Kasunduan Sa Pagpapaupa NG Apartment

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA NG APARTMENT

TALASTASIN NG SINUMAN:
Ang kasunduan na ito ay ginawa nina:
_____________________________, Pilipino, may sapat na gulang at naninirahan sa may
patirahang sulat sa _______________________________. Dito ay nagpapakilala ang
NAGPAPAUPA.
_____________________________, may sapat na gulang, naninirahan sa may patirahang
sulat sa _____________________________, ito ay makikilala na NANGUNGUPAHAN.
Ang salitang apartment o pintong inuupahan o inuupahan ay iisa ang ibig sabihin.
AY SUMAKSI:
1. Na ang NAGPAPAUPA ay may-ari ng isang pinto ng apartment sa _______________
samantalang ang NANGUNGUPAHAN ay nag-alok na upahan niya ang nabanggit na pinto
at ito
namay tinanggap ng una batay sa sumusunod na kundisyon.
2. Na ang kasunduan ay tatagal ng isang taon simula sa araw ng buwan ng paglipat.
3. Na ang bayad sa napagkasunduang pinto ng inuupahang apartment ay ________.
4. Ang buwanang upa ay gagawin sa pintong inuupahan at magbabayad tuwing ika ______ ng
buwanang susunod.
5. Na ang deposito sa paglipat ay halagang ___________.
6. Na kung hindi man makapagbayad sa nasabing araw ng bayaran ang
NANGUNGUPAHAN ay
puputulan ng tubig.
7. Na kung sakaling di magbayad ng upa ang NANGUNGUPAHAN sa takdang panahon ng
kasunduan o di kaya ay lumabag sa kasunduan na ito, may karapatan ang NAGPAPAUPA na
ipawalang saysay ang kasunduan na ito at hingin sa NANGUNGUPAHAN na lisanin o
iwanan ang
pintong inuupahan.
8. Na ang lahat ng pangkaraniwang reparasyon sa pintong inuupahan na ang tanging dahilan
ay ang pang araw-araw na paggamit ng NANGUNGUPAHAN ay walang karapatang singilin
sa
NAGPAPAUPA.
9. Ang deposito ay di maaaring makuha kung sakaling di sila tatagal ng isang taon
paninirahan
sa nasabing paupahan.
10. Na ang bilang ng pamilyang NANGUNGUPAHAN ay hanggang _____ lamang.
11. NA ang NANGUNGUPAHAN ay pinagbabawalang gamitin itong apartment o alin mang
bahagi na ito, ay di maaaring paupahan sa iba na walang nakasulat sa pahintulot ng
NAGPAPAUPA.
12. Na ang lahat ng kagamitang kailangan ng NANGUNGUPAHAN sa kanyang apartment ay
kanyang sariling pananagutan.
13. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi maaaring mag-alaga ng anumang hayup gaya ng
ibon,
aso, pusa, atbp. sa loob at kapaligiran ng apartment.
14. Na ang NANGUNGUPAHAN ang siyang mananagot sa pagtupad ng mga regulasyong
pinatutupad ng pamahalang local at nasyonal.
15. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi pinapayagang gamitin ang deposito sa buwanang
upa.
16. Na hindi pinapayagan ng NAGPAPAUPA na magkaroon ng bisita ang
NANGUNGUPAHAN
na hihigit sa 5 araw.
17. Na kung sakaling naisin lisanin ng NANGUNGUPAHAN ang pintong inuupahan ito ay
magbibigay ng abiso o pasabing isang buwan.
18. Kung sakaling biglaan o sa hindi inaasahang pangyayari at kailangan lisanin ng
NANGUNGUPAHAN ang pintong inuupahan, may isang taon man o wala pa ang
NANGUNGUPAHAN, siya ay walang makukuhang anuman sa NAGPAPAUPA.
19. Na kung sakaling di makabayad, ang kasangkapan o anumang kagamitan ng
NANGUNGUPAHAN ay magiging prenda sa NAGPAPAUPA.
20. Na ang NAGPAPAUPA ay may karapatang dalawin ang nasabing paupahan mula
ikawalo ng
umaga hanggang ika lima ng hapon.
21. Na kung sakaling pagkatapos ng isang taong pangungupahan ay mananatiling maayos ang
relasyon ng NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN at ipagpatuloy ang pagupa sa nasabing
pinto ang
kasunduang ito ay babaguhin batay sa kasunduan ng dalawang panig.
Sa katunayan ng lahat ng ito, ang NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN ay lumagda
ngayong ika
____________ taon _________.
_____________________________ ____________________________
NANGUNGUPAHAN NAGPAPAUPA
SINASAKSIHAN NINA:
_____________________________ _____________________________
PAGPAPATUNAY
REPUBLIKA NG PILIPINAS)
X--------------------------------X
Ngayong ika ____ ng _______________ taong kasalukuyan ay lumagda sa harap ng mga
nabanggit na tao ay ipinaalam nila sa akin na iyon ay kusang loob nilang salaysay.
Ang kasulatang ito ay dalawang pahina kasama na rin ditto ang kinalalagyang patunay at
nilagdaang ng dalawang panig gayundin ang kanilang saksi sa lahat ng pahina.
SINAKSIHAN NG AKING LAGDA AT SELYO NOTARYAL SA LUGAR AT PETSANG
BINABANGGIT SA ITAAS.
PERSONAL NA IMPORMASYON
PANGALAN: _________________________________________
TIRAHAN: _________________________________________
TELEPONO: ____________________________
KAPANGANAKAN: __________________
PANGALAN NG AMA: ___________________________________
PANGALAN NG INA: ____________________________________
HANAPBUHAY: _____________________________________
LUGAR: _____________________________
TEL: ____________________________
PANGALAN NG MGA KASAMA/ ANAK NA TITIRA:
1) _______________________________________
2) _______________________________________
3) _______________________________________
KARADAGANG IMPORMASYON:
PANGALAN: ________________________________
TIRAHAN: __________________________________
TEL: ________________________
KAUGNAYAN: ___________________

2) _______________________________________
3) _______________________________________
KARADAGANG IMPORMASYON:
PANGALAN: ________________________________
TIRAHAN: __________________________________
TEL: ________________________
KAUGNAYAN: ______________________

You might also like