Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nanais-naisin Ko

Ni Mary Rose C. Motita

Pilipino ako,iyan ang lahi ko,Saan man

Makarating ,ipagmamalaki ko

Mga kaugaliang mayroon ang bayan ko

Hindngi -hindi ikahihiya ng isang tulad ko

Isa sa nais kong kaugaliang Pilipino

Ito’y hindi maitatatwa sa kahit kanino

Sa paraan ng pagtulong ay wagas

Isang patunay na bayanihan sa uso’y likas

Maging sa pakikisama ay nangunguna

Hindi ka iiwan kahit sa gitna ng sakuna

Pagdamay ay ibibigay kahit wala pang kapalit at


maging pabuya man ay iyong igiit.

Sa pagiging magiliw,hindi rin pahuhuli

Lalo’t higit sa pagtanggap ng mga panauhin

Diyan natin nakilala ang mga Pinoy

Sa mainit na pagtanggap ,hinding hindi ka itataboy

O hindi ba’t kay sarap maging Pilipino

Mga kaugalian nanais-naisin mo

Bitbitin saan man dako ng mundo

Ipakikita at ipagmamalas sa kahit kanino.

You might also like