Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kabilang sa mga pangunahing produksiyon ng Teatro Obrero mula noong taong 1977 hanggang

1979 ay ang mga sumusunod:


a. Emmanuel – sa panulat at direksiyon ni Lorenzo Aris Padilla – dulang panlipunan na ang
pokus ay ang ideyalistikong mag-aaral manggagawa (Emmanuel) at ang kanyang
pakikibaka laban sa mga mapang-api at mapangbusabos. Itinanghal ito sa University of
the East Auditorium noong Mayo 1, 1977 at nang malaunan ay sa iba’t ibang paktorya at
lalawigan.
b. ANG PALABAS NI SUWAN, ni Julian Cruz Balmaseda sa direksiyon ni Mag Cruz
Hatol – itinanghal din sa UE Auditorium kasabay ng dulang”Emmanuel”, ipinalabas din
ito sa Kabisayaan, Rizal Park Opera Theater, Manila Garden Hotel, Fort Bonifacio Gym,
at Insular Life Theater.
c. (k) NAGKALOKOHAN, ni Rainier A. Ibana, sa pamamahala ni Jar G. Ver – ang dulang
ito ay may iisahing yugtong komedi at tungkol sa tusong abogado na tumakas sa
pinagkakautangang Intsik ngunit bumagsak sa higit pang tusong magsasaka. Una itong
itinanghal sa Ateneo de Manila Café Theater at nagwagi ng Best Production, Best Actor,
Best Director sa 1977 Ateneo Playfest. Ang dulang ito ay ipinalabas din sa Samar, Leyte
at Batangas.
d. MALAYA ANG PARUPARO, salin sa Pilipino at direksiyon ni Mag Cruz Hatol ng
“Butterflies Are Free” ni Leonard Gershe – itinanghal ito sa Thomas Jefferson Cultural
Center noong Hunyo 18, 1977 at pagkatapos ay sa Ateneo Café Theater sa pagtataguyod
ng Ateneo Student Council.
e. AMADO MERCADO – MAGSASAKANG PILIPINO. Sa panulat at direksiyon ni Mag
Cruz Hatol – isinasalaysay ng dulang ito ang mga karanasan ng mga magsasakang
Pilipino at ang kasaysayan ng pag-aaklas at repormang pansakahan mula noong panahon
bago ang pananakop ng mga Kastila hanggang sa paglalagda ng P.D. Bilang 27
(Emancipation Act). Itinanghal din ito ng ibang sangay sa iba’t ibang katutubong wika. sa
loob ng isang taong pagtatanghal, ang dulang ito ay nakaabot sa Nueva Ecija, Quezon,
Bulacan, Bataan, Baguio, Masbate at Iloilo.
f. (g). TAG-ANI, sa panulat ni Amelia Lapena Bonifacio at sa pamamahala ni Mag Cruz
Hatol – ang dula ay tungkol sa mabirong pag-uusap ng dalawang matanda sa isang
liwasang bayan. Ito ay may anyong berso. Itinanghal ito sa Rizal Park Open Air Theater
noong Oktubre 21, 1977 at sa Nueva Ecija.
g. (h). PAMILYA DIMASUPIL, WALANG MAKAPIGIL, sa panulat ng mga miyembro
ng Teatro Obrero, sa direksiyon ni Mag Cruz Hatol – ang dulaang pangkaunlarang ito ay
tungkol sa pagpaplano ng pamilya sa pagtataguyod ng Population Information/Education
Office. Una itong itinanghal sa San Jose, Nueva Ecija noong Oktubre 23, 1977 at
naglakbay sa iba pang munisipalidad ng Bulacan, Nueva Ecija.
h. (i). ALINGASNGAS, na sinulat ng mga kasapi ng Teatro Obrero sa direksiyon ni Mag
Cruz Hatol – isang komedyang tumatalakay sa reporma sa pagsasaka, pagkontrol ng
populasyon at nutrisyon; ang dulang ito ay unang ipinalabas sa Peninsula School sa
Limay, Bataan. Nang malaunan, isinalin ito sa Kiniray-a at Ilonggo at itinanghal ng mga
sangay ng pangkat sa kani-kanilang pook. Ipinalabas din ito sa Nueva Ecija, Abra,
Bulacan, Jaro, Iloilo at San Jose, Antique.
i. (l). KAYAMANANG LUMIPAD, ni Julian Cruz Balmaseda, musika nina Honesto,
Angeles III at Seabees Combo, sa pamamahala ni Mag Cruz Hatol. – isang sarsuwela
noong 1930 na may tatluhang yugto; nagsasalaysay tungkol sa paghahanap ng isang
lalaki ng isang mapapangasawa upang makatupad sa takdang panahon nang sa ganoon ay
maging tagapagmana ng kanyang tiyuhin. Kasamang nagsiganap sa dulang ito ang ilang
artista mula sa sangay ng Tacloban, Bataan at Laguna na nakarating sa Maynila dahil sa
pakikipagtulungan ng Phil. Navy. Itinanghal ito sa UE Auditorium noong Abril 27-28,
1978 kaugnay ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Teatro Obrero.

