Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

100 facts about Dr.

Jose Rizal

1. Ang buong pangalan niya ay “ Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
2. Pinanganak sa Calamba, Laguna
Miyerkules, Hunyo 19. 1861 ( 11:00 – 12 :00 )
3. Muntik na mamatay ang kaniyang ina sapag papanganak sa kaniya dahil sa Malaki ang kaniyang ulo.
4. Bininyagan si rizal sa Simbahang katoliko sa kanilang bayan noong hunyo 22 ( kura ng paroko na si
padre rufino collantes)
5. Ika pito si rizal sa kanilang mag kakapatid ( 12 siblings )
6. Tinawag na Memorias De Un Estudiante De Manila ( Mga alaala ng isang mag-aaral sa maynila ) ang
talambuhay ni rizal
7. Ninong “ padre pedro casanas) taga calamba
8. Ang kaniyang ina ang pumili sa unang pangalan niya “ jose”
9. Ama ni rizal ( Francisco Mercado Rizal )
10. taga Tubong biñan ang ama ni rizal
11. kapanganakan “ May 11, 1818 – ama
12. nag aral ng Latin at pilosopiya sa kolehiyo San jose sa maynila
13. Kasal ni Francisco at Teodora ‘ Hunyo 28, 1848’
14. Masipag , bihirang magsalita ngunit marami ang nagagawa , ayan ang pag lalarawan ni rizal sa kaniyang
ama
15. Namatay ang ama ni rizal “ Enero 5, 1898” sa edad 80
16. Ina Teodora Alonso Realonda Rizal
17. Kapanganakan ( November 8, 1826 ) - ina
18. Pinanganak ang kaniyang ina sa maynila
19. Nag aral si Teodora sa kolehiyo ng Santa Rosa na isang kilalang paaralan para sa kababaihan
20. Mahinhin kumilos, matatag ang kalooban, mahusay sa matematika at panitikan.
21. Namatay ang ina ni rizal “ Agosto 16, 1911” sa edad 85
22. Ang Ina ni Rizal ang una niyang naging guro noong tatlong gulang pa lamang sya
23. Ang “ mercado” ibig sabihin ay palengke
24. “Rizal” ay mula sa salitang ricial na ang ibig sabihin ay “ bukid na tinatamnan ng trigo , na inaani habang
luntip at muling tutubo”
25. Ang apelyedong rizal ay ibinigay ng isang kastilang alcalde mayor na kaibigan ng pamilya.
26. Mga pangalan ng mga anak ni Francisco at Teodora
-Saturnina “Neneng” (1850-1913)
- Paciano (1851-1930)
- Narcia “sisa” (1852-1939)
-olimpia “ypia” (1855-1887)
-Lucia (1857-1919)
-Maria “Biang” ( 1859-1945)
- jose “ moy o pepe” (1861-1896)
- Concepcion “concha” (1862-1865)
-Josefa “panggoy” (1865-1945) 80yrs old namatay nang walang asawa
-Trinidad “ Trining” (1868-1951) 83 yrs old namatay nang walang asawa
- Soledad “ choleng” ( 1870-1929).

27. kabilang sa mayayaman ang mga Rizal sa panahon ng kastila

28. nakilala ang pamilya nil bilang isang matapat at masinop sa buhay

29. Napag aral nila Francisco at Teodora ang kanilang mga anak.

30. si jose rizal ay sakitin noong bata


31. Pinag patayo ng maliit na bahay kubo si rizal upang doon siya mag laro

32. sa edad na lima ay nag simula na bumasa si rizal ng bibliya na nakasulat sa kastila

33. naging interesado si rizal sa mga alamat at kuwentong bayan

34. Nang mag kasakit at mamatay ang kapatid niya na si concha sa edad tatlong taong gulang ay labis ang
lungkot ni rizal at iyon din ang unang kalungkutan niya.

