon ng hindi
pagkakaunawaan at pagkakaisa ang dalawang pangkat. Ito ay nakapinsala sa
ikapagtatagumpay ng layunin ng himagsikan. Iminungkahi ng mga taga-Magdalo
na palitan na ng pamahalaang rebolusyonaryo ang Katipunan. Tumanggi ang
pangkat ng Magdiwang. Nagkaroon ng halalan sa Tejeros para sa bagong
pamunuan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo. Nahalal na pangulo si Emilio
Aguinaldo at Direktor ng mga Suliraning Panloob (Director of Interior Affairs) si
Andres Bonifacio. Tinutulan ng ilang kasapi ng Magdalo ang tungkuling ibinigay
kay Bonifacio. Ang dapat daw humawak nito ay isang abogado ayon kay Daniel
Tirona.

Nagdamdam si Bonifacio at iginiit niya na bilang tagapagtatag ng Katipunan, siya


at walang iba ang dapat maging pangulo. Iniwanan niya ang pulong na iyon at
nagbalak na bumuo ulit ng panibagong pangkat ng manghihimagsik. Subalit siya
ay pinaaresto ni Aguinaldo at nilitis sa salang kataksilan at sedisyon laban sa
pamahalaan. Noong Mayo 10, 1897, doon sa paanan ng Bundok Buntis sa bayan
ng Maragondon, Cavite, ay magkasamang binaril ang magkapatid na Andres at
Procopio sa kamay ng mga sundalo ng Magdalo na pinamunuan ni Koronel Lazaro
Macapagal. (Source: Araling Panlipunan 6, Teachers Guide, pahina 48 – 49)

KARAGDAGANG IMPORMASYON: Sa gitna ng paghihimagsik ng mga Pilipino, may


nabuo namang alitan sa pagitan ng mga namuno rito, pangunahin na sa pagitan
ng mga pangkat nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Noong Marso 22,
1897, ipinahayag ang pagkakatatag ng rebolusyonaryong pamahalaan sa pulong
ng mga rebolusyonaryo sa Tejeros, San Francisco de Malabon, sa Cavite. Ang
pamahalaang rebolusyonaryong ito ang pumalit sa Katipunan sa pagtataguyod ng
himagsikan. Nahalal bilang Pangulo ng Republika si Emilio Aguinaldo. Ang iba pang
nahalal na mga opisyal nito ay sina Mariano Trias bilang pangalawang pangulo;
Artemio Ricarte, kapitan-heneral; Emilio Riego de Dios, direktor ng digma; at
Andres Bonifacio, direktor ng interyor. Tumutol sa pagkahalal ni Bonifacio si
Daniel Tirona. Ayon kay Tirona, kailangang abogado ang mahalal bilang direktor
ng interyor. Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Tirona, lalo pa't
napagkasunduan sa una pa lamang na gagalangin ng lahat ang resulta sa halalan.
Dahil dito, idineklara niyang walang bisa ang resulta ng halalang iyon.
Kinabukasan matapos ang insidenteng ito, ipinalabas ni Bonifacio ang Acta de
Tejeros kung saan inisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit pinawalang-bisa niya
ang resulta ng halalan. Mula sa Naic, Cavite, ipinalabas niya ang ikalawang
dokumento kung saan ipinahayag ang pagtatatag ng isa pang rebolusyonaryong
pamahalaan na hiwalay at kaiba sa naitatag sa Tejeros. Nalaman ni Aguinaldo ang
ginawa ni Bonifacio. Sa pangambang magiging mabigat ang epekto nito sa
pagtataguyod ng himagsikan, nagpadala siya ng delegasyon upang himukin si
Bonifacio na makipagtulungan sa bagong tatag na Republika. Subalit tahasan
itong tinanggihan ni Bonifacio. Dahil dito. kinasuhan siyang taksil at isang
malaking panganib sa interes ng rebolusyonaryong pamahalaan ni Aguinaldo.
Iniutos ni Aguinaldo na dakpin si Bonifacio. Dinakip siya ng mga tauhan ni
Aguinaldo, sa pangunguna ni Agapito Bonzon, sa Barrio Limbon, Indang, Cavite
noong Abril 28, 1897. Isinailalim sa paglilitis si Andres Bonifacio, kasama ang
kanyang kapatid na si Procopio. Noong Mayo 6, 1897, hinatulan ang magkapatid
ng parusang kamatayan sa salang sedisyon at pagtataksil bagama't walang
matibay na ebidensya laban sa kanila. Noong Mayo 10, 1897, iginawad ang
parusang ito sa magkapatid na Bonifacio sa Maragondon, Cavite. Samantala,
nagpalipat-lipat si Aguinaldo ng lugar matapos na matalo sa mga labanan sa mga
bayan ng Cavite tulad ng Mendez, Nuñez, Alfonso, Maragondon, Bailen, at
Magallanes. Nakarating siya sa Biak-na-Bato sa San Miguel de Mayumo, Bulacan
kung saan sila nagkampo at doon ipinapagtuloy ang kanyang pakikipaglaban.
(Source: Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5, ph 115-116)