m. KASI BABAE RAW, ni Nannette Matilac, atbp. At sa direksiyon ni Dante Ornedo – isang
satirikang dula at naglalarawan ng isang Pilipinang inabuso at binusbos ng lipunan: unang
itinanghal sa Antipolo, Rizal noong Mayo 12, 1979; ipinalabas din sa Obando, Bulacan at sa
Bangued, Abra.

n. SI MALAKAS AT SI MAGANDA – isang mima na gumagamit ng pamaraang theater in the


round; kabilang sa mga nagsiganap sa miming ito ay mga piling mag-aaral ng UST; itinanghal
ito sa Population Center noong Enero, 1980 sinaksihan ng mga nagsidalo sa Population Center
Conference on Development Theater at pagkatapos ay sa Tondo at Malolos, Bulacan.

ng. TUSO MAN ANG MATSING – isang dula na ang paksa ay tumatalakay sa repormang
pansakahan at iba pang mensaheng pangkaunlaran; nasaksihan ng may 4,550 magsasaka at may-
ari ng lupa noong Marso – Hunyo, 1980.

o. SA WARI NINYO – eksperimental na dula batay sa alienation theater – istilo ng pagtatanghal


na laging nagpapaalala na ang pinapanood ay pagtatanghal lamang; ang bangkay ay
nagsasalaysay at pagtitimbang tungkol sa mga isyu ng mga nangungupahan ng lupa at ng mga
may-ari ng lupa; itinatanghal ito kasama ng “Tuso Man Ang Matsing”.

p. DUGTUNG-DUGTONG, TULUNG-TULONG – tinatalakay ng dulang ito ang positibong


saloobin sa paggawa na itinanghal kaugnay ng pagdiriwang ng National Mental Health Week.

r. TIBAG – ang paghaharap ng krus na ginawa ni Emperatris Elena II.

s. ANG MAGSASAKA SA BAWAT PANAHON – konsepto at direksiyon ni Thelma B. Tagle


– inilarawan sa dulang dokumentaryong ito ang di-pangkaraniwang talino ng mga may
kapansanan – ang mga katangia’y ikinamamangha ng mga “normal”; handog ng Ministri ng
Repormang Pansakahan at Bangko sa Lupa ng Pilipinas at itinanghal sa Phil. Heart Center noong
Oktubre 23, 1981.

t. DITO PO SA AMIN, sa panulat at direksiyon ni Dante A. Ornedo – dulaang pangkaunlarang


nagsasalaysay tungkol sa papel na ginagampanan ng mga may kapansanan sa pagbuo ng bansa.

u. FRANCISCO, KAPATID NG SANSINUKOB – isang dulang musical na naglalarawan at


nagsasalaysay sa buhay ni St. Francis of Assissi; nalikha ang dulang ito sa pakikipagtulungan ng
Our Lady of Angels Seminary at itinanghal noong Nobyembre-Disyembre, 1981 sa Novaliches,
St. Joseph’s College, Tala Leprosarium, UE Auditorium at sa Santuario de San Antonio, sa
Forbes Park, (1982).

w. ORINOLA ni Jolan Angeles – isang satirikang panlipunan tungkol sa mga mapagkunwaring


katangian ng mga tao. Itinanghal ito sa Cavite, Bataan at Quezon.

y. ANG PAG-IBIG NI MARIO, sinulat ni Dante A. Ornedo, sa direksiyon ni Mag Cruz Hatol –
dulang katatawanan na nilikha upang mamahagi ng makabuluhang kaalaman at sa pagpatag ng
daan tungo sa ikababagong-diwa ng mga manonood tungkol sa Pag ibig Fund ng Home
Development Mutual Fund.