35. Unang peregrinasyon ni rizal sa antipolo at unang pag tawid sa lawa ng laguna.

36. Ipinakita ni rizal ang talento nya sa sining sa edad na 5 , sa pamamahitan ng lapit at humuhubog ng bagay na
yari sa luwad o wax

37. Nong anim na taong gulang si rizal ay pinag tatawanan sya ng mga kapatid nya dahil sa mas mahaba ang
panahon na nilalaan niya sa eskultura kaysa sa Paglalaro kayat binanggit na " Sige pagtawanan ninyo ako ng
pagtawanan ngayon balang araw kapag patay na ako ang taong bayan pa ang gagawa ng mga monumento para
sa akin."

38. Sa edad na walo na likha ni rizal ang kanyang unang tulang pinamagatang sa aking mga kababata at unang
dula na isang komedyang tagalog.

39. Hindi nawawala sa schedule niya ang pagdarasal kama pag-aaral , pagguhit at paglalaro pagkatapos ng
klase.

40. Nangunguna lagi si jose rizal pang akademiko munit may pagkakataon na siya ay mabibigyan palo dahil sa
kanyang pakikipag away hindi naman talaga siya pala away pero hindi niya tinatakbuhan ang anumang hamon.

41. Hunyo 1872 si doña teodora ay ipiniit dahil sa isang maling paratang na di umano'y pagiging bahagi niya sa
tangkang paglalasob sa kanyang hipag.

42. Nag-aral sa ateneo municipal de manila ika-10 ng hunyo 1872 jose rizal

43. Natamo ni rizal ang katibayan sa bachelor and arts na may pinakamataas na karangalan.

44. Pumasok si rizal sa medisina upang gamot nia ang naglalabong mata ng kanyang ina

45. Unang nagpatibok ng kanyang puso ay si segunda katigbak

46. Natutunan ni rizal sa murang isip na ang mga pilipino ay hindi malaya kundi kailangan nilang sumunod sa
mga kastila na kung ano ang gusto nilang ipagawa sa kanila

47. Nagturo si jose rizal noong siya ay itapon sa dapitan.

48. Si leonor rivera ang kanyang pangalawang nobya

49. Pumunta si rizal sa madrid upang mag-aral umalis siyang palihim.

50. Sa buwan ng November 3,1882 nakapag lista na si rizal sa universidad Central de madrid

52. Unang artikulo na sanaysay na isinulat niya ay pinamagatang Amor patrio ( pagmamahal sa bayan )

53. June 21 natanggap ni rizal ang lisensya niya sa medisina na ibig sabihin ay pwede sya or pinapayagan na
syang makapag pagamot ngunit hindi sya binigyan ng diploma bilang isang doktor dahil hindi sya nakapag pakita
ng tesis.

54. Natapos ni rizal ang kursong pilosopiya at letra ( june 19,1885 )

55. 12 ang naging babae ni rizal sa ibat ibang lugar , maliban pa doon ay si josephine bracken ang kaniyang
pinakasalan bago sya mamatay.
56. Natuto si rizal ng labingwalo na wika at apat na diyalekto
( tagalog,kastila,latin,griyego,ingles,pranses,aleman,arabik,malayan,ebreo,sankrito,olandes,italyano,intsik,nipong
go,portuges,russo,catalan,suwedis) diyalekto ( tagalog,ilokano,bisaya,subuanon)

57. Sa medisina o pag gagamot ay ginagamot nya ng libre ang mga mahihirap pero sinisingil nya ng bayad ang
mga mayayaman.

58. Pinag lihi si rizal kay kristo , sa kadahilanan namakadiyos ang kaniyang ina.

59. Nag sanay si rizal sa eskrima at pag baril, sa bulwagan armas nina sanz at carbonell

60. Marso,1883 sumapi si rizal sa lohiya ng masoneriya ang Acacia, sa madrid. Naging pinuno ng Mason noong
November 15,1890. Binugyan sya ng diploma bilang isang punong mason noong Pebrero 15,1892

61. Naubos ang natirang pera ni rizal , hindi na sya nag umagahan noon para makaiwas sa gastusin ( hunyo
25,1884 )

62. Noong Pebrero 21, 1887, natapos na ni Rizal ang pagsasaayos ng kanyang nobela. Naghanap sila ni Viola
ng palimbagan na may pinakamababang singil at ito ang Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft. Para sa
2,000 sipi, 300 piso ang kanilang babayaran.