Gawain 1:
Panuto Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit nagkaroon ng pagpupulong ang mga katipunero sa Tejeros?
2. Anong uri ng pamahalaan ang ipapalit sa Katipunan?
3. Sino – sino ang mga nahalal na pinuno ng pamahalaan?
4. Anong kaguluhan ang naganap sa pagitan ng pangkat Magdalo at Magdiwang?
5. Sa iyong opinion, ang pagpapawalang – bisa ba ni Bonifacio sa halalan noong
Marso 1897 ay nagpapakita ng pagiging pikon niya o ng mas malalim na dahilan?
Kung ikaw ang nasa katayuan ni Bonifacio, ano sa palagay mo ang gagawin mo sa
sitwasyong iyon? Ipaliwanag.
Gawain 2:” Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari”
 Gumawa ng flow chart ng mga pangyayaring naganap sa Tejeros
Convention. Gamitin ang mga sumusunod na pangungusap. Isaayos
ito ayon sa wastong pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari upang
mabuo ang flow chart.
 Idineklara ni Andres Bonifacio na walang bisa ang resulta ng halalan.
 Nagpulong ang pangkat ng Magdalo at Magdiwang sa Tejeros San
Francisco de Malabon , sa Cavite upang itatag ang pamahalaang
Rebolusyonaryo.
 Tumutol si Daniel Tirona sa pagkahalal ni Andres Bonifacio bilang
director ng interior - Nahalal na pangulo si Emilio Aguinaldo.
 Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Tirona

Mga Pangyayaring Naganap sa Tejeros Convention


Basahin at Matuto
KASUNDUAN SA BIAK-na- BATO
Samantala, nagpalipat-lipat si Aguinaldo ng lugar matapos na matalo sa mga
labanan sa mga bayan ng Cavite tulad ng Mendez, Nuñez, Alfonso, Maragondon
Bailen, at Magallanes. Nakarating siya sa Biak-na-Bato sa San Miguel de Mayumo
Bulacan kung saan sila nagkampo at doon ipinagpatuloy ang kaniyang
pakikipaglaban.

REPUBLIKA NG BIAK-NA-BATO Pinulong ni Aguinaldo ang kanyang mga pinuno


upang bumuo ng isang Saligang Batas. Sina Isabelo Artacho at Felix Ferrer ang
sumulat ng Saligang Batas na pinagtibay noong Nobyembre 1, 1897. Pagkatapos
mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas, itinatag ang Republika ng Biak-na-
Bato. Mga nahalal na ipisyal sina Emilio Aguinaldo bilang pangulo; Mariano Trias,
pangalawang pangulo; Antonio Montenegro, kalihim ng ugnayang panlabas;
Baldomero Aguinaldo, kalihim ng pananalapi; at Emiliano Riego de Dios, kalihim
pandigma, at Isabelo Artacho, kalihim ng interior. Habang patuloy ang mga
labanan, nagpasya si Pedro Paterno, isang mestizong Pilipino, na mamagitan
upang mahinto na ang digmaan. Sa pamamagitan ni Paterno, nabuo ang
Kasunduan sa Biak-na-Bato. Lumagda sa kasunduan sina Paterno bilang kinatawan
ng mga rebolusyonaryo at si Gobernardor-Heneral Fernando Primo de Rivera
noong Nobyembre 18, Disyembre 14 at 15, 1897
Ilan sa mga probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato ang sumusunod:
1. Pagpapatigil ng mga pinunong rebolusyonaryo sa labanan at maninirahan
sila sa Hong Kong
2. Lubusang kapatawaran sa lahat ng rebolusyonaryo at pagsuko ng kanilang
mga sandata
3. Pagkakaloob ng Spain ng halagang ₱1,700,000 bilang kabayaran sa mga
rebolusyonaryo at mga pamilya nito

Pansamantalang umiral ang kapayapaan dulot ng Kasunduan sa Biak-na-Bato.


Nagtungo sa Hong Kong si Aguinaldo at ang ilang pinuno ng kilusan. Ngunit
ipinagpatuloy rin niya ang pamahalaang rebolusyonaryo. Hindi tinupad ng Spain
ang pangakong pagbabayad sa mga Pilipino ng 1,700,000 pesos. Tanging 600,00
pesos lamang ang biniyad ng Spain: 400,000 pesos kay Aguinaldo at 200,000
pesos sa mga kawal. Maraming Pilipino ang pinarusahan at walang repormang
ipinatupad sa kolonya.
Hindi rin tumupad ang mga Pilipino sa kasunduan. Inihanda ni Aguinaldo ang
salaping tinaggap para gamitin sa iba pang pakikipaglaban sa mga Español.
Maraming kawal na Pilipino ang hindi nagsuko ng kanilang mga Sandata.
Samantala, nagpatuloy ang labanan sa Zambales, Ilocos Sur, Maynila, Cebu, Bohol,
Panay, at Mindanao. Batayang Aklat: Makabayan: Kasaysayang Pilipino ph. 116-
118

Gawain 1: Tama o Mali


Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng mga pahayag.
______ 1. Ayon sa kasunduan tutungo si Aguinaldo sa Hongkong.
______ 2. Ang kasunduan sa Biak-na-Bato ang nagbigay daan sa Unang Republika
ng Pilipinas.
______ 3. Hindi nagbigay ng sapat nabayad o danyos ang mga Kastila.
______ 4. Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay nagbigay-daan sa tuluyang paghina
ng mga manghihimagsik na Filipino.
_____ 5. Layunin ng kasunduan sa Biak-na-Bato na matalo ng mga Pilipino ang
mga Kastila.

Gawain 2: “The Graphic Organizer”


1.Ibigay ang probisyon ng Kasunduan sa Biak-na Bato?
Pangwakas na Pagsubok:

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


1.Nagtagumpay ba ang Kasunduan sa Biak – na bato? Bakit?

2. Kung ikaw ay ang nasa katayuan ni Emilio Aguinaldo, tutuparin mo ba


ang inyong kasunduan? Bakit?

You might also like