aa. PALUSUGAN, sa panulat ni Froilan Cruz – dulang batay sa improbisasyon at tumatalakay


tungkol sa pangangalaga ng kalusugan: ipinalabas ito sa Jaro, Iloilo at St. Nino Bacolod.

bb. HIMAGAS – dulang nagsasalaysay sa kasaysayan ng Food & Nutrition Research Institute
(FNRI) at itinanghal kaugnay sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng FNRI noong Enero 10,
1983.

kk. TITIBUK-TIBOK – dulang ekspresyunistikong umaasinta sa wastong pangangalaga ng puso


ng Phil. Heart Assoc., Inc., kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Puso (Pebrero, 1983);
ipinalabas sa Phil. Heart Center, Luneta Park at Philtrade.

dd. ANG MGA KAHINDIK-HINDIK NA PAKIKIBAKA NI JUAN TAMAD SA DAIGDIG


NG MGA MALIGNO, sa direksiyon ni Dante A. Ornedo – isang mima-maskara; tampok sa
Asian Theater Festival na ginanap noong Agosto 9-15, 1983 sa CCP.

MAG CRUZ HATOL

Isinilang noong Oktubre 20, 1955 sa Maynila, si Mag Cruz Hatol ay nagtapos ng
Bachelor of Arts in Interdisciplinary Studies (1977) at ng Master of Arts in Pilipino Literature sa
Ateneo de Manila (1976-1978).

Si Mag Cruz Hatol ay maituturing na “Jack of all Trades” dahil sa mga talentong taglay
niya sa iba’t ibang sining. Nakapag-aral siya ng Pagdidirihe at Pagsulat ng Iskrip para sa Dulang
Pantelebisyon sa ilalim ng pagtuturo ni Propesor Nicacio Cruz sa Ateneo de Manila University.
Sa larangan ng sining ng pagsasalin, nakapagsanay siya kay Rolando Tinio. Nakapagsanay din
siya ng sound-slide and live-show production mula sa Malayang Sining Group noong 1976.
Gayundin, maraming seminar-palihan ang kanyang nadaluhan sa larangan ng
Paghahanda/Paglikha ng mga produksyong pantanghalan mula 1972 hanggang 1978.

Ang mga kasanayan at kakayahang taglay ni Mag Cruz Hatol ay nagbigay-daan upang
siya ay maging director at tagapagdisenyo ng tanghalan ng di-mabilang na konsiyerto,
pagtatanghal na kultural, dulang pantanghalan, timpalak pagandahan sa pagtataguyod ng iba’t
ibang kompanya, kapisanan at pamantasan sa Metro Manila. Gayundin, madalas siyang
maanyayahan bilang tagapanayam sa mga paksang dulaang bayan at dulaang pangkaunlaran.

Noong 1975, naging production manager si Mag Cruz Hatol ng Acoustics


Cinematography, Incorporated at nang sumunod na taon ay nahirang siyang Art Director ng
Malayang Sining/The Players Group at bukod dito ay nagturo rin siya sa Communication Arts
Department ng Ateneo de Manila University at ng Maryknoll College. Naging research director
din siya ng Growth Advertising and Ideas Network noong 1977 at kaalinsabay nito ay naatasan
siyang maging Theater Director and Special Media Coordinator ng Agrarian Reform
Communications Unit ng NMPC.

Ang mga pag-aaral at pananaliksik ni Mag Cruz Hatol tungkol sa iba’t ibang paksa
simula noong dekada ’70 ay naging batayan at sanggunian ng iba pang mga pagsasaliksik.
Kabilang na sa mga pananaliksik na ito ang estetiko ng Teatrong Noh ng mga Hapon; liturhikal
na mga anyo ng dula sa Pilipinas; teorya ng “palabas sa mga dulang rural; ang tibag bilang isang
anyong liturhiko-kultural; talambuhay ni Julian Cruz Balmaceda bilang manunulat ng dula bago
sumapit ang digmaan; sarsuwela sa Pampanga at Bataan. Naging kasamaang may-akda rin siya
ng Manwal ng Dulaang Developmental na inilathala ng NMPC.

Si Mag Cruz Hatol ay isa ring mahusay na tagapagsaling-wika. Kabilang sa mga isinalin
niya sa Pilipino ay ang nobelang PLATERO Y YO ni Juan Ramon Jimenez; dulang
BUTTERFLIES ARE FREE ni Leonard Gershe; at BROTHER SUN, SISTER MOON.