63. Lumabas sa palimbagan ang Noli Me Tangere noong Mara 21, 1887.

64. Itinatag ni rizal ang La Liga Filipina ( july 3, 1892)

65. ika-7 ng Hulyo, 1892, ay nabigla na lamang siya nang siya ay ipadakip.

66. Dahil sa gawang novela ni rizal ay tinaasan presyo ng mga aklat ng 50 pesos sa bawat sipi.

67. Mahigit 1,000 na libro ang nabasa ni Rizal.

68. Noong nag-aaral si Rizal sa Europa, nagpadala siya ng sulat sa kanyang kapatid na nagsasabing kahit ang
pagligo niya ay minsan pinapasabukas nalang niya dahil mahal ang bayad dito.

69. Naging guro si Rizal sa isang eskuwelahang meron lamang 21 na estudyante. Hindi siya nagpabayad.

70. The Count Of Monte Cristo ay isa sa mga pinakapaboritong istorya ni Rizal.

71. Siya rin ang nagbayad ng P500.00 para magkailaw sa Dapitan.

72. Tinuruan din niya ang mga tao roon ng tamang paraan nang pagsasaka at pangingisda para may makunan
sila ng ikabubuhay. Tinuruan din niya ang mga tao na gumamit ng makabagong makinarya para sa bakal.

73. Noong Disyembre 11, 1896 ang mga paratang ay binasa kay Rizal at sa kanyang tapagtanggol. Siya ay
inakusahan nang: (1) Pag-aalsa; (2) Sedisyon at (3) Pagtatag ng mga ilegal na samahan.

74. Hinikayat ni Rizal ang kanyang mga kasamahan sa propaganda na tularan at yakapin ang mga idealismong
kanyang pinaniniwalaan upang itaas ang antas ng dignidad ng samahan.

75. Nasimulan ni Rizal ang isang nobela sa Espanyol tungkol sa buhay sa Pili, isang bayan sa Laguna. Hindi niya
nalagyan ito ng pamagat. Ang manuskritong ito ay hindi rin niya natapos.Mayroon itong 147 pahina (8 pulgada x
6.5 pulgada) ang natapos.Isang nobelang walang pamagat ang hindi rin natapos ni Rizal. Ito ay ay tungkol kay
Cristobal, isang mag-aaral na kababalik lamang buhat ng Europa. Binubuo ito ng 34 pahina(8 1/2 pulgada x 6 1/4
pulgada).

76. Sa dalawang kuwaderno, naumpisahang sulatin ni Rizal ang isa pang nobela. Ang unang kuwaderno ay may
31 pahina(35.5 sentimetro x 22 sentimetro). Mayroon namang 12 pahina na (22 sentimetro x 17 sentimetro).
Gumamit siya ng mga tauhang nasa langit. Inilarawan din niya ang nakalulungkot kondisyon ng Pilipinas.
77. Ang sagisag o motto ng La Liga Filipina ay "Isa'y katulad ng lahat" (Unus Instar Omnium).

78. Jose Rizal had Chinese, Spanish, and Japanese ancestors.

79. Noong Hulyo 1892, siya ay itinapon sa Dapitan. Sa kanyang pagkatapon, nagtayo siya ng isang paaralan,
isang ospital, at isang sistema ng suplay ng tubig, at nagturo at nakikibahagi sa pagsasaka at paghahalaman.

80. May iba pang di natapos na nobela si Rizal. Isa na rito ang Makamisa. Ang nobelang Tagalog na ito ay may
istilong mapanudyo. Inilalahad rito ang iba't ibang gawi ng mga tao pagkaraang idaos ang misa. Ang manuskrito
ay may 20 pahina (34.2 sentimetro x 22 sentimetro). Dalawang kabanata lamang ang natapos.

