Alternative Activity Quarter 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paliparan II Integrated High School

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Petsa

Magandang Araw po!


Ako po si Bb. Mary Ann Prado guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 , nais ko pong ipagbigay impormasyon na ang
mga sumusunod na gawain ay ibinahagi po sa inyo at sa inyong anak ay bilang tugon sa ilang gawain sa Una at
Ikalawang markahan na hindi naipasa o hindi nagawa ng inyong anak . Ang pagsasagot at pagpapasa po ng mga
sumusunod na gawain ay naglalayon po na makatulong sa inyong anak upang madagdagan ang mga konseptong
pangkaalaman na maari nilang matutunan sa ikalawang markahan.
Maraming Salamat po!

Mga panuntunan ng REMEDIAL ACTIVITY


1. Sagutan ito sa isang malinis na papel at LAGYAN NG PANGALAN ang inyong sagutang papel (Answer Sheets)
2. Ipasa ito sa takdang oras
3. Kung may mga katanungan maaring magchat sa inyong guro
4. May dalawang paraan ng pagpapasa
a. maaring kuhanan ng picture ang mga kasagutan at isend sa messenger
b. Maaring ipasa sa mismong araw ng retrival ng inyong mga sagutang papel
5. Kung hindi magagawa o hindi ito maipapasa sa takdang oras ay maari ito ng magresulta ng pagbagsak ng
iyong grado sa ikatlong markahan.

Lubos na gumagalang
Bb. Mary Ann V. Prado
Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9

First quarter Second Quarter

Ako si magulang/tagapangalaga ni ng
(baitang at pangkat) ay nangangakong gagabayan ang aking anak sa paggawa at pagsasagot ng
mga itinakdang “remedial activities” na siyang makatutulong upang makamit ang pasadong marka para sa
asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Nauunawaan ko po na hindi makakapasa ang aking anak sakaling hindi
niya matapos ang mga itinakdang gawan.

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 – IKAWALANG MARKAHAN

I. Panuto: Ipaliwanag ang iyong opinion ukol sa talata sa ibaba.

Ang bawat karapatan na tinatamasa ng isang tao sa lipunan at bansang kaniyang kinabibilangan ay may kaakibat
na pananagutan. Ang mga pananagutan na ito ay nagbibigay ng katiyakan na hindi aabusuhin at magkakaroon ng
limitasyon ang pagsasagawa ng mga karapatang ipinagkaloob sa bawat isa. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
mga tungkulin at gampanin ay nagkakaroon ng partisipasyon ang mga kasapi sa pagpapabuti ng kanilang lipunan.

Bakit mahalagang malaman ang kaakibat na pananagutan sa bawat tinatamasang karapatan?

Panuto: Gumawa ng isang liham o panawagan para sa mga nakatatanda sa iyo na patuloy na hindi kinikilala o hindi
ginagalang ang karapatang-pantao ng maraming Pilipino. Ang liham ay maaring makiusap sa lider ng bansa, mga
organisasyon, mga negosyante o mga indibidwal na sa tingin mo ay hindi kinikilala ng huisto ang mga karapatang
pantao. (Isulat ang iyong liham sa kahon sa ibaba)
II. Panuto: Gamit ang talaan o graphic organizer sa ibaba isulat at ipaliwanag ang mga mabubuting dulot ng
pagkakaroon at pag-iral ng batas sa ating lipunan

Panuto: Isa sa mga pangunahing gawain n gating pamahalaan ay ang paggawa at pagpapatupad ng batas na ang
layunin ay protektahan ang bawat karapatan ng bawat mamayan. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging
isang mambabatas anong batas ang iyong ipapanukala upang mas maingatan at mapahalagahan ang isang
kabataang tulad mo. Isulat ang panukalang batas para sa kabataang tulad mo at ipaliwanag ang mabuting dulot nito
(isulat ang iyong panukalang batas sa kahon sa ibaba)

III. Panuto gamit ang graphic organizer, isulat ang tamang sagot batay sa mga konseptong natutunan

Ang lahat ng uri


ng gawain ay

Ang taong may pagpapahalaga


sa paggawa ay

Ang lihim ng tagumpay


sa paggawa

Ang paggawa
isang paraan ng

Sa paggawa
umuunlad ang

1. Tanungin ang sarili.


Ano kaya ang maari kong kuning kurso sa kolehiyo na maaring maging daan sa paglilingkod, hindi lamang sa
aking sarli kundi maging sa lipunan.
2. Sumulat ng isang sanaysay ukol dito(isulat ito sa kahon sa ibaba)

-Maraming salamat-

Mangarap ka hindi lamang upang mapaunlad ang iyong sarili at ang lipunang iyong kinabibilangan.

You might also like