Nakilala si Mag Cruz Hatol sa pagdidirihe niya ng TIBAG sa Gasan, Marinduque;


PANAGBALAY – bersiyon ng PANUNULUYAN sa wikang Kinaray-a; BINIRAYAN ng San
Jose, Antique; at ng NATUNTUNAN FESTIVAL ng Abra.

Sa larangan ng pagsulat ng iskrip ng dulang pantanghalan, kabilang sa kanyang nilikha ay


DE KUTSILYO DE ALMASEN, SA WARI NINYO, ALINGASNGAS, PAMILYA
DIMASUPIL, WALANG MAKAPIGIL, AMADO MERCADO, MAGSASAKANG PILIPINO,
MERIKRISMAN, NOEL, at SI LAGARAO AT SI DIGTALA. Ang unang apat na nabanggit ay
itinanghal at idinirihe niya sa Teatro Obrero samantalang ang huling dalawa ay isinadula ng
Tanghalang Ateneo noong 1973 at 1974.

Si Mag Cruz Hatol ay hindi lamang manunulat at tagapagsaling-wika kundi isa ring
mahusay na director ng mga dulang pantanghalan: Ilan sa mga dulang idinirihe niya ay ang mga
sumusunod: FRANCISCO, KAPATID NG SANSINUKOB, ALINGASNGAS, PATINTERO,
MALAYA ANG PARU-PARO, ANG PALABAS NI SUWAN, PAMILYA DIMASUPIL,
WALANG MAKAPIGIL, TAG-ANI, SANGKWALTANG ABAKA, SA WARI NINYO, PAG-
IBIG NI MARIO at KAYAMANANG LUMILIPAD.

Ang kaalaman at kasanayan ni Mag Cruz Hatol sa larangan ng drama at sining teatro ay
lalong naragdagan nang makatanggap siya ng mga iskolarsyip upang magmasid sa mga sentro ng
sining at pag-aralan ang iba’t ibang anyo ng mga katutubong dula ng mga bansang Thailand,
Singapore, Malaysia, Indonesia, India, Japan at Hongkong.

HARAMBEE FOLK DEVELOPMENT THEATER

Ito ay pinamamahalaan ni Prof. Cres Chan-Gonzaga sa Leyte State College, Lungsod ng


Tacloban. Ito’y itinatag noong 197. Ang mga dula nila sa wikang Waray ay ang mga sumusunod:

a. HAIN AN KTADUNGAN? (Where is Justice?)


b. SURUPATION (A Riddle) sinulat ni Pedro separa
c. HARAMBEE (Unity) sinulat ni Prof. Cres Chan-Gonzaga
d. OO, AMAY KITA, PERO? (Yes, You’re My Father, But?)
e. HAIN AN KAPAWA? (Where is the Light?)

Ang Harambee Folk Development Theater ay itinuturing na isa sa mga pangunahing


pangkat na pagpapalaganap ng dulaang pangkaunlaran (development theater) sa Kabisayaan.

Ang pagpasok ng dekadang ’80 ay nag-ibayo ang pagnanais ng pangkat na ito upang
makalikha ng mga produksiyong napapalooban ng kaisipan at kabatirang pangkaunlaran. Noong
Enero-Marso 1982, nagkaroon sila ng bagong produksiyon na pinamagatang ANG USIKAN
NGA MAGTIAYON (Ang Maaksayang Mag-asawa). Ang dulang ito ay itinanghal sa pakikipag-
ugnayan ng pangkat sa Pamahalaang Panlunsod ng Tacloban upang tumulong sa pagbibigay
kabatiran tungkol sa wastong paggamit ng mga basura at konserbasyon ng enerhiya. Itinanghal
ito sa sampung barangay sa mga sentro ng asembleya ng pamayanan.

Ang dulang pinamagatang HARAMBEE (Pagkakaisa) ay ipinalabas ng grupo noong


Mayo 18, 1982 sa Segkahan, Tacloban. Ito ay tumatalakay sa papel na ginagampanan ng mga
kababaihan sa kaunlaran ng ating bansa.

Ang pangkat, sa pamumuno ni Dr. Cres V. Chan-Gonzaga ay nagdaos ng tatlong araw na


seminar-palihan tungkol sa dulaang pangkaunlaran sa Lungsod ng Ormoc. Ang seminar palihan
na ito ay dinaluhan ng 15 katao at mula rito ay nabuo ang isa pang pangkat pandulaan na tinawag
nilang Ormoc CFM Community Theater.

