Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Title: 21

By: JOSEN FABILLA

Isang bisis na nagkabanggaan


tibok ng puso'y 'di mapigilan
Mata mo sayo ako'y naaakit
Ikaw sana sa aki'y mapalapit.

Dalawang araw na ang nakalipas


Ikaw parin ang hinahanap
Nitong pusong naghahanap
Ng taong mahalin ng ganap.

Tatlong araw ikaw ay aking binalikan


Sa lugar ng ating unang banggaan
Nagbabakasakaling ikaw ay aking matagpuan
At sabihin sa iyo ang aking naramdaman.

Ngunit sa ika-apat na araw


Ikaw ay aking nakita
Sa lugar ng masagana
Na ikaw lang at ako ang nagkasama.

Kay ganda ng aking umaga


Sa limang pagkakataon ikaw ay aking nakasama
Kay saya ng aking buhay
Na bigay ni bathala sa aki'y tunay.

Oh! Panahon kong hinihintay


Ang ika-anim na araw ay nagbibigay
Ng kasagutan nitong pusong uhaw
Sa akin sanay ipapanaw.

Salamat sa'yo pitong araw ko


Nakita ko ang buhay ko
Sa lugar kung saan ang banggaan
Bumalik na ang nakaraan.

Sa walong pagkakataon
Bumabalik ang dati
Panangalin ko ito na sanay manatili
Titigan ng binata't binibini
Ang hiling ng binatang hinihingi.

Siyam na bisis akoy nag-aabang


Sa desisyon ni bathala ako'y nagbigay galang
Upang mapansin mo aking katauhan
Na sa iyo lamang ito nailaan.

Nang akoy naghingi sayo ng numero


Sampung besis na ito'y hinintay ko, sa wakas naibigay mo
Numero mo sa akin iyong ibinigay
Hanggang langit ang aking pagpupugay.

Nagsimula na sa mga mensahe


Tawag at kulitan ang mga nangyari
Hindi ako makapaniwala
Sa labing isa ko pa ito magagawa.

Nang dumating ang labing dalawang araw


Ang naramdaman ko sayo'y isinungaw
Inaaabangan ko pa ang 'yong kasagutan
Na sanay sa huli ko ito'y makakamtan
Sa wakas!
Sa Labing tatlo ang puso mo'y bumibigay
Ang aking sarili iyo ng binubuhay
Sa simula nitong yugto ng ating buhay
Idalangin ko sayo'y hindi ka mawawalay.

Nagsayawan tayo sa labing apat na pagkakataon


Nagkantahan rin tayo sa yugto ng panahon
Ngunit hindi maiwawaglit ang mga tampuhan
Awayan at selosan ang mga dahilan.

Binata't naghahanap ng paraan


Upang mabigyan na ng daan
Ang away at selosan ay wakasan
Ngunit sa labing lima ay hindi pa winakasan.

Kay sakit nitong labing anim


Hindi ko na maisasalamin
Kung hindi na niya ito tapusin
Sana ay hiwalayin.

Ngunit ang binatay nakapagtanto


Na ang kanyang pangako'y hindi mapako
Sumoong siya sa isang hidwaan
Hidwaan sa labing pitong katapusan.

Ang binata ay sadyang matapang


Pangako niya ay hindi masasayang
Lahat ng dapat ay sinusubukan
Sa labing walo niya nakakamtan.

Selos at tampuhan ay nagwakas


Ang nagdaang panahong mga bakas
Wala na sa labing siyam na panahon
Ang sakit na alaala sa limot ay binaon.

Hindi simula, hindi rin katapusan


Binata't binibini ay nagka-unawaan
Kasal ang siyang kapaksaan
Sa dalampo ang kanilang kahusgahan.

Kasayahan ng binata ay hindi mababaksa


Kasunduan ng dalawang panig ang siyang simula
Sa malaking simbahan ang kanilang pagkikita
Gaganapin sa dalawampu't isa ang pag-iisa.

THE END.

You might also like