81. Sinimulan ni Rizal isulat ang nobelang El Filibusterismo sa Calamba noong Oktubre, 1887. Natapos niya ang
manuskrito nito noong Marso 29, 1891

82. Noong july 1893-1896 nag patayo ng paaralan si rizal at labing anim ang naging estudyante

83. Nakatuklas si Rizal ng mga pambihirang espesimen na kinabitan ng kanyang pangalan bilang pagkilala sa
kanya. Ang mga ito'y Draco Rizali (isang pambihirang tutubi) Apogonia Rizali (isang maliit na uwang) at
Rhacophorus Rizali (pambihirang palaka).

84. Ang pangalang Dapitan, ayon kay Rizal ay nanganga- hulugang "Tagpuan". Hango sa salitang Bisaya dapit,
nanganga. hulugang "nag-aanyaya".

85. Naglabas siya ng mga aklat at mga artikulo sa ibang bansa na tumutuligsa sa Inang Espanya pambabatikos
katolisismo at mga prayle.

86. pinalad siyang manalo sa loterya sa Maynila,Ang P6,200 na naging parte ni Rizal sa premyo ay ibinahagi niya
sa kanyang ama (P2,000), kay Mariano Basa (P200) at ang nalabi ay ibinili niya ng lupain sa Talisay, isang
kilometro mula Dapitan.

87. Pagkabigay ay ibinulong sa wikang ingles ang "There is something inside" upang hindi ito maunawaan ng
tanod. Ang sinabi niyang nasa loob ay ang sipi ng tulang Mi Ultimo Adios na ayon kay Austin Craig ay sinulat ni
Rizal noong Disyembre 12, 1896.

88.Kinabukasan Disyembre 30, 1896 sa 5:30 ng umaga, dumating si Josephine na kasama si Josefa. Hiniling ni
Rizal na ikasal sila. Sa maikling seremonya ay ikinasal ni Padre Vicente Balaquer ang dalawa.

89. Ang salitang noli me tangere ay pariralang latin na hinango ni rizal sa bibliya na ang kahulugan ay "Huwag mo
akong salingin"

90. Ang El Filibusterismo ay naglalayong ang bayan ay magising at mag-alsa at hindi ay mangarap lamang ng
pagbabago.

91. Sa Noli ay may pangarap, may ganda, may damdamin ng pag-ibig, may awa; sa Fili walang madarama kundi
ang ibayong, poot, kapaitan na tumingib sa bawat munting bahagi ng aklat na bahagi ng bawat karanasan ng
mga mahahalagang tauhan ng nobela.

92.Bilang pasasalamat kay Viola, ibinigay ni Rizal ang galley proofs ng Noli, ang panulat na ginamit niya sa Noli,
at isang komplimentaryong sipi ni Rizal.

93.kabilang sa pinadalhan niya ng sipi ng nobela ang gobernador-heneral ng Pilipinas at ang arsobispo ng
Maynila. Nang siya'y tanungin ni Viola kung bakit, ngumiti lamang si Rizal kagaya ng ngiti ni Voltaire.

94Mga Pilipino ang bumaril kay Rizal.

95. isang kabanata sa Noli Me Tangere ang nawawala. Ang kabanatang ito ay kasama sa orihinal na manuskrito
ni Rizal. Ito ay ang ELIAS AT SALOME. Dahil sa kakulangan ng pera, napilitan si Rizal na tanggalin ang
kabanatang ito sa nobela.
96.Noong ika-7:03 ng umaga, Disyembre 30, 1896 ay tapos na ang lahat Si Rizal ay pumanaw.

97."Rizal Mercado" ay galing sa side ng tatay nya ang apelyido habang "Alonso Realonda" ay galing sa side ng
mama ni Rizal.

98. Ang kanyang bangkay ay lihim na inilibing sa Paco Cemetery sa Maynila, walang pagkakakilanlan sa kanyang
puntod.

99. Si Maximo Viola na nagpahiram ng pampalimbag sa Noli Me Tangere. Kasama siya ni Rizal sa paglalakbay
sa Berlin, Germany, Austria at Switzerland noong 1887.

100. Tinagurian siyang bayani dahil sa nagawa niyang mga nobela at sa katapangan nya na ipag laban ang
kalayaan at karapatan ng pilipinas.

You might also like