Dahil sa mahaba-haba na ring pagtulong ng Harambee sa pamahalaan sa pagpapalaganap


ng mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa kaunlaran at populasyon, ang pangkat ay binigyan
ng gawad ng Population Commission Region VIII noong Abril, 1982.

Ang Harambee ay nakipag-ugnayan naman sa Bureau of Forestry noong Setyembre,


1982. Dahil dito, nalikha ang isa pang dula na pinamagatang BONING, BONING, NATUOD
KA BA? (Boning, Boning, Naniniwala Ka Ba?). Ang dulang ito ay tumatalakay sa
pagpapahalaga at konserbasyon ng ating mga kagubatan.
SHARIFF KABUNSUAN KALINANGAN ENSEMBLE (SKKE)/SINING DAYONDAY

Ang Shariff Kabunsuan Kalinangan Ensemble ay ang opsiyal na pangkat pantanghalan


ng Lupong Tagapagpaganap (LTP) ng Rehiyon XII. Adhikain ng grupong ito ang maging
‘ambassador of goodwill” ng opisina ng Tagapangulo ng LTP-XII na si Simeon A. Datumanong.
Itinatag ang SKKE upang suportahan ang ilang mga proyekto ng Unang Ginang Imelda Marcos
tulad ng preserbasyon, pagpapalaganap at pagpapahalaga ng pambansang kalinangan. Bilang
pangkat pantanghalan, nananalig ang SKKE na ang tanghalan ay isang mabisang midyum upang
mabago ang mga lumang kaisipan at paniniwala ng mga taumbayan tungkol sa mga bagay-bagay
aa may kinalaman sa kanilang pang-araw araw na kabuhayan at pakikisalamuha sa kapwa tao.

Ang ideya ng pagtatatag ng SKKE ay nagkaroon ng katuparan dahil sa pagpupunyagi ni


Ishmael G. Kamid sa tulong at suporta ng Direktor ng Regional Cultural Affairs Office na si
Abdu: T. Sampulna. Pagkatapos na pag-aralang mabuti ang mungkahing proyekto, ito ay sinang-
ayunan ni Director Mona M. Ampatuan, Direktor ng Policy Planning Services ng LTPXII. Ang
pagsasang ayong ito ang nagbigay-hudyat upang simulan nina Ishmael Kamid at Abdul
Sampulna ang pagsasanay ng mga miyembrong bubuo ng SKKE. Pagkaraan ng dalawang linggo.
35 mag aaral mula sa Notre Dame University. Philippine Harvadian College, Cotabato National
High School at Notre Dame High School ang mga napiling bumuo ng SKKE.

Ang unang produksiyon ng pangkat ay ang GUINAT:-NASS, isang sarsuwelang


nagsasalaysay ng mga isyung pambansa at lokal. Ang iskrip, disenyo ng produksiyon at
direksiyon ay nilikha ni Ishmael Kamid. Ang dulang nabanggit ay bunga ng isang linggong
pagdaraos ng taunang festival sa drama na itinaguyod ng Regional Cultural Affairs kaugnay ng
pagdiriwang ng Pamahalaang Autonomous Rehiyon XII. Ang kagandahan ng dula ay ipinaibayo
ng mahusay na musika kung kayat labis na naibigan ito ng mga manonood.

Ang tagumpay na tinamo ng GUINAT:-NASS ay nagudyok sa SKKE upang higit na


pagandahin ang mga sumunod pang produksiyon. Ang ikalawang produksiyon ay pinamagatang
MGA KWENTONG MAGUINDANAW FEATURING APO A RAGA sa panulat at direksiyon
ni Ishmael Kamid. Ang musika ng sarsuwelang ito ay nilikha rin ng direktor nito. Nabuo ang
produksiyong ito dahil sa pagtataguyod ng Ministry of Muslim Affairs. Gayundin, ang dulang ito
ay lahok sa Annual Regional Drama Festival ng Rehiyon XII. Nakamtan nito ang gawad na
"Most Outstanding Theater Group of Region XII for 1982". Ang dula ay gumamit ng pamaraang
Kambayoka. Hindi katakataka ito dahil si Ishinael Kamid ay dating miyembro ng Sining
Kambayoka.

MANG JESUS ang pamagat ng ikatlong produksiyon ng SKKE. Nasa unang bahagi ng
pagbuo ng produksiyon si Ishamel Kamid nang siya ay ipadala ni Director Abdul Sampulna sa
Metro Manila noong tag-araw ng 1982 upang dumalo sa seminar-palihan ng PETA. Subalit hindi
rin nahinto ang produksiyon dahil dumating si Marilou Rabe-Guerra, dati ring miyembro ng
Sining Kambayoka upang tuluyan nang maging staff ng SKKE. Ipinagpatuloy ni Marilou ang
pagsulat ng iskrip at pagdidirihe ng MANG JESUS na itinanghal kaugnay ng pagdiriwang ng
Mahal na Araw 1982. Ang kuwento ng dulang ito ay nilikha ni Daniel de la Cerna.
Ang sumunod na produksiyon ay pinamagatang SUBBOH, isang kontemporaryong dula
tungkol sa mga isyung lokal at inilahad nito ang ilang mga suliranin ng mga Muslim sa Cotabato.
Ang kuwento at iskrip ay sinulat ni Abdul Sampulna samantalang ang disenyo ng produksiyon at
direksiyon ay nilikha ni Marilou Rabe-Guerra.

Noong Disyembre, 1982, ang pangkat ay itinaguyod ng Regional Command XII upang
magtanghal sa mga pangunahing lungsod ng Luzon tulad ng Baguio at Dagupan. Bago pa
lamang ang grupong ito subalit marami ang humanga sa kanilang pagtatanghal lalo na sa
Lungsod ng Baguio. Ang tagumpay na tinamo ng SKKE sa paglalakbay na ito ay nabatid ng
Tagapangulo ng LTP- Rehiyon XII na si Simeon Datumanong, bagay na nagbigay-daan upang
parangalan ang may pakana ng produksiyon - si Direktor Abdul Sampulna.

Noong Marso, 1983, itinaguyod ng Regional Cultural Affairs Office ang Annual Dance
and Drama Festival. Ito ay sinalihan ng iba't ibang pangkat pandulaan sa Rehiyon XII. Ang
lupon ng inampalan sa dibisyon ng duia ay binuo nina Romeo Narvaez , Arthur Casanova at
Basilidas Pilapil Jr .. Sa okasyong ito, muli nilang ipinalabas ang SUB-BOH bilang handog
Pamahalaang sa pagdiriwang Autonomous ng Rehiyon ikaanimXII na noong anibersaryo Marso
25,ng 1983 sa Shariff Kabunsuan Cultural Center, Lungsod ng Cotabato.

Pagsapit ng tag-araw 1983 ay lubhang naging abala ang SKKE. Kasama ng SKKE ang
SINING KAMBAYOKA sa mga pagtatanghal sa mga munisipalidad ng Cotabato. Ang
kalipunan ng mga dulang nagtaglay ng mga mensaheng nagbigay-kabatiran sa mga plano at
patakaran ng pamahalaan at ang naging pokus ay kapayapaan at pagkakaisa ng mga Muslim at
Kristiyano sa Rehiyon XII.

Noong Hulyo 14-16, 1983, ang SKKE ay naanyayahan ding magtanghal ng isang kultural
na pagtatanghal na maglalarawan ng mga katutubong kaugalian at tradisyon ng mga
Maguindanawn. Ang pagtatanghal na ito ay kaugnay sa pagdaraos ng 1983 Mindanao and Sulu
Cultural Conference/ Festival na ginanap sa kampus ng Mindanao State University, Lungsod ng
Marawi.

Dahil sa inspirasyong ibinigay ni Director Abdul pulna, ang ilang paaralan at opisina ng
Autonomous ment ng Rehiyon XII ay nagsipagtatag din ng mga pangkat pandulaan. Karamihan
sa mga samahang ito ay galing sa Drama Festival na itinaguyod ng Cultural Office ng Shariff
Kabunsuan Cultural Center sa Lungsod ng Cotabato. Ang mga pangkat na ito ay ang mga
SINAG-TALA PERFORMERS ENSEMBLE ng Harvardian College; SANDAKOT ARTISTS
DULAANG KABATAANG BARANGAY; DINGANDI ng National Food Authority sa
pangangasiwa ni Edwin Balabbo; MINISTRY OF LOCAL DANCE & DRAMA GROUP; at
MINISTRY OF AFFAIRS' SINING PAKALAGYAN.

Simula noong 1983, ang SKKE ay pinalitan ng pangalan at tinawag itong Sining
Dayonday.

You might also like